No to Plagiarism!

ANYD's NOTE:

It would be very disappointing if I would learn that my works were plagiarized. The truth is I have seen my work in this certain website without even acknowledging ME as the author. Well, I guess it's okay if you would copy some of my works here, and let me know it. I included my e-mail address (ellasdm@yahoo.com) in my profile, so I'm pretty much sure that it won't hurt. Please, just please, don't own my works as if they were yours. Thanks a bunch.

Monday, March 29, 2010

Takot Na Akong Matulog

Tatlong beses nang nangyari sa'kin ito ngayon. Nakakatakot. Hindi ko naman sinasabing basahin mo ito, pero kung gagawin mo, babala na rin ito baka kasi mangyari rin ito sa iyo, o baka nga naranasan mo na.

Alam mo ba yung ganitong pakiramdam? Ang sarap ng tulog mo pero sa isang iglap nakaramdam ka ng uneasiness. Gusto mong gumising pero magugulat ka na lang kasi ayaw makisama ng katawan mo. Pinipilit mong dumilat pero hindi mo kaya, kasi sa tuwing ididilat mo yung mga mata mo, bumabalik yun sa pagkakapikit. Gusto mong gumalaw pero hindi mo kaya, na pakiramdam mo may pumipigil sa iyo, na gustong-gusto mong gumalaw kaso wala, ayaw talaga. Na unti-unting bumabagal yung paghinga mo pero wala kang magawa kundi ang makiramdam, na kahit anong pilit mong gising, ayaw pa rin. Gusto mong sumigaw pero kahit sarili mo hindi mo marinig. Na sinasabi mo na lang sa utak mo sana may pumasok sa kwarto para gisingin ka. Na sana gumalaw ka, na sana dumilat ka na, na sana makahinga kasi alam mong pag hindi mo nalabanan mamamatay ka.

Una. Magkalapit lang ang kwarto ng nanay ko saka ang kwarto ko. Sa kwarto ni mama natutulog yung dalawa kong nakababatang kapatid. Mag-isa lang ako sa kwarto. Pati kuya ko may sariling kwarto. Hindi ko na matandaan kung kelan, pero hanggang ngayon hindi ko pa rin makalimutan yung pakiramdam na yun.

Hapon yun, mag-isa akong natutulog sa kwarto nang bigla kong marinig yung boses ng kapatid kong babae. "Ate, ate," sabi niya. Nagising ang diwa ko kasi ang pagkakaalam ko ay tinatawag niya ako. Baka may kailangan siya kaya ang initial reaction doon ay pagbuksan siya ng pinto, nakagawian ko na ang mag-lock ng pinto, pero... noong gigising na ako, ayaw dumilat ng mata ko, ayaw kumilos ng katawan ko, at ramdam ko ang pagbagal ng paghinga ko. Siguro binabangungot na ako, kung yun nga talaga iyon. Hindi ko nagustuhan ang ganoong pakiramdam. Pinilit kong makawala. Nang makakilos ako, binuksan ko ang pinto. Wala namang tao.

Pangalawa. Hapon yun. Tandang-tanda ko pa, March 20 yun. Mga alas tres siguro natulog ako. Ilang oras na ang nakalilipas nang ihatid ko ang mga kaibigan ko. Galing kasi kami ng Graduation Ball noong March 19 at sa bahay sila natulog.

Natulog ako sa kwarto nina mama, nakabukas ang aircon. Kasama ko rin si mama sa kwarto. Nasa kaliwa si mama, katabi niya ako. Noong una ok pa ang tulog ko tapos nakaramdam ako ng uneasiness, parang di ako mapakali, kaya nagising ako. Nung nag-try ako matulog uli, dun na nag-umpisa. Kahit anong dilat ang gawin ko, pilit pa ring pumipikit ng mga mata ko. Hindi makakilos, mabagal na paghinga, ayun na naman ang mga senyales. Sandali lang ang itinagal nun. Nang magising ako, sinabihan ko si mama na binabangungot ako.

"Magdasal ka," sabi niya pero hindi ako nakinig. Katoliko ako pero hindi kasi ako pala-dasal. Lumipat ako ng pwesto. Sa pinto kasi nakatapat yung mga paa ko, e ang sabi-sabi, masama raw matulog nang nakatapat ang paa sa pinto. Naisip kong baka pag lumipat ko maging ok na. Ako na ang nasa kaliwa at si mama ang nasa kanan ko.

Nang makatulog ako uli, pag pikit ko, nakakita ako ng mga taong hindi ko kilala. Tinandaan ko talaga, isang lalaki at tatlong babae, at sabi ng utak ko yung dalawang babae dun ay kambal. Sunod, narinig ko yung boses ng kapatid kong lalaki, yung bunso namin, sabi niya, "Anong nangyari?" Sunod, narinig kong tinatawag niya si mama, "Ma!" sabi niya. Pinilit kong gumising pero ayun na naman. Ganoon pa ring pakiramdam ang naramdaman ko. Nang makawala ako, nagdesisyon akong hindi na talaga ako matutulog. Sabi ni mama gawa raw yun ng pagod kasi ilang araw na rin kaming puyat.

Ilang oras makalipas, lumipat ako ng kwarto. Mga alas singko siguro. Doon na ako sa kwarto ko. May ka-text pa ako noon e. Pilit kong inaaliw yung sarili ko kasi baka makatulog na naman ako. Sa kasamaang palad nakatulog na naman ako at ang pinakamasama doon, nakarinig na naman ako ng boses. Nakarinig ako ng tawang demonyo, pakiramdam ko ang lapit-lapit niya kasi dinig na dinig ng tainga ko, na parang sa tainga ko mismo siya tumatawa. Pinilit kong gumising pero ayun na naman yung pakiramdam. Nag-struggle na naman ako sa paglaban hanggang sa magising ako. Nagmadali akong lumabas sa kwarto. Ang dilim pa naman. Pinuntahan ko si mama. Umiiyak na nga ako kasi hindi talaga ako makatulog, at ayoko na talagang matulog, kasi everytime na matutulog ako lagi na lang akong binabangungot.

"Magdasal ka," sabi niya na naman. Sinunod ko na siya. Sa isip-isip ko, gusto kong i-text yung kaibigan kong madre and surprisingly, bigla siyang nag-text. Sabi ko, "Sister, I'm afraid." I consulted her, then sabi niya bangungot yun. Magdasal lang ako. Sabi niya traydor ang death, hindi natin alam kung kailan aatake. Sabi ko sa kanya nagdasal na ako. After ng conversation namin (at after ako i-comfort ng isang taong napakahalaga para sa akin) e nakatulog na ako. Ok naman ang tulog ko. Doon ko napatunayang napaka-powerful pala talaga ng prayer.

Pangatlo. Nitong hapon lang, sinubukan kong matulog kasi ang sama ng pakiramdam ko. Noong umaga pa ako nahihilo. Sabi ni mama doon ako sa kwarto nila matulog at buksan ko yung aircon. Kasama ko pa si mama saka yung kapatid kong babae. Katutulog ko lang ng alas-kwatro. Isang oras pa lang ang nakalilipas nang maalimpungatan ako kasi may naririnig akong boses at pakiramdam ko may tumatakbo sa loob ng kwarto. Gumising ako pero shit! Ayan na naman, nag-start na naman akong bangungutin. Ang masama nun pag dilat ko, nakita kong walang ibang tao sa kwarto. Naiwan na pala ako mag-isa. Pilit na bumalik sa pagkakapikit yung mata ko. Na kahit anong dilat ang gawin ko, bumabalik pa rin. Isip ako ng isip, "Gumising ka na. Gumising ka na." Sinubukan kong galawin yung daliri ko, baka pag nagalaw ko yun, magising na ako. Ang hirap, ang hirap talaga galawin. Tumigil ako at nakiramdam. May pumasok sa kwarto. Nag-struggle na naman ako sa paggising. Sinubukan kong sumigaw, sinubukan kong gumalaw. Ilang saglit pa, nagising na lang ako. Pakiramdam ko nakawala ako sa pagkakagapos ng kadena.

"Binabangungot na naman ako," sabi ko kay mama. Siya yung pumasok.
"Umayos ka ng higa, dagdagan mo ng unan yang hinihigaan mo. Magdasal ka," sabi niya.
"Hindi na, ayaw ko na matulog."

Tinanong ko sa kanya kung narinig niya akong sumigaw, sabi niya hindi. Buong pag-aakala ko nakasigaw na ako nun kaso wala palang talab. Lumabas ako sa kwarto nila. Takot na akong matulog. Siguro, kung mamamatay ako, hindi dahil sa sakit, aksidente o katandaan kundi bangungot. Napapadalas na kasi.

Magdadasal ako bago matulog mamaya. Baka kasi bukas hindi na ako magising pero sana... sana hindi na maulit.

Bago ako mamatay, pabisita, http://virginparawako.blogspot.com.

5 comments:

  1. Naranasan ko na yan. Many times na rin. Lalo na kapag depressed or stressed ako. Pati kapatid ko nararanasan din yan pero mas malala yung sa kanya kasi parang may tao sa paligid niya na pinipigilan talga syang gumising. Sabi niya nararamdaman niya raw, dinadaganan siya na halos hindi na siya makahinga. Ako, nagigising nila ako dahil naririnig nilang sumisigaw ako.

    Prayer lang ang panlaban naming magkapatid diyan. Don't be afraid to sleep. just don't forget to pray and HE will surely take care of you.

    GodBless!

    ReplyDelete
  2. I posted this at tristancafe. Try mo read yung comments, there are many who experienced this. They also told me what to do. May isang explanation na this actually is called "sleep paralysis".

    ReplyDelete
  3. Madalas ako makaranas ng bangungot simula pa noong ako ay 14years old pa.

    Ang bangungot na madalas na umatake sa akin ay ang sleep paralysis na kung saan ay gising ang iyong diwa at tulog naman ang iyong katawan. Hindi ko na kelangan pang pahabain pa dahil ang mga inpormasyon sa bangungot ay nakatala na sa itaas sasabihin ko nalang ang ibang remedyo sa oras ng ikaw ay binabangungot na. Sana ay maalala nyo ito sa oras na kayo ay atakihin ng bangungot.

    MGA DAPAT GAWIN SA ORAS NG BANGUNGOT.

    1. Pinaka importante (RELAX! WAG KA MATARANTA, WAG KA MAG PANIC DAHIL YAN ANG KIKITIL SA IYO). Just relax and make it happen tanggapin mo na binabangungot ka at normal na nangyayari ito at malalampasan mo rin.

    2. Ang Paghinga (importante na hindi maputol ang iyong pag hinga)
    - ang paghinga na gamit ang dibdib ay napakahirap lalo na sa taong binabangungot, sasabihin ko sa inyo ang aking sikreto, (HUMINGA KAYO SA PAMAMAGITAN NG TIYAN or stomach.) sa tiyan kayo hihinga, hindi purkit sa tiyan kayo nahinga eh sa tiyan eh sa tiyan napasok ang hangin,... automatic na sa baga nyo papasok ang hangin. hinihila lang ng tiyan at nagsisilbing pump para maka labas pasok ang hangin.
    - tandaan wag din matataranta sa pag hinga na para bang mauubusan ka ng hangin, basta inhale and exhale slowly full your stomach and empty your stomach as you normally breath. (always remember Relax)

    3. ok na relax ka na... ito na ang susunod. (try mo gumising sa pamamagitan ng mga ito:)
    -try to move your fingers (pagkiskisin mo ang dalawa mong daliri mapa daliri man sa paa o daliri sa kamay, basta magconcentrate ka lang alin man doon sa dalawa ay pwede ka rin magising (ako kc yan ang technique ko noon kaso parang na immune na ako dyan at parang d na umeepekto ng gaano sa akin)
    - kung may katabi ka try mo umungol (wala kang kakayahang maigalaw ang iyong panga dahil tulog din ito, ang mag***wa mo lang ay makagawa ng tunog sa pamamagitan ng hangin na pumapasok sa iyong tyan. (basta isipin mo lang na huminga ka ay hindi ka na mapapaano, basta relax and gawa ng sounds or ungol para marinig ka ng iyong katabi (kadalasan sa mga ungol ko lalo na pag napalakas ang ungol ko eh doon na ako nagigising)
    - minsan nasubukan ko na rin ang biglang kilos (hahaha medyo mahirap ito pero nagawa ko) just try to remain calm and normally breath in and out with your stomach then try to concentrate all your strength in one spot like your face... then release it blow it with one shout! or HA! or WE or Praise the Lord!!! hehehe basta sumigaw ka lang wag lang (hudas barabas hekstas!) eh baka biglang lumabas sa harap mo yun hhehe JOKES!) basta ibigla mong gisingin ang sarili mo sa tulong ng iyong inipong lakas.

    SA PAGKAGISING MO MULA SA BANGUNGOT.

    1. MAGDASAL AT MAGPASALAMAT (kalaban mo parin dito ang iyong sarili... tumayo ka or umupo basta wag kang mananatiling nakahiga kc for sure makakatulog ka ulit. (may tutukso sa iyo... ang katamaran mo. basta pag may pagkakataon ka na makagising ay bangon agad at magdasal at magpasalamat.

    2. UMINOM NG TUBIG (wag ka tatamarin bumangon para uminom ng tubig, kelangan ng rin katawan mo ang tamang dami ng tubig (sa kakulangan na rin sa tubig ang dahilan ng bangungot bukod sa sobrang kabusugan, kapaguran, at stress.)

    3. MAGDASAL ULIT BAGO MATULOG (mag intay ng konting sandali para makapag relax kase nakakapagod din ang bangungot kaya ang gusto natin ay makatulog agad lalo na kung namimikit na ang ating mga mata. (kahit anung dasal pwede basta kung ano ang dinasal mo eh pinaniniwalaan mo. ex. My Lord Jesus I know you are watching me and never leave me that's why I survived. or kahit anung dasal pwede at kung may extra ka na lakas para humaba ang iyong dasal ay nasasa iyo na iyon dahil iyon ang iyong paniniwala, pwede ka magrosaryo kung kaya mo pa. Just believe in Prayers.

    Sana makatulong ito kahit konti.

    brightlight777@yahoo.com

    ReplyDelete
  4. Salamat sa post. sobrang nakatulong. Praise the Lord!

    ReplyDelete
  5. Lagi koto nararanasan , Yung tipong umiiyak nalng Ako at many times na Ayaw Kona matulog dahil baka Hindi na Ako nagigising , nagdadasal Naman Ako Bago matulog pero bat ganito

    ReplyDelete

Flying Dark Blue Butterfly
Got My Cursor @ 123Cursors.com
Cute Blue Flying Butterfly