Kagabi nag PM sakin yung tatay ko (sa Facebook). Nangungumusta. Itinanong na naman niya yung walang kamatayang tanong niyang, "Anong balita?" At sinagot ko naman siya ng walang kamatayang sagot sa walang kamatayan niyang tanong, "Wala." ROFL!
Tapos nagtanong ako ng tungkol sa projector na inuwi niya. Kasi nung ginamit ko bigla na lang namatay. Ewan kung anong problema. May power naman. Sabi niya baka sa bulb. Maghahanap na lang siya ng bulb doon sa kanila.
Tapos nagtanong ako uli sa kanya.
AKO: Pa, magkano ba riyan yung notebook?
PAPA: Notebook? Netbook?
AKO: Netbook.
PAPA: Sinong bibili?
Nung una nag-hesitate pa ako kung itatype ko ba yung nasa utak ko. Kaso sabi ng mga daliri ko i-type ko na. Pero gumana daw yung pagkahiya ko kaya nagdadalawang-isip akong i-type yun. Pero sa bandang huli e tinype ko rin.
AKO: Ikaw! Haha! Bilhan mo ako! : ))))
Tapos tapos... Ang laki talaga ng smile ko sa mukha nung sinabi niyang...
PAPA: Ok.
"OK."
Yung OK na yun ang sinabi niya.
OK ibig sabihin approve.
Ibig sabihin ibibili niya ako nun.
AKO: Thank you, papa! T_T
PAPA: Basta ikaw, walang problema. ;)
Tapos binigyan niya ako ng link. Sabi niya website daw yun ng appliance store dun sa kanila.
PAPA: Mamili ka riyan.
At talagang pinapili niya pa ako.
Tapos nung may napili ako, inapprove niya. Maganda raw yun. Magtitingin na raw siya.
Kung kelan ipadadala, ewan ko lang.
Pero bilib talaga ako sa tatay ko. Never niyang hindi binigay yung mga gusto namin. Minsan kahit di ka humihingi, bibigyan ka niya. Minsan lang naman ako mag-request sa kanya.
Sana yung mapangasawa ko in the future ganun din. Nag-ambisyon pa ako. ROFL!
Tapos nun nag bye bye na siya sa akin. Tapos sinabihan ako ng magic words.
"I love you." ^^
No comments:
Post a Comment