Di ako nakapanood ng laban ng basketball ng anakis kong si Jholo last Wednesday. Masama pakiramdam ko nun kaya maaga akong umuwi, binilin ko na lang sila sa head teacher.
Naalala ko pa yung sinabi niya sa akin bago ako lumabas ng room,
JHOLO: Ma'am makakapanood ka ba mamaya?
AKO: I'll try. Pero sigurado, oo, pupunta ako.
JHOLO: Ma'am, manood ka ha! Kasi gagalingan ko talaga.
Tapos di rin ako nakapanood. Akala ko kasi second game sila, e almost 8 pm na yung second game pag mag-start. So nag-gayak ako ng ganoong oras. Tapos walang nagsabi sa akin na first game pala sila, 6 pm. :mad: Wala na. Di na ko tumuloy kasi tinext ako ni Ken na wala na kaming aabutan dun.
Hinanap daw ako ni Jholo sa game pero di niya ako nakita. Hinanap pa naman daw ako nung commentator kasi ang sabi sa kanya,
"Sino ba adviser nito ni Viray? Ang galing na sa basketball, ang galing pa umakting." ROFL!
Kasama pala ang pag-acting sa larong basketball. Technique daw yun para makakuha ng foul. ROFL!
Hindi ko pa rin siya nalilibre nung inaawit niyang ice scramble. Sa Lunes na lang nga. May laban daw uli sila.
Tapos nagkuwento siya sa akin ng experience niya sa laban noong Tuesday naman.
JHOLO: Ma'am alam mo ba, may nakita akong magandang babae. Chinicheer niya ako, taga Eastern.
Eastern = kalabang team noong Tuesday; tinambakan kami ng 40 points
JHOLO: Sabi niya, "Go Jholo!" Tapos pagtira ko, tiningnan ko siya. Ang gandang babae, ma'am. Kamukha ni Ate Rickcyn. Wala nga lang salamin.
Rickcyn = super pretty Third Year Student
JHOLO: Nginitian niya ako. Tapos pagkakita ko bungal pala ma'am. Sabi ko na lang, "Wew!"
ANYD: Turn off yun!
JHOLO: Turn off nga ma'am. Sayang ganda pa naman, bungal pala.
Tapos yung kwento niya pang isa ganito,
JHOLO: Sayang talaga, ma'am, di ka nakapanood ng laban noong Wednesday.
ANYD:: Oo nga e, di ko naman kasi alam na first game pala kayo.
JHOLO: Ma'am nakita ko nga uli yung babaeng maganda. Yung kinukwento ko po sa inyo? Chinicheer niya ako. Kaso bungal talaga e.
Hirap talaga ngumiti pag di maganda yung ngipin mo.
Sayang talaga kasi di ko napanood yung game nila.
Nanalo raw ang Varsity Team namin. 40 points ang tambak sa kalaban noong Wednesday.
Ang galing-galing daw ni Jholo sabi ng mga kaklase niya.
Proud na proud naman ako sa kanya. ^_^
No comments:
Post a Comment