at about 7 p.m.
Nag-request si Pated na kumain sa labas. Syempre dahil may pera naman ako edi nilibre ko siya. Ayaw kasi ni Bunso sumama kaya daming dalawa na lang ni Pated ang lumakad.
Sabi niya gusto raw niyang kumain sa 7-11, sabi ko sa Jollibee na lang... pero ang nangyari e nauwi ang pagkain namin sa Chowking.
Matapos kumain sa Chowking e nag-request pa si Pated. Parang gusto pa raw niyang kumain ng Halo-halo. Sabi ko naman e mag 7-11 na lang kami, tutal e dun naman talaga niya gustong pumunta, at bumili kami roon ng Slurpee.
Nang nakapagbayad na kami e binigyan kami ng lalaki sa counter ng dalawang takip ng baso ng Slurpee at dalawang straw.
Nagpunta na kami ni Pated dun sa machine. Sinalansan ko ang mga takip. Ibinigay ko sa kanya ang isa, at itinakip namin yun dun sa baso niya. Nang itatakip ko na ang isa dun sa baso ko e may napansin akong dumi roon sa loob ng takip. Akala ko pangkaraniwang dumi lang kaya di naman ako nag-alinlangang tanggalin yung dumi. Sabi ko pa kay Pated, "Teka, may dumi."
Pagtingin ko sa daliri ko... buhok sa ilong pala yun, may kasama pang maliit na kulangot. :lol: Pinagmasdan ko pa e, dry na nga yung kulangot, siguro matagal na yun dun. :lol: Ipinakita ko nga kay Pated yun e, super tawa naman si Pated sa nakita niya.
Yun pala ang secret ingredient nun. Kaya pala masarap. *roll*
Moral: Bago tanggapin ang takip ng baso ng Slurpee, siguraduhin muna na malinis ito.
No comments:
Post a Comment