Natatawa ako kapag umiiyak ang nakababata kong kapatid na si Clara. Ang sama ko ba? Minsan kasi para siyang tanga na umiiyak sa mga bagay na hindi dapat iyakan. Noong nag-break sila ni Archie, tinawanan ko lang siya. Pinagpalit na nga siya sa bakla, iiyakan niya pa. Bakit mo ba pag-aaksayahan ng oras ang isang taong wala namang kakwenta-kwenta?
Noong sinira niya yung cell phone ko, hindi naman ako nagalit. Naawa na lang ako kasi laging namamaga yung mga mata niya. Gabi-gabi ba namang iyakan yung bading na Archie na yun?
Gumawa ako ng paraan para gumaan ang loob niya, para sumaya siya. Kaya nung sinira niya yung cell phone ko, bumili ako kaagad ng bago at nagpanggap na textmate. Kunwari ako si Mr. Smile. Hehe! Effective naman. Natatawa na nga lang ako kasi ikinukwento niya kay Mr. Smile yung mga bagay na naikwento niya na rin sa akin noon.
Bukas na ang birthday ni Clara. Gusto ko siyang surpresahin pero yung tipong maaasar siya. Habang wala pa siya sa bahay, pumasok ako sa kwarto niya at kumuha ng isa sa precious collection niyang Bob Ong books, yung huling labas, yung "Kapitan Sino". Binuksan ko yung libro at sinulatan yung mga page na trip kong sulatan. Permanent marker para memorable. Katatapos ko lang magsulat nang dumating siya at nahuli ako sa sala na sinusulatan ang libro niya.
"Anong ginagawa mo?" Nanlaki ang mga mata niya dahil sa sobrang pagkagulat.
Hindi ako nakaimik. Hinablot niya yung libro at nakita sa first page ang isinulat ko. This book belongs to Ms. Iyakin.
"Bakit mo sinulatan?!?!" naiinis na tanong niya. Dali-dali siyang pumunta sa kwarto niya at padabog na isinara ang pinto. Ayan na! Naasar ko na naman siya. Kaso, napaaga nga lang. Bukas pa sana. Pumasok din naman ako sa kwarto ko at agad siyang tinext.
^_^: punta k s page 6.
o_O: . . .
^_^: please... :D
o_O: page 6 n.
^_^: nung nklagay?
o_O: MS. IYAKIN! bwict k kuya!
^_^: hahaha! punta k s page 21.
o_O: page 21 n!
^_^: nung nklagay?
o_O: MS. IYAKIN! grrrrr... puro MS. IYAKIN yata i2 e!
^_^: di ah. :p punta k s page 55
?_?: go to page 78?
^_^: hehe.. punta k dun
?_?: . . . kk,, go to page 90?
^_^: punta k lng. nu nklagay?
:P: ang laki ha! HAPPY BDAY, CLARA. hehehe... thanx s greetings, kuya.
^_^: punta k s last page
Maya-maya, nakarinig ako ng tatlong katok sa pinto ng kwarto ko. Binuksan ko yun at nakita si Clara. Hawak niya ang libro. Nahaharangan nito ang mukha niya. Nakaharap sa akin ang parteng may sulat.
"Punta ka sa kwarto ni Jaybhi. Sarado yan. Knock three times. Pag may nagbukas, itanong mo, 'Nasaan ang regalo ko?'" sabi niya habang itinuturo ang parteng sinulatan ko. Isinara niya ang libro, binuksan ang kanang palad niya at nanghingi ng regalo. "Regalo ko?"
"Wrong password!" sabi ko.
"Nasaan ang regalo ko?" pagtatama niya.
Inilagay ko sa palad niya ang binili kong key chain.
"Letter J?" pagtataka niya. Tinaasan niya ako ng kaliwang kilay. "Sa letter J ba nagsisimula ang pangalan ko?"
Nagpaliwanag ako, "Letter J yan kasi si Jaybhi ang nagbigay sa iyo. Letter J yan para pag nakikita mo yan, maaalala mo ang mga kakulitan ko. Isabit mo sa bag mo para kahit wala ako sa tabi mo, parang kasama mo na rin ako at may nagbabantay sa iyo."
Ngumiti si Clara. Bilang ganti, binigay niya sa akin yung cell phone chain niya.
"Lagay mo sa cp mo bilang katibayan na napasaya mo si Ms. Iyakin kahit sinulatan mo si Kapitan Sino," sabi niya.
"Happy birthday, Clara. Labshu!" pagbati ko sa kanya.
"Thanks. Labshu too, Kuya Jaybhi!"
Hinalikan ako ni Clara sa pisngi.
dedicated to kambal John Bann Geronimo Palomares
labshu kambal
advanced happy bday! ^.^
ang galing naman... nakakatuwa ito saka yung mr. smile... nakaka touch :D
ReplyDelete