... mamatay ka sa inggit.
bleh!
Tawang-tawa ako dun sa pastor na nagsermon kanina...
Hindi siya nakaka-bore, sa totoo lang, at mula nang magsalita siya hanggang matapos e nakinig ako.
Hindi ako Born Again, pero nasa Christian School kasi ako, kaya may mga araw na required kaming umattend ng service nila.
Tapos itong pastor may na i-share na kwento tungkol sa kapit-bahay niyang inggit na inggit sa kanya.
"May kapit-bahay ako inggit na inggit sa akin.
Bumili ako ng TV, maliit lang, 14 inches.
E dahil nga naiinggit siya sa akin,
aba kinabukasan bumili rin ng TV!
Mas malaki, 18 inches.
Tapos niyabangan niya pa ako.
Hindi ko siya pinansin. Ok lang sa'kin.
Pagkatapos, bumili ako ng ref, yung maliit lang.
Aba itong kapit-bahay ko, nainggit na naman!
Kinabukasan bumili rin siya ng ref, mas malaki!
Pinadeliver pa galing SM! Dinaan pa sa tapat ng bahay namin. Tapos nun niyabangan ako, sabi niya, 'Kala mo ha!'
E hindi ko na pinalampas. Ang laki ng inggit niya sa akin e.
Ang ginawa ko ngayon, nag-asawa ako ng maganda!
At yun, yun ang hindi niya magaya-gaya, hanggang ngayon."
Ewan ko ba kung bakit may mga tao talagang may malaking inggit sa iyo.
Ang sabi niya pa ganito...
Di ba nga matunog yung issue tungkol sa lotto ngayon, yung nanalo ng 700 M, ang sabi niya... Ang daming naiinggit doon sa nanalong iyon. Kung tutuusin, hindi naman daw dapat kainggitan yun. Yung napanalunan ng tao na iyon sa totoo lang ay yung nakatakdang BLESSING para sa kanya. Kasi naman daw kahit anong gawin mo, kahit nakailang taya ka pa sa lotto, kung hindi para sa iyo ang blessing na yun, hindi mo rin makukuha.
Tapos napaisip ako, oo nga ano. Mayroon kasing mga naghahangad na mapasakanila ang isang bagay. Tama nga naman na bawat isa sa atin may natatanggap na blessing, kaya kung anong matanggap mo, magpasalamat ka, kasi yun ang nakatakdang ibigay sa iyo.
Hindi ako nanenermon. Nagsheshare lang ako ng thought.
No comments:
Post a Comment