No to Plagiarism!

ANYD's NOTE:

It would be very disappointing if I would learn that my works were plagiarized. The truth is I have seen my work in this certain website without even acknowledging ME as the author. Well, I guess it's okay if you would copy some of my works here, and let me know it. I included my e-mail address (ellasdm@yahoo.com) in my profile, so I'm pretty much sure that it won't hurt. Please, just please, don't own my works as if they were yours. Thanks a bunch.

Sunday, May 1, 2011

Huwaw talaga sa Manila!

Manila Zoo

Huwaw na huwaw sa entrance. Discounted pala pag Manila citizen. E kaso di naman kami taga-Manila kaya useless din.

Huwaw naman din ang amoy ng Manila Zoo. *lol* Nagpunta kasi kami dun ni Kenshin kahapon e (with friends). Imbis na hahanapin mo yung mga hayop e, ang hahanapin mo e yung amoy ng tae ng hayop kung saan nanggagaling. Like, "Ay ito pala yung mabaho!" :))

Pagpasok mo pa lang, alam mo nang welcome na welcome ka. Alam mo nang wild animals ang nandoon kasi ang wild ng amoy. Nakakagana kumain. *lol*

Tapos tapos... sa langit may nalalalaglag na kung ano. Akala ko umaambon... pag tingin ko sa balat ko kulay puti. Huwaw naman, may blessing na galing sa itaas. Ok yun, organic na pataba sa balat ko. Feel ko tuloy halaman ako. :))

Pero inpernes, may kuha kami na nakasabit sa amin ang ahas. Afraid! At may nakawala pa palang unggoy. Ewan ko kung saan dumaan yun, pinagkaguluhan ng tao. :p


Taft Avenue

Huwaw na huwaw naman. Papunta kasi kami ng Luneta, pagkagaling ng Manila Zoo. Pagbaba namin sa Sta. Isabel College sakay ng isang jeep e may eksena ng holdapan. Nakita ni Kenshin ang mga unang pangyayari, at nakita ko rin.

May lalaking tumakbo palabas galing ng FX. Nakahinto yung FX sa gitna ng kalsada tapos yung lalaki hinabol ng mga pasahero. Naabutan siya ng isang lalaking pasahero, sinakal, tapos napadapa, pinagsisipa. Dumating ang isang pulis, pinagsusuntok ang holdaper, pinosas. Binatukan pa yung lalaki ng isang pasaherong babae. Nabawi ang mga nakuhang pera, cell phone at digi cam.

Sumigaw si ate ng, "Nagtatrabaho kami. Maghirap ka naman!"

May binubulong pa na kung ano ang holdaper, at sabi pa niya, "Hindi lang ako. Marami pa sila dun."

May isa namang lalaking pasaherong na biktima rin ang galit na galit. Mukhang mayaman, at super English pa.

(At talagang nakiusyoso kami.) :))


Luneta

Huwaw na huwaw sa Luneta. May bago na pala silang patakaran na bawal magdala ng panapin. :)) Kada tao na magdala ng panapin e sinisita at pinipituhan ng guwardya. FOUL! Bago pa makapaglatag ang mga tao ng pagkain at panapin e nabwisit na sila.

Nakipagtalo pa kami sa guwardya kung bakit ipinagbawal na ang pagdadala ng panapin. Kasi may iba namang naglalatag din, tapos nakakapagtaka, sinita kami at kung sinu-sino. May nagbebenta pa nga dun ng panapin e. :)) Sabi niya e nakakasira sa damo, namamatay daw kasi ang mga yun. Huwaw na huwaw! Sa isang iglap naging concerned sila sa kalikasan. *lol*


Huwaw talaga sa Manila!

No comments:

Post a Comment

Flying Dark Blue Butterfly
Got My Cursor @ 123Cursors.com
Cute Blue Flying Butterfly