Nailang ako sa tingin ni manong tricycle driver kanina.
Parang... parang... parang... ma-L? chos! argh di ko ma-explain.
Nung pagsakay ko pa lang kakaiba na yung ngiti niya.
Katakot! Pagbaba ko, feel ko tatandaan niya yung bahay namin. (Tahaha! Assuming!) *lol*
Mula ngayon, may phobia na ako sa mga kalbong tricycle driver.
---
Naghagilap ako ng mga pakalat-kalat na pera sa kwarto ko.
At dun ko narealize na ang dami kong pakalat-kalat na pera. *lol*
Maigi na rin pala yung pakalat-kalat na pera, kahit saan may madudukot ka, at di ko agad magagasta, kaysa dun sa pera na naka-imbak sa wallet.
Dun sa mga pera na yun, may napansin akong kakaibang bente pesos. Naalala ko tuloy yung pinost kong bente pesos dati. May sumpa yata ang mga bente pesos.
Ayun na nga, may nakita akong bente pesos. At ang bente pesos ay parang peke. Yep yep, peke. Ewan ko. Feel ko peke yun e. May mukha naman pag tinapat sa liwanag. Pero parang peke pa rin. Kakaiba kasi yung texture ng papel tapos mas maliit siya sa ibang bente pesos na nasa wallet ko.
Well anyway, ibinayad ko na lang din sa tricycle driver. *lol*
---
Nanood kami ng The Last Airbender, Karate Kid, at Bride Wars. May bagong bili na VCD si mama e. Nung nakaraang taon ko pa nga siya kinokontrata na if ever, sa akin niya na lang ipamana yung mga VCDs niya. Ang dami kaya. Puro James Bond. *lol*
---
Ang cool pala ng braces sa ngipin. :D Pero ang sakit sa ngipin. Sabi ni mama sa umpisa lang daw yun. Sayang lang hindi naikabit yung paboritong kulay ko... BLUE. Next time na lang daw.
---
Gandang hapon!
No comments:
Post a Comment