Prom Night: Part 2
Ang Nakaraang Tagpo:
Pinabaunan niya pa ako ng isang kit. May kalakihan. Mukhang maraming laman.
"Ano po ito?" tanong ko kay tatay.
"Hmm... Para sa... pang retouch? Pabaon ni Maia."
Tiningnan ko ang laman ng kit. Mayroong bagong make-up, naka-sealed pa, as in hindi pa nagagalaw, at may lamang kung anu-anong pampaganda. Sosyal! Mayroon ding CD ng "Do it your own!!! Make up tutorial!!!" (Ayaw sa exclamation point.) Mukhang nagtuturo kung paano mag make-up ng patay. Yay! Isinara ko na ang kit at pumasok na nang tuluyan.
Pagpasok ko, nagdire-diretso ako ng lakad. Hindi ko pinansin ang mga nadaanan ko at nahuling nagbubulungan. Hinanap ko ang mga kaibigan ko at nang makita ko sila ay tinawag ko sila.
"Aida, Lorna, Fe!" pagtawag ko sa mga kaibigan ko nang makita ko sila.
Sabay-sabay silang napatingin sa akin habang patakbo akong lumalapit sa kanila (yung may slow motion epeks).
Nang makalapit ako sa kanila ay mariin akong tinitigan ni Aida, "A... Hu u?" tanong niya.
*Epic face* "Jejemon ka, teh?" Napasimangot ako. "Nu buh? Jackie 2," tugon ko naman. Ganun na ba kasama ang hitsura ko para di nila makilala? Pero ang lubos kong ipinagtaka ay napanganga sila pagkasabi ko ng ganun --na ako si Jackie.
"Palung-palo!" biglang isinigaw ni Lorna.
"Ang ganda ha! Nakakainis!" sabi naman ni Fe.
"Ano bang sinasabi ninyo riyan?" natatawa kong itinanong. "Oo na, alam ko nang pangit ako!"
"Ang ganda mo kaya, gaga ka! Saan ka nagpa make-up? Saan mo nabili yang damit mo?" usisa ni Fe. Ayoko namang sabihing sponsor ko ang Funeraria Paz sa mga ito kaya iniba ko na ang usapan.
Dahil sa pagnanais kong makita na rin ang hitsura ko ay nanghiram ako ng salamin kay Lorna. At pag tingin ko sa salamin... Maski ako nagulat! Kabaligtaran pala ang iniisip ko... Ngayon ay naiintindihan ko na kung bakit ang daming nakatingin sa akin. Ayokong sabihing ang ganda ko ngayong gabi. Ayoko talaga! Nyahaha! Syeeeeet ang ganda ko. (100x)
Nag-uumpisa na pala ang JS nang magpunta kami sa table na naka-assign sa amin. Binigyan kami ng numbers. Para raw iyon sa pagpili ng Best Dressed at Prom King and Queen. Idinaos na rin ang inaabangang sayawan. Iniwan ako ng mga kaibigan ko para magsisayaw sa kani-kanilang kapareha. Nakakainggit... Kung puwede ko lang sanang makasayaw si Renzo pero asa pa. At ayun nga, naiwan lang ako sa table, kasama itong mga kubyertos at plato na kanina pa naka set-up. As if naman na magsasalita sila.
Pinatay na ang ilaw sa buong paligid at nagpatugtog ng sweet song. Hanggang sa may isang lumapit at nagtanong kung puwede raw ba niya akong isayaw. Tiningnan kong maigi ang lalaking nagyayaya sa akin.
Napamura ako sa isip ko, "Syeeeeet si Ronald 'to a." Siya yung seatmate kong ayaw kong tabihan kasi ang baho ng hininga. Kaya nga madalas e tumatabi ako kahit na sino kina Aida, Lorna at Fe. Nag-isip ako saglit. Pumayag na kaya ako? Mabait naman ito e, madalas akong pakopyahin ng assignment sa Physics (na kinopya rin niya sa iba).
"A, o si--" papayag na sana ako pero may biglang sumingit na nagyayaya rin na isayaw ako. At nagsunod-sunod na sila. At ayan pa ang isa, at isa pa, at isa pa uling nagyayaya ng sayaw. Pati yung partner ni Aida na sumundo sa kanya kanina rito sa table e nandito na rin at nagyayaya na isayaw ako.
Namomroblema ako ngayon. Sa totoo lang hindi ako makapamili sa kanila kasi ang cha-chaka nila. Walang itulak kabigin. Natawa na nga lang din ako dun sa isang naka jeje cap na nagyayaya sa akin. Naka-barong, naka jeje cap? Chura! Kung nandito lang siguro si tatay nakatikim na sila ng panlalait.
Dinudumog na ako ng zombies nang may marinig akong pamilyar na boses. "Excuse me," sabi nito. At nagulat ako nang nasa harapan ko na siya, panay pa rin ang pag 'excuse me' para tuluyan na siyang padaanin.
"May I have this dance?" tanong niya sa akin nang makalapit siya.
Natulala ako nang makita ko siya. Si... si... si...
"Sure," agad na sagot ko, na star struck. Tumayo ako. Hindi ko na inintindi ang ibang nagyayaya at kumapit ako sa braso ng lalaking nagyaya sa akin... si Renzo.
(Kasi nangangalay pa rin yung kanang kamay ko. Three days na. Pramis)
No comments:
Post a Comment