No to Plagiarism!

ANYD's NOTE:

It would be very disappointing if I would learn that my works were plagiarized. The truth is I have seen my work in this certain website without even acknowledging ME as the author. Well, I guess it's okay if you would copy some of my works here, and let me know it. I included my e-mail address (ellasdm@yahoo.com) in my profile, so I'm pretty much sure that it won't hurt. Please, just please, don't own my works as if they were yours. Thanks a bunch.

Nobela (Kuno)


 (Page under Renovation)

***

MUSIC OF LOVE

Isinulat noong taong... di ko matandaan... Pero sa paghahalungkat ko sa website na tristancafe ay nalaman kong posted pala noong March 23, 2007 hanggang May 24, 2007...

Ang Music of Love ay umusbong (umusbong talaga?) dahil sa aking kabaliwan sa isang nagngangalang Ian Jay Arandela, na sad to say ay hindi naman niya natapos basahin dahil ang haba raw. Lol! Alam ko namang hindi kami magkakatuluyan dahil nasa magkaibang panig kami ng Pilipinas, at bumagyo nun kaya nawalan na kami ng communication. Nasira kasi yung antenna ng broadband nila. Kaya naman ang lola mo ay gumawa na lang ng kuwento para naman kahit sa kuwentong ito ay nagkatuluyan kami. O di ba? Bongga!

Ang bida ng kuwento ay si Eliza (Ellie) San Luis, isang estudyante sa Kolehiyo na walang muwang sa kung ano ba ang kahulugan ng pag-ibig. Hanggang sa dumating si Ivan Alvarez at nilapatan ng salitang iyon ang kanyang bokabularyo. Hindi ko na ikukuwento ang lahat dahil spoiler na yun. Basahin na lang. Harhar!

(Paki-click na lang po yung picture below.)

Music of Love by Anyd


***

RHYTHM OF HEARTBEAT

Matapos ang isang taon, dahil sa request ng readers sa tristancafe website, na lagyan ng kasunod ang Music of Love dahil hindi sila maka-get over sa pagpanaw ng isang tauhan, ang Rhythm of Heartbeat ay nabuo. Walang katiyakan kung kailan ko ba ito nasimulang isulat dahil di ko na matandaan pero posted ito sa site noong March 31, 2008 hanggang June 14, 2008.

Bubuhayin ang mga alaala ni Benjo. Pagdudugtungin ang nakaraan at kasalukuyan. Lilitaw ang isang bagong tauhan, si Mildred, na naging mahina nang dahil sa pag-ibig. Ano ang papel niya sa buhay ng mga tauhan ng Music of Love?

(Paki-click na lang po yung picture below.)


***
 ALUMNI: HIGH SCHOOL MEMORIES

Kauna-unahang naisulat noong taong 2004, ang Alumni: High School Memories ay napag-tripan kong gawin dahil may crush na crush ako noong second year high school ako. Hakhakhak! Ang orihinal na kuwento ay nauna kong ipinabasa sa mga kaklase ko, printed sa short bond paper na tinupi para magmukhang libro. Kumalat ito at napunta sa ibang section at pagbalik sa akin ay gusot-gusot na. Haha! Dahil sa katamaran ay hindi na muling nadugtungan ang kuwento na umabot lang sa Chapter 8 (yata). 

Matapos ang ilang taon, sinimulan ko uli itong sulatin. Maraming revisions na ginawa at mga tauhang inalis. Posted sa tristancafe website ang Kabanata 1-18 mula September 29, 2008 hanggang October 31, 2008. Ito yung kuwentong hindi ko gusto sa lahat ng isinulat ko dahil noong panahong sinusulat ko ito ay naging depressed ako sa kagagawan ng isang kumag na nanloko sakin. (Mahabang kuwento.)  Resume ang posting ng April 10, 2009 hanggang June 9, 2009.

Ang kuwento ay nagsimula sa isang Alumni Homecoming, at si Denise na isang alumna ng kanilang paaralan sa high school, ay inanyayahan para magsalita sa entablado ng kanilang dating guro. 

Binalikan niya ang mga alaala niya noong high school pa lamang sila. Isa siyang bagong lipat na mag-aaral noong third year high school. Nagkaroon siya ng mga bagong kaibigan at naipit sa isang magulong love story ng kambal niyang kaklase, sina Marvin at Carl.

(Paki-click na lang po yung picture below.)



No comments:

Post a Comment

Flying Dark Blue Butterfly
Got My Cursor @ 123Cursors.com
Cute Blue Flying Butterfly