Hindi ko pa rin mabawi yung tulog ko.
Ilang linggo pa ring puyat.
Wish ko lang bakasyon na, pero sa April kasi may pasok pa kami. T_T
Sana may bakasyon ako this year. Pero ok lang kahit wala, basta may trabaho sa summer. *pray*
Natapos na rin lahat ng ceremonies namin sa school.
Kagabi bago ako lumabas ng school e nagkasabay kami ng admin officer at tinapik niya ako sa likod. "Galingan mo bukas!" sabi niya.
Tapos kaninang morning program, Recognition Day, nagulat na lang ako kasi tinawag niya ang pangalan ko sa mikropono, matapos niyang banggitin ang mga salitang, "The Most Outstanding Teacher of the Year is..."
Nakakatuwa. T_T Kung iisipin mo, sa dinami-rami ng teachers sa school namin mula Pre-School hanggang High School, at yung iba mas nauna pa sa akin doon, e ako yung nabigyan ng ganung award. T_T
Tapos kanina nang matapos naman ang afternoon program, Graduation Day, ako kasi yung nag-emcee, sinabihan niya ako ng, "Good job!"
Ang sarap sa pakiramdam pag may mga nakaka-realize ng effort mo; na kahit pagod na pagod ka na e may dahilan ka para ipagpatuloy ang trabaho mo dahil sa mga taong naniniwala sa iyo. ^^
.
.
.
.
.
At dahil busy ako magdamag e less talk tuloy kami ni Prince.
Di bale, makakabawi rin ako sa iyo.
Sensya na kung natulugan kita kagabi.
Madalas naman akong ganun.
11 x 13.
:-*
No comments:
Post a Comment