No to Plagiarism!

ANYD's NOTE:

It would be very disappointing if I would learn that my works were plagiarized. The truth is I have seen my work in this certain website without even acknowledging ME as the author. Well, I guess it's okay if you would copy some of my works here, and let me know it. I included my e-mail address (ellasdm@yahoo.com) in my profile, so I'm pretty much sure that it won't hurt. Please, just please, don't own my works as if they were yours. Thanks a bunch.

Saturday, March 27, 2010

Music of Love (1)



Chapter 1
Big and Little Sister


Isang napakagandang umaga, San Luis Residence.

     Alas sais ng umaga nang bulabugin ni Neri, isang fourth year College, ang buong kabahayan. Si Neri ay kumukuha ng kursong Creative Writing at sa taong ito ay magtatapos na siya sa napiling kurso. Siya ang panganay sa magkapatid at tinaguriang “big sister”. Barber’s Cut ang kanyang gupit, may highlights ang buhok, maputi ang balat, may tighiyawat bagama’t isang magandang babae at may katangkaran din.

     “Gising gising! Breakfast is ready!”

     Sumisigaw siya habang kinakalampag ang kaldero gamit ang sandok. Lumabas sa kuwarto ang kanyang mga magulang, parehong nakapantulog. Ang kanyang ina ay may rollers pa sa buhok.

     “Ano ba naman, Neri! Parang hindi ka sibilisado a!” iritang pagkakasabi ng kanyang amang si Arthur, isang businessman; matangkad, gwapo at kilabot ng kolehiyala noong kapanahunan niya.

     Napailing ang ina ni Neri, si Leda; mas matanda siya sa kanyang asawa ng limang taon at isang manager sa bangko. Nakuha ni Neri ang hitsura ng kanilang ama samantalang ang bunsong kapatid niya ay ng kanilang ina.

     “Neri, bitiwan mo nga iyan. Para kang bata,” malambing na pagkakasabi ni Leda.

     Binitiwan ni Neri ang hawak at humingi ng paumanhin, “Sorry, sorry, sorry. Gaya nga ng sabi ko, ma, pa, breakfast is ready. Kain na!”

     Naghilamos muna ang mag-asawa saka sila dumulog sa hapag-kainan kasalo si Neri. Tumingin si Neri sa paligid at napansing parang may kulang.

      “Nasaan si Ellie?” tanong niya.
      “Tulog pa, natural. Hayaan mo na iyang kapatid mo, pagod iyan. Galing kasi sa Red Cross mission kahapon,” sagot ni Arthur.

     Nagulat si Neri, “Red Cross mission!”

     “Bakit? May problema?” tanong ni Arthur.
     “Wala naman, papa,” sagot ni Neri. “Nagulat lang ako. Sa edad niyang iyan, 16 years old, ay nagagawa niyang tumulong sa Red Cross. Ang mga kabataan sa ngayon, pa, ang inaatupag e bar hopping, shopping…”

     Nagising si Ellie sa ingay ng kanyang kapatid. Nakatayo siya at pinakikinggan ang pagpapaliwanag nito. Napansin siya ni Leda at binigyan siya ng isang matamis na ngiti. Lumapit siya sa hapag-kainan at hinila ang upuan sa tabi ni Neri. ‘Di man lang siya napansin nito.

     Patuloy si Neri sa pagsasalita, “…at kung anu-ano pang activities na wala man lang katuturan at puro pakikipag-sosyalan. Kaya hindi umuunlad ang mga kabataan ngayon e! At pansin ko rin sa kanila ay ang maaga nilang—”

     “Pagboboyfriend-girlfriend?” singit ni Ellie.

     Napatigil si Neri at tumingin sa kanyang tabi, “Little sister! Gising ka na pala!”

     Nagbigay ng isang ngiti si Ellie, “Kanina pa. Simula nang kalampagin mo ang kaldero.” Natawa sina Arthur at Leda sa sinabi niya. Napatingin nga si Neri sa kanila. “Big sister, huwag kang mag-alala. Hindi ako kagaya ng mga kabataang tinutukoy mo,” dagdag ni Ellie. Tuwang-tuwa naman si Neri sa kanyang narinig.

     Bihis na ang pamilya San Luis at handang-handa na sa pagpasok sa Unibersidad ang magkapatid. Ito ang unang araw ni Ellie sa Unibersidad. Kumukuha siya ng kursong Bachelor in Secondary Education. Nilisan na nila ang kanilang tahanan at habang nasa sasakyan, tinanong ni Neri si Ellie,

     “Bakit Education?”
     “Dahil gusto ko,” diretsong sagot ni Ellie.
     “Dahil gusto mo? Yun lang?” muling tanong ni Neri.
     “Dahil gusto ko. Yun lang.”
   
     Napailing na lamang si Neri, “Huh! Ibang klase ka rin talaga, little sister!”
 
     “Bakit? Sapat nang dahilan yun, ‘di ba?”
     “Oo na! Panalo ka na naman!”

     Si Ellie. Siya yung tipo ng taong seryoso, hindi katulad ni Neri na “happy-go-lucky”. Wala siyang ibang alam kundi ang mag-aral. Wala siyang panahon sa love life. Makikita mo siya madalas sa silid-aklatan o sa tahimik na lugar at gumagawa siya ng makabuluhang bagay gaya ng pagsali sa mga organisasyon. Masasabi ring matalino siya at noong grade school at high school days niya, suki siya ng iba’t ibang quiz bee. Si Neri, hindi pa nakasasali sa kahit na anong quiz bee. Madalas kasi siya sa theater plays.

     Maganda si Ellie at maraming tagahanga pero takot sa kanya ang mga ito dahil mukha siyang masungit. Mahaba ang kanyang straight na buhok at lagi itong nasa ayos. Mahilig din siyang magsuot ng mahabang palda at long sleeves o ‘di kaya naman ay three-fourths. May suot siyang kulay berdeng salamin, marahil iyon ang paborito niyang kulay. Kapansin-pansin din ang nunal niya sa pisngi.

     Narating na nila ang Unibersidad. Maraming tao, iba’t ibang mukha, iba’t ibang personalidad. Sa isang sulok, may grupo ng kalalakihan. Lahat pawang nakaitim at may eyeliner, may suot ding hikaw. Kung titingnan mo, sila yung tinatawag na “rakista”. Mukhang isang grupo sila ng banda.

     Bumaba na ang magkapatid sa sasakyan.

     “Ingatan mo ang kapatid mo, Neri,” bilin ni Arthur.

     Tinanggal ni Neri ang suot niyang earphones sabay tanong, “What is it, pa?”

     “Ang sabi ko, ingatan mo ang kapatid mo,” ulit ni Arthur.
     “Oh ok! I will!” tugon ni Neri at ibinalik niya ang earphones sa kanyang tainga.

     May inabot namang papel si Ellie kay Leda.

     “Ano ito?” tanong ni Leda.
     “Papel,” seryosong sagot ni Ellie.

     Natawa si Neri at siniko ang kapatid. Binigyan naman ni Ellie ng tingin na “Bakit?” si Neri.

     Ngumiti si Leda, “Oo nga naman. Ikaw talaga, Ellie!”

     “Basahin ninyo pag nakalayo na kami,” utos ni Ellie.
     “Bye ma, pa!” paalam ni Neri. Kinuha niya ang kamay ng nakababatang kapatid at tinahak na nila ang mahabang daanang papasok sa Unibersidad.

     Nang wala na sa paningin ng mag-asawa ang magkapatid, tinanong ni Arthur si Leda, “Ano yang inabot ni Ellie, mama?” Binasa ni Leda ang nakasulat.

Take care mama, papa. Big and little sister love you.


***
Chapter 2: To Love and To Lose Hope

No comments:

Post a Comment

Flying Dark Blue Butterfly
Got My Cursor @ 123Cursors.com
Cute Blue Flying Butterfly