No to Plagiarism!

ANYD's NOTE:

It would be very disappointing if I would learn that my works were plagiarized. The truth is I have seen my work in this certain website without even acknowledging ME as the author. Well, I guess it's okay if you would copy some of my works here, and let me know it. I included my e-mail address (ellasdm@yahoo.com) in my profile, so I'm pretty much sure that it won't hurt. Please, just please, don't own my works as if they were yours. Thanks a bunch.

Wednesday, May 11, 2011

Madam Principal

Katatapos lang namin mananghalian kanina nang bigla akong ipatawag ng Principal. Dalawang tao na ang tumawag sa akin kaya mukhang urgent.

"Bakit daw po?" tanong ko sa isa. Hindi raw niya alam.

Nagmadali kong tinapon ang nginunguya kong chewing gum sabay labas ng classroom. Nakakahiya naman kung haharap ako sa Principal tapos may nginunguya ako.

Nakita ko ang Principal na naglalakad sa hallway, nakatalikod... Mukhang papunta siya sa kung saan.

"Ma'am," pagtawag ko. Lumingon siya, nilapitan ko. Niyakap niya ako at hinalikan (beso). Sabay ngiti sa akin at sabi ng, "Bye."

Kumunot ang noo ko, nagtaka. "Bakit po?"

"I resigned... TODAY."

Nagulat ako.

"Po?!" tanong ko.

Hinawakan niya ang pisngi ko. "O, wag ka na magtanong."

Hindi ko alam na may balak siyang mag-resign. Hindi ko alam na agad-agad. Kababalik niya lang kahapon galing sa bakasyon. Hindi ko alam kung bakit niya naisipan yun. Though mayroong iilan na ayaw sa kanya, though napapagalitan niya ako madalas dahil nga may actions akong nagagawa na hindi niya gusto (naiintindihan naman daw niya kasi bata pa raw kasi ako, at gaya niya raw ako noong bata pa siya), nakakagulat pala ang ganun... ang biglaan niyang pag-alis.

Nalungkot ako. Nalungkot talaga. Sumimangot ako.

"Hindi ko na kaya ang trabaho," sabi niya. Pero siguro may iba pang dahilan. "Pinatawag lang kita para magpaalam. Ayoko namang basta tumalikod na lang."
"Saan na po kayo niyan?" tanong kong muli.
"Sa bahay." Hindi ko alam kung saan na siya nakatira. Kasi nang sinimulang ipaayos ang school nitong April e pinaalis na muna siya pansamantala. Marami kasing binago at tinamaan ang office niya kung saan doon din siya natutulog.

Inilarawan niya kung saan ang bahay niya... malapit lang din naman sa school, sabi niya. Sa katabing subdivision lang.

Tanda ko pa yung mga huling sinabi niya, "Mabait ka. Binigyan nga kita ng mataas na grade. Gamitin ninyo yung mga itinuro ko sa inyo. Be a blessing to others.
"Pag may problema ka, i-text mo ako. Ay hindi, hindi! Huwag problema! Pag ikakasal ka na, i-text mo ako. Gawin mo akong ninang. Huwag kang mag-alala sa akin."

Hanggang sa nagpaalam na kami sa isa't-isa. Siguradong iilan pa lang ang nakaaalam na wala na siya sa school. Nagbakasyon kasi ang ibang teachers. Usap-usapan na naman siguro yun pag nagpasukan na... Isang buwan na lang. Siguradong maraming magiging pagbabago. Marami...

No comments:

Post a Comment

Flying Dark Blue Butterfly
Got My Cursor @ 123Cursors.com
Cute Blue Flying Butterfly