No to Plagiarism!

ANYD's NOTE:

It would be very disappointing if I would learn that my works were plagiarized. The truth is I have seen my work in this certain website without even acknowledging ME as the author. Well, I guess it's okay if you would copy some of my works here, and let me know it. I included my e-mail address (ellasdm@yahoo.com) in my profile, so I'm pretty much sure that it won't hurt. Please, just please, don't own my works as if they were yours. Thanks a bunch.

Wednesday, January 13, 2010

Ang Boyfriend Kong Blogger

Noong high school, napansin ko na ang galing sa pagsulat ng boyfriend kong si Paul. Noong high school, madalas siyang sumali sa drama fest sa school namin. Madalas mapili yung script na gawa niya, madalas manalo, madalas matanghal sa entablado. Ako naman ay hindi nahilig sa pagsusulat at taga-basa lang ng mga gawa ni Paul. Madalas akong manghingi ng kopya ng gawa niya, mapa-script man, short story o kahit na tula. Naglalakas loob ako kasi never kaming naging magkaklase. Madalas lang akong mag-ipit ng note sa locker niya at doon ko nilalagay kung gaano ko naappreciate ang mga gawa niya. In love ako sa lahat ng isinulat niya pero hindi sa kanya. Noon yun.

Natapos ang apat na taon sa high school na hindi man lang kami nakapag-usap nang matagal. Noong graduation, binigyan niya ako ng tula tungkol sa pagtatapos. Ipinaabot niya lang yun sa isang malapit na kaibigan ko. Inipon ko ang lahat ng gawa ni Paul at ipina-book bind. Paulit-ulit kong binabasa yun. Halos makakabisado ko na nga ang bawat salita ng mga sinulat niya.

Noong tumungtong kami sa kolehiyo, naging kaklase ko si Paul. Pareho pala kami ng kinuhang kurso. Naalala kong tinabihan niya ako noong first day at kinausap. Sa mga sumunod na araw, naging madalas ang aming pagkukuwentuhan. Siguro, kaya nagkapalagayan kami ng loob dahil mula noong high school ay magkakilala na kami. Nagsimula niya akong suyuin nang mag-second semester. Valentine's day nang sagutin ko siya. Ako ang kauna-unahang girlfriend niya.

Madami kaming pinagsaluhang tawa, iyak, saya, lungkot, tampuhan, pagod, puyat, yakap, halik. Naging maayos din naman ang lahat sa amin hanggang sa isang araw, nagising akong may karibal na ako sa atensyon ni Paul. Nahilig si Paul sa internet at nabaliw sa blogging. Pag nagtetext ako sa kanya, ang bagal niya mag-reply kasi nagcocomputer siya. Ipinadala niya pa sa akin yung link ng blog niya at nakita kong nakapaskil doon ang mga isinulat niya. Bilang pagsuporta naman ay binabasa ko iyon at nagbibigay ng comment, dating gawi, gaya noong high school kami.

Patagal nang patagal, napansin kong lalong naging abala si Paul. Mas marami na siyang oras sa computer kaysa sa akin. Mas madalas niya pang hawak ang mouse kaysa sa kamay ko. Mas madalas niya pang tinititigan ang monitor kaysa sa mukha ko. Mas madalas niya na ring kausap yung "fans" niya kaysa sa akin. Magkaklase nga kami pero parang ang layo-layo niya sa akin.

Isang araw na bumisita ako sa bahay nila, nakaramdam ako ng pagkainis kasi habang kinakausap niya ako ay nakatapat siya sa computer. Tumayo lang siya para kumuha ng merienda at doon na rin kumain sa harap ng computer. Ang dami niyang ideas, ang daming niyang tinatype. Sa mga oras na yun, pakiramdam ko gusto ko nang basagin yung computer niya o pasabugin at sumigaw ng,

"Hoy blog! Nakakasira ka na ng relasyon!"

Pero tinanggap ko na lang at dating gawi, nagba-browse ako sa blog ni Paul tapos ay nagcocomment. Minsan naisip kong sana naging blog na lang ako para napagtutuunan din niya ako ng pansin.

Nang tumagal, naisip kong nakakasawa rin pala. Kinausap ko si Paul tungkol sa problema at nagdesisyong makipaghiwalay. Hindi siya pumayag pero dahil alam niyang marami na ang naging pagkukulang niya, wala na rin siyang nagawa. Paalam sa ilang taong pinagsamahan.

Matapos ang pangyayaring yun, hindi ko na siya kinausap. Hindi ko nirereplyan ang text niya, hindi ko sinasagot ang mga tawag niya. Lumipat na rin ako ng upuan sa klase. Kumakain na ako mag-isa, umuuwi mag-isa, tumatawa, umiiyak mag-isa.

Isang araw, sinubukan kong tingnan muli ang blog ni Paul. Natigil na ang pagpopost niya. Wala na akong mabasa at mabigyan ng comment dahil nabasa ko na ang lahat ng iyon. Maraming fans na rin ang naghahanap sa kanya.

Bago mag-Valentine's Day, tiningnan kong muli ang blog ni Paul. May post siyang naghahanap ng ka-date. Nilagay niya rin kung ano ba ang description ng gusto niyang maka-dream date. Ito lang ang post niya mula nang maghiwalay kami.

Age:
19

Location:
Cavite

Birthday:
August 1990

Description:
Number one blog commentor
Number one supporter
Number one motivator
My seat mate in class
My inspiration in writing
My first kiss
My everything
My favorite date during Valentine's Day
My FIRST and LAST girlfriend

PM me, text me, call me, o kung ayaw mo ako na lang ang pupunta sa bahay ninyo bukas!


Natigilan ako. Ang loko! Mukhang ako ang tinutukoy nito. Sa isang iglap, lumambot ang puso ko kay Paul. Kinabukasan, naisipan kong puntahan si Paul sa bahay nila. Nagkasalubong kami sa daan. Nagulat pa nga siya.

"Pupuntahan sana kita," sabi niya.
"Hindi ka na nagpopost sa blog mo?" tanong ko bilang pagbati na rin sa kanya.
"Tinamad na ako. Nawala na kasi yung inspirasyon at number one commentor ko. Nawalan na rin ako ng dahilan para magsulat," sagot niya.

Natahimik ako. Kinuha niya ang mga kamay ko at hinawakan iyon.

"Tanggapin mo na kasi yung sorry ko," pagmamakaawa niya.
"Oo na," sabi ko.
"Hindi nga?" hindi siya makapaniwala.
"Happy Valentine's Day!" pagbati ko. "Saan tayo?"

Hinalikan ni Paul ang mga labi ko. Nakakamiss... Sobra...

"Happy third anniversary. Tara na!" hinila niya ako.

Pupunta na naman kami sa lugar na paborito naming puntahan tuwing Valentine's Day. Mamamasyal tulad ng dati, kakain, magtatawanan. Tulad ng dati...

"Mamaya punta tayo sa bahay ha?" pakiusap niya.
"Bakit?" tanong ko.
"Samahan mo akong mag-type. Ginanahan na ako. May naiisip na naman akong bagong kwento."

6 comments:

  1. ang ganda po...
    galing nyo naman ate ^^

    ReplyDelete
  2. Naaliw ko sa post mo. care to share the link of your bf na blogger? bigla lang kase na-curios? By. the way I'm from Bacoor, Cavite near @ sm bacoor.

    ReplyDelete
  3. ah. sige po pede naman pong i-share.

    name nyo nga po pala?!

    taga Bacoor din ako :p

    ReplyDelete
  4. kinilig ako.. :D

    --------------------
    "Lahat ng bilihin nagmamahalan na... tayong dalawa na lang ang hindi."

    ReplyDelete
  5. true to life 'to ma'am?

    -Rhys :)

    ReplyDelete

Flying Dark Blue Butterfly
Got My Cursor @ 123Cursors.com
Cute Blue Flying Butterfly