No to Plagiarism!

ANYD's NOTE:

It would be very disappointing if I would learn that my works were plagiarized. The truth is I have seen my work in this certain website without even acknowledging ME as the author. Well, I guess it's okay if you would copy some of my works here, and let me know it. I included my e-mail address (ellasdm@yahoo.com) in my profile, so I'm pretty much sure that it won't hurt. Please, just please, don't own my works as if they were yours. Thanks a bunch.

Tuesday, December 7, 2010

Prom Night (part 2)

Prom Night: Part 1


Ang Nakaraang Tagpo:

Ni-lead kami ni Maia sa sasakyan na gagamitin papunta ng eskwelahan. Nang makita ko ang sasakyan, parang mas gusto kong mag-commute na lang. Sino ba namang pupunta sa JS ang gaganahang sumakay sa funeral limousine na may tarpaulin pang "Funeraria Paz" na nakasabit sa harap?

"Ay bading! May tarp pa. Paki go away naman itetch," pakiusap ni tatay kay Maia nang mapansin ang tarpaulin.
"Keri na yan, bading, i-advertise nyo naman yung business namin!" tugon ni Maia. Pumayag na rin si tatay na huwag tanggalin yun kasi may utang na loob siya kay Maia.
"Tay ayokong sumakay riyan!" mangiyak-ngiyak ko na namang sinabi.
"Quiet ka na lang diyan at kukurutin ko yang singit mo!" Pinanlakihan ako ni tatay ng mata. Napilitan tuloy akong sumakay.

Hindi na sumama sa amin si Maia at nag-flying kiss pa nang umandar na ang limousine.



ooo


Mega bagal ang andar ng limousine with matching sounds pa ng "Hindi Kita Malilimutan" na theme song pa yata ng lolo kong namatay.

"Tay, wala na po bang babagal dito?" tanong ko kay tatay bunga ng pagkainip.

Sumagot naman siya ng, "Wiz na! Itetch na pinaka slow motion. Choosy?!" sabay irap sa akin.

Tumingin na lang ako sa view sa labas ng bintana ng sasakyan at nagbilang kung ilan sa mga taong naglalakad ang mauuna pa sa amin. Pinangaralan pa ako ni tatay ng, "Patience is the best policy."

Nakarating din naman kami sa campus nang matiwasay. Mga thirty minutes akong late sa nakatakdang oras pero for sure namang may mas late pa sa akin. Hiyang-hiya ako nang bumaba ako sa limousine. Inalalayan pa ako ni tatay palabas.

"Ops, ops! Dadaan ang reyna! Dadaan ang reyna!" sabi ni tatay habang pinapaalis ang mga tao para makadaan ako. Isang school mate kong babae ang umepal at nagsabing, "Sasayaw ng chacha. Sasayaw ng chacha." Nasabunutan iyon ni tatay. May isa pa ring inaway si tatay dahil nakaharang sa daan. Yung isa naman inambahan niya pa ng palo. Nagbanta pa siya nang, "Wag kayong haharang-harang kung ayaw ninyong ma-boogie man!" Nahiya tuloy ako lalo.

Nakayuko ako nang lumabas, pero mabilis na hinawakan ni tatay ang baba ko at itinaas ang mukha ko, "Chin Chin Gutierrez naman, nak! Ganda-ganda e!"

"Sakit, tay, ha!" angal ko.

Doon ko napansing ang daming nakatingin sa akin kaya na-conscious ako lalo. Siguro ay pinagtatawanan na ako ng mga nakakakita sa akin ngayon. Alam kong iniisip nilang pangit ako. Alam kong gaya ng minake-up-an ni Maia, ay mukha rin akong patay. Alam kong sa suot ko pa lang, ang kulang na lang ay kabaong. Waaa! Ayoko na!

"Ay nak, teka lang ha," paumanhin ni tatay tapos ay pumunta siya sa kung saan.

Naglakad ako at pumuwesto sa isang tabi. Nakayuko lang ako. Pinakikiramdaman ko lang ang pagdaan ng mga schoolmate ko. Nag-alala-alala pa ako kanina dahil alam ko nang male-late ako kasi ang bagal ng andar ng limousine tapos marami naman pala ang nagpa-VIP. Sabi ko na nga ba ganito ang mangyayari.

Maya-maya'y narinig ko na ang boses ni tatay, "Jackie?" Hinahanap niya ako. "Tay!" tawag ko sa kanya, at nahanap niya ako. May ikinabit siya sa aking tatlong maliliit na telang pula at nilagyan niya iyon ng aspile.

"Ano po ito?" tanong ko kay tatay.
"Bubang! Di mo knowing itetch? Red carpet na maliliit."
"Para saan po ito?"

Naging malumanay ang boses ni tatay at nagpa-sweet, "E wala naman kasi tayong camera kaya ayan," ngumuso siya, "magpa-shot ka na lang sa photographer para may remembrance."

Gusto kong umiyak dahil sa sinabi ni tatay sa akin. "Tay naman..." sabi ko. "Mahal yata itong ganito."

"Naku ha! E shinow-show ko lang yung legs ko binigyan na ako ng ganyan," sabi ni tatay. "Sige na, gora na at baka hindi mo na maka-dance si Renzo," tukso pa ni tatay.
"Tatay talaga... Isang shot muna sa atin, tay, bago ako pumasok," pakiusap ko kay tatay tapos ay umalis na naman siya para tawagin ang photographer. Mas excited pa nga siya kaysa sa akin pagbalik niya.
"Kailangan maganda ako riyan ha!" sabi pa niya sa photographer.

At yun... nilitratuhan kami. Papasok na sana ako pero pinigilan ako ni tatay para habilinan. Sinabi niyang susunduin niya ako ng alas-dose ng hatinggabi dahil yun ang oras ng tapos ng JS. Pinabaunan niya pa ako ng isang kit. May kalakihan. Mukhang maraming laman.

"Ano po ito?" tanong ko kay tatay.
"Hmm... Para sa... pang retouch? Pabaon ni Maia."

Tiningnan ko ang laman ng kit. Mayroong bagong make-up, naka-sealed pa, as in hindi pa nagagalaw, at may lamang kung anu-anong pampaganda. Sosyal! Mayroon ding CD ng "Do it your own!!! Make up tutorial!!!" (Ayaw sa exclamation point.) Mukhang nagtuturo kung paano mag make-up ng patay. Yay! Isinara ko na ang kit at pumasok na nang tuluyan.

Pagpasok ko, nagdire-diretso ako ng lakad. Hindi ko pinansin ang mga nadaanan ko at nahuling nagbubulungan. Hinanap ko ang mga kaibigan ko at nang makita ko sila ay tinawag ko sila.

...ITUTULOY...
(dahil tinamad na ako mag-type)

No comments:

Post a Comment

Flying Dark Blue Butterfly
Got My Cursor @ 123Cursors.com
Cute Blue Flying Butterfly