No to Plagiarism!

ANYD's NOTE:

It would be very disappointing if I would learn that my works were plagiarized. The truth is I have seen my work in this certain website without even acknowledging ME as the author. Well, I guess it's okay if you would copy some of my works here, and let me know it. I included my e-mail address (ellasdm@yahoo.com) in my profile, so I'm pretty much sure that it won't hurt. Please, just please, don't own my works as if they were yours. Thanks a bunch.

Saturday, December 11, 2010

Unprofessional Regulation Commission?!

Iba-iba talaga ang ugali ng tao.


Nagpunta ako kanina sa PRC (may kasama ako… pero di na pinapasok kasi bawal daw ang bodyguard). Nagpunta ako roon para mag-file ng para sa lisensya at para bumili ng ticket sa Panunumpa namin. Sa pagpunta ko roon ay na-disappoint ako dun sa isang babae sa huling window na pinilahan ko kasi sinabihan niya ako ng hindi maganda.

Ok naman ang IBANG mga tao roon sa PRC. Nung nagpa-metered stamp ako, maayos naman akong kinausap ng tao roon. Nagtanong ako, sinagot nang maayos. Sabi niya punta raw ako sa third floor at doon i-forward yung form na hawak ko. Umakyat ako sa third floor. Tapos yung sa pagbili ng ticket para sa Oath Taking mahusay din naman makipag-usap yung tao roon. Doon sa unang window na pinuntahan ko, ok din naman. Ang bait nga e. Sa cashier, ayun, ang bagal niya mag-type kasi nakikipag-chikahan pa siya doon sa isa pang cashier. May napuna pa akong babae roon na employee rin na kung makatawa e ang lakas-lakas, akala mo walang ibang tao.

At eto na nga ang huling window. May pila, syempre. Naghintay ako. Tapos… ako na yung kasunod na ie-entertain sa window na iyon nang maalala kong halungkatin ang gamit ko at doon ko napansing wala pala akong dalang one by one picture na kailangan doon sa window na yun. Hindi ko alam ang dapat kong gawin kaya nung ako na ang naroon sa window e tinanong ko ang babae.

ANYD: Miss, pwede ho ba ipafollow-up na lang yung picture? Wala kasi akong picture e, naiwanan ko.
BABAE: Hindi pwede! Ipapaliwanag ko sa iyo ha (blah blah blah)
ANYD: A ganun ho ba? E pupwede ho bang bumalik na lang sa ibang araw?
BABAE: Bumalik ka! Pero pumila ka uli dito. (Tinuro ang kabilang window, yung unang window na dapat puntahan)
ANYD: A o sige po.
BABAE: E bakit hindi ka na lang magpapicture uli? Bakit, wala ka bang pera?

Doon nagpantig yung tainga ko.

Mula nang magtanong ako sa kanya, kakaiba na yung tono ng pakikipag-usap niya sa akin. Kaya medyo nainis na ako. Lalo pa nung sinabi niya yung, Bakit, wala ka bang pera? Kaya sinagot ko siya ng…

ANYD: Wala.

At mas lalo akong nainis nang magtanong ako uli at sinagot niya ako ng mga salitang di maganda at nabastusan ako.

ANYD: E tanong ko lang po kung bukas po ba ang PRC ng Sabado?
BABAE: Hello?!! Government kaya toh noh!

Sige na, sabihin na nating ako itong walang alam. Kaya nga ako nagtanong. Ang ikinainis ko lang e bakit kailangan niya akong sagutin ng ganun, bakit kailangan niyang magsabi ng “HELLO?!” e maayos naman ang pagtatanong ko kahit na sa loob ko e hindi ko na nagugustuhan yung tono niya.

Umalis ako, lumabas ako para puntahan yung kasama ko (si Kenshin) kasi di ko talaga alam gagawin ko. Ilang minute kaming tuliro. At yun nagpa-picture ako ng one by one sa labas. Bumalik ako sa PRC. Pagbalik ko ay pumila ako uli doon sa huling window. Yung babae pa ring yun ang naka-tao roon pero noong malapit na ako e pinalitan na yung tao. Boyish na ang nandoon. Si babaeng bastos e binuksan ang kabilang window, lumipat. At hindi lang ako ang nakatikim ng panunungit niya. Nung nagsusulat na ako ng dapat na i-accomplish doon sa window na iyon e narinig kong inaaway niya yung isa rin na nagfa-file. Mukhang may mali sa sinulat. Ayun, nagtalo sila roon.

Nainis ako sa babaeng iyon. Ang tanong ko… bakit siya ganoon? Ganun ba talaga yung ibang mga government employee? Kailangan pag magtanong ka, masungit? Kailangan pag magtanong ka, babastusin ka? Kailangan pag may naisulat kang mali sa form e maiinis sa iyo? Oo, naiinis siya. Kasi narinig ko siyang nagsabi ng “Hay naku! Sige na nga! Ipagpatuloy mo na iyan! Sinulat mo na e!” doon sa isang babaeng nag-file.

Hindi lang naman siya yung naobserbahan kong ganoon (pero siya yung tumatak sa akin) kasi pati yung nagpapaayos ng pila e naninigaw rin at naiirita.

To think of… Professional Teachers ang mga nagfa-file doon sa third floor na iyon. Bakit ganoon? Akala ko ba e PRC… Professional Regulation Commission? E bakit yung ibang empleyado roon parang hindi naman professional? Naisip ko lang… bakit kailangan nila kaming sigawan at sungitan? Nagtatanong kami nang maayos.

Kinuwento ko sa kaibigan ko ang naranasan ko.

FRIEND: Sinabihan ka ng ganun? Pa hello hello pa! Purkit kailangan sila ng tao, nagmamaganda sila!

Tama. Tama nga siguro si friend sa sinabi niya.

2 comments:

Flying Dark Blue Butterfly
Got My Cursor @ 123Cursors.com
Cute Blue Flying Butterfly