No to Plagiarism!

ANYD's NOTE:

It would be very disappointing if I would learn that my works were plagiarized. The truth is I have seen my work in this certain website without even acknowledging ME as the author. Well, I guess it's okay if you would copy some of my works here, and let me know it. I included my e-mail address (ellasdm@yahoo.com) in my profile, so I'm pretty much sure that it won't hurt. Please, just please, don't own my works as if they were yours. Thanks a bunch.

Saturday, March 27, 2010

Music of Love (9)


Chapter 1: Big and Little Sister
Chapter 2: To Love and To Lose Hope
Chapter 3: A Lesson of Love
Chapter 4: Lost and Found
Chapter 5: Acceptance
Chapter 6: Coincidence
Chapter 7: An Unforgettable Melody
Chapter 8: Sense of Danger

***
Chapter 9
Confusion and Questions


     Maaga pa lamang ay pumasok na si Benjo upang tingnan kung nakapasa ba si Ellie sa audition ng choir. Nakapaskil na sa bulletin board ang mga pangalan ng natanggap. Ang pangalang una niyang nakita ay ikinagulat niya.

     “O? Si Ivan pasok sa choir? Sumali pala siya, astig!” At kasunod ng pangalan ni Ivan ang pangalan ni Ellie. “Aha! Ang pangalan ni Ellie my labs ko! Ang galing niya talaga!”

     Umalis na siya matapos mabasa ang pangalan ni Ellie at nagtungo agad sa tambayan. Nadatnan niya sina Ivan at Reed doon at ibinalita niya ang pagkakatanggap ni Ivan sa choir.

     “Uy tsong, kasali ka sa choir ha! Nakita ko yung pangalan mo dun sa bulletin board.”
     “Talaga?” tuwang-tuwa si Ivan.
     “Aba pre, achievement. Congrats,” bati ni Reed. “E kumusta naman yung kinukuwento mong mahal mo, Benjo, pasok ba?” tanong niya kay Benjo.
     “Syempre naman! Yun pa, Kuya Reed, e magaling yun,” pagmamayabang ni Benjo.
     “Totoo ba yan ha?”
     “Naman! Tingnan mo pa dun! Hanapin mo yung Eliza San Luis. O sige, mga tsong, wala akong panahon sa daldalan. Alis na ako! Babu!”

     Umalis na si Benjo.

     “Eliza San Luis?” tanong ni Ivan.
     “Bakit, ‘van, anong meron?” pagtataka ni Reed.
     “A kasi, natatandaan mo ba yung napulot kong I.D.? Ang may-ari nun ay si Eliza San Luis. Ibig sabihin, ang may-ari nun ay yung… mahal ni Benjo?!”
     “Talaga? Hmm. Ka apelyido pa ni Neri, ano? Teka, may picture ba?”
     “Hindi ko na matandaan yung hitsura e.”
     “Alam mo, ‘van, curious talaga ako riyan sa mahal ni Benjo. Ayaw man lang ipakilala sa atin. Mabuti pa ay tingnan na lang natin yung bulletin board at abangan natin baka dumating si Eliza San Luis!”
     “Para naman tayong engot nun,” bulong ni Ivan.
     “Halika na!” yakag ni Reed.

     Nagtungo na sila sa bulletin board at tiningnan ni Reed ang mga pangalang nakalista.

     “Uy tingnan mo, ‘van, magkasunod pa kayo ni Eliza San Luis, tingnan mo o!”

     Tiningnan ito ni Ivan, “Aba, oo nga ano.”

     Maya-maya pa, papalapit na sina Ellie at Neri sa bulletin board pero nang makita ni Neri sina Ivan at Reed na nakatayo malapit sa bulletin board…

     “A little sister, parang sumakit yata yung tiyan ko.”
     “Ha? Sumakit? Bakit, e hindi naman ganun karami ang nakain mo?”
     “Please, samahan mo muna ako sa CR.”

     Lumitaw bigla si Benjo, “Hi Ellie!” at nakita niya ang kasama ni Ellie. “Neri?!”

     “Kilala mo ang ate ko, Benjo?”
     “Si Neri, ate mo?!” pagtataka ni Benjo.

     Nagtanong din si Neri, “Little sister, kilala mo ang kutong lupa na ‘to?” Tinuturo niya si Benjo.

     “A, oo. Remember yung kaklase kong nagte-text sa iyo? Si Benjo iyon,” sagot ni Ellie.

     Hindi makapaniwala si Neri, “What? Siya yun? Teka lang ha! Aaargh! Sumasakit ang ulo ko! Napakaraming asungot ang nakita ko!” Umalis na lang siya sa ‘di malamang kadahilanan.

     “Ano kayang problema nun?” tanong ni Ellie. “Ang dami naman yata niyang sakit. Kanina tiyan, ngayon ulo naman.”

     Nakatingin si Benjo sa papalayong si Neri at nasabi na lamang niya ang, “Ellie, kapatid mo pala si Neri.”

     “A, oo,” tugon ni Ellie. “Magkakilala pala kayo ni big sister.”

     ‘Di sinasadyang napatingin si Reed sa kinatatayuan nina Benjo at Ellie. Nang makita niya ang kanyang pinsan na may kasamang babae ay kinalabit niya si Ivan, “Si Benjo o! Ayun yata yung sinasabi niya e!”

     “Nasaan?” tanong ni Ivan. Hinahanap niya ang tinuturo ni Reed.
     “Ayun o! Yung kasama niya!” Tinawag niya si Benjo, “Benjo!”

     Nagulat si Benjo dahil may narinig siyang tumawag sa kanyang pangalan at pag tingin niya sa paligid, nakita niya si Reed!

     “Hala lagot! Si Kuya Reed! Kasama ko si Ellie, baka ibuko niya ako!” isip niya. Nagpaalam siya kay Ellie, “Ellie, alis muna ako ha! May nakalimutan ako sa locker ko e! Kita na lang tayo mamaya ha!” Kumaripas siya ng takbo.

     Hindi inaasahan ni Reed na iiwasan siya Benjo, “Hala! Ang kumag umalis!” Dahil dito ay nagpaalam siya kay Ivan, “‘van, habulin ko lang ha!”

     Takang-taka naman si Ellie, “Ano bang nangyayari? Umalis si ate, umalis si Benjo. Hay ang gulo nila!” Hindi niya na inintindi ito at lumapit na lang sa bulletin board. Nakatayo rin si Ivan malapit doon.

     “O Ivan, nandito ka pala,” masaya si Ellie na makita siya.
     “A oo, Ellie. Tiningnan ko kasi kung nakapasok ako.”
     “Ganoon ba? Ano, kasama ka ba sa choir?” tanong niya habang hinahanap ang kanyang pangalan sa listahan.
     “Oo,” sagot ni Ivan. “E ikaw?”

     Nakita na ni Ellie ang kanyang pangalan, “Ayun ako!” Tinuro ni Ellie ang pangalan niya.

     Nagulat si Ivan, “Ikaw... Ikaw si Eliza San Luis?”

     “Oo, at ikaw? Ivan?” kinukuha ni Ellie ang apelyido ni Ivan.
     “Alvarez. Ivan Alvarez.”

     Nang marinig niya iyon, naalala bigla ni Ellie ang babaeng napagtanungan niya sa Lost and Found Section ng Unibersidad. Nang tinanong niya kasi ang pangalan ng taong nakapulot sa Red Cross I.D. niya, ang pangalang binanggit nito ay…

     “Hmm. Si Ivan Alvarez.”

     Oras na ng klase pero lumilipad ang isip ni Ellie. Napakalayo na siguro ng narating nito.

     “Siya ang nakapulot ng Red Cross I.D. ko. Tapos doon sa library, kung nasaan ako, naroon din siya. Madalas rin kaming magkasalubong… At kagabi, niligtas niya pa ako.”

      Isang ingay ang nakagambala sa kanyang pag-iisip. Ang katabi niya ay napagalitan ng prof.

     “Mr. Salas, what are you writing?”

     Nagulat si Benjo. ‘Di niya inaasahang mapapansin ng prof ang kanyang ginagawa. “Uhmm. Notes, sir,” sagot niya.

     “Notes? Let me see.”
     “Sir?”
     “Let me see!”

     Tumayo si Benjo at ibinigay ang papel.

     “Go back to your seat.”
     “Patay,” isip ni Benjo. Bumalik siya sa upuan.

     Tiningnan ng prof ang sinulat ni Benjo, “You call this notes, Mr. Salas? E lahat yata ng itinuro ko wala rito.” Hiyang-hiya si Benjo. “Class listen, look what Mr. Salas has written.”

     Binasa ng prof ang sulat sa buong klase.

Dear Ellie,

    Napatingin si Ellie kay Benjo na kasalukuyang nakayuko at hiyang-hiya.

     Alam mo bang nagpapasalamat ako sa Diyos kasi nakilala kita? Congrats nga pala dahil pasok ka sa choir, nakita ko yung pangalan mo dun. Salamat na rin sa pagsabay mo sa akin every lunch. Mag-iingat ka palagi ha? Sana ituring mo akong bestfriend mo.

Benjo

     “How thoughtful of you, Mr. Salas,” sarkastikong pagkakasabi ng prof. “Ms. San Luis, this letter is for you.”

     Tumayo si Ellie at kinuha ang sulat. Naghiyawan ang kanilang mga kaklase. Halos lumubog naman si Benjo sa kinauupuan dahil sa sobrang hiya.

     “Ok, back to the discussion.”

     Sa tambayan. Napabuntong-hininga si Benjo, “Hay! Nakakahiya talaga yun. Parang tuloy gusto ko nang lamunin ako ng lupa.”

     “Benjo!” tawag ni Ellie. May dala siyang pagkain. Umupo siya sa tabi ni Benjo at ibinigay ang lunch na binili niya. “Thanks nga pala sa letter ha? Na-appreciate ko.”

     Pumalakpak naman ang tainga ni Benjo sa narinig. “Talaga? A Ellie, puwede... puwede ba tayong maging bestfriends?” tanong niya.

     “Ha? A walang problema, yun lang pala e. Tutal, palagi naman tayong magkasama, bestfriends na tayo.”

     Lalong natuwa si Benjo, “Talaga? E puwede ba kitang ihatid sa inyo minsan?”

     “Bakit?” pagtataka ni Ellie. “Huwag na, may driver naman kami.”

     Nang mag uwian na, sumakay na si Ellie sa kanilang sasakyan. “Hello po, Mang Daniel!” bati niya. “Si Ate Neri po wala pa?”

     “Ay wala pa po, ma’am.”

     Ilang sandali pa ay dumating na si Neri. Mukhang sobrang pagod. Nang isinara niya na ang pinto ay umandar na ang sasakyan. Maayos ang takbo nito sa umpisa ngunit biglang nag-preno si Mang Daniel dahil may mga kabataang bigla na lang tumawid.

     “Ay ano ba yan!” angal ni Neri nang siya ay sumubsob sa upuan. Inayos naman ni Ellie ang nagulo niyang buhok.

     Tinanggal ni Mang Daniel ang suot na seatbelt at lumabas sa sasakyan upang pagsabihan ang mga kabataan.

     “Ano ba kayo? Bakit bigla na lang kayong tumawid? Hindi nyo ba alam na delikado yan? Paano kung ‘di ako nakapagpreno edi nasagasaan ko na kayo?”

     Nakilala siya ng isa sa mga kabataang tinutukoy, “Tay?” Ang bandang Rascals pala ang biglang tumawid. Hindi na nakapagsalita si Mang Daniel.

     “Mang Daniel, ano po ba iyan?” tanong ni Neri nang sila ni Ellie ay lumabas ng sasakyan. Nakita niyang kausap ni Mang Daniel ang isang miyembro ng bandang Rascals.

     Hindi maunawaan ni Ivan kung bakit kasama ng kanyang ama sina Neri at Ellie. At ano ang relasyon nina Neri at Ellie? Hindi niya naiwasang magtanong, “Tay, driver kayo nina Neri at Ellie? Sila ba yung sinasabi ninyong bago ninyong amo?”

     “A oo anak, sina Ma’am Neri at Ma’am Ellie ang mga amo ko,” sagot ni Mang Daniel.
     “Magkapatid sila?” tanong muli ni Ivan.
     “Oo,” sagot muli ni Mang Daniel.

     Gulong-gulo na si Neri. Sina Ivan at Mang Daniel ay mag-ama? At si Mang Daniel ay nagtratrabaho bilang tsuper sa kanila!

     “Tay? Anak? Hay! Ano bang buhay ito?” Hinimatay siya bigla. Nagkagulo ang lahat.

***

No comments:

Post a Comment

Flying Dark Blue Butterfly
Got My Cursor @ 123Cursors.com
Cute Blue Flying Butterfly