Si Mystery Loader...
Hindi ko siya kilala... kaya pangalanan na lang natin siyang "mystery loader", o pupwede ring mysterious loader. Ito ang pangalawang pagkakataong nakatanggap ako ng load na siguro isang tao lang ang nagbigay dahil parehong 15 pesos ang ni-load sa akin. Sa isip ko nga sana 60 pesos na lang e! Wahahaha! Walang gustong umamin sa mga ka-text ko. Nag-GM na ako sa kanila, pero yung iba deadma.
---
Sir J.: Baka naman si Kenshin yan?
AKO: Sir, hindi e. Kasi hindi ako niloloadan ni Kenshin ng 15 lang. Ang niloload niya sa akin, 30 or 60. :p
Sir J.: Hambog!
AKO: Wahahahaha!
---
Ma'am M: Baka naman manliligaw mo yan ma'am?
AKO: Kung manliligaw ko siya, basted na siya sa akin kasi 15 lang binigay niya. *evil.laugh*
Ma'am: Wahahaha! Oo nga, sakin din. Kuripot!
Kung sino man siya... salamat sa kanya kasi may load ako uli. *thanx*
***
Si Edwin...
WARNING: Rated PG, R18, GP *lol*
Walang tao sa bahay isang araw na umuwi kami ni Kenshin. Sinundo niya kasi ako.
AKO: Walang tao... *naughty_look*
Umupo kami sa sofa at maglalambingan sana nang biglang nag-ring ang telepono. $(*^&%&! *mad*
Sinagot ko naman yun.
AKO: Hello?
KAUSAP: Si Edwin nakauwi na?
AKO: Po? Wala pong Edwin dito.
KAUSAP: Ay! *sabay baba ng telepono*
Umupo na naman ako sa sofa at itutuloy ang naudlot na paglalambingan namin nang nag-ring na naman ang telepono. Same person ang nakausap ko.
KAUSAP: Si Edwin ba nandiyan na sa shop? Tiyahin niya ito.
AKO: Wala nga pong Edwin dito. Saan po ba kayo tumatawag?
KAUSAP: *baba ng telepono*
Umupo na naman ako sa sofa at sinabi kay Kenshin...
AKO: Wag na nga tayong maglambingan. Nandito si Lord. *lol*
KENSHIN: Hindi, hindi si Lord yun. *Nang biglang mag-ring na naman ang telepono*
Sinagot ko ang tawag.
KAUSAP: Si Edwin? Edwin *sabay sabi ng apelyido ni Edwin na hindi ko naman naintindihan*
AKO: Wala nga pong nakatirang Edwin dito, wrong number po kayo. *sabay baba ng telepono*
KENSHIN: Si Lord nga yata yun...
Nang makauwi na yung kapatid kong lalaki galing sa kung saan e nag-ring na naman ang telepono. Siya na ang sumagot.
BUNSO: Wala pong nakatirang Edwin dito. *tanong sa akin* Sino yun?
AKO: Ewan ko, panay ang hanap niyan kay Edwin.
***
Si Edwin na naman...
Sarap na sarap akong nagttcaf noong nakaraang araw nang mag-ring ang telepono. Dahil katabi ko lang naman ito ay sinagot ko na.
AKO: Hello?
KAUSAP 2: Si Edwin ba nandiyan? Edwin *sabay sabi ng apelyido na naintindihan ko na*
AKO: Wala pong nakatirang Edwin dito. Wrong number po kayo.
KAUSAP 2: Ay ganun ba? Sige, sorry ha.
BUNSO: Hinahanap na naman si Edwin?
AKO: Matingnan nga sa Facebook!
Nagmadali naman akong magbukas ng FB at nagbakasakaling tama ang spell ko sa apelyido ni Edwin. At ayun. Naroon siya. Nag-iisang may ganung pangalan.
Siya pala yun. :)
lol na tumatawag un..
ReplyDelete