No to Plagiarism!

ANYD's NOTE:

It would be very disappointing if I would learn that my works were plagiarized. The truth is I have seen my work in this certain website without even acknowledging ME as the author. Well, I guess it's okay if you would copy some of my works here, and let me know it. I included my e-mail address (ellasdm@yahoo.com) in my profile, so I'm pretty much sure that it won't hurt. Please, just please, don't own my works as if they were yours. Thanks a bunch.

Saturday, March 27, 2010

Music of Love (27)


Chapter 1: Big and Little Sister
Chapter 2: To Love and To Lose Hope
Chapter 3: A Lesson of Love
Chapter 4: Lost and Found
Chapter 5: Acceptance
Chapter 6: Coincidence
Chapter 7: An Unforgettable Melody
Chapter 8: Sense of Danger
Chapter 9: Confusion and Questions
Chapter 10: Confession
Chapter 11: Burst of Emotions
Chapter 12: Unsung
Chapter 13: The Truth Behind
Chapter 14: The Concert
Chapter 15: First Kiss, First Heartbreak
Chapter 16: Heaven is Being With You
Chapter 17: The Dream
Chapter 18: Farewell and Hello
Chapter 19: Just a Substitute
Chapter 20: Taking Back What’s Mine
Chapter 21: The Friendship Ring
Chapter 22: Discovery
Chapter 23: Sentiments
Chapter 24: A Proposal
Chapter 25: The Christmas Gift

***
Chapter 27
No Escape


     Pasukan na uli. Nagbabalitaan ang mga estudyante sa Unibersidad tungkol sa kanilang Christmas vacation. Nagkasabay-sabay sina Reed, Benjo at Lex sa pagpasok.

     “Handa na kayo?” tanong ni Lex.
     “Oo,” sabay na tugon ng magpinsan.
     “Good luck. Huwag ninyong kalimutan ang premyong sigarilyo ko ha?” paalala ni Lex.

     Nagkatinginan naman ang magpinsan, “Premyong sigarilyo? Kailan pa siya nanghingi nun?” sabay nilang itinanong. Nagtawanan sila pagkatapos.

     Nagtungo sa tambayan ang magpinsan at nadatnan nila ang magkapatid na Neri at Ellie doon.

     “Good morning, mahal ko,” nakangiting bati ni Neri kay Reed.

     Para bang nandiri si Reed, “Hitsura mo, Neri! Huwag kang ganyan, ‘di ako sanay.” Hindi pa nakuntento si Neri, kumapit pa ito sa kanya. “O anong ginagawa mo?” tanong niya; sa tingin niya ay gagahasain siya ni Neri.

     “Ginagaya si Trish. Bakit may angal?” sagot ni Neri. Tumawa sila.

     Napansin ni Benjo na bumalik na si Ellie sa dating nitong ayos at nagsuot muli ng mahabang palda at long sleeves. Nung naging magkasintahan sila kuno ay todo ang pagpapaganda ni Ellie pero ngayon, mukhang ito na talaga ang senyales ng pagpapaalam nila sa kanilang pagpapanggap.

     Dumating ang tatlo: sina Chad, Duncan at Ivan. Labis silang nagtaka nang makitang bumalik si Ellie sa dati nitong ayos at para bang may ‘di normal na nagaganap.

     “Ba’t nagtitipon-tipon kayo rito?” tanong ni Chad.
     “Umupo na kayo,” utos ni Reed. Sinunod naman nila kung ano ang sinabi niya nang walang tanong-tanong. “Sa umagang ito ay may gustong sabihin sina Ellie at Benjo,” pambungad na salita ni Reed. Tinawag niya ang dalawa at tumayo ang mga ito sa harapan nila.

     Tumingin si Benjo kay Ellie, kinakabahan siya at nagwika, “Gusto lang sana naming sabihin ni Ellie na— na nagsinungaling kami sa inyo.”

     Nagtaka ang lahat. “Nagsinungaling sa paanong paraan?” ang nasa isip ng bawat isa.

     “Nagsinungaling kami,” pagpapatuloy ni Ellie. “Hindi talaga kami magkasintahan ni Benjo. Ang lahat ay palabas lamang.”

     Nagulat ang lahat at nagkaroon ng kani-kaniyang reaksyon. Hindi ininda ni Ellie ang ingay nila at siya’y nagpatuloy,

     “Nagawa namin ito dahil— sa totoo lang— nasaktan ako sa nangyari sa aming dalawa ni Ivan. Ang paglitaw ni Trish, gulong-gulo talaga ang isip ko. Kung may dapat sisihin ay ako yun, huwag kayong magalit kay Benjo dahil wala siyang kinalaman dito.”
     “Ibig sabihin, hindi talaga kayo mag-on ni Benjo?” tanong ni Duncan.

     Umiling si Ellie, “Hindi,” at imbis na magalit ay natuwa pa sina Chad at Duncan. “Ayos, Ivan!” sigaw nila.

     Pinilit namang ngumiti ni Ivan. Ito na kaya ang magiging simula ng pagkakaayos nila ni Ellie? Umupo na si Ellie at tinabihan si Ivan. Nginitian naman siya ng binata. Masaya naman si Neri para sa kapatid. Kung akala ninyo ay tapos na ang rebelasyon, mayroon pang nais sabihin sina Reed at Benjo.

     “May isa pa kaming sasabihin,” pahabol ni Reed. “Benjo, ikaw ang magsalita.”
     “Ivan,” tawag ni Benjo. “Natuklasan namin ni Kuya Reed ang ginagawang panloloko sa iyo ni Trish.”

     Napakunot-noo si Ivan, “Anong panloloko?”

     “May ibang boyfriend si Trish bukod sa iyo,” paglalaglag ni Benjo. “At matagal ka na niyang niloloko. Nakakuha kami ng ebidensyang magpapatunay sa kataksilan niya.”

     Ipinakita ng magpinsan ang nakuha nilang ebidensya sa tulong ni Lex: ang video at ang mga litrato. Lahat ng impormasyong nakalap nila, lahat ng kataksilan ni Trish, ay sinabi nila kay Ivan at sa iba pa. Nabigla ang lahat sa nalaman nila mula sa magpinsan lalo na nang makita nila ang video at litrato ng paghahalikan nina Trish at Harold.

     Bakas sa mukha ni Ivan ang sobrang pagkainis, pagkayamot at galit. Nakita niya na ang lalaking iyon na kasama ni Trish sa mga litrato pero wala siyang kaalam-alam na karelasyon pala iyon ng kanyang kasintahan.

     “Harold Lim ang pangalan niya,” sabi ni Reed.

     Hindi akalain ni Ivan na magagawa ito ni Trish sa kanya. Nanlumo siya at kinasuklaman talaga si Trish. Dinadamayan naman siya ng lahat.

     Dumating na si Trish. Maganda ang gising, mukhang walang kaalam-alam sa mga nangyayari at parang inosente.

     “Hi everyone!” bati niya.

     Tumingin ang lahat sa kanya maliban lamang kay Ivan na nakatitig pa rin sa mga litrato.

     “Is your vacation fine?” tanong niya. “Mine is great, really!” Napansin niyang tahimik ang lahat na kanyang ipinagtaka. “O, why is everyone so quiet?” at nakita niya ang mga litratong hawak ni Ivan. “Oh pictures!” may galak niyang sinabi. “Pictures last Christmas vacation? You know what guys, I love looking at pictures.” Nakuha niya pang paalisin si Ellie na nakaupo sa tabi ni Ivan, “Uhmm Ellie, puwedeng tumabi-tabi ka? Nakaharang ka kasi.”

     Tumayo si Ellie at pumuwesto sa isang tabi, nakatahimik.

     “Baby, patingin,” sabi ni Trish kay Ivan, may halong lambing. Buong puso namang ibinigay ni Ivan ang mga litrato.

     Tiningnan ni Trish ang mga litrato at nagulat siya nang makitang ang mga litratong iyon ay kuha nilang dalawa ni Harold na magkasama. Tumingin siya kay Ivan, kitang-kita ang pagkagulat sa kanyang mukha.

     “Just a stupid fan na humihingi ng autograph?” sarkastikong tanong ni Ivan sa kanya.
     “Ivan, let me explain,” pagmamakaawa ni Trish ngunit hindi na siya nakapagpaliwanag. Tumunog na kasi ang bell na nangangahulugang umpisa na ng klase.

     Iniwan siya ng lahat. Galit sila sa kanya. Hindi natapos ang araw na iyon ay nakipaghiwalay si Ivan sa kanya. Napagpasyahan ni Trish na huwag na munang pumasok sa Unibersidad, mukhang guilty talaga at kung dati-rati ay umiiyak si Neri pag hindi nakikita ang kaibigan, ngayon ay wala na siyang pakialam.

     Nagsimula na rin ang pagpaparegister at elimination para sa Battle of the Bands. Magpapahuli ba naman ang Rascals at Backstabbers? Pasok sila sa labinlimang bandang kalahok para sa Battle of the Bands na gaganapin sa huling linggo ng Enero. Binigyan ang mga kalahok ng sapat na panahon para makapag-ensayo.

     Maluwag na ang pakiramdam ni Benjo. Maligaya na siyang nakikitang masaya si Ellie sa piling ni Ivan at tanggap niyang hanggang bestfriends na lang talaga sila.

     Isang araw ng Sabado, nagpunta siya sa mall upang magpagawa sa mag-aalahas (yung pinagbilhan niya ng friendship ring) ng kwintas at gaya nga ng inaasahan ay nakita niya si Trish doon kasama si Harold.

     Kung dati ay masaya sila, ang nakikita ni Benjo ay kabaligtaran. Nag-aaway ang dalawa. Ano naman kaya ang pinagtatalunan nila? Pinagtitinginan sila ng lahat ng tao at kitang-kita ni Benjo na sinampal ni Harold si Trish. Ang dalaga ay lumabas sa mall na umiiyak.

***

No comments:

Post a Comment

Flying Dark Blue Butterfly
Got My Cursor @ 123Cursors.com
Cute Blue Flying Butterfly