No to Plagiarism!

ANYD's NOTE:

It would be very disappointing if I would learn that my works were plagiarized. The truth is I have seen my work in this certain website without even acknowledging ME as the author. Well, I guess it's okay if you would copy some of my works here, and let me know it. I included my e-mail address (ellasdm@yahoo.com) in my profile, so I'm pretty much sure that it won't hurt. Please, just please, don't own my works as if they were yours. Thanks a bunch.

Wednesday, March 10, 2010

Sinehan

Bukas pa ang mga ilaw sa sinehan. Kalalabas lang kasi ng mga tao saka naglilinis pa ang mga janitor at janitress. Mag-isa akong manonood dala ang pinakamaliit na lalagyang cheese-flavored popcorn at yung pinakamaliit ding cup ng drinks, Mountain Dew. Ako lang naman kasi ang kakain at iinom mag-isa. AKO NA LANG.

Umupo ako sa pinakataas, sa bandang dulo. Ito ang paborito naming puwesto ni Rina noong hindi pa kami naghihiwalay at magkasama pa kaming manood ng sine. May ilang patalastas din ang ipinakita bago tuluyang dumami ang mga tao, tapos ay pinatay na ang mga ilaw. Hudyat yun na mag-uumpisa na ang palabas.

Dumukot ako ng popcorn sa lalagyan, tapos ay isinubo iyon sa bibig ko. Makailang subo, uminom naman ako ng drinks gamit ang straw. Nakalulungkot kasi dati-rati yung pinakamalaking popcorn at drinks na may dalawang straw ang binibili ko. Hati kami ni Rina. Ang sarap na lang balikan sa alaala yung mga pagkakataong magkakasabay kaming dudukot ng popcorn at sasabihin niyang, "Ladies first," o kaya naman ay halos wala na akong mainom na drinks kasi naubos niya na. Paborito niya kasi yung Mountain Dew. Ang sarap sa pakiramdam sa tuwing sinasaway niya akong wag kainin yung yelo sa drinks. Baka raw kasi ubuhin ako. Ang sarap alalahin yung pakiramdam kapag hihiga siya sa balikat ko at kapag magtatama ang mga paningin namin na susundan ng mainit na halik. Oo, ginagawa namin yun sa sinehan (minsan). Ngayon wala na, alaala na lang lahat ng iyon. Kailangan ko pa ng panahon para makalimot at tanggaping iniwan na ako ni Rina dahil sabi niya may bago na siyang mahal. Hindi ko na siya nakita o nakausap matapos niya akong talikuran.

Kasabay ng pagbabalik-tanaw ko ng mga alaala namin ni Rina, may dumating. Kung di ako nagkakamali e dalawang babae at mukhang uupo sila sa hilera kung nasaan ako. Inilawan ako ng isa. Laking gulat ko nang maaninag ko si Rina. Alam kong nakita niya ako dahil pinatay niya bigla ang flash light ng cell phone niya.

"Ano bhie, dito na tayo uupo?" tanong ng kasama niyang babae.
"A, sa baba na lang, bhie," sagot naman ni Rina.
"Ok," tugon ng kasama niya. Hinawakan siya nito sa baywang tapos ay bumaba na sila.

No comments:

Post a Comment

Flying Dark Blue Butterfly
Got My Cursor @ 123Cursors.com
Cute Blue Flying Butterfly