January 5, 2010
Sa akin pina-encode ng critic teacher ko ang review test ng mga tinuturuan naming first year high school. Nung gabi pa lang tinype ko na yun pero dahil ang daming adik sa computer e hindi ko na naprint dahil magwawala ang mga kapatid ko pag di ka pa umalis sa oras na sabihan ka nilang lumayas ka na sa harap ng computer.
Laking gulat ko dahil kung kahapon e alas singko y medya na ako nagising, ngayon naman e mag aalas sais na ako nagising!
Umagang-umaga e napamura na naman ako. "Late na late na late na late na late na ako!" sabi ko sa nanay ko na natataranta rin kasi hindi na naman niya ako nagising.
Binuksan ko ang computer para iprint ang test questionnaire at ang gara ng buhay kasi wala nang black ink. Isa lang ang naprint ko. Dapat kasi 40 copies e ayoko naman magpaphotocopy kasi nakakatamad, baka ang haba ng pila.
6:30 na hindi pa ako nakakasakay kasi walang dumadaang FX o kahit bus man lang. Naiiyak na ako kasi hindi ko alam kung anong gagawin ko para makaabot man lang ng alas siyete.
"Bakit ba kasi ang layo ng bahay ko?" naiinis na tanong ko. Hindi ko alam kung anong magic ang gagawin ko. Siguro pipikit na lang ako tapos ching! Nasa Manila ako in 3 seconds pero imposible dahil sa Dragon Ball lang nangyayari yun.
Tinawagan ko ang critic teacher ko at sobrang nahiya ako, sorry ako nang sorry kasi hindi mabibigyan ng test ang first period. Sabi naman niya ok lang yun, isusulat na lang niya ang questions sa board.
Dumating ako ng 7:50 am, maaga pa ng dalawang minuto para sa second period. Sa huli e naging mabuti naman ang lahat kasi napakinabangan naman yung pinaghirapan kong photocopied na test questions.
No comments:
Post a Comment