No to Plagiarism!

ANYD's NOTE:

It would be very disappointing if I would learn that my works were plagiarized. The truth is I have seen my work in this certain website without even acknowledging ME as the author. Well, I guess it's okay if you would copy some of my works here, and let me know it. I included my e-mail address (ellasdm@yahoo.com) in my profile, so I'm pretty much sure that it won't hurt. Please, just please, don't own my works as if they were yours. Thanks a bunch.

Tuesday, March 6, 2012

I love you

YOU,



I do not really know how I can thank you,
Maybe I'll just whisper in your ears the words, "I love you".

Would that be enough? :D



Hindi ka naman talaga sakin e; hindi kita pagmamay-ari.

Pinagpalagay ko lang na akin ka kasi mukhang hindi ka naman hinahanap ng totoong nagmamay-ari sayo. Napansin kaya niyang nawawala ka?

Ni hindi nga ako nagpaalam e! Kinuha na lang kita bigla. Kung ako lang ang masusunod, hindi na kita ibabalik. Nakawin na lang kaya kita? Tapos itatago kita rito sa puso ko. Magaling akong magtago kaya walang maghihinala na nandito ka.

<3

***

Hindi ako maka-move on dun sa menyak noong Monday.

Nagkasunog kasi sa likod-bahay namin. Muntik na ngang umabot yung apoy sa bahay.

Buti na lang may dumating na bumbero.

Ang masaklap pa e nagkakagulo ang mga tao sa bahay. Tapos si kuya ko umakyat na sa pader na may hawak na hose para subukang patayin ang apoy. Kaso sa pagbaba niya, nahulog siya. Sumabit siya sa kung ano... Nagkaroon ng sugat sa kamay. Natuklap ang balat, kita raw yung laman. Nataranta ako at agad namin siyang dinala sa hospital. Nakapambahay pa ako nun. Yung terno ba na pantulog.

Tapos dun sa jeep, magkakatabi kami nina Pated (sister ko) at Kuya. Nasa gitna nila ako. Tapos mayroong isang ewan na lalaki dun sa jeep. Kasi nung sumakay kami, hindi siya umusog. E hindi makaupo yung kuya ko. Tapos sinabihan ko siya ng, "Baka pwedeng umusog?" Hanggang sa nakaupo na nga si kuya.

Nakatabi ni kuya yung ewan na lalaki. Nang may bumaba dun sa kabilang side, pinalipat ba naman niya si kuya. Tapos si kuya naman, lumipat ng pwesto. So, ako na yung nakatabi ng lalaking ewan. Tapos bwisit yung lalaking ewan na yun. Dinidikit ba naman niya yung legs niya sa legs ko.

Takot na takot ako dun sa lalaki. Ewan kung nakainom ng alak or sabog. Menyak! Tapos yung sister ko, tinitingnan din pala yung lalaking menyak kasi nakakatakot daw yung hitsura. Tapos umuusog ako papunta sa side ni Pated para hindi ako mapadikit kay menyak. Kaso naman si menyak sige lapit pa rin.

Nung pababa na kami, tiningnan ako ni kuya. "Baba na," sabi niya. Parang worried na ewan. Tapos nung pababa na ako, hindi ko alam kung paano ako bababa kasi katabi ko si menyak, baka pagbaba ko biglang hawakan yung pwet ko o ano.  :mad: Buti na lang hindi nangyari yun. Tapos nung pababa na ako, sabi ni menyak, "Thank you." Gumanun. Weird! Narinig pala ng sister ko. Tapos sabi niya nagtaka siya sa sinabi ni menyak.

Ang masama pa, nung bumaba na kami, sumilip pa si menyak sa bintana ng jeep. Nakakatakot! Akala ko ako lang ang nakapansin sa kilos ni menyak pero napansin din pala ng sister ko at ni kuya. Tapos yun pinag-usapan namin si menyak. Injured na si kuya, nakipag tsismisan pa? :roll: Galit na galit nga e. Gusto raw niyang suntukin. As a conclusion, sinabi ni Pated,

"Dapat pala dinirty finger ko na nung sumilip siya sa bintana!"

Tapos si kuya may pang-asar pa, "Kahit pala pangit minamanyak din."

"Leshe ka, kuya," reply ko. 

No comments:

Post a Comment

Flying Dark Blue Butterfly
Got My Cursor @ 123Cursors.com
Cute Blue Flying Butterfly