No to Plagiarism!

ANYD's NOTE:

It would be very disappointing if I would learn that my works were plagiarized. The truth is I have seen my work in this certain website without even acknowledging ME as the author. Well, I guess it's okay if you would copy some of my works here, and let me know it. I included my e-mail address (ellasdm@yahoo.com) in my profile, so I'm pretty much sure that it won't hurt. Please, just please, don't own my works as if they were yours. Thanks a bunch.

Monday, May 30, 2011

Muntanga lang.

Ang pag untog ng ulo sa pader ay di ibig sabihin na ito'y gawain ng isang baliw. Minsan ito'y paraan ng pagkuha ng lakas at pandagdag buhay.

--Super Mario.





Ngek ngek naman yung quote. Di ko alam kung matatawa ako o makokornihan ako. Pero siguro makokornihan na lang ako.


---

Bday ni friend kahapon. Pinainom nila ako, kahit di ako umiinom. Ako naman si "try" din. Tapos tapos... Nag-iba yung pakiramdam ko... Bumigat yung ulo ko tapos parang di na ako makatayo, kasi nanghina yung mga paa ko. Ang init pa ng sikmura ko. lol. Five percent lang daw yung alcohol nun, pero jusko naman, ilang bote yung sinalang nila, kung susumahin mo hindi lang 5 percent yun. Pinagtatawanan pa nila ako kasi lasing na raw ako. Hindi pa ako lasing. Nag-iba lang talaga yung pakiramdam ko.

Bakit kaya ang daming may gusto ng inuming pampalasing? Hindi naman masarap lasa. Maigi na lang mag-juice. Buti na lang wiwi ako nang wiwi. Nawala yung kakaibang pakiramdam ko. Kaso kawawa si Kenshin... Pinainom nang pinainom hanggang sa nahilo. Buti na lang at hindi ako nag-akay ng lasing, kasi bumuti na rin yung pakiramdam niya.

Tapos magmamalaki pa yung nanay ko pag-uwi namin, "Anim na bote lang ang naubos ninyo?" (Apat kaming uminom.) "E kulang pa nga sa akin yun e! Pag San Mig Light nga nakakapito ako e!"

Ikaw na, ma. Ikaw na lasengga!

---

Gandang gabi.

Saturday, May 28, 2011

Horoscope

HOROSCOPE

VIRGO:


"Bibigay sa'yo ang kaibigan mo at malalaman mong may gusto pala siya sa'yo."





Natawa naman ako sa horoscope na yun na nabasa ko kanina, na naka-flash sa TV ng bus. *ROFL* Parang medyo naniwala naman ako kasi nitong week lang e may isang kumausap sa akin na friend ko na ganun nga. Nagulat naman ako kasi parang... parang hindi naman kasi halata. *ROFL* Parang wala lang... May gusto pala sa akin. (Kumusta naman yun?)

Ang nasabi ko na lang, "Talaga?"

Sabi pa niya... ngayon lang daw siya nagkaroon ng guts na sabihin yun. Naging friend ko siya noong 2008, at mukhang wala na rin naman daw halaga yung mga sinabi niya kasi may Kenshin ako.

Sa totoo lang, like ko rin naman siya noon, kaso inignore ko na lang kasi feel ko naman hindi niya ako type. *ROFL* Malay ko bang may gusto pala siya sa akin. *hmm* Pero raw at least nasabi raw niya kasi nahihirapan daw talaga siyang magsabi ng nararamdaman. Gusto pa rin daw niya ako hanggang ngayon. *hmm*

Wala rin naman nagbago. Friends.

Ayun, na-share ko lang, kasi napatawa talaga ako dun sa horoscope. Medyo frustrated kasi ako ngayon gawa nang magpapa-enroll sana kami ng friend ko sa Alma Mater namin sa Manila, but pagpunta namin roon, ang sabi June 1 pa ang enrollment. Oh well... Wala kaming napala.


----

Maulang tanghali.

Thursday, May 26, 2011

Ang laki!

Nagpasama si Pated kanina sa labas para bumili ng makakain, tapos nadaanan namin yung inaayos na bahay na malapit lang sa bahay namin.


PATED: Ang laki naman nito! Ang laki naman ng bahay na ito!

Sa isang iglap kasi naging bongga na yung bahay na yun, di papakabog dun sa katabing bahay na bongga rin at kulay pink. *lol*

Pagkasabi ni Pated nun e biglang may lumabas na lalaki, walang pang itaas na damit at kita ang abs. *naughty.face*

AKO: *bulong kay Pated* Ang laki nga! *naughty.face*

PATED: Gaga! Ang sinasabi ko yung bahay, di ba? Hindi yung katawan ni kuya. *ROFL*

AKO: Sakto kasi pagkasabi mo, lumabas siya e. *lol*

---

Hehe. Gandang gabi. :p

Tuesday, May 24, 2011

Ba't kaya ang hilig mag fan sign ng mga bagets?

Akala siguro nila cute sila.

Depende na lang siguro kung cute talaga sila.

Pero karamihan pa-cute lang e.

*lol*

---

Kanina may nag-text... na for the first time nag-text sa akin mula nang kinuha niya ang number ko. Kakapagtaka tuloy. E inaantok na ako nun, tapos di ko na alam kung ano yung mga tinetext ko. Hanggang sa nakatulog ako... at paggising ko... nagtaka ako sa nabasa ko sa sent items. Nag-text pala ako ng ganun sa kanya. Hindi ko alam. o_o

---

Bad trip na bad trip ako kanina... habang naglalaro ako ng online game e bigla na lang na-DC (Disconnect). Minsan na nga lang maglaro e! Lumalaban pa naman ako sa competition... pero ok lang. Talo pa rin naman ako e... *lol* Pero nakakainis lang kasi yung na-gain ko na points e biglang nawala. Ewan ko ba kung bat ganun. *cry*

---

Nakita ko yung latest pic ni BFF. Pumayat na siya ngayon. Sabi nung isa naming friend e inspired daw. Ba't ako, inspired naman ako pero kabaligtaran yung nangyayari? *mad* Pero hindi ko trip yung bf ni bff. Basta. Hindi ko siya gusto kahit hindi ko pa siya nakikita sa personal. :hmm: Lagi niya kasing pinapaiyak si bff. Buti na nga lang daw at nandito ako, alam ko raw kung paano siya patawanin. Pero kahit na! Ayoko talaga sa mga nagpapaiyak ng babae :hmm: , at nahu-hurt ako para kay bff. *sad* Love na love ko kaya yun. Magbbday na nga siya sa Thursday e. Kaso wala akong pang gift. *sad*

Gawan ko na lang kaya siya ng story? :esep: Tagal ko na rin kasing di nakakapagsulat. Kailangan pala ma-frustrate ako uli. Pag malungkot na malungkot ako marami akong naiisip e. Masyado kasi akong masaya ngayon e. Kasalanan ni Kenshin toh. *mad* *lol*

---

Matutulog na ako. Gud nyt.

Monday, May 23, 2011

Nagbunganga

Kanina umuwi ako ng bahay kasama si Kenshin (Sinundo niya kasi ako. Almost everyday naman.) Bad trip na bad trip naman ako kasi walang tao sa bahay. Pag katok ko, walang response, at pansin kong patay ang lahat ng ilaw. Wala pa naman akong susi! *furious*

Tinawagan ko yung nanay ko at nagalit talaga ako kasi umaalis na lang sila bigla na hindi sinasabing aalis sila. Kaya nataasan ko tuloy ng boses sa phone. Pero natural naman na yun na mataas ang boses ko.

Kung anu-ano na sinabi ko out of anger kasi pagod na ako, pawis pa, at ang sakit pa ng ulo ko, imbis na hihiga na lang ako pagdating e mamomroblema pa ako kung paano bubuksan yung pinto ng bahay.

Napatingin ako sa may bintana at nagtanong kay Kenshin.

AKO: Kaya mong abutin?

Ang ibig kong sabihin e kung kaya niya bang sungkitin mula sa loob yung door knob para naman mabuksan at makapasok kami.

E since may screen e mukhang imposibleng mabuksan kaya sabi ko sirain niya na lang. Pero hindi na pala kailangang sirain yung screen kasi sira na pala yun. Ang ibig kong sabihin e nakatanggal yung ibabang part sa pagkakaturnilyo kaya dun ipinasok ni Kenshin yung kamay niya at inabot ang door knob at ayun! Nabuksan ang pinto.

Naka-relief naman ako sa ginawa niya. Hanep talaga, all-around. Boyfriend, service, boy, tagaluto, taga-masahe, magnanakaw (bukas pinto gang) :charing: Proud na proud tuloy ako lalo sa kanya. *cry*

At ang sabi sa akin ni Kenshin e, "Mag-isip kasi muna bago magbunganga."

Na narealize kong tama rin kasi madalas nauuna yung pagpapanic ko kaysa pag-iisip. At ayun tinext ko yung nanay ko at sinabing nakapasok na ako. Tumawag siya sa landline at nagtanong paano ako nakapasok, ipinaliwanag ko naman. Manghang-mangha naman yung nanay ko, pano raw naabot ni Kenshin yun, may lahi raw yatang Lastikman. Ngek ngek!

Ngayon, delikado pala ito. May tendency palang manakawan kami kasi sira yung screen ng bahay. *lol*

---

Gandang gabi.

Sunday, May 22, 2011

Pasukan na naman...

Kaya itong poem e alay ko sa mga estudyante... *lol*


Image and video hosting by TinyPic


Hay ang bilis ng araw.

Patapos na ang bakasyon.

(So what? Wala naman akong bakasyon e!)

*lol*

---

Ang lakas ng ulan dito.

May bagyo na naman.

---

gandang gabi.

Friday, May 20, 2011

SSS, PAG-IBIG

Bakit kaya may companies, establishments, blah blah, na nagkakaltas ng payment for SSS every sahod tapos malalaman mo lately e hindi pala nahuhulugan kasi pag-verify mo e wala palang hulog yung account mo? Kakaloka!

What if ma-deads ka bigla tapos syempre may pension yun, pero dahil hindi nga bayad ang SSS (na akala mong bayad) e hindi rin makukuha?! Kawawa naman ang beneficiaries.

What if gusto mo palang mag-loan pero dahil nalaman mong hindi pa bayad ang SSS kahit kinakaltasan ka e wala ka ring mapapala? At sasabihin sayo, "Hindi ka pa pupwedeng mag-loan kasi hindi nga nahuhulugan." Pero may kaltas.

What if natikom na lang ang bibig mo kahit na alam mong hindi pala hinuhulugan, pero di ka makapagreklamo kasi natatakot kang baka salbahihin ka ng mga taong responsable para sa paghuhulog nun?

What if may lakas ka nga ng loob, at nung nagreklamo ka about dun sa SSS na hindi hinuhulugan, dahil nga pag-check mo nung account mo sa mismong opisina ng SSS e wala palang hulog, pero kinakaltas, e nagalit sa'yo ang admin at sinabing, "Bakit chineck mo pa?"

Ang punto naman e kung hindi pala hinuhulugan, wag na lang ikaltas sa sahod. Hay tao nga naman. Saan kaya nila dinadala yung pera na yun na kinakaltas nila mahigit sa sampung empleyado? Nakakaduda.

May bagong patakaran na po ba ang PAG-IBIG? Ang sabi kasi sa amin bago na raw e, wala na raw number, pangalan na raw ang gagamitin sa transaction?

Thursday, May 19, 2011

tricycle, 20 pesos, movie marathon at braces

Nailang ako sa tingin ni manong tricycle driver kanina.

Parang... parang... parang... ma-L? chos! argh di ko ma-explain.

Nung pagsakay ko pa lang kakaiba na yung ngiti niya.

Katakot! Pagbaba ko, feel ko tatandaan niya yung bahay namin. (Tahaha! Assuming!) *lol*

Mula ngayon, may phobia na ako sa mga kalbong tricycle driver.

---

Naghagilap ako ng mga pakalat-kalat na pera sa kwarto ko.

At dun ko narealize na ang dami kong pakalat-kalat na pera. *lol*

Maigi na rin pala yung pakalat-kalat na pera, kahit saan may madudukot ka, at di ko agad magagasta, kaysa dun sa pera na naka-imbak sa wallet.

Dun sa mga pera na yun, may napansin akong kakaibang bente pesos. Naalala ko tuloy yung pinost kong bente pesos dati. May sumpa yata ang mga bente pesos.

Ayun na nga, may nakita akong bente pesos. At ang bente pesos ay parang peke. Yep yep, peke. Ewan ko. Feel ko peke yun e. May mukha naman pag tinapat sa liwanag. Pero parang peke pa rin. Kakaiba kasi yung texture ng papel tapos mas maliit siya sa ibang bente pesos na nasa wallet ko.

Well anyway, ibinayad ko na lang din sa tricycle driver. *lol*

---

Nanood kami ng The Last Airbender, Karate Kid, at Bride Wars. May bagong bili na VCD si mama e. Nung nakaraang taon ko pa nga siya kinokontrata na if ever, sa akin niya na lang ipamana yung mga VCDs niya. Ang dami kaya. Puro James Bond. *lol*

---

Ang cool pala ng braces sa ngipin. :D Pero ang sakit sa ngipin. Sabi ni mama sa umpisa lang daw yun. Sayang lang hindi naikabit yung paboritong kulay ko... BLUE. Next time na lang daw.

---

Gandang hapon!

Tuesday, May 17, 2011

appointment... disappointment...

May appointment ako sa dentist ngayon kaya nga maaga akong umalis ng school para mahabol ang oras. Sa totoo lang, ang daming dapat gawin, at nahiya naman ako kay co-teacher kasi iniwan ko sa kanya ang ibang gawain. Ayoko nang aalis ako nang may naiwan pa akong gawain sa school. Parang may kung anong guilt akong nararamdaman. Gusto ko kasi pag-uwi ko accomplished na ang lahat ng gawain during the day para wala nang iisipin. Pero kanina... iniwan ko si co-teacher, kasi nga may appointment ako. May mga liligpitin pa sa room, na sabi siya na lang daw ang bahala.

Pag-uwi ko sa bahay, napasimangot na lang ako kasi sabi ng kapatid ko, tumawag daw ang assistant ng dentist sa bahay at sinabing cancelled ang appointment. *himatay* Re-sched na lang daw tomorrow. Ang problema niyan, may lakad dapat ako bukas, pero dahil nagkaloko-loko na ang sched, e kailangan kong i-cancel ang lakad na yun. Hindi naman yun pwedeng isingit ng Thurs at Fri dahil may gawain kami sa school.

Ay nako, next week na lang nga. *mad* At ayun, naglaba na lang ako ngayon na kung tutuusin e wala naman sa schedule, at sa plano kong gawin. Kesa naman magtuloy-tuloy ang pagiging disappointed ko, gumawa na lang ako ng ibang gawain. Oh well... :p

Saturday, May 14, 2011

Si Mystery Loader, si Edwin, at si Edwin na naman

Si Mystery Loader...

Hindi ko siya kilala... kaya pangalanan na lang natin siyang "mystery loader", o pupwede ring mysterious loader. Ito ang pangalawang pagkakataong nakatanggap ako ng load na siguro isang tao lang ang nagbigay dahil parehong 15 pesos ang ni-load sa akin. Sa isip ko nga sana 60 pesos na lang e! Wahahaha! Walang gustong umamin sa mga ka-text ko. Nag-GM na ako sa kanila, pero yung iba deadma.

---

Sir J.: Baka naman si Kenshin yan?

AKO: Sir, hindi e. Kasi hindi ako niloloadan ni Kenshin ng 15 lang. Ang niloload niya sa akin, 30 or 60. :p

Sir J.: Hambog!

AKO: Wahahahaha!

---

Ma'am M: Baka naman manliligaw mo yan ma'am?

AKO: Kung manliligaw ko siya, basted na siya sa akin kasi 15 lang binigay niya. *evil.laugh*

Ma'am: Wahahaha! Oo nga, sakin din. Kuripot!


Kung sino man siya... salamat sa kanya kasi may load ako uli. *thanx*

***

Si Edwin...

WARNING: Rated PG, R18, GP *lol*


Walang tao sa bahay isang araw na umuwi kami ni Kenshin. Sinundo niya kasi ako.

AKO: Walang tao... *naughty_look*

Umupo kami sa sofa at maglalambingan sana nang biglang nag-ring ang telepono. $(*^&%&! *mad*

Sinagot ko naman yun.

AKO: Hello?

KAUSAP: Si Edwin nakauwi na?

AKO: Po? Wala pong Edwin dito.

KAUSAP: Ay! *sabay baba ng telepono*

Umupo na naman ako sa sofa at itutuloy ang naudlot na paglalambingan namin nang nag-ring na naman ang telepono. Same person ang nakausap ko.

KAUSAP: Si Edwin ba nandiyan na sa shop? Tiyahin niya ito.

AKO: Wala nga pong Edwin dito. Saan po ba kayo tumatawag?

KAUSAP: *baba ng telepono*

Umupo na naman ako sa sofa at sinabi kay Kenshin...

AKO: Wag na nga tayong maglambingan. Nandito si Lord. *lol*

KENSHIN: Hindi, hindi si Lord yun. *Nang biglang mag-ring na naman ang telepono*

Sinagot ko ang tawag.

KAUSAP: Si Edwin? Edwin *sabay sabi ng apelyido ni Edwin na hindi ko naman naintindihan*

AKO: Wala nga pong nakatirang Edwin dito, wrong number po kayo. *sabay baba ng telepono*

KENSHIN: Si Lord nga yata yun...

Nang makauwi na yung kapatid kong lalaki galing sa kung saan e nag-ring na naman ang telepono. Siya na ang sumagot.

BUNSO: Wala pong nakatirang Edwin dito. *tanong sa akin* Sino yun?

AKO: Ewan ko, panay ang hanap niyan kay Edwin.

***

Si Edwin na naman...

Sarap na sarap akong nagttcaf noong nakaraang araw nang mag-ring ang telepono. Dahil katabi ko lang naman ito ay sinagot ko na.

AKO: Hello?

KAUSAP 2: Si Edwin ba nandiyan? Edwin *sabay sabi ng apelyido na naintindihan ko na*

AKO: Wala pong nakatirang Edwin dito. Wrong number po kayo.

KAUSAP 2: Ay ganun ba? Sige, sorry ha.

BUNSO: Hinahanap na naman si Edwin?

AKO: Matingnan nga sa Facebook!

Nagmadali naman akong magbukas ng FB at nagbakasakaling tama ang spell ko sa apelyido ni Edwin. At ayun. Naroon siya. Nag-iisang may ganung pangalan.

Siya pala yun. :)

Heartache :/

Posted May 13, 2011 via tristancafe.com


The result of the April 2011 LET was released today.

LINK: http://coolbuster.wordpress.com/2011/05/13/let-results-april-2011-released/#more-108


What aches me is that I haven't seen the names

of those dear persons I wished and I expected to see.


I felt too bad after browsing those thousands of names,

knowing that their names are not in it...


I text them that the result was out, then they asked me to check their names...

I double-checked, even triple-checked, nth-checked or whatsoever, the page...

Well, I just have to tell them the truth. T_T






Then blogspot would tell me...

Ang Blogger ay kasalukuyang hindi magagamit

Ang Blogger ay hindi magagamit sa ngayon. Humihingi kami ng paumanhin para sa ganitong pagkagambala sa serbisyo.



I hate this. T_T

Wednesday, May 11, 2011

Madam Principal

Katatapos lang namin mananghalian kanina nang bigla akong ipatawag ng Principal. Dalawang tao na ang tumawag sa akin kaya mukhang urgent.

"Bakit daw po?" tanong ko sa isa. Hindi raw niya alam.

Nagmadali kong tinapon ang nginunguya kong chewing gum sabay labas ng classroom. Nakakahiya naman kung haharap ako sa Principal tapos may nginunguya ako.

Nakita ko ang Principal na naglalakad sa hallway, nakatalikod... Mukhang papunta siya sa kung saan.

"Ma'am," pagtawag ko. Lumingon siya, nilapitan ko. Niyakap niya ako at hinalikan (beso). Sabay ngiti sa akin at sabi ng, "Bye."

Kumunot ang noo ko, nagtaka. "Bakit po?"

"I resigned... TODAY."

Nagulat ako.

"Po?!" tanong ko.

Hinawakan niya ang pisngi ko. "O, wag ka na magtanong."

Hindi ko alam na may balak siyang mag-resign. Hindi ko alam na agad-agad. Kababalik niya lang kahapon galing sa bakasyon. Hindi ko alam kung bakit niya naisipan yun. Though mayroong iilan na ayaw sa kanya, though napapagalitan niya ako madalas dahil nga may actions akong nagagawa na hindi niya gusto (naiintindihan naman daw niya kasi bata pa raw kasi ako, at gaya niya raw ako noong bata pa siya), nakakagulat pala ang ganun... ang biglaan niyang pag-alis.

Nalungkot ako. Nalungkot talaga. Sumimangot ako.

"Hindi ko na kaya ang trabaho," sabi niya. Pero siguro may iba pang dahilan. "Pinatawag lang kita para magpaalam. Ayoko namang basta tumalikod na lang."
"Saan na po kayo niyan?" tanong kong muli.
"Sa bahay." Hindi ko alam kung saan na siya nakatira. Kasi nang sinimulang ipaayos ang school nitong April e pinaalis na muna siya pansamantala. Marami kasing binago at tinamaan ang office niya kung saan doon din siya natutulog.

Inilarawan niya kung saan ang bahay niya... malapit lang din naman sa school, sabi niya. Sa katabing subdivision lang.

Tanda ko pa yung mga huling sinabi niya, "Mabait ka. Binigyan nga kita ng mataas na grade. Gamitin ninyo yung mga itinuro ko sa inyo. Be a blessing to others.
"Pag may problema ka, i-text mo ako. Ay hindi, hindi! Huwag problema! Pag ikakasal ka na, i-text mo ako. Gawin mo akong ninang. Huwag kang mag-alala sa akin."

Hanggang sa nagpaalam na kami sa isa't-isa. Siguradong iilan pa lang ang nakaaalam na wala na siya sa school. Nagbakasyon kasi ang ibang teachers. Usap-usapan na naman siguro yun pag nagpasukan na... Isang buwan na lang. Siguradong maraming magiging pagbabago. Marami...

Poop

Eksena sa Kindergarten Summer Program...

After recess e resume ng klase. Nagpapila kami sa harapan ng mga estudyanteng may dala ng kanilang assignment na musical instruments nang biglang may nagsabi ng,

"Teacher, ang baho po!"

Na sinundan ng, "Ang baho! Sinong umutot?"

Naamoy ng co-teacher ko yun, at pati sa ilong ko e naglakbay na ang amoy. *lol*

MA'AM S.: Baka naman may nakaapak ng tae sa inyo. Tingnan ninyo nga yung slippers ninyo kung meron.

Tingin naman ang mga estudyante sa mga sapatos at tsinelas nila pero walang umamin. Maski nga ako tumingin e, wala naman. *lol*

Nagpatugtog na ang mga bata ng musical instruments at di na pinansin ang kakaibang amoy. Nang matapos magpatugtog ang mga bata ng musical instruments e nandun na uli ang reklamo nila.

MA'AM S.: Baka naman may tumae na sa inyo, umamin na.

Pero wala pa ring umaamin. May tinuro silang bata.

MA'AM S.: Mark ikaw ba yun?

Umiling naman si Mark. Hindi raw siya. At nanatili siyang nakatayo sa pwesto niya. Tinitingnan ko ang mga bata at iniisip kung saan ba nanggagaling yun o kung KANINO, hanggang sa may sumagi bigla sa isip ko.

AKO: Talon nga kayo.

Game na game naman ang mga bata sa pagtalon. Yung iba nga nagpapataasan pa. Pero may mga batang hindi rin tumalon at kasama na roon si Mark at isa pa, si Noel.

MA'AM S.: Noel, ikaw ba yun?
NOEL: Hindi po ako.
MA'AM S.: E sino ba yun?

At napansin ni Ma'am S., si Mark ay nakatayo pa rin.

MA'AM S.: O Mark, upo ka na.

Hindi umupo si Mark. Bigla namang tumakbo papunta sa akin ang katabi ni Mark at binulungan ako, "Teacher, si Mark po yun!" sabay takbo uli pabalik sa pwesto.

Nagtawag ako ng isang assistant para ilabas si Mark sa classroon at ipunta sa CR.

In the end... napag-alaman naming si Mark nga pala talaga yun. Pinauwi na namin si Mark matapos kaming kausapin ng mama niya na iuuwi na raw niya si Mark kasi nagkalat na. Kagabi pa pala masakit ang tiyan. Hindi na raw sana papapasukin kaso nagpumilit ang bata na gusto niyang pumasok sa eskwela.

Sunday, May 8, 2011

Katakot

Ang daming nangyaring nakakatakot... :hide:

Kaninang umaga, naka-open wide daw ang gate ng bahay namin. Wala namang nawala, buti na lang may aso kami. At nung nagising ang mga tao rito e naabutan nila si Chloe na tahol nang tahol.

Ang nakakapagtaka pa e summer na summer pero umulan nang malakas na malakas. Grabeng hangin...

Tapos yung katapat-bahay namin, nakainom. Nagsasaya lang naman sila, nagvivideoke. Ewan ko ba bigla na lang siyang nagsisigaw na parang may kaaway. Ganun siya nung nakaraan. Parang yung isang kapit-bahay namin ang kaaway. Tapos may pumutok. Putok yata ng baril. Natakot kaming lahat. Umakyat kami sa kwarto.

Pagdating naman sa kwarto, ayun nagkagulo... Kasi may pumutok. Tapos biglang kumislap-kislap ang ilaw. Dun sa kwarto nina mama nangamoy sunog. Natakot kami, akala namin magkakasunog na. Nag-isip tuloy ako ng mga bagay na una kong isasalba sakaling magkasunog. Syempre, una yung lap top ko. Wahaha! Sabay ganun. Ayan tuloy dito kami sa baba lahat matutulog. In-off kasi yung fuse dun sa taas.

Ang nakakatakot lalo e ang pagkalam ng sikmura ko. Wahaha! Wala pa rin kaming gas ngayon. Malas lang kasi naubusan na sa tindahan. Buti na lang at nandiyan si 878-7000. Nabusog kaming lahat.



Kagabi humiling ako ng sign... Nag-pray pa ako. Pero hindi nangyari. Nakaka-disappoint tuloy. Pero ok lang.

Gandang gabi. :wave:

Happy Mother's Day!

Image and video hosting by TinyPic


Ayan ang picture ko kasama si mama.

Sabi niya one year old pa lang ako riyan.

At sabi niya cute pa ako riyan. *lol*


Kahit na madalas akong mag-maldita,

madalas na di ko sinusunod ang mga utos niya,

at panay lang ang hilata ko sa bahay e ramdam ko namang lab na lab niya ako. :)


Peborit ko sa luto ni mama yung spaghetti.

Kasi hindi lang basta ketchup ang hinahalo niya roon, *evil.laugh*

kundi yung pinakamasarap na pansahog...

Kasama na rin ang pagmamahal, at pawis (tanda ng effort niya) hihihi. :)


Pag umaga e gumigising siya nang maaga para mauna siyang makapag-facebook magluto ng agahan,

kasunod na nun e ang walang kamatayang trabaho sa bahay.

Sa tingin ko nga e ang pinakamabigat na trabaho ay ang pagiging Nanay.

Paano ba naman kasi wala kang sweldo, wala kang day-off, at hindi lang 8 hours ang oras ng trabaho mo.


Hindi ko na matandaan kung paano ba ako o kailan ba ako unang natutong magbasa at magsulat.

Pero sigurado akong siya ang nagturo sa akin kung paano gawin ang mga unang hakbang sa pagkatuto.

Sabi niya kasi siya ang nagturo sa akin e...


Salamat mama sa lahat ng pagod at hirap mo sa amin.

At kahit na madalas mo akong sumbatan pag nag-aaway tayo e nilalabas ko na lang din yun sa kabilang tainga ko. *roll* *evil.laugh*


Happy Mother's Day, mama! :)

OOO



Eksena ngayon-ngayon lang...

Nakatanggap ako ng message galing sa friend ko, binasa ko nang malakas.

FRIEND's MESSAGE:

Pacquiao wins via unanimous decision.
Bagsak si Mosley round 3.
Bagsak si Pacquiao, tinulak! Hahaha!

MAMA: Ha? Anong bulak? :confused:

AKO: TINULAK! Hindi BULAK!

MAMA: A! Tinulak! *uber laugh*

AKO: *himatay*



Happy mother's day sa lahat ng ina. :)

Salamat na rin sa mga anak-anakan ko na bumati sa akin.

Saturday, May 7, 2011

Slurpee :)

May 6, 2011

at about 7 p.m.




Nag-request si Pated na kumain sa labas. Syempre dahil may pera naman ako edi nilibre ko siya. Ayaw kasi ni Bunso sumama kaya daming dalawa na lang ni Pated ang lumakad.

Sabi niya gusto raw niyang kumain sa 7-11, sabi ko sa Jollibee na lang... pero ang nangyari e nauwi ang pagkain namin sa Chowking.

Matapos kumain sa Chowking e nag-request pa si Pated. Parang gusto pa raw niyang kumain ng Halo-halo. Sabi ko naman e mag 7-11 na lang kami, tutal e dun naman talaga niya gustong pumunta, at bumili kami roon ng Slurpee.

Nang nakapagbayad na kami e binigyan kami ng lalaki sa counter ng dalawang takip ng baso ng Slurpee at dalawang straw.

Nagpunta na kami ni Pated dun sa machine. Sinalansan ko ang mga takip. Ibinigay ko sa kanya ang isa, at itinakip namin yun dun sa baso niya. Nang itatakip ko na ang isa dun sa baso ko e may napansin akong dumi roon sa loob ng takip. Akala ko pangkaraniwang dumi lang kaya di naman ako nag-alinlangang tanggalin yung dumi. Sabi ko pa kay Pated, "Teka, may dumi."

Pagtingin ko sa daliri ko... buhok sa ilong pala yun, may kasama pang maliit na kulangot. :lol: Pinagmasdan ko pa e, dry na nga yung kulangot, siguro matagal na yun dun. :lol: Ipinakita ko nga kay Pated yun e, super tawa naman si Pated sa nakita niya.

Yun pala ang secret ingredient nun. Kaya pala masarap. *roll*



Image and video hosting by TinyPic




Moral: Bago tanggapin ang takip ng baso ng Slurpee, siguraduhin muna na malinis ito.

hohoho

Nakakapagpatae pala talaga yung Halo-halo saka mangga.

Hohoho!






Sabi nila kanina sa office, magandang combination daw yun.

Totoo pala.
*lol*

Sunday, May 1, 2011

Huwaw talaga sa Manila!

Manila Zoo

Huwaw na huwaw sa entrance. Discounted pala pag Manila citizen. E kaso di naman kami taga-Manila kaya useless din.

Huwaw naman din ang amoy ng Manila Zoo. *lol* Nagpunta kasi kami dun ni Kenshin kahapon e (with friends). Imbis na hahanapin mo yung mga hayop e, ang hahanapin mo e yung amoy ng tae ng hayop kung saan nanggagaling. Like, "Ay ito pala yung mabaho!" :))

Pagpasok mo pa lang, alam mo nang welcome na welcome ka. Alam mo nang wild animals ang nandoon kasi ang wild ng amoy. Nakakagana kumain. *lol*

Tapos tapos... sa langit may nalalalaglag na kung ano. Akala ko umaambon... pag tingin ko sa balat ko kulay puti. Huwaw naman, may blessing na galing sa itaas. Ok yun, organic na pataba sa balat ko. Feel ko tuloy halaman ako. :))

Pero inpernes, may kuha kami na nakasabit sa amin ang ahas. Afraid! At may nakawala pa palang unggoy. Ewan ko kung saan dumaan yun, pinagkaguluhan ng tao. :p


Taft Avenue

Huwaw na huwaw naman. Papunta kasi kami ng Luneta, pagkagaling ng Manila Zoo. Pagbaba namin sa Sta. Isabel College sakay ng isang jeep e may eksena ng holdapan. Nakita ni Kenshin ang mga unang pangyayari, at nakita ko rin.

May lalaking tumakbo palabas galing ng FX. Nakahinto yung FX sa gitna ng kalsada tapos yung lalaki hinabol ng mga pasahero. Naabutan siya ng isang lalaking pasahero, sinakal, tapos napadapa, pinagsisipa. Dumating ang isang pulis, pinagsusuntok ang holdaper, pinosas. Binatukan pa yung lalaki ng isang pasaherong babae. Nabawi ang mga nakuhang pera, cell phone at digi cam.

Sumigaw si ate ng, "Nagtatrabaho kami. Maghirap ka naman!"

May binubulong pa na kung ano ang holdaper, at sabi pa niya, "Hindi lang ako. Marami pa sila dun."

May isa namang lalaking pasaherong na biktima rin ang galit na galit. Mukhang mayaman, at super English pa.

(At talagang nakiusyoso kami.) :))


Luneta

Huwaw na huwaw sa Luneta. May bago na pala silang patakaran na bawal magdala ng panapin. :)) Kada tao na magdala ng panapin e sinisita at pinipituhan ng guwardya. FOUL! Bago pa makapaglatag ang mga tao ng pagkain at panapin e nabwisit na sila.

Nakipagtalo pa kami sa guwardya kung bakit ipinagbawal na ang pagdadala ng panapin. Kasi may iba namang naglalatag din, tapos nakakapagtaka, sinita kami at kung sinu-sino. May nagbebenta pa nga dun ng panapin e. :)) Sabi niya e nakakasira sa damo, namamatay daw kasi ang mga yun. Huwaw na huwaw! Sa isang iglap naging concerned sila sa kalikasan. *lol*


Huwaw talaga sa Manila!
Flying Dark Blue Butterfly
Got My Cursor @ 123Cursors.com
Cute Blue Flying Butterfly