***
RYAN: (Sobrang magtataka) Bakit kaya wala si Lena? Sabi ko pa naman, sabay kami sa tricycle at jeep.
RAN: (Sa di kalayuan ay tinuturuan si Lena na tumugtog ng gitara)
RYAN: (Makikita ang dalawa, hindi makapaniwala) Pambihira! Kaya naman pala, e! (Sasama ang loob) Ay, nakalimutan ko! Ako nga lang pala ang dakilang bestfriend niya at si Ran… siya talaga ang gusto niya! (Iiling) Nakakainis!
***
RYAN: Naghintay ako ng matagal, susurpresahin ko sana dahil birthday niya ngayon, nakaalis na pala. Kasama niya pa si Ran, tuwang-tuwa pa sila sa pagtugtog ng gitara.
NIKE: Ganun kalupit? Baka naman nakaalis na sila bago ka pa dumating.
RYAN: Ay! Hayaan mo na nga! Ayos lang!
NIKE: Hindi oki doks iyon, no! E alam ba naman niyang ikaw yung taong naghihintay sa kanya?
RYAN: Sabi ko last year, sa birthday niya, susurpresahin ko siya. Sinabi ko rin na aabangan ko siya sa tapat ng bahay nila.
NIKE: Edi hindi na rin surprise, sinabi mo na, e!
RYAN: (Mapapakamot ng ulo) Ay! Oo nga, ano! Bakit ba ang tanga ko?
NIKE: Baka naman nakalimutan niyang birthday niya?
SA SILID-ARALAN NG SEKSYON 1… ORAS NG KLASE… Naputol ito dahil biglang sumulpot si Ryan…
RYAN: (Dala ang isang maliit na regalo, hihingi ng paumanhin) Excuse me po, Ms. Laxa, pwede po ba kay…
JANE: (Sisingit) Kay Jane? Pwedeng pwede! O, may regalo ka pa! Para sa akin ba iyan?
RYAN: Uh…
MAI: (Tutulakin bahagya si Jane) Baka para sa akin.
RYAN: Naku…
JANE: (Haharap kay Mai) Ang kapal ha! Mangarap ka ng gising! (Magtatanong kay Ryan) Para sa akin iyan, hindi ba Ryan?
RYAN: (Magtataas ng boses) HINDI!
MAI: (Pagtatawanan si Jane)
BB. LAXA: (Sasawayin sina Mai at Jane) Kayong dalawa, tumigil na kayo riyan!
MAI at JANE: (Asar na asar, uupo)
RYAN: Para po ito kay Lena. Birthday niya po kasi.
BB. LAXA: (Tatanungin si Lena) Lena birthday mo?
LENA: (Magtataka) Birthday ko? Ewan ko!
RYAN: (Lalapit kay Lena) Ano ka ba! Birthday mo ngayon! (Ibibigay ang regalo)
KLASE: (Magtatawanan)
LENA: (Titingnan ang nakadikit na birthday card) ‘Happy 16th Birthday!’ Ay! Oo nga, nakalimutan ko!
KLASE: (Magtatawanan uli)
BB. LAXA: Class, birthday pala ni Lena, e! Sige, kantahan natin siya. Mr. Arnaiz, ikaw ang mamuno sa kanta.
RAN: (Tatayo, kukunin ang gitara at kakantahan si Lena)
KLASE: (Kakanta rin)
RAN: (Pag natapos ang kanta, hahalikan si Lena sa pisngi) Happy birthday… Lena.
(Sandaling katahimikan)
LENA: (Mamumula sobra ang mukha) Sa… sa… salamat…
KLASE: (Magwawala)
RYAN: (Mabigat ang loob, lalabas)
***
RYAN: Nakakainis! Ahh! Naiinis ako!
TWEETY: Anong drama mo?
RYAN: Biro mo, hinalikan ni Ran si Lena!
TWEETY: (Gulat na gulat) Talaga? Saan?
RYAN: Sa pisngi!
TWEETY: Ito naman, sa pisngi lang pala. Bakit selos na selos ka riyan?
RYAN: (Magmamatigas) Ako nagseselos? Huh! (Malulungkot, bubulong) Tama, nagseselos nga ako…
SA BENCH…
LENA: Hi Ryan! Thank you sa regalo, ha! (Lilinga-linga) Hmm… May practice ba kayo ngayon?
RYAN: Wala.
LENA: Buti naman!
RYAN: Bakit? Napapagod ka na kakanood? Edi huwag ka nang manood.
LENA: Hindi! Yayayain ko sana kayo ni Tweety, punta tayo sa bahay para mag celebrate.
RYAN: Ayaw ko nga!
LENA: Ayaw mo? Sige ka, si Ran na lang ang yayayain ko.
RYAN: Nananakot ka pa! Edi yayain mo kung gusto mo, wala akong pakialam. (Padabog na aalis)
LENA: Hay! Ano ba ang problema niya?
TAPOS NA ANG PAGDIRIWANG…
LENA: (Bubuksan ang regalong binigay ni Ryan) Kwintas? Ang ganda naman nito! Saan naman kaya nakuha ni Ryan ang pambili rito?
LARA: (Papasok sa eksena) O, wow! Ang ganda naman niyan! Sinong nagbigay?
LENA: Si Ryan.
LARA: Galante siya, ha! Siyanga pala, kilala mo na ba kung sino yung tumawag sa iyo?
LENA: Ate, alam mo, malakas talaga ang kutob kong si Ran iyon! Feel ko talaga siya iyon.
LARA: Bakit ka naman niya tatawagan? Alam niya ba ang telephone number natin?
LENA: Malay mo! At saka, sabay kaming pumasok sa school! Edi ba, sabi nung tumawag sa akin, sabay daw kaming sumakay ng tricycle at jeep? A basta, siya iyon!
LARA: Sure ka na ba?
LENA: Sure na!
LARA: Sige na, tama na, wala tayo sa Game KNB!
PAGKALIPAS NG ILANG ARAW…
RYAN: (Nakaupo sa bench, pagod)
LENA: Ryan, mas lalo kang gumaling ngayon, ha!
RYAN: Salamat sa plastic na papuri.
LENA: Ano?!
RYAN: Bingi ka?
LENA: Ano bang problema mo?
RYAN: Wala! (Iiwas)
LENA: Anong wala? Alam mo, nitong mga nagdaang araw, hindi mo na ako kinakausap.
RYAN: (Galit) Sa palagay mo ba may oras pa akong kausapin ka? Intindihin mo na lang sana ako, kailangan kong mag-ensayo. Gusto kong ako ang tanghaling pinaka magaling na player sa Championship.
LENA: Alam ko namang pangarap mo iyan! Sige, ito o! (Isasauli ang kwintas)
RYAN: Ano iyan? Bakit mo isinasauli yung kwintas na ibinigay ko?
LENA: Hindi ko matatanggap iyan.
RYAN: (Tatayo) Ano ba ang problema mo?
LENA: Ikaw ang problema ko! Ayusin mo naman ang pakikipag-usap mo sa akin. Hindi ka naman ganyan dati.
RYAN: O sige, aayusin ko. (Malumanay) Ano-ang-problema-mo? Bakit-isinasauli-mo-sa-akin-yung-kw intas-na-ibinigay-ko?
LENA: Ayaw ko nang tumanggap ng mga bagay na mula sa iyo. Isinasauli ko na ito! (Ibubuka ang palad ni Ryan, ilalagay ang kwintas)
RYAN: (Ibabalik ang kwintas)
LENA: Bakit ba ibinabalik mo pa? Ibinibigay ko na nga, di ba?
RYAN: Ibinabalik ko dahil ayaw ko ring tumanggap… ng mga bagay na mula sa iyo! (Aalis)
RAN: (Biglang papasok)
LENA: (Iiyak) Bakit siya ganoon, Ran? Bakit?
RAN: (Dadamayan at yayakapin si Lena)
***
LENA: Nagtataka lang ako kung bakit naging ganoon na si Ryan sa akin. Siguro, kaya siya nagiging malamig sa akin kasi wala naman akong silbi.
RAN: Hindi totoo iyan! Alam mo bang isa ka sa mga taong nagmamalasakit sa akin? Kaya huwag mong sasabihing wala kang silbi. Lena, alam kong hindi ka matitiis nun. Ikaw pa! Ikaw ang kanyang matalik na kaibigan!
LENA: (Malulungkot) Oo, tama ka… ako… ang kanyang… matalik na kaibigan…
RAN: Huwag kang mag-alala, nandito lang naman ako. Dito lang ako palagi sa tabi mo.
LENA: (Ngingiti)
***
MILLIE: Ryan!
RYAN: Uh, ikaw pala.
MILLIE: (Titingin sa paligid) Nasaan si Lena?
RYAN: Ewan ko!
MILLIE: (Tatabihan si Ryan) Bakit ewan mo? Hindi ba, kayo palagi ang magkasama?
RYAN: Dati iyon. Ngayon, hindi na. Palagi niya na kasing kasama iyang si Ran.
MILLIE: Naiinis ka ba dahil doon?
RYAN: Naiinis? Huh! Masaya nga ako para sa kanya. Dahil natupad na ang pangarap niya ―Ang pangarap na makasama si Ran!
MILLIE: Kung ganoon, dapat mo na rin sigurong simulan tuparin ang mga pangarap mo.
RYAN: Dalawa lang naman ang pangarap ko. Ang una, ang maging magaling na basketbolista at ang pangalawa, ang makasama si Lena!
MILLIE: Si Lena?!
RYAN: Oo Millie, siya nga. Kaso, si Ran ang gusto niya! Sa tingin ko, si Ran, gusto niya rin si Lena. Hindi ko na muna kakausapin si Lena. Hahayaan ko munang maging maligaya siya sa piling ni Ran. Syempre, kapag wala ako sa eksena, mas may pagkakataon silang magkasama. Saka nahihiya na ako kapag naiisip kong may gusto ako sa kanya.
MILLIE: Kung gayon, tinatanggap mo nang talo ka?
RYAN: Matagal ko nang natanggap na talo ako riyan kay Ran. Matagal na.
MILLIE: Pero, paano kung hindi gusto ni Ran si Lena?
RYAN: Edi mas maganda. Pero, hindi rin. Malulungkot ako para kay Lena kapag ganoon.
MILLIE: (Mag-iisip) Kung alam mo lang talaga Ryan kung sino ang gusto ni Ran…
***
No comments:
Post a Comment