No to Plagiarism!

ANYD's NOTE:

It would be very disappointing if I would learn that my works were plagiarized. The truth is I have seen my work in this certain website without even acknowledging ME as the author. Well, I guess it's okay if you would copy some of my works here, and let me know it. I included my e-mail address (ellasdm@yahoo.com) in my profile, so I'm pretty much sure that it won't hurt. Please, just please, don't own my works as if they were yours. Thanks a bunch.

Friday, January 29, 2010

Mga Klase ng Pasahero sa Jeep, Isang Hirit Pa!

Dahil feeling ko e meron pa akong hindi naisama sa mga listahan ng klase ng pasahero e gumawa ako ng isa pa uling hirit. Kung may nakaligtaan pa rin ako... Pabayaan na. Ayoko na mag-isip. Hehe!

Saka may nakapagsabi sa akin na parang familiar daw yung post na gawa ko. Hindi ko alam kung sinasabi niyang nangopya ako e sa katunayan AKO naman TALAGA ang SUMULAT nito. Tanong nyo pa sakin. lol! Medyo nalungkot tuloy ako. Medyo lang naman.

Natuwa naman ako kasi follower ko na si sis cRuSh_kitA08 sa blogspot. At saka 310 na yung profile views ko. Ahahaha! Di ko naman alam kung sino ang mga tumitingin. Natutuwa lang talaga ako pag nadadagdagan yung profile views kahit na wala namang nagcocomment sa blog.

Medyo nakukulitan na rin ako sa estudyanteng di ko naman hawak na gustong magpapicture kasama ako at sa tuwing dadaan ako e dala niya ang cell phone niya at namimilit na kuhanan ako ng litrato. Pag tumatanggi ako, sinasabihan niya pa akong madamot. Gusto pa raw niya solo pic ko para may remembrance. Feeling ko tuloy celebrity ako.

oOo

First 30 Kinds: Mga Klase ng Pasahero sa Jeep


31. The Collectors. Sila yung parating taga-abot ng bayad o sukli na parang nagiging kapareha na rin nila ang role ng The Treasurer. Doon kasi sila malapit sa driver nakaupo kaya no choice. May times ding kasasakay lang nila tapos sila kaagad yung naging taga-abot ng bayad (dahil nga malapit sila sa driver umupo, hmp, paulit-ulit!)

32. The Bukakang Palaka. Sila yung mga lalaking hindi ko maintindihan kasi sobra ang pagbukaka nila kaya madalas masikip ang jeep. Ayaw nila ipitin dahil sa takot na baka mabasag.

33. The Walang Sabits. Sila yung mga babaeng mahahaba ang buhok na once na umandar na ang jeep e nagsisimula nang lumipad ang buhok nila at humahampas sa mukha ng katabi nila. Minsan ay sinasabihan sila ng katabi nila na itali nila ang buhok nila. Madalas namang nagkukusa na sila at pag-andar ng jeep ay nakahawak na sila sa buhok nila.

34. The "Isa na Lang" Victim. Sila yung madalas mauto na, "O isa na lang, aandar na!" tapos pagsakay nila e kalahati o one fourth na lang ng pwet ang nakaupo.

35. The One Two Three-ers. Kinalakhan ko na yung mga ganyang pasahero. Di ko nga rin alam kung bakit ganyan ang itinawag sa kanila. Ang iba ay proud pa pag nakapag-one two three. Sila yung sumasakay ng jeep pero hindi nagbabayad. Alam mo na siguro kung sino sila kaya no need to elaborate.

36. The Drunkard. Kwela! Sila yung mga sumasakay nang lasing, tapos nakikiusap sa driver na ibaba sila sa isang particular place while murmuring kaya di sila maintindihan. Bigla silang matutulog at paggising ay lagpas na, o kaya naman ay magpa-"para" kahit malayo pa ang dapat babaan tapos tumitingin sila sa binabaan na palinga-linga, halatang naliligaw.

37. The Mainipins. Sila yung panay ang lagitik, "tsk" nang "tsk" kapag nagpapagasolina ang driver o di kaya naman ay pag naghihintay ng pasahero. Nakakatakot kapag nagmumura na sila.

38. The Roxas/Ninoy Babies. May mga pagkakataong nakakakita ako ng ganito. Sila yung mga nagbabayad ng malaking amount ng pera sa jeep, ang halaga e one hundred o five hundred pesos. Mamomoroblema ang driver kung saan siya kukuha ng panukli kaya ang gagawin, ibabalik na lang ang pera at libre na sila sa pamasahe.

39. The Tantrum Darlings. Sila yung mga sanggol o bata na nagtatantrums at panay ang ngawa sa jeep na hindi mapatahan ng magulang. Irritating ang ganito.

40. The Rear View and Side View Mirror Lookers. Ang haba ng title. Sila yung mga pasaherong salamin nang salamin sa rear view mirror at kadalasan ay sa side view mirror. Distracting sila. Akala ko nga dati, ang purpose ng side view mirror ay para tingnan pag magpupulbos ka ng mukha o kaya ay pag magsusuklay. Minsan din ay may mga pasaherong ayos maka-project sa salamin.

41. The GSPs and BSPs. Mga laging handa. Pag malapit na bumaba, mag-aayos na sila ng gamit tapos pag maaraw o maulan ay readyng-ready sila at may handang payong.

42. The Second Motioner V1. Version 1. Nangyayari kapag bababa na, pag may nag-"para" na isa, magpa-"para" rin siya kung bababa rin siya sa lugar na yun. Need niya talaga makapag-"para" kundi mapuputulan siya ng pusod.

43. The Second Motioner V2. Version 2. Pag may nag-"para" na isang pasahero at hindi narinig, magpa-"para" rin siya. Pag huminto ang jeep, pakiramdam niya ay hero siya. Minsan ay madlang pipol ang nagpa-"para" (for support).

44. The Look Backers. Pag may bagong sasakay, kailangan talaga matingnan niya kung sino yun. Madalas pag sumasakay ako, nagtitinginan ang mga tao. Pag may sumasakay naman, napapatingin din ako. Di ko alam kung bakit ganun. Ang weird.

45. The Glancers. Pag may nagkukuwentuhan, sila yung mga palaging nakatingin sa nagkukuwentuhan. Minsan nakikinig lang sa tsismisan at may pagkakataon ding nakikisali at nakikisabad na sila sa usapan, magbibigay sila ng opinyon pag interested sila sa topic na pinag-uusapan kahit di nila kilala ang taong kausap.

46. The Mr. and Ms. Congeniality. Sila yung bigla na lang makikipag-usap sa ibang pasahero ng anything under the sun kahit hindi naman niya kilala ang tao. Yung isa naman, gaganti rin ng conversation. Feeling friends sila.

47. The Charitables. Pag may pasaherong maraming dala, for example, mga pinamili o kahon, tumutulong at hinihila nila ang dala ng nasabing pasahero. Pag may bata namang kasama ang pasahero, inaalalayan nila ang bata pababa.

48. The Religious. Pag may nadaanang simbahan ang jeep, bigla na lang sila mag-aantanda ng krus (sign of the cross) kahit na hindi naman talaga sila palasimba.

49. The Shy Type. Sila yung mga sumusulyap-sulyap sa iyo, at deadma ka at first kasi kunwari hindi mo alam. Pag ginantihan mo sila ng tingin, iiwas sila bigla at lalayo ng tingin. Minsan titingin na lang sila sa labas ng bintana o kaya ay sa lapag.

50. The Deadmatologists. Sila yung mahilig mandeadma. Pag magbabayad ka, hindi nila iaabot ang bayad mo kahit nakasigaw ka na sa tainga nila at nagsabi ng "pasuyo". Mapipilitan ka tuloy lumipat ng upuan para maiabot lang ang bayad. Pag may sukli ka pa at hindi naibigay ng driver (in short isa kang The OPs), wala rin silang paki. Pag nag-"para" ka at hindi narinig, hindi sila sisigaw ng "para" kaya kawawa ka kung isa kang The Soft Spoken. Pag may bagong sakay at tatabihan mo ang isang gaya nito, hindi yan uusog kaya pakiramdam mo ay isa kang The "Isa na Lang" Victim kahit hindi. Ginagawa nilang miserable ang buhay mo habang nasa jeep ka. Ay tama na, exaggerated na ako. Lol!

Sana nag-enjoy kang magbasa ng lathalaing ito. :)

No comments:

Post a Comment

Flying Dark Blue Butterfly
Got My Cursor @ 123Cursors.com
Cute Blue Flying Butterfly