***
Pinakiusapan ako ni Jilliane na iwan siya. Huwag na raw akong magpaapekto o makialam sa nangyayari sa kanya.
"Buhay ko ito, ako dapat ang umayos nito," sabi niya.
Hinayaan ko na lang siyang nakatayo sa pasilyong yun pero natapos ang klase ko nang hindi man lang ako nakapag-concentrate. Iniisip ko si Jilliane.
Nang mag-uwian, bumalik ako sa pasilyong pinag-iwanan ko kay Jilliane. Naroon pa rin siya, nakayuko at may hawak na piraso ng mga papel.
"Nandito ka pa rin?" tanong ko sa kanya. Tumango lang siya. "Ano yang hawak mo?"
"Pangalan ng mga gusto akong maka-date, year and course at cell phone number pati (friendster or) facebook account," sagot niya.
Natawa ako, "Biro mo may pumatol sa trip mo?" Nilagpasan ko siya pero 'di pa ako nakalalayo nang lingunin ko siya. "Uwi na tayo," sabi ko.
Isinakay ko si Jillian sa isang taxi. Alam kong hindi siya sanay mag-commute kasi hatid-sundo siya ni Prince sa kotse.
"Saan mo ba ako dadalhin?" tanong niya.
"Sa bahay ninyo, iuuwi kita."
Tumanggi siya,"Hindi! Huwag! Huwag dun! Sa bahay na lang ni Vina mo ako ideretso."
"Bakit?" pagtataka ko.
"Dadaanan ko lang muna siya." Si Vina ang best friend niya. Itinuro ko naman sa taxi driver ang daan.
Napatingin ako sa hawak ni Jilliane. "Patingin nga niyan," ang tinutukoy ko ay iyong mga papel. Inisa-isa kong tingnan ang mga papel na inabot niya. Ang dami! Iba-ibang year, iba-ibang course! "Makikipag-date ka sa mga ito?" tanong ko.
"Mamimili lang," sagot naman niya.
"Good luck," sabi ko. Ibinalik ko na ang mga papel. Tahimik lang siya sa byahe.
Narating na namin ang bahay ni Vina. Bumaba siya sa taxi nang hindi man lang nagsasalita. Ni hindi man lang nagpasalamat. Inintindi ko na lang siya. Alam kong hindi mabuti ang lagay niya.
Nang makauwi, bago ako matulog, nag-type muna ako ng resumé na gagamitin ko kinabukasan. Natulog akong si Jilliane ang nasa isip ko.
Kinaumagahan, late na naman ako. Tumakbo ako papunta sa classroom. Akala ko suswertehin na ako kasi walang Jilliane sa corridor pero pag minamalas ka nga naman, ang maangas na si Prince ang nabangga ko. Kasama niya si Megan.
"Hey! Watch where you are going!" Tinulak niya ako.
"Prince, ang harsh mo naman kay Marc!" iritang pagkakasabi ni Megan. Biruin mong nakuha niya pa akong ipagtanggol? "Are you okay, Marc?" tanong niya sa akin.
"Ok lang," sagot ko. Iniwan ko na sila.
Pagpasok ko ng classroom, walang tao pero may nakasulat sa white board.
Sira ulo! Sulat ito ni Gerald, barkada ko. Nasaan na kaya yun? Lumabas ako ng classroom at naglakad-lakad. Sa locker area sa first floor, nakarinig ako ng sumisigaw. Nakiusyoso ako at tiningnan kung ano ang problema.
Kitang-kita ko kung paano sabunutan ni Prince si Jilliane. Sa pagnanasa kong makatulong, dali-dali akong sumugod at inundayan ng suntok ang lalaking nananakit sa kanya.
"Oh! It's you!" sabi sa akin ni Prince habang pinapahid ang dugo sa labi niya.
"Ang kapal naman ng apog mo para saktan si Jilliane!" galit kong pagkakasabi.
"This matter is not your concern!" sigaw niya.
"Mag-Tagalog ka muna! Gago!" Susuntukin ko siya ng isa pa pero tumakbo na si Amboy palayo.
Walang patid sa pag-iyak si Jilliane. Sinuklay ko ng mga kamay ko ang buhok niya. "Tahan na, tahan na," pagpapakalma ko sa kanya. Kinuha ko ang panyo ko at pinahid ang mga luha niya.
Pumunta kami sa labas at umupo sa lilim ng isang puno para mahimasmasan siya.
"Ano na namang eksena ng boyfriend mo?" naiinis na tanong ko.
"Nalaman niya kasi yung paghahanap ko ng ka-date. Nagalit siya sa akin. Sinaktan na naman niya ako," humihikbing sabi niya.
"Yun na yon? E siya nga mas grabe pa ang ginawa sa iyo! Alam mo bang magkasama na naman sila ni Megan?"
"Pastime lang daw niya si Megan. Nasa-satisfy daw kasi ni Megan yung sexual desires niya."
"Pastime? Sexual desire? E nuknukan pala ng kamanyakan yang boyfriend mo e!" asar na naman ako.
Imbis na mahimasmasan, lalo lang umiyak si Jilliane. Hinagod ko ang likod niya. "Tama na Jilliane, ang tapang-tapang mo noong high school tayo tapos ganyan ka na ngayon?"
Tumahan at tumahimik siya bigla. Pinaalala ko sa kanya kung gaano kalakas ang loob niya noon,
"Remember, 'di ba, siga ka noon? Ang dami ngang natatakot sa iyo kasi ang sungit-sungit mo para kang mangangain ng tao. Wala ngang gustong man-trip sa iyo kasi ang laki mong babae parang isang tapak mo lang durog na sila."
Tumawa si Jilliane, "Haha! Sobra ka naman!"
"Ako nga ang hilig mo kong pag-tripan noon. Madalas mo akong patirin pag papasok ako ng classroom."
"Ang lampa mo nga e, lagi kang nadadapa. Dapat pala kasama ka sa feeding program o kaya kumain ka ng balut." Tumawa na naman siya at nagdagdag pa ng pang-asar, "Tapos lagi ka pang late."
"Ngayon, may tanong ako," sabi ko kay Jilliane.
"Ano?" tanong niya.
"Nasaan na yung dating Jilliane? Yung masungit at matapang?" Hindi nakasagot si Jilliane.
May nilabas ako sa bag ko, isang blue plastic folder, at ibinigay ko iyon kay Jilliane.
"Ano ito?" pagtataka niya.
"Buksan mo," sabi ko.
Binuksan ni Jilliane ang folder. Una niyang nakita ang 2x2 picture ko. Tinawanan niya ang laman ng folder.
"Resumé?" natatawa niyang itinanong.
"Puwede bang mag-apply na BALENTAYMS date mo?" tanong ko.
Tumawa si Jilliane, "Seryoso ka?"
"Seryoso, o baka ikaw ang hindi seryoso?"
Isinara ni Jilliane ang blue folder. "Tatawagan na lang kita sakaling matanggap ka."
"Aasahan ko yan," sabi ko.
Buti naman at maayos na ang lagay ni Jilliane. Ang sarap sa pakiramdam dahil nakita ko ang mga ngiti niya bago man lang kami maghiwalay ng landas ngayong araw.
ate may kasunod pa?
ReplyDeleteang galing galing mo talaga!
ang ganda nito... parang nakakatuwa ang magiging ending (kung may kasunod man) [sana sana sana]...
thanks for sharing 'te... ang talented mo talaga... ^^
salamat salamat. may kasunod pa toh di ko lang nga natatype kasi busy pa ako :)
ReplyDelete