No to Plagiarism!

ANYD's NOTE:

It would be very disappointing if I would learn that my works were plagiarized. The truth is I have seen my work in this certain website without even acknowledging ME as the author. Well, I guess it's okay if you would copy some of my works here, and let me know it. I included my e-mail address (ellasdm@yahoo.com) in my profile, so I'm pretty much sure that it won't hurt. Please, just please, don't own my works as if they were yours. Thanks a bunch.

Friday, January 15, 2010

Mr. Smile

Ilang araw na akong nagkukulong sa kwarto, umiiyak at nagmumukmok. Masakit sa loob na ipinagpalit ako ni Archie sa isang bakla. Siguro doon niya talaga nahanap ang pagmamahal na gusto niya. Tinawanan ako ng kuya ko nang malaman niya ang sinapit ko at kinantahan pa ako with matching sounds sa cell phone niya.

"Mga tambay lang kami sawa sa babae... Kaya ngayon bakla na lang ang aming iibigin. Masarap magmahal ang bakla. Ohh kay sarap... damhin."

[click here to be amused]


Binigyan ko siya ng masamang tingin. Sa sobrang galit ko, hinablot ko yung cell phone na hawak niya at ibinato sa pader. Natulala si kuya nang magkadurog-durog ang cell phone. Isinumpa kong hindi ko na siya sasamahan sa Baywalk na paborito naming puntahan kapag walang pasok.

Isang gabing umiiyak ako dahil naalala ko na naman ang sweet moments namin ni Archie, nakatanggap ako ng text message mula sa di kilalang Smart User.

^_^: May nakapagsabi sa aking malungkot ka. Cheer up na, ganda. ^_^

Dahil sa pagtataka kung sino ba ang taong nag-text ay nag-reply ako sa message.

o_O: Cno ka?
^_^: Sbihin nlang nting ako ang mgbbigay ng ngiti s mga labi mo. ^_^
o_O: Ang cheesy m.
^_^: Pede b ktang mging frend? ^_^
o_O: Marami nqng friends. o_O
^_^: Best friend nlang. ^_^
o_O: My best friend na aq.
^_^: Boyfriend? ^_^
o_O: . . .

Hindi ko na siya nireplyan. Kinabukasan, nagkulong na naman ako sa kwarto at nakareceive ng text message.

^_^: Umiiyak kna naman?!
T_T: Paano m nalaman?
^_^: Naki2ta kta. Mrami akong mata. ^_^
T_T: Ano k pinya?
^_^: Pede rin. Paborito m un di ba? ^_^
T_T: Paano m nalaman?
^_^: Mtgal n ktang binabantayan. ^_^
T_T: Ha? Stalker kita?
^_^: Admirer nmn. Gwapo ako e. Pag panget stalker. Pwahaha!
o_O: Ang adik m.

Nang sumunod na araw, pinadalhan na naman niya ako ng text message.

^_^: Pakinggan mo tong kantang toh. SMILE by UNCLE KRACKER.

Dali-dali naman akong lumabas ng kwarto at sa kasamaang palad ay nakita ko ang kuya ko. Tumatawa na naman siya at kumanta ng,

"Masarap magmahal ang bakla. Ohh kay sarap... damhin."

Hindi ko siya pinansin. Hindi pa siya nadala.

"Sungit!" sigaw niya.

Binuksan ko ang computer at sinearch sa Youtube ang kanta.

[click here to play]


Saktong natapos ang kanta, nag-text siya. Ang weird.

^_^: Kanta ko sayo yan. Smile ka na ha. ^_^
?_?: Cno kba talaga?
^_^: Matagal n ktang bnabantayan. ^_^
o_O: Oo nga pala, admirer nga pla kita.
^_^: Pede nba taung mging frends? ^_^
o_O: . . .
^_^: Best friends? ^_^
o_O: Frends nlng. Dq pgpplit ang best frnd q khit lgi nya q inaasar. Nu name m?
^_^: Ako si Mr. Smile at bbgyn kita ng smile sa mga labi. ^_^
:-): Hehe... Salamat. Kht ang cheesy m. :p

Sa mga lumipas na araw ay napadalas na ang pagtetext namin ni Mr. Smile. Nakapagtataka kasi ang dami niyang alam tungkol sa akin samantalang wala akong ideya kung sino siya. Natigil na rin ang pang-aasar sa akin ni kuya kasi bihira niya na akong makitang umiiyak.

"Naka move on ka na, iyakin?" tanong ni kuya sa akin.
"Ewan ko sa iyo. Huwag mo akong kausapin!" pagtatampo ko.
"Walang pasok bukas. Punta tayong Baywalk," pagyayaya niya.
"Ayoko, may pupuntahan ako," tanggi ko. May usapan kasi kami ni Mr. Smile na magkikita kami.
"May date ka?" tanong ni kuya.
"Oo, bakit?" pagtataray ko.
"Ang bilis naman. Sige, good luck."

Kinabukasan, mga bandang hapon, pumunta ako sa Baywalk kasi gusto ni Mr. Smile na doon kami magkita. Sinabi niya ang eksaktong lugar kung saan siya maghihintay. Hindi naman ako nahirapang maghanap kasi madalas naming puntahan ni kuya ang lugar na iyon.

Palubog na ang araw. Sa nasabing lugar, nakakita ako ng lalaking matangkad. Nakatayo siya at nakatalikod. Nakakatawa kasi pareho sila ng tindig ng kuya ko. May suot siyang dilaw na t-shirt na may print sa likod na "Mr. Smile." Ito na siguro siya. Dahan-dahan akong lumapit at nang nasa likuran niya na ako, tinawag ko siya.

"Mr. Smile!"

Lumingon siya at laking gulat ko nang makita ang mukha niya.

"Kuya?!?"
"Ang tagal mo naman, Clara!"
"Ikaw si Mr. Smile?"

Tumawa lang siya.

"Teka paano ka nakakapag text, di ba wala ka nang cp?"
"Hahaha! Wala ba akong pambili? Bagong cp, bagong sim card!" pang-iinis niya.
"Bwisit ka!"
"Sino nga ba uli yung best friend mo? Yung laging nang-aasar sa iyo? Yung hindi mo ipagpapalit?" tanong niya. "In fairness, touched ako dun ha," dagdag niya.
"Nakakainis ka, kuya Jaybhi!"

Hiyang-hiya ako. Siya pala si Mr. Smile. Bago pa ako mapaiyak, kinurot niya ang magkabilang pisngi ko.

"O, iiyak ka na naman! Smile! Nag-effort na nga akong patawanin ka."
"Ikaw pala yun." Nangingilid ang luha sa mga mata ko.
"Sabi naman ni Mr. Smile, di ba? Matagal ka na niyang binabantayan. Ayaw ka niyang makitang nasasaktan. Wag mo nang iyakan si Archie, bakla naman yun e. Hahaha!" sabi niya pa.

Hinampas ko si kuya sa braso. Pagkatapos, niyakap ko siya. Tuluyan na akong napaiyak sa mga bisig niya.

oOo

dedicated to kambal John Bann Geronimo Palomares.
a.k.a. "Mr. Pogi ng Malanday"
thank you for making me smile.
labshue kambal

No comments:

Post a Comment

Flying Dark Blue Butterfly
Got My Cursor @ 123Cursors.com
Cute Blue Flying Butterfly