Kung di pa siguro ako nakaramdam ng itchiness sa chest ko kaninang mga 3 am siguro, e hindi ko mapapansin yun.
Natapos din ang check up sa OB Gyne after ng ilang oras na paghihintay dahil nagkaloko-loko sa schedule.
"You have a benign tumor," sabi ng doctor.
Gusto ko na lang umiyak, pero inunahan niya ako, "Huwag kang malungkot. Hindi naman naka fix, sumusunod sa galaw nung hinawakan which means hindi cancerous. Pero wag pa rin tayong pakasiguro. Kailangan ko ng breast ultrasound mo para malaman natin kung gaano yun kalaki."
At kailangan iyong tanggalin sa magkabilang breast ko. Akala ko sa right breast ko lang. Meron pa pala sa kabila. Hindi ko pwedeng kwestyunin si Lord kung bakit nangyari ito sa akin pero I'm still praying for a positive result. Alam ko naman na hindi niya ako pababayaan.
_Pero habang kausap ko yung nanay ko kaninang umaga at sinasabi ko yung tungkol dun sa bukol na nakapa ko sa breast ko e naiiyak talaga ako.
Sobrang nag worry ako at sobrang nagulat.
No comments:
Post a Comment