No to Plagiarism!

ANYD's NOTE:

It would be very disappointing if I would learn that my works were plagiarized. The truth is I have seen my work in this certain website without even acknowledging ME as the author. Well, I guess it's okay if you would copy some of my works here, and let me know it. I included my e-mail address (ellasdm@yahoo.com) in my profile, so I'm pretty much sure that it won't hurt. Please, just please, don't own my works as if they were yours. Thanks a bunch.

Monday, April 16, 2012

Rhythm of Heartbeat (25)



***
Chapter 25
Scrapbook

     Nasa mga kamay ni Iris sa mga oras na ito ang tseke.

     “Ten million...” bulong niya habang nakatitig sa tseke. Ilang segundo pa’y inalis niya na ang mga mata niya rito at tumingin kay Millie.
     “Sinasabi ko na nga ba, katulad ka rin ni Hannah na nabibili ng pera. Nakakasilaw talaga ang malaking halaga,” isip ni Millie. “O paano, bye for now,” paalam niya kay Iris. Akmang tatayo na siya nang—
     “Sorry po,” sabi ni Iris. “Hindi ko magagawa ang gusto ninyo. Hindi ko matatanggap ang pera. I-donate ninyo na lang sa charity. Mas makakatulong pa kayo.” Tumayo na siya, ibinagsak ang tseke sa lamesa at lumabas sa restaurant. Babalik na siya sa Unibersidad.
     “Huh!” tanging nasabi ni Millie. Nanggagalaiti siya sa ginawa ni Iris.

     Sa bahay ng mga Salas. Excited na ang lahat na makita ang litratong pinaprint ni Chad. Nakapabilog sa sahig ang apat —sina Reed, Ivan, Chad at Duncan at sa gitna ng bilog ay isang scrapbook kasama ang ilang art materials.

     Ilang sandali pa’y inilabas na ni Chad ang litrato. Pagkakita roon ay naghiyawan ang apat. Pero ‘di lang pala isang litrato ang dala ni Chad kundi marami pa. Kuha ito nina Hans at Iris. Makikita sa litrato ang paglagay ni Hans ng mga order sa lamesa kasama si Iris na nakatingin sa binata. Isang daang kopya! Sinunod niya lang naman ang inutos ni Reed. Ganito rin ang nangyari kina Ellie at Ivan noon. Nakuhanan kasi ni Reed ang kissing scene nila sa Christmas Play noong pare-pareho pa silang nag-aaral sa Unibersidad at napagkatuwaan niyang ipa-recopy ng isang daan.

     Kinuha ni Reed ang scrapbook na nakalagay sa gitna, binuksan ito at nagsabing, “Ok, idikit na natin ito.” Ididikit niya ang mga litrato nina Hans at Iris sa scrapbook. Pinakiusapan niya si Ivan, “Pre, paabot nga nung glue.” Inabot naman ni Ivan ang glue.

     Inilagay ni Reed ang litrato sa bagong pahina ng scrapbook nang sitahin siya ni Ivan. “Diyan mo ilalagay? E may space pa rito,” tinuro nito ang espasyo sa naunang pahina.

     “Hindi! Pupunuin ko ‘tong page na ‘to.” Nakuha na ni Ivan ang plano niya.

     Tawa naman nang tawa sina Chad at Duncan habang pinanonood si Reed.

     “Lagot ka kay Neri pag nakita iyan!” pananakot ni Chad.
     “Oo nga, sisirain mo yung creation ni Neri,” gatong pa ni Duncan.
     “Nakaww! E wala na siyang magagawa, nakadikit na e!” ‘Di man lang nakokonsensya si Reed sa ginagawa niya.

     Habang idinidikit ang ilang kopya ng litrato, nakarinig sila ng katok sa pinto. Wala namang ibang magbubukas dahil umalis si Rita, ang ina ni Reed, kaya inutusan ni Reed si Duncan na buksan ang pinto.

     Mukha ni Lex ang bumungad kay Duncan nang buksan niya ang pinto.

     “Puwedeng pumasok?” tanong ni Lex.
     “Sure,” sagot ni Duncan. Tinawag niya ang tropa, “Mga pre, si Lex nandito!”

     Pumasok na si Lex at isinara na ni Duncan ang pinto.

     “Anong masamang hangin ang nagdala sa iyo rito?” tanong ni Reed nang makita si Lex.

     Tinabihan ni Lex si Reed at sumagot ng, “Pambili lang sana ng yosi, pogi.”

     “Mangungutang ka?”
     “Hindi. May ibebenta ako,” seryosong sagot ni Lex.

     Itinigil ni Reed ang ginagawa niya. Naging seryoso rin ang lahat at napatingin sila kay Lex.

     “O bakit?” tanong ni Lex sa kanila.

     Kung anuman ang ibebenta ni Lex, desidido silang hindi nila ito bibilhin dahil alam nilang ito ay—

     “Shabu?!” naitanong ng lahat.
     “Mga gago! Kelan pa ako naging pusher?”
     “E mukha naman,” sabi ni Reed.

     Nilabas ni Lex ang cell phone niya. Inunat niya ang braso niya habang hawak ng kamay niya ang cell phone. “O, tingnan ninyo,” sabi niya sa apat.

     “Ano ‘yan? Sex video?” tanong ni Reed. “Mas marami si Chad niyan!”
     “Oo nga!” tatawa-tawang tugon ni Chad.
     “Mga bwisit! Tingnan ninyo na lang kung ano!” iritang sabi ni Lex.

     Nagkagulo ang apat na lalaki at tiningnan ang kung anumang nais ipakita ni Lex. Nang makita na nila kung ano iyon, naghiyawan sila at parang kinikilig pa. Ang nasa cell phone ay ang kuha ng pagsubo ni Hans ng spaghetti kay Iris. Natalbugan pa ang eksenang kinuhanan ni Chad.

     “Pusang gala! Magkano?” ang unang lumabas sa bibig ni Reed.

     Itinago na ni Lex ang cell phone niya. “Two thousand!” ang presyong ibinigay ni Lex.

     “Awww…” panghihinayang ng apat.
     “O ayaw ninyo? Mura na nga ito. Tig five hundred kayo. Two-five (P2500) nga sana kung nandito si Hans. E wala, apat lang kayo.”

     May naisip bigla si Reed. “Oo nga naman, apat kami,” nakangisi niyang sinabi. Nagkatinginan silang apat. “At ikaw Lex, mag-isa ka lang,” dagdag niya.

     “Uh-oh…” na lang ang nasabi ni Lex. “Waaaa!” sigaw niya nang sunggaban siya ng apat at pilit na kinuha sa kanya ang cell phone. Nagpupumiglas siya. Hawak nina Chad at Duncan ang mga paa niya, na kay Ivan ang mga kamay niya at si Reed ang kumakapkap sa kanya. “Mga walang’ya! Rape! Rape!”
     “Haha! Walang makakaranig sa iyo rito!” tumatawang sabi ni Reed. Nakuha niya na rin ang cell phone at ipinasa ang picture sa cell phone niya gamit ang infrared. Yun lang kasi ang mayroon sa cell phone ni Lex. Buti na lang may infrared at blue tooth ang cell phone ni Reed.

     Nang makuha na nila ang gusto nila kay Lex, binitawan na nila ito.

     “Huhu! Good bye yosi...” pagluluksa ni Lex. Nagulat na lang siya nang hagisan siya ni Reed ng isang kaha na kinuha ni Reed sa malapit na drawer.

     Nasurpresa si Ivan, “Naninigarilyo ka, Reed?”

     “Hindi, dala ni Neri iyan dati. Naiwan daw ng kaibigan niya sa kotse. Pinatago rito, ‘di naman kinuha.”

     Tumayo na si Lex at inayos ang sarili. “Thanks, pogi.” Nagsindi siya ng isang sigarilyo sabay labas pero bumalik din siya. “A pogi, yung cell phone ko.”

     “Akala ko nakalimutan mo na e!” hinagis ni Reed ang cell phone. Sinalo ito ni Lex at tuluyang umalis. ‘Di niya nakalimutang isara ang pinto.

     Ipinagpatuloy na nila ang ginagawa nila. Tumulong na rin sina Ivan at Chad sa pagdidikit nang makarinig na naman sila ng katok.

     “Si Lex na naman siguro iyon,” hula ni Reed.

     Nagprisinta na si Duncan na magbukas dahil wala naman siyang ginagawa.

     “Hi!” masayang bati ni Neri nang buksan ni Duncan ang pinto. “Nasaan si Reed?” tanong niya kay Duncan.

     Kinabahan si Duncan. Narito si Neri! Ano kaya ang mangyayari pag nakita nitong binaboy ni Reed ang scrapbook niya?

     “A, sandali lang ha, Neri. Makalat pa kasi sa loob e!”
     “Ok lang, sanay na ako.” Hinawi niya si Duncan. “Wala na naman siguro si Tita Rita kaya makalat.” Hindi na rin siya napigilan ni Duncan at tuluyan na siyang nakapasok.

     Nakita ni Neri na nakasalampak sina Reed, Ivan at Chad sa sahig at nakita niyang may idinidikit sila sa scrapbook.

     “Ang tagal naman ni Duncan,” sabi ni Reed habang nakayuko at nagdidikit ng mga litrato kasama sina Ivan at Chad. “Sino kaya yung kumatok?”
     “Ewan,” sagot ng dalawa.

     At nang marinig nila ang boses ni Neri, “Hi guys!” sabi nito, ay agad na isinara ni Reed ang scrapbook.

     “Inilabas mo pala ang scrapbook ko. Anong dinidikit ninyo?” tanong niya kay Reed nang lapitan niya ito at nakiupo rin.

     Niyakap ni Reed ang scrapbook. Kahit pala sinabi niya kanina ang, “Nakaww! E wala na siyang magagawa, nakadikit na e!” ay takot pa rin siya kay Neri.

     “A e… Wala naman kaming dinidikit, Neri. Hehehe!” sagot ni Reed.
     “Hmm, ok. Tapos mo na bang tingnan? Lalagyan ko kasi ng design yung ibang page. Kukunin ko na ngayon. Ipatitingin ko na lang uli sa iyo.”

     Kinukuha na ni Neri ang scrapbook pero ayaw pa ring ibigay ni Reed.

     “Bakit ba ayaw mong ibigay?” pagtataka ni Neri.
     “A… Hehe! ‘Di ko pa kasi tapos tingnan e!”
     “Kaya nga akin na muna kasi may ididikit pa ako tapos tingnan mo na lang uli pagkatapos ko,” paliwanag ni Neri. Pero ayaw pa rin ibigay ni Reed. Nagalit na siya. “Ricardo, ano ba? Akin na!”

     Wala na ring nagawa si Reed at ibinigay niya na rin kay Neri ang scrapbook. Lagot na! Hihintayin na lang ni Reed ang paghuhusga ni Neri.

     Nang buksan ni Neri ang scrapbook, tumambad sa kanya ang pahinang pinagdikitan nina Reed. “Ricardo!!!” sigaw ni Neri.

     Napalunok si Reed. Natakot sina Ivan at Chad sa kung anumang maaaring gawin ni Neri sa kanila dahil kasama sila sa pagdidikit. Kampante naman si Duncan kasi hindi niya pinakialaman ang “Neri’s creation”.

     “Sino ang nagdikit nito?” tanong niyang parang galit. Nakuha pang magturuan nina Reed, Ivan at Chad. Pero hindi naman galit si Neri. Gusto niya lang sanang tanungin kung sino ba ang nagdikit nun kasi kulang pa ng isang litrato para mapuno na ang isang pahina. Matapos makumpleto ay umalis na siya at inuwi ang scrapbook.

     Natapos ding gawin ni Neri ang pagdidisenyo at pagdidikit ng mga ilang oras. Gabi na rin pero ‘di ito pumigil sa kanya upang puntahan si Iris sa bahay nila at ipakita ang scrapbook.

     Pagod si Iris at kauuwi lang galing sa Unibersidad. ‘Di pa rin niya maiwasang ‘di isipin ang nangyari sa pagitan nilang dalawa ni Millie. “Ten million. Layuan mo ang anak ko. Layuan mo si Hans!” patuloy niyang naririnig.

     “Iris, puwede bang ipakita mo ito kay Hans?” pakiusap ni Neri.
     “Ngayon na?” tanong ni Iris.
     “Hmm. Ikaw ang bahala. Basta ipakita mo. Tingnan mo na rin pero kailangan sabay kayong titingin.” ‘Di na rin nagtagal si Neri at umalis na siya.

     Mukhang ‘di makakatulog si Iris kapag ‘di niya sinabi kaagad kay Hans kung ano ang sinabi ng mommy nito sa kanya kaya heto, tinawagan niya si Hans. Nakita niya na lang ang sarili na kasama ang binata at hawak niya ang scrapbook. Nakasandal sila sa kotse at nasa isang tahimik na lugar. Silang dalawa lang.

     Gustong sabihin ni Iris kay Hans kung anuman ang napag-usapan nila ni Millie pero hindi ito magandang panimula kaya ipinakita niya na lang ang scrapbook kay Hans at sabay nila itong tiningnan gaya ng ibinilin ni Neri.

     Ito ang mga naipong litrato ng tropa —litrato ni Ellie, ni Neri, ni Iris, ng Rascals. Sa mga litratong ito parang buhay pa rin si Benjo. Nandito rin ang litrato ng mga magulang ni Benjo.

     Nangungusap at nagtatanong ang mga mata ni Hans nang makita ang nasabing litrato. Para kasing pamilyar sa kanya ang mukha nina Bernadette at Rico. Parang nakita niya na dati pa.

     “Mama at papa ni Benjo,” sabi ni Iris nang mapansing nakatitig nang matagal si Hans sa litrato. “Nakita mo na kung saan sila nakalibing, ‘di ba?”

     Tumango si Hans. Naging iba talaga ang pakiramdam niya nang makita ang litratong iyon.

     Nilipat na ni Iris ang pahina ng scrapbook. Mas maraming litrato ang nakita nila —mga kuha ni Ellie kasama si Benjo, mga masasayang alaalang kasama si Benjo. May litrato na rin pala si Hans dito. Oo, litrato ni Hans kasama si Iris.

     Napatili si Iris, “Eee! Ano yun?” Sinara niya bigla ang scrapbook.

     “What’s wrong?” tanong ni Hans.

     Sinilip ni Iris kung ano ba ang nakadikit sa pahina ng scrapbook, tapos ay sinara uli.

     “What’s that?” tanong muli ni Hans.

     Binuksan na ni Iris ang scrapbook. Nakita rin ni Hans kung ano ba ang nasa scrapbook.

     “What the?!” Nagulat din siya pero ilang sandali pa, ang tahimik na lugar na ito ay napuno ng halakhakan ng dalawa.
     “Ayaw raw nilang sumama pero sinundan pala tayo! Hahaha!” sabi ni Iris na tawa nang tawa.

     Nakita nila ang litratong pinagkaabalahang idikit nina Reed, Ivan at Chad. Kaya pala gustong-gustong ipakita ni Neri iyon sa kanila. Tawa nang tawa ang dalawa, parehong napahiya dahil sa ginawang pagkuha ng litrato nila na wala namang permiso. Stolen shot kumbaga. Ilang sandali pa’y tumigil si Hans sa pagtawa. Lumapit pa siya lalo kay Iris. Muntik na nga niyang maapakan ang paa nito dahil sa pag-usog niya. Tinigil ni Iris ang pagtawa niya nang mapansing kakaiba ang ikinilos ni Hans. Nagulat siya! Hahalikan na ni Hans ang mga labi niya.

***

No comments:

Post a Comment

Flying Dark Blue Butterfly
Got My Cursor @ 123Cursors.com
Cute Blue Flying Butterfly