No to Plagiarism!

ANYD's NOTE:

It would be very disappointing if I would learn that my works were plagiarized. The truth is I have seen my work in this certain website without even acknowledging ME as the author. Well, I guess it's okay if you would copy some of my works here, and let me know it. I included my e-mail address (ellasdm@yahoo.com) in my profile, so I'm pretty much sure that it won't hurt. Please, just please, don't own my works as if they were yours. Thanks a bunch.

Wednesday, March 31, 2010

Ikakasal Na Ako... ^_^

Ikakasal na ako sa June 20. Happy nga ako e! ^_^

Noon pa man pangarap ko na talagang maging June bride kaya nga excited na ako. Naiayos na namin ang lahat. Nasurpresa nga ako kasi inako ni papa ang lahat ng gastos. Nakakahiya naman sa groom ko, di ba? Si papa pa ang sumagot sa mga gastos. Alam mo bang sobrang na-touched ako kasi nag-ipon na pala siya para rito. Napaiyak nga ako. Mababaw pa naman ang luha ko.

Naireserve na namin ang San Sebastian Church. Pinili namin ang Baste kasi maganda ang ambiance, though malayo rito sa amin sa Cavite. Naisip ko kasing may mga bisita akong manggagaling sa Bulacan, Caloocan, Quezon City, Valenzuela, San Juan at Makati, para na rin sa easy access. (Medyo traffic nga lang papuntang Manila.) 10 a.m. ang wedding ko. Share ko lang na itong San Sebastian Church ang natatanging simbahan na yari sa bakal. Ganda di ba? Yung buong simbahan gawa sa bakal. I think na this whole wedding will be very memorable talaga.

Sa The Aristocrat Restaurant naman ang reception, near Roxas Boulevard. Favorite restaurant na rin kasi ng family yun. Madali namang mahanap yun kaya siguradong hindi maliligaw ang mga bisita, if ever hindi na makapunta sa wedding yung iba, especially yung mga ex boyfriend ko. Yes, invited sila. Hindi naman kasi ako nakalilimot sa pinagsamahan. Baka kasi maging bitter sila, alam mo na, ayaw na nilang makita yung wedding ko kaya kahit man lang humabol na lang sila sa reception.

Blue and white ang color motif ng wedding. Blue kasi ang favorite color ko, malamig kasi sa mata, saka gusto kong maging simple lang ang lahat.

Alam mo ba ang nararamdaman ko ngayon? Sobrang happy talaga saka everything is settled mula flowers, entourage, (hindi ko na ie-enumerate ang lahat) and even the cake! Red Ribbon ang napili kong gumawa ng cake, may pagka-class kasi ang dating. It's like marinig lang nila yung "Red Ribbon" mapapa-WOW na sila kasi masarap, madali nga lang matunaw.

Kung sakaling nababasa mo ito at feel mong pumunta sa wedding, text mo ako sa number ko, 09293857657, para naman masama ko pa ang name mo sa listahan ng mga pupuntang bisita. Kahit naman hindi ka magdala ng regalo, basta magdala ka lang ng magiging groom ko, para nga naman makumpleto na ang happiness ko. Extended naman ang wedding hangga't wala pang groom. Wala naman kasing exact year, basta June 20!

O paano? Kita-kits ha?

Monday, March 29, 2010

Takot Na Akong Matulog

Tatlong beses nang nangyari sa'kin ito ngayon. Nakakatakot. Hindi ko naman sinasabing basahin mo ito, pero kung gagawin mo, babala na rin ito baka kasi mangyari rin ito sa iyo, o baka nga naranasan mo na.

Alam mo ba yung ganitong pakiramdam? Ang sarap ng tulog mo pero sa isang iglap nakaramdam ka ng uneasiness. Gusto mong gumising pero magugulat ka na lang kasi ayaw makisama ng katawan mo. Pinipilit mong dumilat pero hindi mo kaya, kasi sa tuwing ididilat mo yung mga mata mo, bumabalik yun sa pagkakapikit. Gusto mong gumalaw pero hindi mo kaya, na pakiramdam mo may pumipigil sa iyo, na gustong-gusto mong gumalaw kaso wala, ayaw talaga. Na unti-unting bumabagal yung paghinga mo pero wala kang magawa kundi ang makiramdam, na kahit anong pilit mong gising, ayaw pa rin. Gusto mong sumigaw pero kahit sarili mo hindi mo marinig. Na sinasabi mo na lang sa utak mo sana may pumasok sa kwarto para gisingin ka. Na sana gumalaw ka, na sana dumilat ka na, na sana makahinga kasi alam mong pag hindi mo nalabanan mamamatay ka.

Una. Magkalapit lang ang kwarto ng nanay ko saka ang kwarto ko. Sa kwarto ni mama natutulog yung dalawa kong nakababatang kapatid. Mag-isa lang ako sa kwarto. Pati kuya ko may sariling kwarto. Hindi ko na matandaan kung kelan, pero hanggang ngayon hindi ko pa rin makalimutan yung pakiramdam na yun.

Hapon yun, mag-isa akong natutulog sa kwarto nang bigla kong marinig yung boses ng kapatid kong babae. "Ate, ate," sabi niya. Nagising ang diwa ko kasi ang pagkakaalam ko ay tinatawag niya ako. Baka may kailangan siya kaya ang initial reaction doon ay pagbuksan siya ng pinto, nakagawian ko na ang mag-lock ng pinto, pero... noong gigising na ako, ayaw dumilat ng mata ko, ayaw kumilos ng katawan ko, at ramdam ko ang pagbagal ng paghinga ko. Siguro binabangungot na ako, kung yun nga talaga iyon. Hindi ko nagustuhan ang ganoong pakiramdam. Pinilit kong makawala. Nang makakilos ako, binuksan ko ang pinto. Wala namang tao.

Pangalawa. Hapon yun. Tandang-tanda ko pa, March 20 yun. Mga alas tres siguro natulog ako. Ilang oras na ang nakalilipas nang ihatid ko ang mga kaibigan ko. Galing kasi kami ng Graduation Ball noong March 19 at sa bahay sila natulog.

Natulog ako sa kwarto nina mama, nakabukas ang aircon. Kasama ko rin si mama sa kwarto. Nasa kaliwa si mama, katabi niya ako. Noong una ok pa ang tulog ko tapos nakaramdam ako ng uneasiness, parang di ako mapakali, kaya nagising ako. Nung nag-try ako matulog uli, dun na nag-umpisa. Kahit anong dilat ang gawin ko, pilit pa ring pumipikit ng mga mata ko. Hindi makakilos, mabagal na paghinga, ayun na naman ang mga senyales. Sandali lang ang itinagal nun. Nang magising ako, sinabihan ko si mama na binabangungot ako.

"Magdasal ka," sabi niya pero hindi ako nakinig. Katoliko ako pero hindi kasi ako pala-dasal. Lumipat ako ng pwesto. Sa pinto kasi nakatapat yung mga paa ko, e ang sabi-sabi, masama raw matulog nang nakatapat ang paa sa pinto. Naisip kong baka pag lumipat ko maging ok na. Ako na ang nasa kaliwa at si mama ang nasa kanan ko.

Nang makatulog ako uli, pag pikit ko, nakakita ako ng mga taong hindi ko kilala. Tinandaan ko talaga, isang lalaki at tatlong babae, at sabi ng utak ko yung dalawang babae dun ay kambal. Sunod, narinig ko yung boses ng kapatid kong lalaki, yung bunso namin, sabi niya, "Anong nangyari?" Sunod, narinig kong tinatawag niya si mama, "Ma!" sabi niya. Pinilit kong gumising pero ayun na naman. Ganoon pa ring pakiramdam ang naramdaman ko. Nang makawala ako, nagdesisyon akong hindi na talaga ako matutulog. Sabi ni mama gawa raw yun ng pagod kasi ilang araw na rin kaming puyat.

Ilang oras makalipas, lumipat ako ng kwarto. Mga alas singko siguro. Doon na ako sa kwarto ko. May ka-text pa ako noon e. Pilit kong inaaliw yung sarili ko kasi baka makatulog na naman ako. Sa kasamaang palad nakatulog na naman ako at ang pinakamasama doon, nakarinig na naman ako ng boses. Nakarinig ako ng tawang demonyo, pakiramdam ko ang lapit-lapit niya kasi dinig na dinig ng tainga ko, na parang sa tainga ko mismo siya tumatawa. Pinilit kong gumising pero ayun na naman yung pakiramdam. Nag-struggle na naman ako sa paglaban hanggang sa magising ako. Nagmadali akong lumabas sa kwarto. Ang dilim pa naman. Pinuntahan ko si mama. Umiiyak na nga ako kasi hindi talaga ako makatulog, at ayoko na talagang matulog, kasi everytime na matutulog ako lagi na lang akong binabangungot.

"Magdasal ka," sabi niya na naman. Sinunod ko na siya. Sa isip-isip ko, gusto kong i-text yung kaibigan kong madre and surprisingly, bigla siyang nag-text. Sabi ko, "Sister, I'm afraid." I consulted her, then sabi niya bangungot yun. Magdasal lang ako. Sabi niya traydor ang death, hindi natin alam kung kailan aatake. Sabi ko sa kanya nagdasal na ako. After ng conversation namin (at after ako i-comfort ng isang taong napakahalaga para sa akin) e nakatulog na ako. Ok naman ang tulog ko. Doon ko napatunayang napaka-powerful pala talaga ng prayer.

Pangatlo. Nitong hapon lang, sinubukan kong matulog kasi ang sama ng pakiramdam ko. Noong umaga pa ako nahihilo. Sabi ni mama doon ako sa kwarto nila matulog at buksan ko yung aircon. Kasama ko pa si mama saka yung kapatid kong babae. Katutulog ko lang ng alas-kwatro. Isang oras pa lang ang nakalilipas nang maalimpungatan ako kasi may naririnig akong boses at pakiramdam ko may tumatakbo sa loob ng kwarto. Gumising ako pero shit! Ayan na naman, nag-start na naman akong bangungutin. Ang masama nun pag dilat ko, nakita kong walang ibang tao sa kwarto. Naiwan na pala ako mag-isa. Pilit na bumalik sa pagkakapikit yung mata ko. Na kahit anong dilat ang gawin ko, bumabalik pa rin. Isip ako ng isip, "Gumising ka na. Gumising ka na." Sinubukan kong galawin yung daliri ko, baka pag nagalaw ko yun, magising na ako. Ang hirap, ang hirap talaga galawin. Tumigil ako at nakiramdam. May pumasok sa kwarto. Nag-struggle na naman ako sa paggising. Sinubukan kong sumigaw, sinubukan kong gumalaw. Ilang saglit pa, nagising na lang ako. Pakiramdam ko nakawala ako sa pagkakagapos ng kadena.

"Binabangungot na naman ako," sabi ko kay mama. Siya yung pumasok.
"Umayos ka ng higa, dagdagan mo ng unan yang hinihigaan mo. Magdasal ka," sabi niya.
"Hindi na, ayaw ko na matulog."

Tinanong ko sa kanya kung narinig niya akong sumigaw, sabi niya hindi. Buong pag-aakala ko nakasigaw na ako nun kaso wala palang talab. Lumabas ako sa kwarto nila. Takot na akong matulog. Siguro, kung mamamatay ako, hindi dahil sa sakit, aksidente o katandaan kundi bangungot. Napapadalas na kasi.

Magdadasal ako bago matulog mamaya. Baka kasi bukas hindi na ako magising pero sana... sana hindi na maulit.

Bago ako mamatay, pabisita, http://virginparawako.blogspot.com.

Saturday, March 27, 2010

Music of Love (2)



Chapter 1: Big and Little Sister

***
Chapter 2
To Love and To Lose Hope


     Nagkayayaan ang grupo ng kalalakihan na nasa isang sulok ng Unibersidad.

     “Tara na! Mahuhuli na tayo sa klase e!” yakag ni Chad, ang isa sa grupo. May kabuntot siyang dalawang lalaki. Nagpaalam na siya sa dalawa pa nilang kasamahan; kung bibilangin ay lima lahat sila. “Reed, Ivan, una na kami ha!”
     “Sige!” tugon ni Reed.

     Umalis na ang tatlong lalaki pero ‘di nagtagal, humiwalay rin ang isa sa kanila kaya’t magkasamang naglakad ang dalawa sa grupo.

     Si Reed ang pinakasikat na miyembro ng grupo. Siya ang bokalista ng kanilang banda. Matangkad siya. Sa lahat siya ang pinaka may hitsura. May kaputian ang kulay ng kanyang balat at may tattoo siya sa kanang braso na pigura ng isang babae.

     “Ano iyang binabasa mo?” tanong ni Reed kay Ivan.

     Si Ivan. Siya naman ang gitarista ng grupo. Kayumanggi ang kulay ng kanyang balat, tahimik at may malalim na personalidad. May mga pagkakataon ring gusto niyang mapag-isa. Nagmula siya sa isang dukhang pamilya at siya ang panganay sa anim na magkakapatid. Magkasingtaas sila ni Reed at sa grupo, sila ang pinakamalapit sa isa’t isa.

     “Yung huling sulat sa akin ni—”

     Hindi na pinatapos pa ni Reed ang sinasabi ni Ivan. “A ok,” wika nito.

     “May pupuntahan ka ba mamaya, Reed? Hmm. Pagkatapos ng klase?” tanong ni Ivan.
     “Diretso uwi ng bahay,” sagot ni Reed. “Bakit?”
     “Wala. O sige, mauuna na ako.”
     “Aalis ka na rin?”
     “Oo. Ingat na lang, pre.” Umalis na si Ivan.

     Sa isang tabi, nagkakaroon naman ng diskusyunan sina Neri at Ellie.

     “Sigurado kang kaya mong mag-isa? Alam mo kasi, Ellie, binilin ka sa akin ni papa.”
     “Big sister, kaya ko na. Ano ka ba? Hindi na ako bata.”
     “O sige na nga. Basta pag may kailangan ka, tawagan mo na lang ako. You know my digits, right?”
     “Yeah, no problem,” sagot ni Ellie.

     Bago maghiwalay, hinalikan ni Neri ang kapatid sa pisngi. “Take care, ok?”

     “I will,” tugon ni Ellie na may ngiti sa mga labi.

     Nakatayo lang si Ellie. Tinitingnan niya ang bawat sulok at palapag ng Unibersidad, kinakausap niya ang sarili at nagmumuni-muni.

     “Ang ganda rito! Ilang students kaya ang nag-aaral dito? Ilang teachers ang nagtuturo? Ilan ang pasok sa Dean’s List? Ilan ang courses?”

     Samantala, kanina pa pala siya tinitingnan ng isang lalaking mukhang kilala rin sa Unibersidad at tatawagin na lang nating “Benjo”.

     Umubo ito, “Ehemm! Excuse me, miss,” at nakuha ang atensyon ni Ellie.

     “Bakit? May kailangan ka?” tanong ni Ellie.
     “Hindi ba’t ako ang dapat na magtanong niyan? Freshman ka rin siguro.” Lumapit ito kay Ellie. “Need help? Ako nga pala si Benjamin Rico Salas. Tawagin mo na lang akong Benjo,” pagpapakilala nito.

      Inabot ni Benjo ang kanyang kanang kamay upang makipagkamay kay Ellie pero tinitigan at binaliwala lang siya nito. Ngumiti na lamang si Benjo.

     “A miss, ano ang pangalan mo?” tanong niya.
     “Ellie,” sagot ni Ellie.
     “Nice meeting you, Ellie,” nakangiting sabi ni Benjo.
     “Ok. Pasensya na, wala kasi akong panahon sa mga ganito. Hahanapin ko pa ang classroom ko.”
     “Baka gusto mong samahan kita sa paghahanap?” alok ni Benjo.
     “Bakit?” tanong ni Ellie.
     “A, wala lang! Gusto ko lang sanang makatulong.”
     “Ang pag-alis mo sa aking harapan ay isa nang malaking tulong. Salamat,” wika ni Ellie. “Kung ayaw mo naman at kung wala ka nang sasabihin, ako na lang ang aalis,” dagdag niya.
     “A hindi! May sasabihin pa ako!” Nakatingin si Ellie sa kanya, naghihintay ng sunod niyang sasabihin. “Alam mo ba Ellie na… ang ganda mo?”
     “A talaga? Hindi ka nakakatuwa!” At tuluyan na ngang iniwan ni Ellie si Benjo.

     Ngumisi si Benjo, “Bakit ba ang sungit niya? E talaga namang maganda siya. Hay mga babae talaga!”

     Mga yabag ng paa ang maririnig. Nasa harap ng isang bulletin board si Neri nang tabihan siya ng isang lalaki. Hindi niya na tiningnan kung sino ito, mukhang kilala niya na.

     “Neri, puwede ba kitang makausap?” pagbabaka-sakali ng lalaki.

     Kinuha ni Neri ang kanyang earphones, inilagay niya sa kanyang tainga at umalis. Sinundan siya ng lalaki at paulit-ulit na tinawag ang kanyang pangalan.

    “Neri, please naman o!” pagmamakaawa ng lalaki at sumusunod ito sa kanya na parang isang aso.

     Nairita na si Neri. Tinanggal niya ang earphones sa kanyang tainga at pagalit na nagwika, “Tigilan mo nga ako, Ivan, puwede?”

     Hindi natinag si Ivan. “Please! Gusto ko lang naman kasing malaman kung nasaan si Trish,” pakiusap niya.

     “Hindi ko alam, wala akong alam at kung may alam man ako, hindi ko sasabihin sa iyo!”
     “Bakit ba ganyan kayo? Bakit inilalayo ninyo siya sa akin? Ano bang nagawa ko?” tila naghahanap siya ng kasagutan.
     “Ivan, maganda si Trish, mayaman. Ang pamilya nila ay may magandang katayuan sa lipunan. Hindi kayo bagay!”
     “Hindi bagay? Dahil ba mahirap lang kami? Dahil artista siya? Yun ba ang basehan ng pagmamahal, Neri? Pag hindi ka mayaman, hindi ka bagay sa mayaman? Pag hindi ka artista, hindi ka bagay sa artista? Yun ba? Ha Neri? Madadala ba ang kayamanan sa langit? Mabibili ba ng pera ang kaligayahan? Ang pag-ibig?”
     “Ivan, tanggapin mo na lang na wala na si Trish! Isipin mo na lang na hindi mo siya nakilala! Ganun kasimple!”
     “Madali lang siguro para sa iyo ang magsalita ng ganyan pero kung ikaw siguro ang nasa kalagayan ko, baka grabeng sakit ang maramdaman mo. Pasensya na, ‘wag kang mag-alala, hindi na kita guguluhin pa. Salamat na rin sa mga sinabi mo.”

     Umalis si Ivan, bigo ang puso at mukhang wala nang pag-asa. Wala rin naman pala siyang napala sa pakikipag-usap kay Neri.

     Para bang tumigil ang oras at si Neri ay napaisip, “Trish, nasaan ka na nga ba talaga?”

***

Music of Love (1)



Chapter 1
Big and Little Sister


Isang napakagandang umaga, San Luis Residence.

     Alas sais ng umaga nang bulabugin ni Neri, isang fourth year College, ang buong kabahayan. Si Neri ay kumukuha ng kursong Creative Writing at sa taong ito ay magtatapos na siya sa napiling kurso. Siya ang panganay sa magkapatid at tinaguriang “big sister”. Barber’s Cut ang kanyang gupit, may highlights ang buhok, maputi ang balat, may tighiyawat bagama’t isang magandang babae at may katangkaran din.

     “Gising gising! Breakfast is ready!”

     Sumisigaw siya habang kinakalampag ang kaldero gamit ang sandok. Lumabas sa kuwarto ang kanyang mga magulang, parehong nakapantulog. Ang kanyang ina ay may rollers pa sa buhok.

     “Ano ba naman, Neri! Parang hindi ka sibilisado a!” iritang pagkakasabi ng kanyang amang si Arthur, isang businessman; matangkad, gwapo at kilabot ng kolehiyala noong kapanahunan niya.

     Napailing ang ina ni Neri, si Leda; mas matanda siya sa kanyang asawa ng limang taon at isang manager sa bangko. Nakuha ni Neri ang hitsura ng kanilang ama samantalang ang bunsong kapatid niya ay ng kanilang ina.

     “Neri, bitiwan mo nga iyan. Para kang bata,” malambing na pagkakasabi ni Leda.

     Binitiwan ni Neri ang hawak at humingi ng paumanhin, “Sorry, sorry, sorry. Gaya nga ng sabi ko, ma, pa, breakfast is ready. Kain na!”

     Naghilamos muna ang mag-asawa saka sila dumulog sa hapag-kainan kasalo si Neri. Tumingin si Neri sa paligid at napansing parang may kulang.

      “Nasaan si Ellie?” tanong niya.
      “Tulog pa, natural. Hayaan mo na iyang kapatid mo, pagod iyan. Galing kasi sa Red Cross mission kahapon,” sagot ni Arthur.

     Nagulat si Neri, “Red Cross mission!”

     “Bakit? May problema?” tanong ni Arthur.
     “Wala naman, papa,” sagot ni Neri. “Nagulat lang ako. Sa edad niyang iyan, 16 years old, ay nagagawa niyang tumulong sa Red Cross. Ang mga kabataan sa ngayon, pa, ang inaatupag e bar hopping, shopping…”

     Nagising si Ellie sa ingay ng kanyang kapatid. Nakatayo siya at pinakikinggan ang pagpapaliwanag nito. Napansin siya ni Leda at binigyan siya ng isang matamis na ngiti. Lumapit siya sa hapag-kainan at hinila ang upuan sa tabi ni Neri. ‘Di man lang siya napansin nito.

     Patuloy si Neri sa pagsasalita, “…at kung anu-ano pang activities na wala man lang katuturan at puro pakikipag-sosyalan. Kaya hindi umuunlad ang mga kabataan ngayon e! At pansin ko rin sa kanila ay ang maaga nilang—”

     “Pagboboyfriend-girlfriend?” singit ni Ellie.

     Napatigil si Neri at tumingin sa kanyang tabi, “Little sister! Gising ka na pala!”

     Nagbigay ng isang ngiti si Ellie, “Kanina pa. Simula nang kalampagin mo ang kaldero.” Natawa sina Arthur at Leda sa sinabi niya. Napatingin nga si Neri sa kanila. “Big sister, huwag kang mag-alala. Hindi ako kagaya ng mga kabataang tinutukoy mo,” dagdag ni Ellie. Tuwang-tuwa naman si Neri sa kanyang narinig.

     Bihis na ang pamilya San Luis at handang-handa na sa pagpasok sa Unibersidad ang magkapatid. Ito ang unang araw ni Ellie sa Unibersidad. Kumukuha siya ng kursong Bachelor in Secondary Education. Nilisan na nila ang kanilang tahanan at habang nasa sasakyan, tinanong ni Neri si Ellie,

     “Bakit Education?”
     “Dahil gusto ko,” diretsong sagot ni Ellie.
     “Dahil gusto mo? Yun lang?” muling tanong ni Neri.
     “Dahil gusto ko. Yun lang.”
   
     Napailing na lamang si Neri, “Huh! Ibang klase ka rin talaga, little sister!”
 
     “Bakit? Sapat nang dahilan yun, ‘di ba?”
     “Oo na! Panalo ka na naman!”

     Si Ellie. Siya yung tipo ng taong seryoso, hindi katulad ni Neri na “happy-go-lucky”. Wala siyang ibang alam kundi ang mag-aral. Wala siyang panahon sa love life. Makikita mo siya madalas sa silid-aklatan o sa tahimik na lugar at gumagawa siya ng makabuluhang bagay gaya ng pagsali sa mga organisasyon. Masasabi ring matalino siya at noong grade school at high school days niya, suki siya ng iba’t ibang quiz bee. Si Neri, hindi pa nakasasali sa kahit na anong quiz bee. Madalas kasi siya sa theater plays.

     Maganda si Ellie at maraming tagahanga pero takot sa kanya ang mga ito dahil mukha siyang masungit. Mahaba ang kanyang straight na buhok at lagi itong nasa ayos. Mahilig din siyang magsuot ng mahabang palda at long sleeves o ‘di kaya naman ay three-fourths. May suot siyang kulay berdeng salamin, marahil iyon ang paborito niyang kulay. Kapansin-pansin din ang nunal niya sa pisngi.

     Narating na nila ang Unibersidad. Maraming tao, iba’t ibang mukha, iba’t ibang personalidad. Sa isang sulok, may grupo ng kalalakihan. Lahat pawang nakaitim at may eyeliner, may suot ding hikaw. Kung titingnan mo, sila yung tinatawag na “rakista”. Mukhang isang grupo sila ng banda.

     Bumaba na ang magkapatid sa sasakyan.

     “Ingatan mo ang kapatid mo, Neri,” bilin ni Arthur.

     Tinanggal ni Neri ang suot niyang earphones sabay tanong, “What is it, pa?”

     “Ang sabi ko, ingatan mo ang kapatid mo,” ulit ni Arthur.
     “Oh ok! I will!” tugon ni Neri at ibinalik niya ang earphones sa kanyang tainga.

     May inabot namang papel si Ellie kay Leda.

     “Ano ito?” tanong ni Leda.
     “Papel,” seryosong sagot ni Ellie.

     Natawa si Neri at siniko ang kapatid. Binigyan naman ni Ellie ng tingin na “Bakit?” si Neri.

     Ngumiti si Leda, “Oo nga naman. Ikaw talaga, Ellie!”

     “Basahin ninyo pag nakalayo na kami,” utos ni Ellie.
     “Bye ma, pa!” paalam ni Neri. Kinuha niya ang kamay ng nakababatang kapatid at tinahak na nila ang mahabang daanang papasok sa Unibersidad.

     Nang wala na sa paningin ng mag-asawa ang magkapatid, tinanong ni Arthur si Leda, “Ano yang inabot ni Ellie, mama?” Binasa ni Leda ang nakasulat.

Take care mama, papa. Big and little sister love you.


***
Chapter 2: To Love and To Lose Hope

Music of Love (13)


Chapter 1: Big and Little Sister
Chapter 2: To Love and To Lose Hope
Chapter 3: A Lesson of Love
Chapter 4: Lost and Found
Chapter 5: Acceptance
Chapter 6: Coincidence
Chapter 7: An Unforgettable Melody
Chapter 8: Sense of Danger
Chapter 9: Confusion and Questions
Chapter 10: Confession
Chapter 11: Burst of Emotions
Chapter 12: Unsung

***
Chapter 13
The Truth Behind


     Maganda ang gising ni Ivan. Mahigit isang linggo nang nasa kanya ang gitarang ibinigay ni Ellie. Nakararamdam pa rin siya ng kakaibang kasiyahan. Mabuti na rin iyon. Mula noong mawala kasi si Trish, madalas nasa isang sulok lang siya at panay lang ang pagtugtog ng gitara.

     Naalala niya noong bakasyon, halos hindi siya makausap ng mga kapatid niya pero ngayon, kasama niya na ang mga ito. Nagkakantahan sila; bumalik na ang dating sigla niya. Nadagdagan pa ng madalas na pag-eensayo sa choir, nakawawala ng stress at hangang-hanga talaga siya kay Ellie. Walang kapantay ang husay nito sa pagtugtog ng piano. Nakilala na rin ni Ellie sina Chad at Duncan na miyembro rin ng bandang Rascals.

     Natapos ang Prelim. Natapos ang Midterm. Parang kailan lang, umpisa pa lamang ng klase tapos ngayon, Finals na ng First Semester. Third year na si Ivan sa kursong Computer Programming. Scholar siya sa Unibersidad. Nakapag-ipon naman sina Mang Daniel at Aling Isabel ng sapat na pera, bibili raw sila ng bagong computer. Yung dati kasi nilang computer, second hand lang at sa ngayon, hindi na nakatutuwang gamitin.

     Nakuha ni Ivan kay Benjo ang numero ng cell phone ni Ellie at ngayon ay may balak siyang makipagkita rito.

     “Saan ka pupunta, Ellie?” tanong ni Neri nang makita niyang nakabihis ang nakababatang kapatid.
     “Aalis ako, makikipagkita ako kay Ivan.”
     “For what reason?”
     “Wala, mamamasyal lang kami.”

     Humarang si Neri sa pintuan. “No! No, no, no, no, no! Hindi ka aalis na kasama si Ivan. Dito ka lang.” Kinuha niya ang librong nakapatong sa lamesita, “Ito, magbasa ka ng libro, mag-aral ka, gumawa ka ng assignment!”

     “Ate Neri, kanina ko pa nagawa iyan. Nakapagbasa na ako ng tatlong libro, nakapag-aral ng limang subjects, nagawa ko na lahat ng assignments ko at nadiligan ko na rin yung alaga mong cactus.”
     “Diniligan mo ang cactus ko?”
     “Yeah.”
     “Hindi. Basta, dito ka lang!”
     “Ok… Edi si Ivan na lang ang papupuntahin ko.” Akmang itetext na ni Ellie si Ivan ngunit pinigilan siya ni Neri.
     “Never… never ever do that, Ellie! Ayokong makitang pumupunta sa bahay natin ang kahit na sino sa kanila. Be it Duncan, Chad, Reed, Benjo and especially Ivan!”
     “Bakit ba? Bakit parang galit na galit ka sa kanila? Ano bang nagawa nila sa iyo, ate? Alam mo hindi ko alam kung bakit ka ganyan e! Pero sana naman, ‘di ba, pahalagahan mo ang mga kaibigan ko at respetuhin mo sila gaya ng pagrespeto ko kina Marcus at Trish!”

     Trish… Tama, si Trish. Siya ang dahilan kung bakit nagkakaganito si Neri. Umalis siya sa pintuan at pinalabas si Ellie.

     “I’m sorry, Ellie. Go ahead. Just take care, ok?”

     Hinalikan niya sa pisngi ang nakababatang kapatid at pinagmasdan niya ito hanggang sa ito’y makasakay ng kotse at makaalis ng bahay.

     “She’s growing up, Neri,” sabi ni Arthur. “Let her do what she wants. Alam naman niya kung ano ang ginagawa niya e!”
     “But papa, all of her friends are boys,” pag-aalala ni Neri.
     “What’s wrong with that?” tanong ni Leda. “Well, at least they’re all human," pagbibiro nito. “There’s nothing to worry. Ako nga, may mga kaibigan din akong lalaki noon and even now in my work.”
     “Ang ayoko lang naman ay ang maglalalapit siya dun sa anak nina Mang Daniel at Aling Isabel na si Ivan.”
     “Sinong Ivan? Yung kinukuwento mong boyfriend ni Trish? Anak nila Daniel at Isabel iyon?” gulat na tanong ni Arthur.
     “Exactly,” sagot ni Neri. Gusto lang naman niyang protektahan si Ellie ngayon pa’t napapalapit na ito kay Ivan at sa mga barkada nito.

     Kasalukuyang nagsasaya sina Ellie at Ivan. Nagpunta sila sa isang amusement park.

     “Ang ganda rito,” puri ni Ellie.
     “Ngayon ka lang ba nakarating dito? Halika,” ibinigay ni Ivan ang kanyang kamay. “Mamasyal tayo.” Humawak si Ellie sa kanya.

     Sumakay sila sa rides, naglaro ng video games, kumanta sa videoke, kumain ng masasarap na pagkain at syempre, mawawala ba naman ang ice cream? Gabi na at napagod sila kaiikot sa amusement park. Umupo muna sila at nagpahinga.

     “Hay, napagod ako,” buntong-hininga ni Ellie.
     “Masaya ka ba?” tanong ni Ivan.
     “Ano bang klaseng tanong iyan? Syempre masaya ako pero mas masaya siguro kung nandito sina Benjo, Reed, Chad at Duncan.”

     Umusog nang kaunti si Ivan para magkalapit lalo silang dalawa. “Hindi ka ba nilalamig?” tanong niya.

     “Sa suot kong ito lalamigin pa ba ako?” Mahilig nga kasi siyang magsuot ng long sleeves o ‘di kaya'y three-fourths na damit.
     “Uhmm. Ellie, nagka bf ka na ba?” nahihiyang tanong ni Ivan.

     Napangiti na lang si Ellie, “Alam mo, natanong na sa akin iyan ni Benjo.”

     “A talaga? Hmm. Meron na nga ba?”
     “Wala pa,” sagot ni Ellie.
     “Wala? ‘Di nga? E bakit?”
     “E sa wala e, anong magagawa ko?”
     “Ako ba puwede? Hehe!”

     Natahimik si Ellie.

     “O bakit Ellie? Joke lang yun, ano ka ba?”
     “A, joke lang ba yun?”

     Nagbuntong-hininga si Ivan.

     “Ivan,” tawag ni Ellie. “Ikaw ba, nagka girlfriend na?”
     “A, oo… Dati,” sagot ni Ivan. Umiwas siya ng tingin.
     “Talaga? Ano namang pangalan?”
     “Trish,” mahina nitong pagkakasabi.
     “Trish? Montes?”

     Nagulat si Ivan, “Kilala mo?”

     “Oo! Yung… kaibigan ni Ate Neri! Girlfriend mo pala yun?!”
     “Ay, oo nga pala… si Neri… kaibigan niya si Neri at ate mo si Neri…”
     “Girlfriend mo pala si Trish, hindi mo sinasabi sa akin at ‘di rin naikuwento ni Ate Neri.”
     “Alam mo kasi, ayaw ng parents niya sa akin. Ang sabi layuan ko raw ang anak nila. E hindi naman ako makapapayag ng ganoon. Kaya ang ginawa nila, sila na lang ang naglayo kay Trish. Hindi ko nga alam kung nasaan na siya.”
     “Matagal na nga rin kaming walang balita sa kanya. Ang hinala ni ate, dinala na raw sa States.”
     “Talaga?” malungkot ang tinig ni Ivan. “Ano ba ang alam mo kay Trish?”
     “Hmm. Hindi kami ganun ka-close at saka sa totoo lang… ‘Wag kang magagalit ha? Naaartehan kasi ako sa kanya. Lumabas na siya sa iba’t ibang pelikula pero minor role lang naman, ‘di ba? Oo, marami siyang tagahanga kasi maganda siya.”
     “Tumutugtog din siya ng piano! Yung tinugtog mo noong audition sa choir, yun ang madalas niyang tugtugin.”
     “A! So, siya pala yung sinasabi mo. Oo, tinutugtog niya nga yun. Kapag pumupunta siya sa amin, kinukulit niya ako. Ako ang nagturo sa kanya nun.”
     “Mabait ba si Trish?” tanong ni Ivan.
     “Mabait? Hmm. Oo??? Siguro, ewan! Gaya nga ng sabi ko, ‘di kami close at saka ‘di ko siya gusto. Yun lang ang masasabi ko.”
     “B-Bakit naman, Ellie?”

     Tumayo si Ellie, “Dahil… Wala siyang ginawa kundi ang mag-telebabad pag nasa bahay namin at madalas pang matulog sa amin dahil hindi siya puwedeng umuwi sa bahay nila ng nakainom.”

     Lahat na yata ng sinabi ni Ellie ay negatibo pero walang magagawa si Ivan, mas kilala siguro ni Ellie si Trish dahil kaibigan ito ng ate niya at pumupunta ito sa kanila.

     “Ivan, ‘di pa ba tayo uuwi? Gabi na, may pasok pa bukas.”

     Tumayo si Ivan at naglakad na sila ni Ellie palabas ng amusement park.

***

Music of Love (12)


Chapter 1: Big and Little Sister
Chapter 2: To Love and To Lose Hope
Chapter 3: A Lesson of Love
Chapter 4: Lost and Found
Chapter 5: Acceptance
Chapter 6: Coincidence
Chapter 7: An Unforgettable Melody
Chapter 8: Sense of Danger
Chapter 9: Confusion and Questions
Chapter 10: Confession
Chapter 11: Burst of Emotions

***
Chapter 12
Unsung


        Isang balita ang natanggap ni Cliff noong umagang yun. Si Lex daw nasa ospital.

     “Nasa ospital? Anong nangyari?” may halong pag-aalalang tanong niya.
     “Nabugbog daw. Sina Reed at Benjo ang nakakita. Nakahandusay nga raw. Sila na rin ang nagdala sa ospital,” pahayag ng isang miyembro ng kanilang grupo.
     “E kumusta naman daw siya?”
     “‘Di nga namin alam, pupuntahan nga namin ngayon. Ano sasama ka?” tanong ng isa.

     Nagtungo ang grupo sa ospital at nakita ang kaawa-awang kalagayan ni Lex. Bali ang mga buto ng binata at napakaraming sugat sa katawan. Wala siyang malay, nasa coma at hindi alam kung kailan magigising. Maaaring bukas, sa isang linggo, sa isang buwan, sa mga susunod na buwan, taon, o maaaring ‘di na magising.

     Nakipag-usap si Cliff kay Reed nang magkaroon siya ng pagkakataon. Kasama ni Reed si Benjo noong mga sandaling iyon.

     “Pre, aaminin ko sa iyo, may balak kaming gawin nito ni Benjo diyan kay Lex,” pagtatapat ni Reed. “Kaso pre, ayun naunahan na pala kami.”

     Isang palaisipan kung sino ang bumugbog kay Lex dahil napakarami niyang kaaway pero isa lang ang nasisiguro ni Cliff: mata sa mata, ngipin sa ngipin.

     Kumalat sa buong Unibersidad ang balita at ang mala “hero” na ginawa nina Reed at Benjo ay umani lalo ng maraming fans.

     “Nakakaawa naman siya, Benjo,” ang may halong lungkot na sabi ni Ellie.
     “Naawa ka dun e tingnan mo nga ang ginawa niya sa iyo. Ang karma talaga, digital na. Pero oo, sabagay, nakakaawa nga. Bali-bali ang buto, duguan, basag ang mukha. Nasa coma pa siya ngayon! Hay...”

     Hinampas siya ni Ellie ng libro, “Tumigil ka nga riyan, Benjo. Puro ka kalokohan.”

     Araw ng Linggo. Day off ng mag-asawang Daniel at Isabel. Paalis na si Mang Daniel pero may pahabol si Ellie.

     “Mang Daniel!” tawag niya. May ibinigay siyang papel, isang resibo, “Pakibigay po ito kay Ivan. Pakisabi pong pumunta siya sa JB Music at ipakita niya iyan. Nakalagay naman diyan ang address ng JB Music.”

     Sinunod naman ni Mang Daniel ang bilin ni Ellie at ibinigay niya kaagad ang resibo kay Ivan.

     “Ano pong gagawin ko rito ‘tay?” ang napapakamot na naitanong ni Ivan.
     “Binigay ni Ma’am Ellie iyan. Pumunta ka raw sa JB Music at ipakita mo iyan. May address daw riyan.” Siniko niya ang anak, “Ivan ha, close pala kayo ni Ma’am Ellie. Baka kung ano na iyan.”
     “Tay naman...”

     Nagpasama si Ivan kay Reed sa pagpunta sa sinasabing address sa resibo. ‘Di naman nagpahuli si Benjo, sumama na rin siya.

     “Saan tayo pupunta?” tanong niya pa.
     “Huwag ka nang magtanong, ‘insan. Sumunod ka na lang,” sabi ni Reed.

     Nang makarating na, agad na lumapit si Ivan sa counter. “A excuse me po, may nagpapunta kasi sa akin dito. Ang sabi ay ipakita ko raw ito.” Ibinigay niya ang papel sa tindero. Umalis ang tindero at nang bumalik, may dala nang gitara, nasa case pa.

     “A-Ano ho ito?” tanong ni Ivan.
     “Iyan po yung purchased item ninyo.”

     Manghang-mangha si Ivan gayundin ang magpinsan. Lumabas na sila sa tindahan at naghanap ng mauupuan.

     “Buksan mo na,” utos ni Reed.

     Binuksan na ito ni Ivan at tumambad sa kanya ang isang bago, mamahalin at napakagandang gitarang kulay asul.

     “Wow! Pre, ang ganda!” nasabi niya. ‘Di maipaliwanag ang sayang nararamdaman ni Ivan.
     “Pre o, may sticker pang ‘Ivan’,” pansin ni Reed. May sticker na pangalan ni Ivan ang nakadikit.
     “Tsong, ang ganda!” masayang pagkakasabi ni Benjo. “Kanino galing?” tanong niya.
     “A, kay Ellie,” sagot ni Ivan. ‘Di maialis sa kanyang mukha ang isang malaking ngiti.

     Para bang gumuho ang mundo ni Benjo sa narinig.

     “Pre, hindi nga? Kay Ellie galing iyan?” tanong ni Reed. “How thoughtful naman niya pre, how Goldilocks! E bakit ka naman niya binigyan niyan?” tanong uli niya.
     “Kasi po, Kuya Reed, si Ivan ang nagligtas kay Ellie. Mahabang kuwento,” singit ni Benjo.
     “A ganun? Benjo, paano ba iyan? Inggit ka, no?”
     “Hu! E bakit naman ako maiinggit?” tanong nito. May naisip si Benjo, “Ivan, kung puntahan kaya natin si Ellie sa bahay nila? Tapos magpasalamat ka?”
     “Oo nga ano!” tugon ni Ivan.

     Sumalungat si Reed, “Oi Benjo, anong puntahan si Ellie ang sinasabi mo?”

     “Magpapasalamat nga si Ivan, Kuya Reed.”
     “E magkikita naman sila sa University ha!”
     “Hu! ‘Wag mong sabihing natatakot ka kay Neri, kuya?”
     “Reed, puntahan na lang natin si Ellie,” pakiusap ni Ivan.
     “Ay mga tsong! Alam ko ang address ng bahay nila,” excited pa si Benjo.

     Piningot ni Reed ang pinsan, “A ganun, Benjo? Alam mo? Hmm. Mamaya ka sa akin.”

     Makalipas ang isang oras, natunton na nila ang bahay ng Pamilya San Luis.

     “Kuya Reed, ang laki pala ng bahay ng ex mo!” manghang-mangha si Benjo.

     Kinainis ni Reed ang pagkakasabi ni Benjo ng salitang “ex”. Nabatukan tuloy niya ang pinsan.

     Maganda ang bahay ng Pamilya San Luis. Kulay puti ang pintura ng bahay, napakalinis tingnan, mababa ang bakod at alagang-alaga ang bermuda grass.

     “O pre, tama na,” awat ni Ivan.

     Sumilip-silip sila. Biglang lumabas si Neri na may dalang wireless telephone. Nang makita nina Reed at Ivan si Neri, nagtago sila. Samantalang ang makulit na si Benjo ay ‘di nakuntento at tinawag pa si Neri.

     “Neri! Neri!”
     “Hoy! Gago ka, Benjo, ‘wag mong tawagin!” pabulong na sigaw ni Reed.

     Pero matigas ang ulo ni Benjo. “Neri! Neri!” muli niyang pagtawag.

     “Kumag talaga ‘tong Benjo na ‘to!” napakamot ng ulo si Reed.

     Nanlaki ang mga mata ni Neri nang makita si Benjo. Lumapit siya rito at nagtanong, “Kutong lupa ka, anong ginagawa mo rito? Paano mo nalaman ang bahay namin?”

     At si Benjo, ni hindi man lang pinansin ang mga tanong ni Neri, ay nakuha pang magpacute, “Si Ellie?”

     “At bakit?”
     “E gusto ko siyang makita.”
     “Wala! Umalis! ‘Di na babalik!”

     Pagkasabi ni Neri nun, lumabas si Ellie. Nakita niya si Benjo at lumapit siya patungo rito.

     “Bestfriend, anong ginagawa mo rito?” tanong niya.

     Hindi makapaniwala si Neri, “Little sister, bestfriend mo itong kutong lupa na ito?”

     “Oo ate,” sagot niya. “Mag-isa ka lang?” tanong niya kay Benjo.
     “A hindi, kasama ko sina Ivan at Kuya Reed.”

     Lumabas na sa pinagtataguan ang dalawa. Nang makita ni Neri si Reed, nag-iba ang timpla niya. Hindi naman makatingin si Reed sa kanya.

     “Pasok na ako,” malungkot na sabi ni Neri at siya’y umalis.

     Pinatuloy na ni Ellie ang tatlo. “Gusto ninyong pumasok sa loob?” tanong niya.

     “A hindi na, Ellie!” sabi ni Reed. “Dito na lang tayo. Kaya lang naman kami nagpunta rito kasi may sasabihin si Ivan,” siniko niya si Ivan.
     “A Ellie, salamat nga pala rito,” ipinakita nito ang gitara.
     “Nakuha mo na pala.”
     “Oo. Alam mo, ‘di ko talaga inaasahan ito.”
     “Kabayaran ko iyan sa nasirang gitara mo.”
     “Sabi ko naman, ‘di ba, ‘wag mo nang intindihin yun? Pero… salamat talaga.”

    Masayang nagkuwentuhan ang apat samantalang si Neri, nandoon sa loob ng kuwarto niya, nag-iisa. Maya-maya’y may narinig siyang naggigitara. Walang dudang si Ivan iyon. Matapos, ang boses na matagal-tagal na rin niyang hindi naririnig.

“From the moment I met you I just knew you'd be mine…”

     “Bwisit…” bulong niya.

     Ito ang madalas na kantahin ni Reed sa kanya noon, ang Best in Me ng Blue. Patuloy si Reed sa pagkanta.

“You touched my hand and I knew that this was gonna be our time…”

     Naiinis si Neri sapagkat naaalala tuloy niya ang nakaraan nilang dalawa.

“I don't ever wanna lose this feeling…”

     Pero hindi niya nasabi sa pamilya niya na nagkaroon siya ng kasintahan.

“I don't wanna spend a moment apart…”

     Si Reed ang unang lalaki sa buhay niya, ang unang lalaking minahal niya.

“'Cos you bring out the best in me, like no-one else can do…”

     Kung bakit sila naghiwalay, ayaw niya nang pag-usapan pa.

“That's why I'm by your side…”

     Pero aminado siya, hanggang ngayon mahal niya pa rin si Reed. Ayaw niya lang ipakita…

“And that's why I love you…”

***

Music of Love (11)


Chapter 1: Big and Little Sister
Chapter 2: To Love and To Lose Hope
Chapter 3: A Lesson of Love
Chapter 4: Lost and Found
Chapter 5: Acceptance
Chapter 6: Coincidence
Chapter 7: An Unforgettable Melody
Chapter 8: Sense of Danger
Chapter 9: Confusion and Questions
Chapter 10: Confession

***
Chapter 11
Burst of Emotions


     Patulog na sila. Nakahiga sa kama si Benjo, malalim ang iniisip, nang mapansin siya ni Reed.

     “Benjo,” tawag nito. Tumingin si Benjo sa kanya. “Busted ka, ano?” hindi nito napigilang tumawa.
     “Ewan,” tinakpan ni Benjo ng unan ang kanyang mukha.
     “Yung Eliza San Luis pala, kapatid ni Neri, ano?”
     “Ano naman?”
     “Wala lang.” Tumawa si Reed, “Haha! Bakit kasi sa dinami-rami ng magaganda at seksing chicks sa University, siya pa ang natipuhan mo? Sana naman pumili ka ng nakikita yung legs, ‘insan.”

     Tinanggal ni Benjo ang unan sa kanyang mukha, “At sino? Si Neri?”

     “Hindi ko naman sinabing si Neri ha…”
     “Kuya Reed, bakit nga pala kayo nagbreak?” usisa ni Benjo.
     “Wala ka na dun!” Hinampas ni Reed ang unan sa kanya. “Matulog ka na nga, tsismoso ka,” pinatay niya na ang lampshade.

     Bago ipikit ang mga mata, kinuha ni Benjo ang kanyang cell phone at tinext si Ellie.

Gud nyt bstfr3nd… Sori s nsb 
  q knna. =c

     Kinaumagahan, may nakitang note si Benjo sa kanyang locker.


     Mag usap tayo mamaya.


     --Ellie

     Nang magpunta si Benjo sa classroom, naroon na si Ellie.

     “Ang tagal mo yata,” sabi nito. Nag-usap sila sa corridor habang wala pa ang prof.

     Huminga nang malalim si Benjo. “Ellie, sor—” naputol ang kanyang sinasabi nang magsalita si Ellie.

     “Sorry nga pala, Benjo,” sabi nito. “Sorry kung iniwan kita kahapon. Alam mo, hindi kasi ako sanay ng ganoon. Noong grade school at high school ako, wala akong close friends lalo na mga kaibigang lalaki. Ngayon nga lang ako nagkaroon ng bestfriend e! Alam kong mali talaga ang ginawa ko. Pasensya na.”
     “Ako nga ang dapat na humingi ng sorry. Baka kasi isipin mong sinasamantala ko ang pagiging magkaibigan natin.”
     “Hindi naman ako ganun mag-isip. Benjo, ayaw kitang paasahin o saktan. Ang gusto ko lang kasi ay maging magkaibigan tayo. Yun lang at wala nang hihigit pa doon.”

     Umalingawngaw sa tainga ni Benjo ang mga sinabi ni Ellie.

     Ang gusto ko lang kasi ay maging magkaibigan tayo. Yun lang at wala nang hihigit pa doon…

     Yun lang…


     wala nang hihigit pa doon…


     wala nang hihigit pa doon…

     “Ibig sabihin, hindi kita puwedeng ligawan?”
     “Hindi. Maraming bagay ang mas mahalaga kaysa pag-ibig. Ang unang priority ko ay ang pag-aaral ko. Sana maintindihan mo.”

     Sobrang sakit ang naramdaman ni Benjo. Ang babaeng mahal niya… Hanggang magkaibigan na lang pala sila.

     “May practice mamaya sa choir. Huwag mo na akong hintayin,” bilin ni Ellie.

     At natapos ang kanilang pag-uusap.

“Hay buhay… Parang life…”

     Iyan ang nasambit ni Benjo. Mag-isa siya sa tambayan at lungkot na lungkot. Dumaan si Ivan.

     “Anong nangyari sa iyo? Bakit parang Biyernes Santo yang mukha mo?” pansin nito.
     “Wala na!” ang may hinanakit na pagkakasabi niya.
     “Anong wala na?” naguluhan si Ivan.
     “Si Ellie kasi… Hindi niya ako gusto,” napabuntong-hininga siya. Tinanong niya si Ivan, “Paano mo ba napasagot si Trish?”

     Nag-isip ang binata, “Si Trish? Hmm. Naging mabuti ako at maalaga sa kanya, ganun.”

     Para sa kanya, wala ring kwenta ang sagot ni Ivan kaya naisip ni Benjo na ibahin na lang ang usapan.

     “May practice ba kayo sa choir?” tanong niya.
     “Meron. Kaso yung gitara ko wala e, nasira. Baka manghiram na lang ako dun.”
     “Ba’t nasira?”
     “E pinukpok ko sa ulo ni Lex.”
     “Anong nangyari? Nag-away kayo ni Lex?”
     “Kasi ganito yun, pre, noong may audition sa choir, gabi na rin ako nakauwi. Itong sina Lex pinagtangkaan si Ellie,” paliwanag ni Ivan.

     Nagulat si Benjo, “Pinagtangkaan? Teka tsong, ipaliwanag mo nga!”

     “Ayun nga, hinarang nila si Ellie tapos tinutukan ni Lex ng patalim. Natakot ako para sa kanya kaya gumawa ako ng paraan.”

     Nang marinig ni Benjo iyon, pakiramdam niya ay sasabog ang kanyang dibdib. Naisip niyang kaya naman pala ganun si Ellie kay Lex noong nagkasalubong sila papunta sa clinic ay may ginawa pala itong masama kay Ellie.

     “Bakit ‘di man lang sinabi ni Ellie sa akin yun? Kala ko ba kaibigan niya ako?” pagtatampo niya.

     Pumunta siya sa Music Hall at pumasok sa isang silid. Ginamit niya ang drum set. Sa pamamagitan nito ay inilabas niya ang sama ng kanyang loob. Gusto niyang sumigaw, gusto niyang magwala. Pakiramdam niya ay napakamalas niya ngayong araw.

     Nang matapos ang kanyang pagtugtog, may pumalakpak: si Ellie. Nang makita ang nakangiting mukha ng babaeng minamahal, para bang naglaho ang lahat ng galit na kanyang nararamdaman. Nagkaroon sila ng masinsinang usapan sa labas ng Music Hall.

     “Bakit hindi mo man lang sinabi sa akin?” tanong ni Benjo.
     “Alam ko kasing pag sinabi ko sa iyo, mag-aalala ka lang. Ayokong pag-alalahanin ang mga tao sa paligid ko.”
     “Alam ni Neri?”
     “Naku, hindi! Wala akong pinagsabihang kahit na sino. Mabuti na nga lang talaga at dumating si Ivan, niligtas niya ako…” namula ang mukha ni Ellie. “Tumakbo nga kami! Nakakakot sila.”
     “Oo,” sang-ayon ni Benjo. “At ang papangit pa.”

     Tumawa si Ellie. Ito ang unang beses na narinig ni Benjo ang kanyang pagtawa. Gumaan tuloy lalo ang kanyang pakiramdam. Hindi niya na maalis ang kanyang paningin sa babaeng ito… Sa babaeng unang nagpatibok ng kanyang puso.

     “Benjo,” tawag ni Ellie. “Salamat dahil naging kaibigan kita.”

     Kaibigan… Ouch…

     “Sana hindi ka magbago sa akin ngayon pa’t nalaman mo ang nararamdaman ko para sa iyo, Ellie,” hiling ni Benjo.
     “Hinding-hindi, Benjo.”

     Palubog na ang araw. Pinagmasdan nila ito. Ilang oras pa ay mawawala na ang kulay gintong liwanag na nagmumula rito. Katahimikan ang tangi nilang naging usapan hanggang sa may naalala si Benjo.

     “‘Di ba may practice pa kayo, Ellie?”
     “Oo, hinihintay ko si Ivan. Sabay raw kami pumunta roon sabi niya.”
     “A, ganun ba?”

     Maya-maya pa’y dumating na si Ivan kasama si Reed.

     “Hi, Ellie!” bati ni Reed. Binulungan niya si Ivan, “Feeling close e, no?”

     Pinakilala ni Benjo ang dalawa kay Ellie pero kilala na naman ni Ellie si Ivan.

     “Ay Ellie, si Kuya Reed nga pala, pinsan ko. Siya yung vocalist ng banda namin. Tapos si Ivan ang guitarist.”
     “At si Benjo naman ang tagapunas ng pawis namin,” pagbibiro ni Reed.
     “Sira ulo ka talaga, kuya!”

    Pumasok na sina Ivan at Ellie sa Music Hall.

    “Bakit ba kasi sabay pa sila?” tanong ni Benjo.
    “Selos ka naman!” Tinitigan siya ni Benjo. “O ‘insan, bakit ganyan ang tingin mo?” tanong ni Reed. Matapos ay binulungan siya nito. “O?” reaksyon niya. Bumulong uli si Benjo. “Mmm. Mukhang masaya yan…”

     Isang nakakalokong ngiti ang nakita sa mukha ni Reed.

***

Music of Love (10)


Chapter 1: Big and Little Sister
Chapter 2: To Love and To Lose Hope
Chapter 3: A Lesson of Love
Chapter 4: Lost and Found
Chapter 5: Acceptance
Chapter 6: Coincidence
Chapter 7: An Unforgettable Melody
Chapter 8: Sense of Danger
Chapter 9: Confusion and Questions

***
Chapter 10
Confession


     Imbis na sa bahay ang diretso nila, sa ospital sila nauwi. Kitang-kita ang pag-aalala sa mukha ni Leda.

     “The doctor said that she’s just stressed. There’s nothing to worry, ok?” pagpapagaang-loob ni Arthur. Tumango si Leda.

     Nang makauwi na, inalalayan ni Ellie ang kanyang kapatid at kanya itong inihiga sa kama.

     “Ok ka na?” tanong niya.
     “Medyo,” sagot ni Neri.
     “Lalabas muna ako. Ikukuha kita ng tubig, ate.” Akma nang lalabas si Ellie pero pinigilan siya ni Neri.
     “Huwag na. Dito ka na lang, Ellie.” Nanatili na lang si Ellie sa kuwarto. “Little sister, tabi tayo,” paglalambing ni Neri.

     Tumabi si Ellie sa kanya at kanya itong niyakap. Hinahaplos-haplos ni Neri ang buhok ng nakababatang kapatid.

     “Ellie,” ang una niyang salita. “Alam mo ba… masaya ako kasi nagkaroon ako ng kapatid na kagaya mo… na mabait at matalino.”
     “Ako rin naman e! Masaya ako kasi may ate akong nag-aalaga sa akin.”
     “Sana Ellie… Hindi ka mawala sa akin…”

     Nagtaka si Ellie, “Ha?”

     “Sana… ‘wag kang mawala sa akin, little sister,” niyakap niya nang mahigpit si Ellie.

     Mag-isang naglakad si Ellie papasok sa Unibersidad kinabukasan. Hindi pumasok si Neri dahil hindi pa maganda ang pakiramdam nito. Sa kanyang paglalakad, may nabangga siyang lalaki. Pag tingin niya, si Lex pala.

     “Tingnan mo nga naman. Ikaw pala, Miss Beautiful,” sabi nito sa kanya. Pakiramdam siguro nito ay babatiin din niya ito. Hindi siya pinansin ni Ellie. Napikon si Lex, “Aba, ang sungit a!”

     Patuloy na naglakad si Ellie. Hindi niya iniintindi ang lalaking baliw na ito.

     “Hoy, Miss Beautiful! Ayaw mong mamansin ha!” mahigpit siyang hinawakan ni Lex sa braso.
     “Ano ba?” iritang tanong ni Ellie.

     May humawak bigla sa balikat ni Lex. “Bitawan mo siya,” sabi ni Ivan. Binitawan ni Lex si Ellie at siya’y umalis.

     “Mokong na yun,” bulong ni Ivan. “Ayos ka lang?” tanong niya. Positibo ang sagot ni Ellie. “Kumusta na nga pala si Neri?” nahihiyang tanong ni Ivan.
     “Hindi pa rin maganda ang pakiramdam niya. Sana maging maayos na siya,” panalangin ng dalaga.

     Sa tahanan ng mga San Luis. Nakatingin si Neri sa bintana ng kanyang silid. Mataas na ang araw. Tumayo siya, humarap sa salamin at sinuklay ang kanyang buhok. Pansin niyang humaba na ito. Sumilip siya sa bintana at pinagmasdan ang lugar kung saan sila madalas maglagi nina Trish at Marcus. Dito rin sila naglalaro noong mga bata pa sila. Mas bata si Trish ng isang taon sa kanila.

     Naalala niya, habang naglalaro silang tatlo, nakatingin lang si Ellie sa kanila. Kapag sinasali ni Marcus si Ellie, nagagalit si Trish. Pumasok si Aling Isabel sa kuwarto. Dala nito ang almusal na nakalagay sa tray.

     “Ma’am Neri, ang almusal ninyo po.”
     “Paki iwan na lang po riyan.”

     Ilang minuto ang lumipas ay bumisita si Marcus sa bahay nila. Hindi pa naman oras ng klase niya kaya naisip niyang dumaan na muna.

     “Are you ok now?” tanong niya kay Neri.
     “I’m fine,” sagot ni Neri pero ang totoo niyan ay hindi talaga.
     “Here Neri, flowers for you,” ibinigay ni Marcus ang bouquet ng bulaklak. Tinanggap naman ni Neri. Matapos ay umupo sila sa lugar na madalas nilang tambayan.
     “Alam mo, Marcus, naaalala ko noong mga bata pa tayo… Tayong tatlo ni Trish, dito tayo naglalaro.”
     “Oo nga e! Naghahabulan tayo tapos ikaw, nadapa ka pa nun. Si Trish pa nga ang gumamot sa iyo. Tapos sabi mo, bagay siyang maging nurse.”
     “Oo at yun ang kinuha niyang course.”

     Hinawakan ni Marcus ang kamay ni Neri, “Alam kong malungkot ka dahil wala na si Trish pero sana naman Neri, tandaan mong nandito pa rin naman ako.” Napatingin si Neri sa kanya dahil sa mga salitang iyon. Nagpatuloy si Marcus, “Alam kong malapit talaga kayo sa isa’t isa pero huwag kang mag-alala, hindi ko man kayang higitan ang lahat ng mga ginagawa ni Trish para sa iyo, asahan mong nandito lang ako sa tabi mo. Pag nadapa ka, gagamutin ko rin ang sugat mo. Lalagyan ko pa ng band aid.”

     Ngumiti si Neri, “Corny mo, Marcus.”

     Samantala, sa Unibersidad. Pinipisil ni Benjo ang sugat niya sa daliri nang siya ay mapansin ni Ellie.

     “Anong ginagawa mo, Benjo?”
     “A wala, wala!” itinago ni Benjo ang kanyang kamay.
     “Anong wala e may nakita ako?” Pilit na kinuha ni Ellie ang kamay ni Benjo, “O may sugat ka! Napaano yan?”
     “Nahiwa ng kutsilyo. Maliit lang naman ito.”
     “Ang maliit na sugat pag ‘di ginamot, lumalala. Halika, punta tayo sa clinic,” yakag ni Ellie.
     “Ay hindi Ellie, ‘wag na!” tanggi ni Benjo. Pero nakita niya na lamang ang sarili na hawak na sa kamay ni Ellie.

     Nakasalubong nina Ellie at Benjo papuntang clinic sina Lex at ang dalawa pang miyembro ng Backstabbers na nagtangka kay Ellie noong isang gabi.

     “Saan kayo pupunta, mga bubwit?” tanong ni Lex.

     Patuloy sa paglalakad sina Ellie at Benjo. Tuwang-tuwa si Benjo dahil nakahawak si Ellie sa kamay niya.

     “Hoy, kinakausap ko pa kayo ha!” sigaw ni Lex.
     “Pupunta kami sa zoo at irereport naming nakatakas ka,” sagot ni Ellie.
     “Aba loko ka ha!” gigil na sabi ni Lex.
     “O Lex, tama na, ‘wag mo nang patulan,” awat ng mga kasama niya.
     “May araw rin sa akin yang dalawang yan!”

     Ayos na ang lahat. Nagamot na ang sugat ni Benjo. Nalagyan na rin ito ng kapirasong benda.

     “Ellie, thanks ha?” pagpapasalamat niya.
     “Bakit sa akin ka nagpapasalamat e hindi naman ako ang gumamot sa iyo?” natatawang tanong ni Ellie.
     “Ay, oo nga. Hehe!”

     Magkasamang lumabas sina Benjo at Ellie nang matapos ang kanilang klase. Tinitingnan ni Benjo si Ellie habang naglalakad sila. Maya-maya’y huminto siya. Patuloy lang si Ellie sa paglalakad hanggang sa napansin niyang hindi niya na pala kasabay si Benjo. Nang lumingon siya, nakita niyang nakatayo lang ito.

     “Uy Benjo, halika na,” nakangiting tawag niya.

     Hindi natinag ang binata. Seryoso ang mukha nito. “Ellie… Mahal kita…” ang mga salitang lumabas sa bibig ni Benjo.

     Nawala ang ngiti sa mukha ni Ellie. Ang maaliwalas niyang mukha ay biglang dumilim. Tapos ay umiwas siya ng tingin.

     “Uuwi na ako, bye,” paalam niya. Tumakbo siya.

     Naiwang mag-isa si Benjo. Hindi niya alam na pinagmamasdan pala siya nina Ivan at Reed.

***

Music of Love (9)


Chapter 1: Big and Little Sister
Chapter 2: To Love and To Lose Hope
Chapter 3: A Lesson of Love
Chapter 4: Lost and Found
Chapter 5: Acceptance
Chapter 6: Coincidence
Chapter 7: An Unforgettable Melody
Chapter 8: Sense of Danger

***
Chapter 9
Confusion and Questions


     Maaga pa lamang ay pumasok na si Benjo upang tingnan kung nakapasa ba si Ellie sa audition ng choir. Nakapaskil na sa bulletin board ang mga pangalan ng natanggap. Ang pangalang una niyang nakita ay ikinagulat niya.

     “O? Si Ivan pasok sa choir? Sumali pala siya, astig!” At kasunod ng pangalan ni Ivan ang pangalan ni Ellie. “Aha! Ang pangalan ni Ellie my labs ko! Ang galing niya talaga!”

     Umalis na siya matapos mabasa ang pangalan ni Ellie at nagtungo agad sa tambayan. Nadatnan niya sina Ivan at Reed doon at ibinalita niya ang pagkakatanggap ni Ivan sa choir.

     “Uy tsong, kasali ka sa choir ha! Nakita ko yung pangalan mo dun sa bulletin board.”
     “Talaga?” tuwang-tuwa si Ivan.
     “Aba pre, achievement. Congrats,” bati ni Reed. “E kumusta naman yung kinukuwento mong mahal mo, Benjo, pasok ba?” tanong niya kay Benjo.
     “Syempre naman! Yun pa, Kuya Reed, e magaling yun,” pagmamayabang ni Benjo.
     “Totoo ba yan ha?”
     “Naman! Tingnan mo pa dun! Hanapin mo yung Eliza San Luis. O sige, mga tsong, wala akong panahon sa daldalan. Alis na ako! Babu!”

     Umalis na si Benjo.

     “Eliza San Luis?” tanong ni Ivan.
     “Bakit, ‘van, anong meron?” pagtataka ni Reed.
     “A kasi, natatandaan mo ba yung napulot kong I.D.? Ang may-ari nun ay si Eliza San Luis. Ibig sabihin, ang may-ari nun ay yung… mahal ni Benjo?!”
     “Talaga? Hmm. Ka apelyido pa ni Neri, ano? Teka, may picture ba?”
     “Hindi ko na matandaan yung hitsura e.”
     “Alam mo, ‘van, curious talaga ako riyan sa mahal ni Benjo. Ayaw man lang ipakilala sa atin. Mabuti pa ay tingnan na lang natin yung bulletin board at abangan natin baka dumating si Eliza San Luis!”
     “Para naman tayong engot nun,” bulong ni Ivan.
     “Halika na!” yakag ni Reed.

     Nagtungo na sila sa bulletin board at tiningnan ni Reed ang mga pangalang nakalista.

     “Uy tingnan mo, ‘van, magkasunod pa kayo ni Eliza San Luis, tingnan mo o!”

     Tiningnan ito ni Ivan, “Aba, oo nga ano.”

     Maya-maya pa, papalapit na sina Ellie at Neri sa bulletin board pero nang makita ni Neri sina Ivan at Reed na nakatayo malapit sa bulletin board…

     “A little sister, parang sumakit yata yung tiyan ko.”
     “Ha? Sumakit? Bakit, e hindi naman ganun karami ang nakain mo?”
     “Please, samahan mo muna ako sa CR.”

     Lumitaw bigla si Benjo, “Hi Ellie!” at nakita niya ang kasama ni Ellie. “Neri?!”

     “Kilala mo ang ate ko, Benjo?”
     “Si Neri, ate mo?!” pagtataka ni Benjo.

     Nagtanong din si Neri, “Little sister, kilala mo ang kutong lupa na ‘to?” Tinuturo niya si Benjo.

     “A, oo. Remember yung kaklase kong nagte-text sa iyo? Si Benjo iyon,” sagot ni Ellie.

     Hindi makapaniwala si Neri, “What? Siya yun? Teka lang ha! Aaargh! Sumasakit ang ulo ko! Napakaraming asungot ang nakita ko!” Umalis na lang siya sa ‘di malamang kadahilanan.

     “Ano kayang problema nun?” tanong ni Ellie. “Ang dami naman yata niyang sakit. Kanina tiyan, ngayon ulo naman.”

     Nakatingin si Benjo sa papalayong si Neri at nasabi na lamang niya ang, “Ellie, kapatid mo pala si Neri.”

     “A, oo,” tugon ni Ellie. “Magkakilala pala kayo ni big sister.”

     ‘Di sinasadyang napatingin si Reed sa kinatatayuan nina Benjo at Ellie. Nang makita niya ang kanyang pinsan na may kasamang babae ay kinalabit niya si Ivan, “Si Benjo o! Ayun yata yung sinasabi niya e!”

     “Nasaan?” tanong ni Ivan. Hinahanap niya ang tinuturo ni Reed.
     “Ayun o! Yung kasama niya!” Tinawag niya si Benjo, “Benjo!”

     Nagulat si Benjo dahil may narinig siyang tumawag sa kanyang pangalan at pag tingin niya sa paligid, nakita niya si Reed!

     “Hala lagot! Si Kuya Reed! Kasama ko si Ellie, baka ibuko niya ako!” isip niya. Nagpaalam siya kay Ellie, “Ellie, alis muna ako ha! May nakalimutan ako sa locker ko e! Kita na lang tayo mamaya ha!” Kumaripas siya ng takbo.

     Hindi inaasahan ni Reed na iiwasan siya Benjo, “Hala! Ang kumag umalis!” Dahil dito ay nagpaalam siya kay Ivan, “‘van, habulin ko lang ha!”

     Takang-taka naman si Ellie, “Ano bang nangyayari? Umalis si ate, umalis si Benjo. Hay ang gulo nila!” Hindi niya na inintindi ito at lumapit na lang sa bulletin board. Nakatayo rin si Ivan malapit doon.

     “O Ivan, nandito ka pala,” masaya si Ellie na makita siya.
     “A oo, Ellie. Tiningnan ko kasi kung nakapasok ako.”
     “Ganoon ba? Ano, kasama ka ba sa choir?” tanong niya habang hinahanap ang kanyang pangalan sa listahan.
     “Oo,” sagot ni Ivan. “E ikaw?”

     Nakita na ni Ellie ang kanyang pangalan, “Ayun ako!” Tinuro ni Ellie ang pangalan niya.

     Nagulat si Ivan, “Ikaw... Ikaw si Eliza San Luis?”

     “Oo, at ikaw? Ivan?” kinukuha ni Ellie ang apelyido ni Ivan.
     “Alvarez. Ivan Alvarez.”

     Nang marinig niya iyon, naalala bigla ni Ellie ang babaeng napagtanungan niya sa Lost and Found Section ng Unibersidad. Nang tinanong niya kasi ang pangalan ng taong nakapulot sa Red Cross I.D. niya, ang pangalang binanggit nito ay…

     “Hmm. Si Ivan Alvarez.”

     Oras na ng klase pero lumilipad ang isip ni Ellie. Napakalayo na siguro ng narating nito.

     “Siya ang nakapulot ng Red Cross I.D. ko. Tapos doon sa library, kung nasaan ako, naroon din siya. Madalas rin kaming magkasalubong… At kagabi, niligtas niya pa ako.”

      Isang ingay ang nakagambala sa kanyang pag-iisip. Ang katabi niya ay napagalitan ng prof.

     “Mr. Salas, what are you writing?”

     Nagulat si Benjo. ‘Di niya inaasahang mapapansin ng prof ang kanyang ginagawa. “Uhmm. Notes, sir,” sagot niya.

     “Notes? Let me see.”
     “Sir?”
     “Let me see!”

     Tumayo si Benjo at ibinigay ang papel.

     “Go back to your seat.”
     “Patay,” isip ni Benjo. Bumalik siya sa upuan.

     Tiningnan ng prof ang sinulat ni Benjo, “You call this notes, Mr. Salas? E lahat yata ng itinuro ko wala rito.” Hiyang-hiya si Benjo. “Class listen, look what Mr. Salas has written.”

     Binasa ng prof ang sulat sa buong klase.

Dear Ellie,

    Napatingin si Ellie kay Benjo na kasalukuyang nakayuko at hiyang-hiya.

     Alam mo bang nagpapasalamat ako sa Diyos kasi nakilala kita? Congrats nga pala dahil pasok ka sa choir, nakita ko yung pangalan mo dun. Salamat na rin sa pagsabay mo sa akin every lunch. Mag-iingat ka palagi ha? Sana ituring mo akong bestfriend mo.

Benjo

     “How thoughtful of you, Mr. Salas,” sarkastikong pagkakasabi ng prof. “Ms. San Luis, this letter is for you.”

     Tumayo si Ellie at kinuha ang sulat. Naghiyawan ang kanilang mga kaklase. Halos lumubog naman si Benjo sa kinauupuan dahil sa sobrang hiya.

     “Ok, back to the discussion.”

     Sa tambayan. Napabuntong-hininga si Benjo, “Hay! Nakakahiya talaga yun. Parang tuloy gusto ko nang lamunin ako ng lupa.”

     “Benjo!” tawag ni Ellie. May dala siyang pagkain. Umupo siya sa tabi ni Benjo at ibinigay ang lunch na binili niya. “Thanks nga pala sa letter ha? Na-appreciate ko.”

     Pumalakpak naman ang tainga ni Benjo sa narinig. “Talaga? A Ellie, puwede... puwede ba tayong maging bestfriends?” tanong niya.

     “Ha? A walang problema, yun lang pala e. Tutal, palagi naman tayong magkasama, bestfriends na tayo.”

     Lalong natuwa si Benjo, “Talaga? E puwede ba kitang ihatid sa inyo minsan?”

     “Bakit?” pagtataka ni Ellie. “Huwag na, may driver naman kami.”

     Nang mag uwian na, sumakay na si Ellie sa kanilang sasakyan. “Hello po, Mang Daniel!” bati niya. “Si Ate Neri po wala pa?”

     “Ay wala pa po, ma’am.”

     Ilang sandali pa ay dumating na si Neri. Mukhang sobrang pagod. Nang isinara niya na ang pinto ay umandar na ang sasakyan. Maayos ang takbo nito sa umpisa ngunit biglang nag-preno si Mang Daniel dahil may mga kabataang bigla na lang tumawid.

     “Ay ano ba yan!” angal ni Neri nang siya ay sumubsob sa upuan. Inayos naman ni Ellie ang nagulo niyang buhok.

     Tinanggal ni Mang Daniel ang suot na seatbelt at lumabas sa sasakyan upang pagsabihan ang mga kabataan.

     “Ano ba kayo? Bakit bigla na lang kayong tumawid? Hindi nyo ba alam na delikado yan? Paano kung ‘di ako nakapagpreno edi nasagasaan ko na kayo?”

     Nakilala siya ng isa sa mga kabataang tinutukoy, “Tay?” Ang bandang Rascals pala ang biglang tumawid. Hindi na nakapagsalita si Mang Daniel.

     “Mang Daniel, ano po ba iyan?” tanong ni Neri nang sila ni Ellie ay lumabas ng sasakyan. Nakita niyang kausap ni Mang Daniel ang isang miyembro ng bandang Rascals.

     Hindi maunawaan ni Ivan kung bakit kasama ng kanyang ama sina Neri at Ellie. At ano ang relasyon nina Neri at Ellie? Hindi niya naiwasang magtanong, “Tay, driver kayo nina Neri at Ellie? Sila ba yung sinasabi ninyong bago ninyong amo?”

     “A oo anak, sina Ma’am Neri at Ma’am Ellie ang mga amo ko,” sagot ni Mang Daniel.
     “Magkapatid sila?” tanong muli ni Ivan.
     “Oo,” sagot muli ni Mang Daniel.

     Gulong-gulo na si Neri. Sina Ivan at Mang Daniel ay mag-ama? At si Mang Daniel ay nagtratrabaho bilang tsuper sa kanila!

     “Tay? Anak? Hay! Ano bang buhay ito?” Hinimatay siya bigla. Nagkagulo ang lahat.

***

Music of Love (8)


Chapter 1: Big and Little Sister
Chapter 2: To Love and To Lose Hope
Chapter 3: A Lesson of Love
Chapter 4: Lost and Found
Chapter 5: Acceptance
Chapter 6: Coincidence
Chapter 7: An Unforgettable Melody

***
Chapter 8
Sense of Danger


     Natuwa ang instructor sa piyesang tinugtog ni Ellie.

     “Napakaganda ng iyong tinugtog, Miss?” kinukuha nito ang kanyang pangalan.
     “San Luis. Eliza San Luis po,” pinong sagot ni Ellie.

     Lumabas na si Ellie sa Music Hall. Mangilan-ngilan na lang ang natira upang mag-audition. Dala ang kanyang gamit at ilang librong bitbit, napagpasyahan niya nang umuwi. Hindi niya alam na sa kanyang pag-uwi, isang panganib ang naghihintay.

     Naglalakad na siya ngayon sa mahaba at maliwanag na daanang palabas ng Unibersidad. May mga nakahilerang puno sa gilid ng daanan na kung pagmamasdan mo ay parang isang kagubatan sa sobrang dami. Mga poste ng ilaw ang nagbibigay ng liwanag sa paligid. Ang mga poste ay may nakasisilaw na liwanag ngunit unti-unting nawala ang kinang ng mga bumbilya. Napahinto si Ellie. Maya-maya, isang liwanag na nagmumula sa sinindihang sigarilyo ang kanyang nakita.

     Isang malamig na boses ang kanyang narinig. “Good evening, Miss Beautiful,” anito.

     Unti-unting sumindi ang mga bumbilya ng poste sa paligid at sa kanyang harapan ay tatlong lalaki. Ang aaskad ng mga hitsura. Si Lex ang naninigarilyo, ang dalawang lalaking kasama nito ay miyembro rin ng bandang Backstabbers. Ang isa pang taga patay-sindi ng ilaw ay hindi na nagpakita. Hinithit ni Lex ang sigarilyo at ibinuga ang usok.

     “Bakit naman mag-isa kang naglalakad dito? Wala ka bang kasama pauwi?” tanong niya.

      Alam naman nating prangkang tao si Ellie at sinagot niya si Lex, “Wala. Hmm. Kung may nakikita ka namang kasama ko, congrats sayo, may third eye ka.”

     Ngumisi si Lex, “Nagpapatawa ka rin, ano? Alam mo bang delikado ang gumala ng ganitong oras dito sa University? Marami kasing gago rito.”

     “Gaya naman nino? Gaya mo?”

     Tinapon ni Lex ang kanyang sigarilyo. “Ayos ka ring babae ka ha! Naaalala ko tuloy sa iyo yung aking best enemy.” Dahan-dahan siyang lumapit kay Ellie. “Nakita kita kanina, kasama mo si Benjo, kaanu-ano mo siya?”

     “Kaklase ko,” sagot ni Ellie. Iyon lang naman kasi ang relasyon nilang dalawa ni Benjo.
     “A talaga?” Umiling si Lex, “Hindi ako naniniwala.” Naglabas siya ng patalim na sadyang ikinagulat ni Ellie. “Siguro ay girlfriend ka ni Benjo.”
     “H-Hindi,” umiling si Ellie.
     “Alam mo bang may atraso ang pinsan niya sa akin?”
     “A-Ano naman ang kinalaman ko dun?” may panginginig sa tinig ng dalaga.
     “Ang sa akin lang ay gusto kong dispatsahin ang lahat ng mahal nila sa buhay!” Itinutok bigla ni Lex ang patalim sa mukha ni Ellie!
     “Ahh! Tulong!!!” sigaw ni Ellie. Tumakbo siya palayo ngunit nahila ni Lex ang kanyang buhok. Nabitawan niya ang dala niyang mga libro. Nasa mga bisig na siya ni Lex, ang kanang braso nito ay nakalapat sa kanyang liig. Takot na takot siya sa hawak na patalim nito.

     Umiiling-iling si Lex, “Sayang maganda ka pa naman kaso, hindi ko gusto ang tabas ng dila mo.”

     Biglang namatay ang mga ilaw sa poste. Sinundan iyon ng isang malakas na kalabog. Maya-maya’y naramdaman ni Ellie na may humila sa kanya.

     “Bilis!” boses ng isang lalaki.

     Nakahawak si Lex sa kanyang ulo. Hinihimas-himas niya ito at para siyang nahihilo. “Ano… Anong nangyari?” tanong niya.

     “Hindi namin alam,” sagot ng kanyang mga kasama. Ang tatlo ay walang makita sa dilim.
     “Mga pulpol! Habulin ninyo!” utos ni Lex. Mahilo-hilo siya. Kumilos na ang dalawa niyang kasama.

     Mabilis na tumakbo sina Ellie at ang taong humila sa kanya. Lumiko sila at nagtungo papasok sa maraming punong nasa paligid.

     “Dito tayo!” humahangos ang lalaki.

     Nagtago sila sa isang puno. Sa kanilang posisyon, napakalapit nila sa isa’t isa at halos naririnig na ni Ellie ang paghinga ng kanyang kasama. Sa ‘di kalayuan naman ay naririnig niya ang usapan ng mga humahabol sa kanila.

     “Nasaan na?” tanong ni Lex.
     “Nakatakas na. Wala na. Nakatakas na,” sabi ng isa.
     “Mga bobo! Wala talaga kayong tulong sa akin!”

     Niyakap si Ellie ng kanyang kasama at naramdaman niya ang init ng katawan nito. Bumilis ang tibok ng puso ni Ellie. Nang wala nang ingay, lumabas na sila sa kanilang pinagtataguan. Maliwanag na uli sa paligid. Nang matiyak na wala na ang grupo ni Lex, malugod na ibinalita ng kasama ni Ellie ang,

     “Wala na sila, ligtas ka na.”

     At nang tumingin ang kasama ni Ellie sa kanya, nagulat siya, “Ikaw?!” Magkahawak pa sila ng kamay nun ha! “Bitawan mo nga ako!” utos ni Ellie.

     Binitawan agad ni Ivan ang kamay niya. “Alam mo kahit kailan, napakasungit mo talaga!”

     “Wala kang paki! Uuwi na ako!” sabi ni Ellie at uuwi na nga talaga siya. Pinigilan siya ni Ivan, hinawakan siya nito sa kamay, malapit sa kanyang pulso.
     “Mag-isa ka lang? Kaya ka napapahamak e! Alam mo namang maraming loko rito tapos babae ka pa, hindi ka ba natatakot?”

     Unti-unting pumatak ang mga luha ni Ellie. Nataranta si Ivan, “O miss, teka, hala! Umiiyak na!”

     Sa malapit na restaurant sila nagpalipas ng oras.

     “Wala bang masakit sa iyo? Wala ka bang sugat?” tanong ni Ellie kay Ivan.
     “Walang na-damage sa akin maliban sa gitara ko. Pinukpok ko kasi sa ulo ng walang hiyang Lex na yun. Ikaw, ok ka lang ba?”
     “Ayos lang naman ako. Kaso ang mga libro ko…”
     “Ano ka ba naman, miss! Mamamatay ka na nga lang, libro pa rin ang nasa isip mo!”
     “At sino namang nagsabing mamamatay ako?” pagalit na tanong ni Ellie, tumulo na naman ang mga luha niya.
     “Oops! Sorry…” paumanhin ni Ivan.

     ‘Di nagtagal, lumabas na sila sa restaurant. Siguro naman ay ligtas na silang pareho sa lugar na ito. Si Ivan ang unang nagsalita, “O paano, gabi na, umuwi ka na baka hinahanap ka na sa inyo at ako naman, siguradong hinahanap na ako ng mga kapatid ko.”

     “Salamat nga pala sa pagtulong mo sa akin. Kung ‘di ka siguro dumating…”
     “O huwag ka nang umiyak, miss, ha?”

     Tumango si Ellie, “Oo.” Kumuha siya ng pera sa kanyang pitaka, “Ito nga pala. Bayad ko sa nasirang gitara mo.”

     Tumanggi si Ivan, “Huwag na. Basta umuwi ka lang ng ligtas ngayong gabi, sapat nang kabayaran yun.”

     “Umuwi ka lang nang ligtas ngayong gabi, sapat nang kabayaran yun.” Naantig talaga si Ellie sa sinabing iyon ni Ivan. Napangiti siya.

     “A ako nga pala si Ivan,” pagpapakilala ni Ivan. “At ikaw?”
     “Ellie,” sagot ni Ellie. Nag-shake hands ang dalawa.
     “Sige na, ingat ka,” sabi ni Ivan.

     Naghiwalay na sila at naglakad. Si Ellie sa kanan, si Ivan sa kaliwa. Pero huminto si Ellie.

     “Ivan,” tawag niya. Nahihiya pa nga siyang banggitin ang pangalan ni Ivan. Huminto si Ivan. “Paano mo nga pala—” Hindi pa tapos si Ellie sa kanyang tanong ay sumagot na si Ivan.
     “Narinig kitang tumugtog ng piano kanina. Nag-audition rin kasi ako sa choir. Yung tinugtog mo kasi, yun din ang madalas tugtugin ng isang taong napakahalaga sa akin. Pero wala na siya,” malungkot ang tinig niya. “Sinundan kita mula noong lumabas ka ng Music Hall. Nakita ko ang ginawa ni Lex sa iyo kaya nga yung nagpapatay-sindi ng ilaw, hinanap ko at binanatan ko siya. Hehe! Ayun…”
     “Salamat uli sa pagliligtas mo sa akin,” pagpapasalamat ni Ellie.
     “Wala yun,” naglakad na si Ivan.
     “A Ivan,” tawag uli ni Ellie. “Ang bilis mo palang tumakbo, ano? Kanina nga e muntik na akong madapa nung hinila mo ako,” hiyang-hiya siya at namumula ang kanyang mukha. Naglakad na siya palayo hanggang sa hindi na siya nakita ni Ivan.

     Naalala bigla ni Ivan ang araw na nabunggo niya si Ellie.

     “Sungit naman nun,” bulong ni Ivan. “Pasalamat siya, cute siya, sana makita ko uli siya. Hehe!”

     At nakapulot nga siya ng Red Cross I.D.

     “Red Cross. Eliza San Luis.”

     Natupad naman ang hiling niya dahil simula noon, madalas na silang magkasalubong ni Ellie.

    “Sino kaya siya?” iyon ang tanong na minsa’y sumagi sa isip ni Ivan at ngayong nagkakilala na sila, wala na siguro siyang mahihiling pa.

***

Music of Love (7)


Chapter 1: Big and Little Sister
Chapter 2: To Love and To Lose Hope
Chapter 3: A Lesson of Love
Chapter 4: Lost and Found
Chapter 5: Acceptance
Chapter 6: Coincidence

***
Chapter 7
An Unforgettable Melody


     Naglalakad si Reed sa mall nang may makita siyang kumpol ng tao. Nakiusyoso siya at kitang-kita niya…

     “Si Trish!”

     Nagulat siya. Hindi siya maaaring magkamali. Iyon ang kasintahan ni Ivan. Hinahawi ng bodyguards ni Trish ang mga tao. Prinoprotektahan nila ang kanilang amo.

     “Hihingi lang kami ng autograph!” sigaw ng mga nagsisiksikang tao.

     Nakasuot ng shades si Trish at ang palagi niyang outfit, mini skirt at sleeveless. Sa hitsura niya, mukhang nagtatago siya at umiiwas sa mga tao. Marahil ay natatakot na baka may makakita sa kanyang kakilala niya. Sa kanyang tabi ay isang lalaki, matangkad, matangos ang ilong, gwapo at naka-gel ang buhok. Nakakapit si Trish sa lalaking ito. Lumayo na sina Trish, ang lalaki at ang bodyguards. Nakabuntot sa kanila ang maraming tao, fans ba. Hindi na nakigulo si Reed. Ang mga saleslady na nakiusyoso ay bumalik na rin sa trabaho.

     Napailing si Reed, “Tsk. Tsk.”

     “Hoy, Salas!” tawag ng isang lalaking ‘di kalayuan sa kanya.

     Tumingin si Reed sa paligid at nakita niya ang mukha ng gitarista ng kaaway nilang banda, ang Backstabbers, na nakasandal sa isang stall ng mall.

     “Hindi ba yun yung GIRLFRIEND ni Ivan?” tanong ng lalaking iyon.
     “Ano naman sa iyo?”
     “Nakita mo ba yung kasama niyang lalaki? Yung matangkad at gwapo?”
     “Kumag na ‘to, nababakla na naman,” isip ni Reed.
     “Kilala mo ba kung sino yun? Anak yun ng may-ari nitong puwestong ito,” tinuro ng lalaki ang stall kung saan siya nakasandal. “Mukhang yun na ang ipinalit ng GIRLFRIEND ni Ivan sa kanya a, break na ba sila?”

     Ngumisi si Reed, “At ano naman? Siguro natutuwa ka kasi puwede mo nang… Sorry for the term ha? LANDIIN si Ivan kasi bakla ka.”

     “Anong sinabi mo?” galit na tanong ng lalaki.
     “Bawal ulitin sa mga tanga,” sabi ni Reed habang kinakalikot ang kanyang tainga.
     “Gago ka a!” Hindi nakapagpigil ang lalaki. Nilapitan nito si Reed at hinatak ang kanyang damit.
     “Ano? Hahalikan mo ako?” pang-asar na tanong ni Reed.

     Dumating ang ibang miyembro ng kaaway na grupo.

     “Lex, tama na yan,” saway ng pinuno at bokalista, si Cliff.
     “Si Fafa Cliff mo o, tinatawag ka,” pang-aasar pa ni Reed.

     Binitiwan ni Lex si Reed. “May araw ka rin sa akin, Salas!” pagbabanta niya. Sama-sama silang umalis ng kanyang mga kasama.

     Nang makaalis na sila, bumulong si Reed, “Ang aangas ninyo, ang papangit ninyo naman! Hay naku, makapag-shopping na nga!”

     “Ang dami mo yatang pinamili, kuya,” pansin ni Benjo nang makarating si Reed sa bahay.
     “Kaunti pa nga iyan.”
     “Yung pinabibili ni tita na sibuyas nabili mo?”

     Napatakip ng bibig si Reed, “Hala! Nakalimutan ko!”

     Lumabas siya ng bahay at nagpunta sa pinakamalapit na tindahan. May napansin siyang mga lalaking umaaligid, tiyak na mga miyembro ng kaaway na grupo. Nang makapasok na siya sa bahay, binalaan niya si Benjo.

     “Benjo, mag-ingat ka pag labas mo ng bahay o kahit saan ka magpunta!”
     “Bakit?” tanong ni Benjo.
     “Nakaaway ko kanina si Lex,” sagot ni Reed. “Alam mo naman yung kumag na yun, pikon at nangreresbak talaga yun. Baka kasi ikaw ang mapagbalingan.”
     “Si Lex? Ay sus sisiw lang sa akin yun!” pagmamayabang ni Benjo. “Saan naman kayo nagkita?”
    “Sa mall kanina. At alam mo ba? Nakita ko si Trish!”

     Nagulat si Benjo, “Si Trish? Nasa mall din?”

     “Oo! May kasama pa ngang lalaki at bodyguards.”
     “Sino yung lalaki? Bagong boyfriend?”
     “Hindi ko alam…” ang tanging nasabi ni Reed.

     May pasok na naman at napakataas ng enerhiya ni Benjo. “Hi, Ellie!” bati niya. “Namiss kita!”

     “Tigilan mo ako,” pagsusungit ni Ellie. Naglakad na ang dalawa.

     Sa ‘di kalayuan ay nagmamasid nang maigi si Lex. Binabantayan niya ang bawat kilos ni Benjo. Mukhang ‘di nagkamali si Reed na siya ang pagbabalingan ng kaaway na grupo.

     “Sino yung kasama ni Benjo?” tanong ni Lex.
     “Ewan, baka girlfriend,” sagot ng isa sa grupo. Ngumisi si Lex, itinapon ang hinihithit na sigarilyo at inapakan.

     Sa paglalakad nina Benjo at Ellie ay napadaan sila sa isang bulletin board. May nakapaskil ditong nakatawag ng pansin ni Ellie.

     “Audition para sa choir?” tanong niya.
     “Gusto mong mag-audition? Kumakanta ka ba, Ellie?”
     “Hindi, pero marunong akong tumugtog ng piano.”

     Nang mapadaan din sina Ivan at Reed sa parehong bulletin board, nabasa nila ang nakapaskil.

     “Huwag mong sabihing mag au-audition ka, ‘van?” natatawang tanong ni Reed.
     “Bakit hindi? Susubukan ko lang.”

     Uwian na. Nagpaalam si Ellie kay Neri, “Hindi ako sasabay, may audition sa choir. Magco-commute na lang ako.” Pumayag si Neri at sinabihan ang kapatid na mag-ingat.

     Sa Music Hall ang nakatakdang lugar para sa audition. Marami ngang tao rito at sa entrance ay nag-aabang si Benjo.

     “Ellie! Galingan mo ha!”

     Ngumiti si Ellie, “Oo. Umuwi ka na, Benjo.”

     “Ha? E panonoorin pa kita!”
     “Huwag na. Babalitaan na lang kita bukas.”

     Napilitan tuloy na umuwi si Benjo, “Hay! Sige na nga.”

     Nagsimula na ang audition. Marami rin palang interesado sa choir. Nauna nang matapos ang iba. Tapos na ring tumugtog si Ivan. Gamit niya ang sariling gitara.

     “Magaling ka. Akala ko rock music lang ang kaya mong tugtugin,” puri ng lalaking instructor. “Next!”

     Pumasok si Ellie, si Ivan naman ay lumabas. Nagkasalubong ang dalawa pero ‘di man lang nila napansin ang isa’t isa. Nakahinga na nang maluwag si Ivan. Hindi niya alam kung bakit siya kinabahan e matagal na naman siyang tumutugtog. Siguro kasi ngayon lang siya nag-audition sa choir. Tumingin siya sa kanyang relo, 6:30 na ng gabi. Madilim na rin sa labas. Kailangan niya nang umuwi, walang bantay sa kanyang mga kapatid. Parehong may trabaho ang kanyang mga magulang ngunit hindi man lang sinasabi sa kanilang magkakapatid kung sino ang bagong amo. Papaalis na siya noong mga oras na iyon pero may pumigil sa kanya.

     “Ang tunog na yun…” sabi niya sa sarili.

     Nanggagaling ito sa silid na pinasukan niya kanina, ang Piano Room. Sumilip siya at nakita si Ellie na tumutugtog ng piano. Iyon din ang madalas na tugtugin ng kanyang kasintahang si Trish. Naalala na naman niya ang nakaraan.

     “Trish…”

     Ang masaya nilang samahan.

     “Nasaan ka na ba?”

     At malakas na tawanan.

     “Sabi ko sa sarili ko kalilimutan na kita, pero hindi. Miss na miss na kita…”

     Sa huling tunog ng piano, pumatak ang mga luha ni Ivan. Naglakad na siya at lumabas ng Music Hall dala ang kanyang gitara.

***
Flying Dark Blue Butterfly
Got My Cursor @ 123Cursors.com
Cute Blue Flying Butterfly