No to Plagiarism!

ANYD's NOTE:

It would be very disappointing if I would learn that my works were plagiarized. The truth is I have seen my work in this certain website without even acknowledging ME as the author. Well, I guess it's okay if you would copy some of my works here, and let me know it. I included my e-mail address (ellasdm@yahoo.com) in my profile, so I'm pretty much sure that it won't hurt. Please, just please, don't own my works as if they were yours. Thanks a bunch.

Saturday, March 27, 2010

Music of Love (6)


Chapter 1: Big and Little Sister
Chapter 2: To Love and To Lose Hope
Chapter 3: A Lesson of Love
Chapter 4: Lost and Found
Chapter 5: Acceptance

***
Chapter 6
Coincidence



     May ibinigay na papel si Ellie kay Benjo. “Iyan talaga ang cell phone number ko,” pagtatapat niya.

     “Ha? E kaninong number yung binigay mo sa’kin?” ang naguguluhang tanong ni Benjo.
     “Sa ate ko yun,” sagot ni Ellie.
     “Kaya pala siya yung nag-reply sa’kin,” pagtatanto ni Benjo.
     “Oo. Siya talaga ang magre-reply kasi sa kanya ka nagte-text.”
     “E nababasa mo naman ba yung mga text ko?”
     “Nababasa ko pero yung iba lang. Siya kasi ang nakakabasa ng messages mo.”

     Naalala ni Benjo yung naunang text niya… Yung may “I love you”.

     “Ano? Nababasa niya?” gulat niyang itinanong. Hiyang-hiya tuloy siya.

     Sa tambayan ng grupo, mag-isa si Benjo. “A nakakainis! Nakakahiya talaga! Nababasa pala ng ate ni Ellie yung mga text ko sa kanya!”

     Naalala niya rin yung nagmukha siyang tanga noong isang gabi.

Ha2! Gcng kpa nga!

2log n nga. 2log n xa. Ate ni Ellie 2.

Ay! Sori po. Cge gud nyt po.

     Napabuntong-hininga siya, “Hay… Bakit kasi hindi niya kaagad sinabi?”

     Sa kasalukuyan ay papunta si Ellie sa library. Sa kanyang paglalakad, nakasabay niya si Ivan. Itutulak niya na ang pinto pero naunahan siya nito. Sandali siyang tumingin kay Ivan at pagkatapos ay pumasok.

     “Siya yung masungit na babaeng nabangga ko noong isang araw,” isip ni Ivan. Natatandaan pa pala niya.

     Isinauli na ni Ellie ang mga hiniram niyang libro. Hindi sinasadyang nahulog na naman ang kanyang Red Cross I.D. Pupulutin niya na ito ngunit naunahan siya ni Ivan.

     Inabot ni Ivan ang I.D. kay Ellie, “Miss, o.” Nagpasalamat si Ellie sabay alis.

     Naghahanap si Ellie ng mababasang libro sa mga nakahilerang bookshelf. Nang may makita siya at nang kukunin niya na ito, naunahan siya ni Ivan.

     “A kukunin mo ba, miss?” tanong ni Ivan.
     “Sana. Pero hindi, sa iyo na lang,” sagot ni Ellie. Umalis siya pagkatapos.

     Umupo na si Ellie. Nakarinig siya ng ingay na nagmumula sa katabing upuan, pag tingin niya, hinihila pala ni Ivan ang upuan. Tumingin siya rito, umiwas naman ng tingin ang binata. Nang makaupo na si Ivan, binuklat niya ang librong kinuha niya at nagbasa. Kunwari lang naman. Sa totoo lang ay nagpapalamig lang siya sa loob ng library. Takang-taka nga siya kung bakit kanina pa sila nagkakasabay ng babaeng ito, ang babaeng hindi niya alam kung ano ang pangalan.

     Samantala, sa labas ng Unibersidad.

     “Wala ka bang balita kay Trish?” tanong ni Marcus kay Neri.
     “Wala,” sagot ni Neri, alalang-alala dahil wala na siyang natatanggap na balita sa kanilang kaibigan. “Ni hindi niya magawang tumawag o mag e-mail man lang. Hindi ko alam kung nasaan na siya. What if dinala siya ng parents niya sa States?”
     “There’s a possibility.”
     “Kung bakit pa kasi sa dinami-rami ng lalaki, si Ivan pa ang nagustuhan niya? Edi sana, tatlo tayo rito sa kotse.”
     “Hindi naman natin puwedeng diktahan ang puso ni Trish. Kung mahal niya si Ivan, dapat nga, ‘di ba, maging masaya pa tayo para sa kanya?”

     Tiningnan ni Neri si Marcus, kunot ang noo at para bang nagtatampo, “Ikaw ba ay kakampi ko?”

     Sinubukang magpaliwanag ni Marcus, “What I’m saying is—”

     “What you’re saying Marcus, is NONSENSE. Hindi ko gusto si Ivan para kay Trish dahil unang-una, kaibigan siya ni Reed at pangalawa, hindi rin naman siya gusto ng pamilya ni Trish. Siya ang may kasalanan kung bakit wala sa tabi natin ang kaibigan natin!”

     Tinanggal ni Neri ang seatbelt at lumabas ng kotse. Hindi na siya napigilan ni Marcus.

     Sa tambayan. Nakaupo si Benjo doon noong mga oras na iyon at dahil walang magawa, naisipan niyang itext si Ellie.

Wer u?

     Tumunog ang kanyang cell phone at nakatanggap ng mensahe mula kay Ellie.

Library

     Sa library. Tumayo na si Ivan upang isauli ang libro pero naisip niyang baka gusto itong hiramin ni Ellie.

     “A miss, hihiramin mo ba ito?” tanong ni Ivan.
     “Hindi,” sagot ni Ellie. Nilipat niya ang pahina ng librong kanyang binabasa.

     Umalis si Ivan sa lugar na kinauupuan, isinauli ang libro at lumabas ng library. Siya namang pasok ni Benjo. Tinabihan niya si Ellie.

     “Ano iyang makapal na librong binabasa mo?” tanong niya.
     “Literature, Benjo. Short stories, poems… Ganun.”

     Napalunok si Benjo, “‘Di ko yata kayang basahin yan.”

     “Kaya mo kung gagawin at gugustuhin mo. ‘Di naman kita mapipilit, may kanya-kanyang forte tayo.”
     “Sabagay…” iyon na lang ang nasabi ni Benjo.

     Tumingin si Ellie sa kanyang relo, “Malapit na ang next class. Labas na tayo.”

     Nang makalabas na sila, humingi ng pabor si Benjo kay Ellie, “Puwede bang tuwing lunch time, sabay tayo kumain?”

     “No problem,” walang patumpik-tumpik na sagot ni Ellie.

     Hindi makapaniwala si Benjo. Naiisip niya kasing tatanggihan siya nito, “Hindi nga? Talaga? Thanks, Ellie!”

     Sa bawat lumilipas na araw, patindi nang patindi ang nararamdaman ni Benjo para kay Ellie. Kaysa ipagtapat ang kanyang nararamdaman, pinili niyang itago na lang ito. Napansin din ng grupo ang pagbabago sa ugali ni Benjo. Kung dati, masyado siyang makulit, ngayon nabawasan iyon. Minsan, nagtataka sila dahil ngumingiti na lang bigla si Benjo mag-isa.

     Umiling si Reed, “Matindi na ang tama niyan sa utak.” Nagtawanan naman sina Chad at Duncan.

     Ang nakapagtataka pa ay madalas nang magkasalubong sina Ellie at Ivan. Hindi pa nila kilala ang isa’t isa. Basta ang alam ni Ivan, si Ellie ang babaeng masungit na nabangga niya at ang alam naman ni Ellie, si Ivan ang nagfee-feeling football or baseball field ang corridor.

     Isang araw ng Sabado, naghatid ng balita si Leda sa kanyang pamilya. Niregaluhan siya ng kotse ng bangko kung saan siya nagtratrabaho dahil na rin sa dedikasyon niya sa paggawa. Tuwang-tuwa ang buong pamilya lalo na ang magkapatid.

     “Ibig sabihin, ma, puwede naming gamitin ni little sister yan para hindi na kami mahirapang umuwi?” tanong ni Neri. Bakas sa kanya ang kagalakan.
     “Magamit man natin yan, hindi naman natin alam kung paano mag-drive,” sabi ni Ellie. Nakitaan tuloy ng panghihinayang si Neri.

     Nakaisip ng solusyon si Arthur, “Walang problema! Akong bahala riyan!”

     “Bakit? Ano ang gagawin mo, papa?” tanong ni Leda.
     “Alam mo kasi, mama, kinausap ako ni Aling Nenita. Yung katulong diyan sa kabilang bahay! Nagtatanong kung gusto raw ba natin ng kasambahay.”
     “E anong konek niyan sa driver?” pagtataka ni Ellie. Natawa naman sina Neri at Leda.
     “Sandali lang, hija, ‘di pa ako tapos. Kung gusto raw natin ng kasambahay at ang asawa naman nun ay driver.”

     Nakuha na nina Ellie, Neri at Leda ang ibig sabihin ni Arthur. “A…” sabay-sabay nilang sinabi. “Ok lang sa amin,” sagot nila.

     Kinabukasan, ipinakilala ni Arthur ang mag-asawang Daniel at Isabel sa kanyang pamilya.

     “Daniel, Isabel, this is my family: Leda, my wife; Neri and Ellie, my angels.”
     “Hello po!” bati ni Neri. Nakipagkamay naman sina Leda at Ellie sa kanila.
     “Mama, Neri, Ellie, this is Isabel, ang magiging kasambahay natin at si Daniel, ang magiging driver ninyong magkapatid. At sila ang mag-asawang Alvarez…”

     Walang kaalam-alam si Neri na ang mag-asawang kinuha ng kanilang ama para maging kaagapay sa buhay ay ang mga magulang ng taong pinagbibintangan niyang naging dahilan ng pagkakawala ni Trish. Oo, sila ang mga magulang ni Ivan.

***

No comments:

Post a Comment

Flying Dark Blue Butterfly
Got My Cursor @ 123Cursors.com
Cute Blue Flying Butterfly