EKSENA: Tinawag ako ni Bunso, kani-kanina lang, habang nagtu-toothbrush ako.
BUNSO: Ate, ate, dali, tumingin ka sa labas!
AKO: Ano ba yun? Teka, nagtutooth brush pa ako. *after mag toothbrush, sumilip sa labas*
BUNSO: Venus yata iyan. *draws an arc shape in the air*
AKO: E sira, yung moon yan e.
BUNSO: Ay moon ba yan?
AKO: Ang ganda naman ng moon na yan. Tara, picture-an natin.
BUNSO: Sige!
Kinuha namin ni Bunso yung cell phones namin. Lumabas ako ng gate.
AKO: *tinaas ang cell phone para kunan ang moon*
Then suddenly, may narinig akong suminghot. May lalaking nakatambay sa isang corner sa right side ko.
AKO: :whattha: Ay may tao pala! *Bigla raw ako nahiya pero go pa rin, tutok uli ng cell phone sa moon* (kay bunso) Rex, di naman kita.
BUNSO: Ba't sa'kin kita?
Then all of a sudden, may narinig ako.
ATE SHIRLEY: Ano yan, wala kang signal?
Si Ate Shirley pala, yung katiwala ng tindahan malapit sa amin.
AKO: Hindi po. Pinipicture-an ko lang yung buwan. (Sa isip-isip) Ayoko na nga, daming istorbo. *mad*
Pumasok na ako sa bahay.
AKO: *nagtanong kay bunso* Ano, napicture-an mo?
BUNSO: Hindi e!
AKO: *himatay*
***
Happy Saturday.
<3: Bukas ha, 10 am sharp.
At nagbanta pa na may penalty raw ang male-late. Tapos siya naman pala itong late. Siya tuloy ang nagbigay ng penalty. ROFL!
AKO: *tanong sa kanya* Ano yan, ba't may lipstick ka sa bibig? :?
At natawa na lang siya. ROFL!
No comments:
Post a Comment