No to Plagiarism!

ANYD's NOTE:

It would be very disappointing if I would learn that my works were plagiarized. The truth is I have seen my work in this certain website without even acknowledging ME as the author. Well, I guess it's okay if you would copy some of my works here, and let me know it. I included my e-mail address (ellasdm@yahoo.com) in my profile, so I'm pretty much sure that it won't hurt. Please, just please, don't own my works as if they were yours. Thanks a bunch.

Saturday, March 27, 2010

Music of Love (21)


Chapter 1: Big and Little Sister
Chapter 2: To Love and To Lose Hope
Chapter 3: A Lesson of Love
Chapter 4: Lost and Found
Chapter 5: Acceptance
Chapter 6: Coincidence
Chapter 7: An Unforgettable Melody
Chapter 8: Sense of Danger
Chapter 9: Confusion and Questions
Chapter 10: Confession
Chapter 11: Burst of Emotions
Chapter 12: Unsung
Chapter 13: The Truth Behind
Chapter 14: The Concert
Chapter 15: First Kiss, First Heartbreak
Chapter 16: Heaven is Being With You
Chapter 17: The Dream
Chapter 18: Farewell and Hello
Chapter 19: Just a Substitute

***
Chapter 21
The Friendship Ring


     Pinadalhan ng text message ni Benjo ang matalik niyang kaibigan.

Bestfr3nd elow! Ya2in sna
   ktang lumabas

     ‘Di na nagdalawang-isip pa si Ellie. Mga ilang minuto ay sinundo na siya ni Benjo. Nagpunta sila sa isang parke at umupo sa damuhan.

     “Ellie ingat lang, baka madumihan ang suot mo,” paalala ni Benjo.

     Natuwa naman si Ellie sa pagiging concern ng binata sa kanya.

     “A siyanga pala, may ibibigay ako sa iyo.” Dinukot ni Benjo sa kanyang bulsa ang dalawang singsing at ipinakita iyon kay Ellie. “Tingnan mo, ang ganda no? Alam mo ba kung ano ito?” tanong niya.
     “Singsing,” sagot ni Ellie.
     “Naman! Oo nga, singsing nga! Pero ‘di lang ito basta singsing, bestfriend. Friendship ring ito.”
     “Friendship ring?” pagtataka ni Ellie.

     Kinuha ni Benjo ang kanang kamay ni Ellie at isinuot sa daliri nito ang singsing, “Ayan, o ‘di ba? Bagay sa iyo.” Tahimik lang si Ellie at tinitigan ang singsing. Ibinigay ni Benjo sa kanya ang isa pa, “O ito, ikaw naman ang magsuot sa akin.”

     Tinanggap ito ni Ellie ngunit nang isusuot niya na ito sa daliri ni Benjo sa kanang kamay nito ay natigilan siya.

     “Benjo, gusto mo bang maging magkaibigan na lang tayo?” tanong niya.

     Nag-isip si Benjo, “Hmm. Ikaw naman ang may gustong maging magkaibigan lang tayo. Mas higit pa sana dun ang gusto kong mangyari.” Nagbuntong-hininga si Ellie at itinuloy na ang pagsuot ng singsing.

     Naglakad-lakad sila sa parke. Nagkukuwentuhan sila nang biglang natuon ang pansin ni Ellie sa kamay ni Benjo kung saan naroon ang singsing at naalala niya ang sinabi ni Trish sa kanya,

     “And this ring, binigay niya ito sa akin noong First Year Anniv namin.”

     Hindi niya alam kung ano ang pumasok sa isip niya't hinawakan niya na lang bigla ang kamay ni Benjo. Napatigil tuloy si Benjo sa kanyang pagdadaldal at napangiti.

     “Sabi ko na nga ba't may gusto ka rin sa akin!”

     Tumawa si Ellie, “Haha! Ang kapal!” Pero mula noon ay hindi na nagbitiw ang kanilang mga kamay.

     Isang magandang araw. Nasa tambayan sina Reed, Ivan, Chad at Duncan, at nakaupo. Nag-uusap sina Reed at Ivan tungkol sa ginawang pag-amin ng ikalawa kay Trish. Sina Chad at Duncan naman ay nagpapayabangan kung sino ang mas magaling mag-skateboard.

     Maya-maya ay dumating si Benjo kasama ang isang babae. Napatigil sina Chad at Duncan sa pagtatalo nang makita nila ang seksing babaeng kasama ng kaibigan nila pero nang tinitigan nilang mabuti, si Ellie lang pala.

     Nakasuot si Ellie ng spaghetti strap, slacks at high heeled shoes. Mayroon siyang malaking hikaw sa tainga at kolorete (make-up) sa mukha. Ang kanyang mapupulang labi ay pinapula pa lalo ng lipstick. Nakalugay ang kanyang mahabang buhok at mukhang lahat ng suot niya ay galing kay Neri.

     “Ellie, anong nakain mo at nagsuot ka ng ganyan?” tanong ni Reed. “Ang ganda mo ha! Natalbugan mo pa ang ate mo,” puri niya.

     Napansin ni Ivan ang magkahawak na mga kamay nina Benjo at Ellie at ano yung nakikita niya? Singsing?

     Inakbayan ni Benjo si Ellie at nagpahayag, “Mga tsong, girlfriend ko nga pala.”

     Napatayo si Reed sa kinauupuan, “Sinong niloko mo? Naku Benjo, tigilan mo nga kami at tigilan mo na iyang pagpapantasya mo kay Ellie!”

     “Hindi ako nagbibiro kuya, girlfriend ko nga si Ellie.”
     “Boyfriend ko si Benjo. Sinagot ko siya kahapon,” paglilinaw ni Ellie. Hindi naman lubos maisip ni Ivan kung bakit ginagawa ito ni Ellie sa kanya.

     Nagpaalam na si Benjo sa kanila, “Sige, mga tsong, may pupuntahan pa kami ng gf ko. Babu!” Umalis na sila.

     “Mga pre, sila na nga yata talaga,” palagay ni Reed. “Kita ninyo nung umalis? Nakahawak pa si Benjo sa baywang ni Ellie!”
     “Holding hands pa sila, mga pre, at may singsing pa,” gatong ni Chad.
     “Pero bakit ganun? Hindi naman nakukuwento ni Benjo na nililigawan niya si Ellie, ‘di ba?” tanong ni Duncan.
     “Baka naman nililihim nila! Alam ninyo kasi, malihim na tao si Benjo e itong si Ellie mukhang malihim din,” sabi ni Reed. “Paano ka na niyan, ‘van? May nakakuha na kay Ellie.”

     Pinandilatan ni Ivan si Reed. Mukhang nakalimutan nitong siya lang ang nakaaalam na may pagtingin si Ivan kay Ellie.

     “Hu! May palihim-lihim pa kayo ni Reed e halata namang may gusto ka kay Ellie,” sabi ni Chad kay Ivan.

     Sa likurang bahagi ng Unibersidad napiling maglagi nina Ellie at Benjo. Tahimik dito at mukhang dito rin nagpupunta ang mga magkasintahan. Ang lugar na ito ay kilala sa tawag na “Lover's Lane”. Umupo silang dalawa sa bench. Malayo ang tingin ni Ellie at hinihiling ni Benjo na sana ay nababasa niya kung ano man ang iniisip nito.

     “Benjo,” ang malambing na pagtawag ni Ellie. Tumingin si Benjo sa kanya at nangangarap na sana nga ay sa kanya na talaga si Ellie. “Bakit ba napakahirap maging masaya?” tanong ng dalaga.
     “Mahal mo ba si Ivan?” ang tanong na bigla na lang lumabas sa bibig ni Benjo.

     Napatingin si Ellie sa kanya at hindi man lang sumagot. Nagbuntong-hininga si Benjo, “Mahal mo siya, no? Huwag mo nang ikaila. Nakita kong hinalikan ka niya noong concert.”

     Hindi na nakapagsalita si Ellie. Nagpahayag naman ng hinanakit si Benjo,

     “Alam mo bang nasasaktan ako sa ginagawa nating ito? Sinabi natin kina Kuya Reed na TAYO pero hindi naman talaga. Sana nga ay sa akin ka na lang. Siguro ay ginagawa mo ito dahil nasasaktan kang makita sina Ivan at Trish na magkasama pero ‘wag kang mag-alala, magpapanggap pa rin tayo gaya ng sabi mo.”

     Tinitigan niya ang mga mata ni Ellie at ayan na naman, natuon ang kanyang pansin sa mga labi nito.

     “Mahal kita,” sambit niya at dahan-dahan siyang lumapit. Ayan na, kaunti na lang at mahahagkan niya na ang mga labi ni Ellie pero hindi, umiwas ito.
     “Benjo, huwag,” sabi ni Ellie.

     Nanghinayang si Benjo. Ano bang meron? Bad breath ba siya?

     Sadyang ikinagulat ni Neri nang malaman niyang magkasintahan na ang kanyang kapatid at si Benjo. Ikinatuwa naman ni Trish iyon sapagkat wala na siyang karibal kay Ivan. Mula noong araw na naging magkatipan sina Benjo at Ellie ay maraming nagbago kay Ellie lalo na sa panlabas na anyo. Iniwasan niya na ang pagsusuot ng mahabang palda at long sleeves. Pati ang suot niyang salamin ay tinanggal niya na rin. Gusto niyang maging maganda sa paningin ni Benjo at sa paningin ng lahat ng tao.

     Lumipas ang ilang araw —ang ilang araw ng pagpapanggap. Kapag magkasama sina Ellie at Benjo, palagi na lang nakatingin ang dalaga sa malayo. Kapag magkausap sila, sa una'y masaya pero lumulungkot din. Kapag magkahawak sila ng kamay, bumibitiw rin ito at hahawak na naman kapag nakita nilang dumadaan sina Ivan at Trish.

     Isang araw ay iniwan ni Benjo ang singsing sa lamesa. Siya kasi ang pinaghugas ng mga plato. Pasimple namang kinuha ni Reed ang singsing at umalis ng bahay. Nagpunta siya sa mall upang bumili ng ilang personal na gamit.

     Nang pumasok siya ay nakita niya ang isang stall na nagtitinda ng alahas at mayroon ding friendship ring. Kumuha siya ng isang singsing at ikinumpara niya ang hawak na singsing sa singsing ni Benjo. Walang duda, friendship ring nga rin ito. Pero hindi lang iyan ang nakita niya, nandoon na naman ang lalaking matangkad, matangos ang ilong, gwapo at naka-gel ang buhok na nakita niyang kasama ni Trish noong nakaraan.

     Tinanong ni Reed ang mag-aalahas, “A excuse me, miss, kilala mo ba kung sino yun?” Tinuro niya ang lalaking naka-gel.

     “Si Harold Lim iyan,” sagot ng mag-aalahas.
     “Harold Lim?” paglilinaw ni Reed.
     “Oo. Anak siya ng may-ari ng stall na iyan. Bali pamangkin siya ng may-ari nitong mall. Yun namang Yin Yang Chinese Restaurant diyan sa tapat, siya naman ang may-ari nun.”

     Maya-maya'y lumabas si Trish sa stall at kumapit kay Harold na hindi na ikinagulat pa ni Reed. Wala silang kasamang bodyguards.

     “E teka miss, si Trish Montes yun, ‘di ba? Yung artista?” muling tanong ni Reed.
     “Girlfriend niya iyan,” sagot ng mag-aalahas, mukhang siguradong-sigurado sa kanyang sinasabi.

     Nagulat si Reed, “Girlfriend?! Sigurado ka?” Tumango ang mag-aalahas.

     Sandali, boyfriend ni Trish ang Harold Lim na iyon at boyfriend niya rin si Ivan! Tama nga si Reed sa palagay niyang ‘di lang si Ivan ang lalaki sa buhay ni Trish at isa lang ang ibig sabihin nito: Nagtataksil si Trish kay Ivan at pati na rin kay Harold Lim!

     “A sige miss, salamat,” pagpapasalamat ni Reed.

     Ibinalik na niya ang kinuhang singsing at aksidente niyang nailagay ang singsing ni Benjo.

***

No comments:

Post a Comment

Flying Dark Blue Butterfly
Got My Cursor @ 123Cursors.com
Cute Blue Flying Butterfly