***
Taking Back What's Mine
Tahimik ang buong Music Hall ngunit ang ingay na nagmumula sa tinutugtog na piano ang bumasag sa katahimikang ito.
Napadaan si Instructor Perez, ang parehong instructor na nagpa-audition sa choir. “Ang aga yata ni Eliza,” isip niya ngunit nang sumilip siya sa Piano Room ay hindi si Ellie ang kanyang nakita. “Trish, ikaw pala.”
Tumigil si Trish sa pagtugtog ng piano. “Good morning, Mr. Perez,” bati niya. “I just checked out the piano. You know, I missed it so much.”
“Wala ka last Sem. Why?”
“It's a long story and it's something personal.”
Tinanggap ni Instructor Perez ang kanyang dahilan.
“You know what, Mr. Perez? It was so nice because the University gave me a huge warm welcome. They do miss me, don't they?”
“Of course, everybody does. Trish, if you don't mind, mauuna na ako.”
Bago pa makalabas sa pintuan ng Piano Room si Instructor Perez ay may itinanong si Trish, “Si Ellie ang pumalit sa akin nung nawala ako, right? Pero ngayong nandito na ako, puwede bang ako na uli ang maging pianist ng choir?” Ngumiti lang si Instructor Perez at naglakad na palabas.
Samantala ay humingi ng permiso si Ivan kay Ellie para siya'y makausap. Sa tambayan sila nagkita.
“Kung may sasabihin ka, puwede bang pakibilisan mo, Ivan? Pupunta pa kasi ako sa library, marami pa akong babasahing libro.”
Nagsimula na naman ang pagsusungit ni Ellie. Tsk.
“Ellie please naman, kaunting time lang naman ang hinihingi ko para masabi ko kay Trish.”
“Wala kang sasabihin kay Trish dahil wala naman talagang meron sa atin, ‘di ba?”
“Ano ka ba naman? Ilang beses ko bang dapat sabihin na mahal kita? Mahal kita!”
“Hindi kita mahal,” ang binitiwang salita ni Ellie.
Umiling si Ivan, “Hindi ako naniniwala sa iyo, Ellie.”
Tumingin si Ellie sa kanyang relo, “Sige na, aalis na ako. Napakaraming oras na ang nasayang ko sa iyo.”
Hindi sa library dumeretso si Ellie kundi sa CR. Nilabas niya ang lahat ng galit at selos na nararamdaman. Dumating si Trish at inabot ang kanyang panyo. Tinitigan lang ito ni Ellie.
“What's wrong?” tanong ni Trish.
“Nothing. Nothing's wrong,” sagot ni Ellie at siya'y lumabas ng CR. Nabangga niya si Lex.
“O! Miss Beautiful, ikaw pala!” sabi ni Lex.
Ikinasaya rin naman ni Ellie kahit papaano ang pagkakakita niya kay Lex.
“Lex! Magaling ka na? Buti naman!”
“Ehemm! Ganun na ba talaga ako ka-sikat? Alam mo na kasi ang pangalan ko,” may pagmamayabang na sabi ni Lex.
Ngumiti si Ellie. “Sige, aalis na ako ha?” wika niya.
“A teka! Gusto pa kitang makausap, Miss Beautiful!” pigil ni Lex ngunit umalis na nga si Ellie.
Siya namang labas ni Trish, naka arms akimbo pang postura at nakataas ang kaliwang kilay.
“What do you call her? You call her Miss Beautiful?”
Sumipol si Lex, “Nagbalik na pala ang girlfriend ni Ivan a!”
“Lex, nawala lang ako, iba na ang tinatawag mong Miss Beautiful. Pwes, nandito na ako uli, baka puwedeng ako na ang tawagin mong Miss Beautiful?”
Hindi makapaniwala si Lex sa narinig, “Babae, magkape ka nga nang nerbyusin ka sa mga sinasabi mo!” Iniwanan niya si Trish.
Lunch time. Magkasama sina Ivan at Trish sa cafeteria. Masayang-masaya si Trish dahil na-solo niya na rin ang kasintahan sa wakas.
“Baby, I just wanted to tell you na huminto muna ako sa pag-aartista so that magkaroon ako ng time sa iyo. Ang tagal ko kasing nawala e, ang tagal nating hindi nagkasama,” sabi ni Trish, may nalalaman pang pakurot-kurot sa ilong ni Ivan.
Huminga nang malalim si Ivan. Hindi niya alam kung paano sisimulan. “Trish, I'm sorry,” ang kanyang nasabi.
Nagtaka si Trish, “Sorry for what, baby?”
“Alam mo kasi, nung nawala ka... nagmahal ako ng iba.”
Parang ayaw paniwalaan ni Trish ang mga sinasabi ni Ivan. “What did you say?” gulat na tanong niya.
Nagpatuloy ang binata sa pagsasalita, “Noong una, nahirapan talaga akong kalimutan ka pero nang makilala ko siya, lahat ng sakit na nararamdaman ko nang dahil sa iyo ay nawala. Alam mo, masaya ako sa kanya at sa buong buhay ko, ito lang ang pagkakataong naging masaya ako nang sobra.”
Galit na galit si Trish. “What the heck are you saying? Who is she? Tell me!” utos niya.
“Si Ellie,” pagtatapat ni Ivan. “Yung gitara ko, siya talaga ang nagbigay nun. I'm sorry, Trish, pero si Ellie na ang mahal ko.”
“Stop it!” Nagsimula nang tumulo ang mga luha ni Trish. “How could you do this to me? Nawala lang ako tapos pag balik ko, may kapalit na ako agad? Akala ko ba mahal mo ako?”
“Iyan din ang akala ko,” ang matapang na sagot ni Ivan. Sinampal siya ni Trish at umalis ito na sobrang sama ang loob.
Weekend. Inimbitahan ni Neri si Trish sa bahay nila. Maraming ipinahanda si Neri para ipagdiwang ang muling pagbabalik ng kaibigan. Nasurpresa nga si Trish nang makita sina Mang Daniel at Aling Isabel na nagsisilbi sa pamilya ni Neri. Hindi na nagulat pa ang mag-asawa sapagkat nasabi na ng kanilang anak na nagbalik na nga si Trish.
Nagkaroon ng kainan at kasiyahan. Si Ellie naman ay nanatili lamang sa silid niya, gumagawa ng takdang-aralin. May kumatok.
“Sino iyan?” tanong niya.
“It's me,” sagot ni Trish.
Ayaw nga sanang buksan ni Ellie ang pinto pero nahihiwagaan siya sa kung anuman ang sasabihin ni Trish sa kanya.
“Bakit?” tanong niya nang buksan niya ang pinto.
“Puwedeng pumasok?” tanong naman ni Trish.
Pinapasok ni Ellie si Trish at isinara niya ang pinto.
“Ano mo si Ivan?” pataray na tanong ni Trish.
“Ano ko si Ivan? Bukod siguro sa pareho kaming choir member ay kaibigan ko siya,” diretsong sagot ni Ellie.
“Really? Friend lang?”
“Ganoon na nga,” sagot ni Ellie, wala man lang nararamdamang kaba.
“Do you love him?” panunubok ni Trish.
“I love him as a friend.”
“Siguraduhin mo lang, Ellie, because you know what, my boyfriend Ivan confessed that he's in love with you!”
“Nasabi niya na rin sa akin iyan e hindi ko naman siya gusto.”
“A talaga? Okay...” Umaliwalas bigla ang mukha ni Trish. “Alam mo nagtataka nga ako kung ano ang nakita niya sa iyo dahil compared to me, you're nothing! But it's good because sabi mo nga, wala kang feelings para sa kanya.” Binalaan niya si Ellie, “I'm warning you, ayokong makitang nagdididikit ka sa boyfriend ko. I love Ivan and this ring...” Ipinakita niya ang suot na singsing. “Binigay niya ito sa akin noong First Year Anniv namin. Sana alam mo kung saan ka lulugar. Isa pa, ako ang pinakasikat sa University! I am even the pianist of the choir and si Ivan? Akin lang siya! What's mine is mine, remember that always ha?”
Lumabas si Trish sa kuwarto. Bwisit na bwisit si Ellie sa kanya. Kahit kailan talaga ay hindi niya gusto si Trish. Ginaya niya ang pagsasalita nito,
“What's mine is mine... Edi sa iyo!”
Nagpatuloy siya sa paggawa ng takdang-aralin pero habang nagsusulat siya ay pumapatak ang mga luha niya.
***
No comments:
Post a Comment