No to Plagiarism!

ANYD's NOTE:

It would be very disappointing if I would learn that my works were plagiarized. The truth is I have seen my work in this certain website without even acknowledging ME as the author. Well, I guess it's okay if you would copy some of my works here, and let me know it. I included my e-mail address (ellasdm@yahoo.com) in my profile, so I'm pretty much sure that it won't hurt. Please, just please, don't own my works as if they were yours. Thanks a bunch.

Sunday, February 7, 2010

Hapi Balentayms Dei (1)



Nagmamadali akong naglalakad sa pasilyo ng University kung saan ako nag-aaral. Wala nang tao sa paligid na nangangahulugan ng isang bagay lang.

"Shit! Late na naman ako!" sigaw ng isip ko. Ganito na lang lagi ang eksena ko tuwing umaga. Parang ayaw ko nang pasukan yung first subject ko kasi bubulyawan na naman ako ni Sir Macaraeg.

"Polinar! Always late!"

Para akong high school na pinagagalitan ni Sir Macaraeg pag nahuhuli sa klase. Palibhasa kasi yung crush niyang estudyante e may crush naman at dikit nang dikit sa akin kaya pinag-iinitan ako. Lately, tinantanan na rin ako ng babaeng may crush sa akin. Buti naman. Hindi naman ako gwapo pero mas fresh naman ako kay Sir.

Tiningnan ko ang relo ko. Fifteen minutes pa lang akong late. LANG! Dali-dali akong naglakad para maabutan ko pa ang first class. Tumakbo na ako nang biglang...

BLAG!

Aray ko po! Nadapa ako! After four years ngayon lang ako uli nadapa. Huling pagkakadapa ko e nung fourth year high school, nang pag-tripan ako ng classmate kong si Jilliane. Bumangon ako kaagad at nilingon kung ano ang naging dahilan ng pagkakadapa ko.

Shit! History repeats itself! Si Jilliane! Nakasalampak siya sa tiles na sahig, nakaunat ang mga paa; nakasandal sa pader; nakayuko siya; natatabunan ng buhok ang kanyang mukha at hindi siya gumagalaw.

Classmate ko si Jilliane noong high school; schoolmate ko siya ngayong College. Matangkad siyang babae; halos kasing tangkad ko na, long-legged kasi, tapos nakaunat pa yung mga paa niya kaya siguro natalisod ako pero teka, bakit siya nandito? At bakit siya ganito?

Tumingin muna ako sa relo ko. Wala na! Late na talaga ako! 'Di na ako papasok. Bahala nang mapagalitan ni Sir Macaraeg kinabukasan. Bwisit naman kasi itong Jilliane na ito! Pero dahil sa pagtataka ko kung ano bang nangyari sa kanya, nilapitan ko siya.

Nakakita ako ng karatola sa tabi niya. 1/8 illustration board ang ginamit. May mga salitang nakasulat-kamay,

Hapi Balentayms Dei!

Wanted: Ka-date

Binutasan ng puncher ang magkabilang dulo ng karatola at nilagyan ng tali para maisabit sa leeg. Pinaganda pa talaga at ginawang colorful para maka-attract. As if naman na maa-attract ako.

Tinawag ko si Jilliane, "Uy, Jilliane," pero hindi siya sumagot. "Jilliane!" sigaw ko. Wala pa rin. Bumaba ako nang kaunti para magka-level na kami ng pagkakaupo. "Jilliane."

"Bakit?" tanong niya. Gising naman pala.
"Anong ginagawa mo riyan?" Hindi na naman siya sumagot. "Ok ka lang?"

Tiningnan ako ni Jilliane at nakita ko na may pasa siya sa mukha. Nagulat ako.

"Ok lang," pilit ang ngiti niya nang sabihin niya yun. Yumuko siya.
"Halika nga!" sabi ko. Hinawakan ko siya sa braso; hinila ko siya patayo pero dumaing siya.
"Aray!" Napabitaw ako sa takot at nakita ko sa braso niya ang maiitim na pasa na hindi bagay sa maputi niyang balat.
"Sinong gumawa niyan sa iyo?" tanong ko.
"Sino pa," sabi niya.
"Si Amboy Prince?" pagkumpirma ko.

Pinulot niya ang karatola at humawak siya sa pader para makatayo. Awang-awa ako sa kanya kasi kitang-kita ko kung paano siya maghirap.

"Tulungan na kita," alok ko.

Tumanggi siya, "Hindi na. Makakatayo naman sana ako kung hindi mo inapakan yung paa ko."

Hindi ako makapaniwala sa sinabi niya, "Ano? E ikaw nga itong tumalisod sa akin! Hindi na tuloy ako nakapasok sa klase ni Sir Macaraeg."

"Ano pa bang bago e lampa ka naman talaga at lagi kang late? Sinusuka ka na nga ni Sir."
"Sinong nagsabi niyan?" tanong ko.
"Si Sir Macaraeg," sagot niya.
"Talagang panot na yun! Tsinitsismis pa ako!" naiinis kong sinabi.

Iika-ikang naglakad si Jilliane palayo.

"Saan ka pupunta?" tanong ko.
"Dito lang," sagot niya habang papalayo.

Ano nga kayang nangyari sa kanya? Ayaw ko na munang mag-usisa. Pupunta na lang ako sa library para magpalamig.

Wala pang gaanong tao sa library. Kumuha ako ng libro sa isang istante at laking gulat ko nang may masilip ako sa kabilang panig.

Nakita ko si Prince, yung Amboy na boyfriend ni Jilliane, at si Megan, yung sinasabi kong crush ni Sir Macaraeg na may crush sa akin, na naghahalikan. Hindi kinaya ng loob ko ang nakita ko. Dahan-dahan kong ibinalik ang libro tapos ay lumabas ako ng library para hanapin si Jilliane at sabihin sa kanya ang nakita ko.

Nandoon pa rin si Jilliane sa pasilyong pinag-iwanan ko sa kanya kanina. Nakasandal siya sa pader na pinalalamutian ng ginupit na papel na hugis-puso at kupido. Oo nga pala, malapit na ang Valentine's Day. Ni hindi ko man lang napansin ang palamuti sa paligid dahil sa pag-iisip sa paghabol sa klase ni Sir Macaraeg. Suot-suot ni Jilliane ang karatolang may nakasulat na,

Hapi Balentayms Dei!

Wanted: Ka-date

Nainis ako sa ginagawa niya. Pilit kong tinatanggal sa pagkakasabit sa leeg niya ang karatola.

"Bakit mo tinatanggal?" galit niyang itinanong. Pilit niyang binabalik ang karatola sa leeg niya pero tinapon ko iyon. "Pakialamero ka talaga!"
"Nakita ko sina Prince at Megan," pagbabalita ko sa kanya. Hindi ko nga alam kung paano ko sasabihin kung ano ang nakita ko kasi baka mabigla siya.
"'Di na bago yan." Nagulat ako nang sabihin niya iyon. Ibig bang sabihin nito, alam niya kung ano ang kalokohan nina Prince at Megan?
"Alam mo na?" tanong ko.
"Nahuli ko sila. Nagpunta ako sa condo ni Prince. Nahuli kong may ginagawa sila."
"Paano?" tanong ko.
"One time pinahawak niya sa akin yung susi ng condo niya. Pina-duplicate ko yun para sana surpresahin siya sa anniversary namin last week. It's been three years, Marc, alam mo yan, pero ako pa pala yung nasurpresa."

Gusto kong malaman ang buong detalye pero ang pasilyong kinaroroonan namin ay hindi akma para sa usapang ganito. "Jilliane, huwag tayong mag-usap dito. Let's go somewhere," pagyayaya ko.

"Bakit? Makikitsismis ka sa love life ko?" sarkastikong pagkakatanong niya.
"Gusto ko lang sanang makatulong," tugon ko.
"Anong tulong ang magagawa mo? Makatutulong ka ba para mag-break kami?"
"Break?"

Tumaas ang boses niya, "Oo. BREAK!"

"Gusto mong makipag-break sa kanya? Kaya ka ba niya sinasaktan? Kaya ba puro pasa ka?" sunod-sunod na tanong ko.

Yumuko si Jilliane tapos ay nagsalita. "Sabi niya tanga lang daw ang makikipag-break sa kanya. Hangga't hindi ko raw ibinibigay ang pagkababae ko, hindi siya papayag sa gusto ko."

Nagalit ako sa narinig ko. "Gago pala siya e! Gusto ka pa niyang makuha, sumasawsaw na nga siya sa iba!"

Parang hindi narinig ni Jilliane ang sinabi ko at nagpatuloy lang siya sa sinasabi niya.

"Kung gusto ko raw makipag-break, ipakita ko raw na tanga ako. Kaya heto... nagpapakatanga ako rito ngayon. May boyfriend ako pero naghahanap ako ng ka-date sa Valentine's. Ewan ko na lang kung 'di pa katangahan ang tawag dito."

Nahabag ako kay Jilliane pero imbis na damayan ko siya sa kalungkutan niya, bakit hindi kaya pasayahin ko na lang siya? Pinulot ko ang karatolang itinapon ko kanina. Habang palapit ako sa kanya, biniro ko siya, "Tanga ka nga talaga, Jilliane. Spelling na nga lang ng Happy Valentine's Day, hindi mo pa alam."

Para namang hindi natawa si Jilliane sa sinabi ko. Nakayuko pa rin siya habang kinukuha ang karatola at habang sinasabi ang pamatay na linyang ngayon ko lang narinig,

"Ang love life ko ay parang spelling ng Happy Valentine's Day sa karatolang ito ―sablay."

Natulala ako sa sinabi niya. Sinuot niyang muli ang karatola. Kasabay noon ay ang pagtunog ng bell para sa second period.

***

2 comments:

Flying Dark Blue Butterfly
Got My Cursor @ 123Cursors.com
Cute Blue Flying Butterfly