No to Plagiarism!

ANYD's NOTE:

It would be very disappointing if I would learn that my works were plagiarized. The truth is I have seen my work in this certain website without even acknowledging ME as the author. Well, I guess it's okay if you would copy some of my works here, and let me know it. I included my e-mail address (ellasdm@yahoo.com) in my profile, so I'm pretty much sure that it won't hurt. Please, just please, don't own my works as if they were yours. Thanks a bunch.

Saturday, March 27, 2010

Music of Love (26)


Chapter 1: Big and Little Sister
Chapter 2: To Love and To Lose Hope
Chapter 3: A Lesson of Love
Chapter 4: Lost and Found
Chapter 5: Acceptance
Chapter 6: Coincidence
Chapter 7: An Unforgettable Melody
Chapter 8: Sense of Danger
Chapter 9: Confusion and Questions
Chapter 10: Confession
Chapter 11: Burst of Emotions
Chapter 12: Unsung
Chapter 13: The Truth Behind
Chapter 14: The Concert
Chapter 15: First Kiss, First Heartbreak
Chapter 16: Heaven is Being With You
Chapter 17: The Dream
Chapter 18: Farewell and Hello
Chapter 19: Just a Substitute
Chapter 20: Taking Back What’s Mine
Chapter 21: The Friendship Ring
Chapter 22: Discovery
Chapter 23: Sentiments
Chapter 24: A Proposal
Chapter 25: The Christmas Gift

***
Chapter 26
Letting Go


      Tatlong araw ang lumipas ay nakipagkita si Ellie kay Benjo. Nagpunta sila sa parke kung saan ibinigay ni Benjo ang friendship ring. Parehong puwesto, parehong oras. Tiningnan niya ang singsing sa kamay niya at nang tingnan niya ang kamay ni Benjo ay wala siyang nakitang anumang singsing.

     “Nasaan ang singsing mo?” tanong niya.
     “Matagal nang nawala iyon; nawala ni Kuya Reed. Hindi mo ba napansin?”

     Noong una’y hindi nakapagsalita si Ellie. Paano naman kasi ay hindi naman niya talaga iniintindi ang singsing ni Benjo.

     “A, hindi e. Paano naman nawala ni Reed?”

     Bigla na lamang sinabi ni Benjo ang, “Matagal niya nang alam na hindi talaga tayo magkasintahan,” na wala namang kaugnayan sa tanong ni Ellie.

     Ikinagulat iyon ni Ellie, “Ha? Alam niya? Alam rin ba ni Ivan?”

     Umiling si Benjo at nagpaliwanag, “Kinuha niya ang singsing ko at nalaman niyang friendship ring lang iyon. Nagalit siya sa atin, bakit daw tayo nagsinungaling. Nagkaroon kami ng pagtatalo at sa huli ay sinabi kong huwag niyang sasabihin kahit kanino na nagpapanggap lang tayo.”

     Nakatingin si Ellie sa ibaba, walang masabi. May alam pala si Reed sa pagpapanggap nila subalit hindi man lang nagawang sabihin ni Benjo sa kanya.

     “Bakit nga ba tayo nandito?” tanong ni Benjo.

     Tiningnan na ni Ellie si Benjo, “Sabi mo’y alam na ni Reed na hindi talaga tayo magkasintahan, ‘di ba?” Tumango ito. “Kung gayon ay ipagtapat na lang natin sa lahat na hindi nga talaga tayo magkasintahan.”

     “At bakit?” pagtataka ni Benjo. Naisip niyang wala namang dahilan para gawin nila iyon.
     “Alam mo kasi, Benjo, napapagod na akong magpanggap e! Ayoko na.”

     Parang napakadaling sabihin, ano? Paano naman si Benjo? Hindi man lang ba isasaalang-alang ni Ellie ang nararamdaman ng matalik na kaibigan?

     “At paano ako?” tanong nito. “Kapag umamin tayo, balik na naman ako sa pagiging bestfriend mo, ganun?”
     “Benjo, alam mong espesyal ka sa akin,” pampalubag-loob ni Ellie.
     “Espesyal ako at si Ivan ano? Mahal mo! Napakalaki ng deperensya nun, Ellie! Hindi mo ba talaga ako kayang mahalin?”
     “Noong una pa lamang ay sinabi ko nang kaibigan lang ang turing ko sa iyo. Yun lang at wala nang hihigit pa dun.”

     Para bang sinasakal si Benjo sa mga naririnig niyang salita mula kay Ellie. Bigo na naman siya, talunan at si Ivan na naman ang panalo. Pero naisip din niyang nakakapagod ang ganito, ang magmahal ng isang taong kaibigan lang ang turing sa iyo.

     “O sige, pag nagpasukan! Sasabihin natin ang lahat. Sasabihin nating hindi talaga tayo magkasintahan!”

     Masama ang loob niya sa totoo lang ngunit wala siyang magagawa, hindi niya maaaring angkinin ang isang bagay na hindi kanya at nakalaan na sa iba.

    Noong umuwi si Benjo sa kanilang bahay ay bigla niyang niyakap si Reed nang salubungin siya nito sa pintuan at siya’y umiyak.

     “Ang sakit, Kuya Reed. Ang sakit,” ang sabi niyang humahagulgol.

     Pinakalma siya ni Reed at nang siya’y tumino na, pinakuwento ng pinsan kung ano ba ang nangyari. Kinuwento niya lahat at kapag naaalala niya ang mga sinabi ni Ellie ay kumikirot talaga ang puso niya.

     “Edi maaari ko nang sabihin kay ‘van ang panloloko ni Trish?” tanong ni Reed sa kanya. Hinihintay niya ang sagot nito. Baka kasi tumanggi na naman si Benjo.
     “Sige, kuya,” pagpayag ni Benjo. “Alam kong mas sasaya si Ellie sa kanya. Pero huwag tayong magpadalus-dalos. Kailangan nating kumuha ng ebidensya para maging malinis at maayos ang lahat.”

     Heto na naman sila, may binabalak na naman. Ang una ay ang planong pagbugbog kay Lex ngunit hindi natuloy dahil naunahan na pala sila ni Harold Lim at ng mga tuta nito, at ngayon naman ay ang balak na paglaglag nila ng mga kalokohan ni Trish.

     Kinabukasan, maagang umalis sina Reed at Benjo dala ang isang video camera. Hiningi rin nila ang tulong ni Lex, nagdala naman ito ng digital camera.

     “Alam ninyo, ewan ko kung bakit kasama ko kayong magpinsan ngayon e kayo pa naman ang best enemy ko,” sabi ni Lex sa kanila habang may tangan na sigarilyo sa bibig.
     “Huwag kang mag-alala, Lex. May magandang balik din itong ginagawa mong pagtulong sa amin,” paniniguro ni Reed.
     “Magandang balik?” tanong ni Lex. “Sana ang bumalik ay magandang chicks, haha!”

     At sinimulan na nila ang pagmanman kay Trish. Sakto, nandoon ito sa mall kasama si Harold. Walang umaaligid na bodyguards sa paligid, mabuti nga iyon. Ang bawat kilos nilang tatlo ay talaga namang maingat. Kuha ng video rito, picture roon. Ilang araw nilang sinundan sina Trish at Harold at sa huling araw, sa Bisperas ng Bagong Taon ay ang pinakamatinding ebidensyang kanilang nakuha, ang akto ng paghahalikan nina Trish at Harold! Matapos nun ay umuwi na sila sa kani-kanilang bahay upang magpahinga.

     Maayos na naidaos ang Bagong Taon. Lahat ng ebidensyang nakalap ay inayos mabuti ng magpinsan. Ibang pakiramdam ang naramdaman ni Benjo. Pinagmamasdan naman ni Reed ang maaliwalas niyang mukha. Sa ngayon ay handa na nilang harapin ang mga bagay na magaganap.

    Aamin sila kay Ivan dala ang mga ebidensyang nakalap. Magagalit si Ivan kay Trish dahil sa panloloko nito at matutuloy na ang hiwalayan ng dalawa. Magiging malaya na si Ivan at si Ellie naman ay malaya na rin dahil aamin sila ni Benjo na hindi talaga sila magkasintahan. Kung mapupunta si Ellie kay Ivan ay mabuti na rin dahil alam ni Benjo na sa mabuting kamay ito mapupunta.

     “Masaya na rin ako, Kuya Reed,” sabi ni Benjo, may ngiti sa mga labi. “Sa sandaling panahon ay naging akin siya kahit na ito’y pagpapanggap lang. Masaya ako dahil mahal ako ni Ellie, alam ko yun at para sa kanya ako ay espesyal. Sana ay alagaan siya ni Ivan.”

     Ginulo ni Reed ang buhok ng pinsan, “Ang drama mo, Benjo!”

     Ngumiti si Benjo. Tatanggapin niya kung ano ang mangyayari. Ito na siguro ang panahon upang magpaalam siya kay Ellie. Isang paalam sa kanilang pagpapanggap. Isang paalam na maaaring pang habang buhay nang maganap.

***

No comments:

Post a Comment

Flying Dark Blue Butterfly
Got My Cursor @ 123Cursors.com
Cute Blue Flying Butterfly