No to Plagiarism!

ANYD's NOTE:

It would be very disappointing if I would learn that my works were plagiarized. The truth is I have seen my work in this certain website without even acknowledging ME as the author. Well, I guess it's okay if you would copy some of my works here, and let me know it. I included my e-mail address (ellasdm@yahoo.com) in my profile, so I'm pretty much sure that it won't hurt. Please, just please, don't own my works as if they were yours. Thanks a bunch.

Monday, December 20, 2010

Karoling... Namamasko Po!

Karoling... masaya...

pa nga ba?


Eksena 1

May mga batang nangangaroling kagabi sa kapit-bahay namin. Maya-maya itong si pated e lumabas at sumilip. Tapos pumasok siya uli.

PATED: *sinara ang pinto, tapos pinatay ang ilaw sa labas*
ANYD: Huy! Anong ginagawa mo?
PATED: May nangangaroling e. *lol*
ANYD: *himatay*

***

Eksena 2

May mga binatang nangangaroling sa labas ng bahay namin.

ANYD: Sa atin ba yun?
PATED: Sa atin yata.
ANYD: Sa atin yun?
BUNSO: Sa atin nga.
MGA BINATA: *kanta kanta*
BUNSO: PATAWAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAD!
ANYD: Wagas naman ang pagsabi ng PATAWAD! *gulat*
BUNSO: Syempre. *pahabol na bulong* Laki-laki ninyo na, nangangaroling pa kayo.

***

Eksena 3

(Naalala ko lang bigla)

MGA BATA: *kanta kanta* Pasensya na kayo, kami'y namamasko!
LALAKI: Walang pase-pasensya!
ANYD: *mega gulat*


Ang karoling para sa akin ay masaya noon. Siguro nga iba na ang panahon ngayon, na sa paglipas ng mga taon e iba-ibang gimik na ang naiisip ng mga tao sa pangangaroling. Ang alam ko nga para lang sa bata ang karoling, pero ngayon, ultimo matanda at choir sa simbahan e nangangaroling din. *tawa*

Noong maliit pa ako... Mga 12 years ago... *tawa* Tuwang-tuwa ako pag nangangaroling kami. Kasi magkakasama kami ng mga kalaro ko, tapos kung saan-saan kami nagpupunta. Dati nga si kuya e gumagawa pa ng tambol. Kukuha siya ng lata ng gatas, tapos lalagyan ng plastic sa ibabaw, tapos ayun, tambol na. Tapos kukuha rin siya ng mga tansan, pipitpitin niya, bubutasin ang gitna gamit ang pako at susuutan ng alambre, at ayun may tambourine na kami. Galing ano?

Nakatira pa kami sa Makati noon, tapos may isang bahay kaming binabalik-balikan kasi pag magbigay ng pamasko yun e bente pesos. Gabi-gabi yun, mula December 16 hanggang December 25. Buti nga hindi kami namumukhaan kasi by batch kami kung magpunta sa bahay na iyon. :roll:

Malaking bagay na yung bente pesos noon. Nakakatuwa na lang din dahil pag malapit na ang Pasko e mas malaki ang binibigay ng mga tao. Tapos may magpapaagaw ng pera at uuwi kang maraming pera, at paghahatian ninyo yun ng mga kasama mo sa pangangaroling.

Hindi ninyo na iisipin yung sandaling minutong hinabol kayo ng aso, noong nakasalubong ninyo yung mga kaaway ninyong nakatira sa tulay na nangangaroling din, o kaya nung may nakasalubong kayong lasing at hinabol kayo at dala-dala niya ang bote. (Oo, nangyari sa amin yun. Kaya nga super takbo kami.) Matuwa ka meron pa roong isang bahay na nilagyan ng tatak yung kamay namin. Para raw alam nila. Baka raw kasi bumalik kami. :roll:

Walong taon na akong hindi nangangaroling. Wala na rin kasi yung mga kasama kong mangaroling noon. Hindi ko alam kung ano na ang nangyari sa kanila, kung nasaan na ba sila, mula nang umalis kami sa Makati. Basta ang balita ko, yung iba sa kanila, may mga anak na. Tapos nagsipag-asawa na lang nang hindi nakakapagtapos. Hindi mo na rin aasahang gagawa pa si kuya ng tambol o tambourine, kasi may trabaho siya, at wala silang bakasyon. At matagal na rin siyang hindi nangangaroling, gaya ko.

Masarap na lang balikan ang panahon noon, kung saan wala ka pang gaanong kamalayan. Na bata ka, at ang alam mo lang e magsaya. Hindi mo kailangang mag-isip kung saan ka ba kukuha ng handa sa Pasko, kung paano ka makabibili ng regalo. Kasi pag bata ka, kakain ka na lang ng handa, at magbubukas na lang ng regalo. At magiging masaya ka. Yun lang.

E ikaw... Bata ka pa ba? Gusto mo pa bang mangaroling? Ako? Kakain na lang din, at magbubukas ng regalo. Kahit hindi na ako bata. ;)

Namimiss ko si papa. Hindi kami kumpleto sa Pasko kasi wala siya.

No comments:

Post a Comment

Flying Dark Blue Butterfly
Got My Cursor @ 123Cursors.com
Cute Blue Flying Butterfly