No to Plagiarism!

ANYD's NOTE:

It would be very disappointing if I would learn that my works were plagiarized. The truth is I have seen my work in this certain website without even acknowledging ME as the author. Well, I guess it's okay if you would copy some of my works here, and let me know it. I included my e-mail address (ellasdm@yahoo.com) in my profile, so I'm pretty much sure that it won't hurt. Please, just please, don't own my works as if they were yours. Thanks a bunch.

Thursday, February 11, 2010

Hapi Balentayms Dei (4)





Hapi Balentayms Dei (1)
Hapi Balentayms Dei (2)
Hapi Balentayms Dei (3)


***

Balik na naman uli kami ni Jilliane sa cafeteria. Kumuha kami ng table. Sinabi kong ako na lang ang mag-o-order para sa kanya at treat ko yun.

"Gumaganyan ka pa, Marc, e mas malaki pa nga allowance ko sa iyo," sabi niya sabay tawa.

Tampu-tampuhan naman ako, "Ang yabang mo. Nag-e-effort na nga ako para mailibre ka lang."

"Share na kasi tayo sa bayad," pagpupumilit niya pero pilit din naman akong tumanggi. In the end, ako rin ang nanalo.

Um-order na nga ako. Laki pa ng ngiti ko pag-alis ko sa table pero nang lingunin ko si Jilliane, nakita kong kasama niya na si Prince. Pinagmasdan ko sila habang nakapila ako. Nakayuko si Jilliane habang nagsasalita si Prince. Mukhang seryoso ang usapan nila. Nang makabalik na ako sa table, tiningnan muna ako ni Prince sabay alis. Kunwari na lang wala akong nakita.

"O bakit malungkot ka na naman diyan?" puna ko kay Jilliane.

Umiling siya, "Wala."

Umupo ako sa tabi niya. Inalis ko sa tray ang mga pagkain at inilatag ko iyon sa mesa. Ibinigay ko sa kanya ang pagkain niya, pati mga kubyertos at baso. Nilagyan ko na rin ng tubig ang baso niya.

Nagkasabay kami magsalita. "Feeling senyorita ako a," sabi niya. "Para sa prinsesa," sabi ko naman. Napangiti si Jilliane tapos ay sumubo. Tiningnan ko siya at nakita kong ngumingiti siya habang ngumunguya.

"Kanina ang haba ng nguso mo, ngayon naman ang lapad na ng labi mo; sala ka sa init at lamig," sabi ko sa kanya.
"Masaya lang ako," sabi niya.
"Bakit?" tanong ko naman. Gusto kong sabihin niyang masaya siya dahil sa akin.
"Sa akin na lang yun," sagot niya.
"Ay daya o!" Para akong batang hindi napagbigyan sa hiling.
"Mamaya sasabihin ko sa iyo kung bakit," sabi niya. Nagpatuloy na siyang kumain at ngingiti-ngiti na naman.

Hinatid ko si Jilliane sa klase niya.

"Daanan mo ako mamayang uwian, ok lang?" pakiusap niya.
"A sige, walang problema," tugon ko.

Pumasok na siya sa classroom. Kinawayan ko siya bago ako umalis. Naglalakad na ako papunta sa klase ko nang may biglang kumalabit sa akin. Pag lingon ko, si Prince. Ano naman kaya ang kailangan ni Amboy?

"May I talk with you?" sabi ni Amboy.
"May klase ako," dahilan ko para makaiwas. Alam kong walang sense na naman ang mga sasabihin niya.
"It's about Jilliane, Marc," tila nagmamakaawa na si Amboy at kailangan niya talaga akong kausapin.

Gusto ko sana sabihing, "Pasuntok muna sa mukha, puwede?" pero pumayag na rin akong makipag-usap. Madali naman akong mauto. Pumunta kami ni Prince sa University gate at doon nag-usap.

"You know I really love her," pagsisimula niya. "We've been together for three years. My family knows her so much and hers knows me, too." Kailangan talaga lahat ng speech may introduction. "I know I made a mistake, but you see, I'm trying my best to save our relationship."

Save raw! Natawa ako sa sinabi niya. Nakapag-English din ako nang 'di oras, "How will you explain all Jilliane's bruises? Is that the way of 'saving' your relationship?"

"That's the only way," paninindigan at pagmamatigas ni Amboy. "She's so stubborn. I know I hurt her, but I've said sorry a million of times, still she can't forgive me."
"Nakakatawa ka talaga, Prince," nakangisi kong sinabi. "Hindi ganoon kadali yun. Para kang nanampal ng tao nang malakas na sa totoo lang ay sinadya mo talaga, tapos sasabihin mong hindi."
"You're a man, too. You see, Marc, I can't resist Megan. She's so hot," dahilan ni Prince.
"Ang manyak mo, tsong!" sabi ko. Naiinis na ako. "Hindi mo puwedeng sabihin kay Jilliane yung ganyan! Hindi mo puwedeng sabihing 'Jilliane, sorry kung nakipag-sex ako kay Megan. Ang hot niya kasi e!' Alam mo kahit hindi ka clown, nakakatawa ka. Nasisira ulo ko sa iyo."

Natameme si Prince. Ilang segundo rin ang lumipas bago siya nagsalita, "Are you courting my girlfriend?"

"Girlfriend mo pa rin ba siya o sa paniniwala mo na lang na girlfriend mo pa nga siya?" tanong ko sa kanya. Hindi na naman siya nakasagot. Nagpatuloy na lang ako sa pagsasalita, "In the first place, wala ka rin namang dapat iligtas na relasyon kung wala kang ipinahamak." Iniwan ko na si Prince.

Gaya ng gustong mangyari ni Jilliane, sinundo ko siya noong uwian. Sinabi niya na rin kung bakit siya masaya. Ayon sa kanya, mas mabuti na ang pakiramdam niya ngayon kung ikukumpara sa mga nagdaang araw. Pinasasalamatan niya ako kasi ako ang nakapagpasaya sa kanya, kahit na alam ko namang iba pa rin talaga ang pakiramdam pag si Prince ang kasama niya. Ano ba naman ang tatlong taon? Kung tutuusin, hindi naman talaga niya ako napapansin noon. Ayoko rin naman kasing isiping kaya siya ganito sa akin ngayon kasi nagiging "rebound" niya lang ako.

Dumiretso ako sa computer shop nina Gerald at nagtrabahong muli.

"Matiyaga ka rin pala," sabi ni Gerald, nandedemonyo na naman.

Inunahan ko na siya bago pa niya ako asarin, "Tigilan mo nga ako."

"Baka gusto mong mapermanente rito, sabihin mo lang."

Tinawanan ko lang siya. "Hindi na, pre! Alam mo naman kung bakit ko ito ginagawa."

"In love ka ba sa kanya?" biglang naitanong ni Gerald.

Nabingi ako sa isang iglap, "Ha?"

"In love ka nga sa kanya," sabi ng kaibigan ko.
"High school crush lang," pag-amin ko.
"And College love?" hirit niya. Tinawanan ko siya. "Mahirap mag-assume, pre. 'Di natin alam ang purpose niya, baka panakip-butas ka lang."

Biniro ko si Gerald, "Selos ka lang siguro kasi 'di na kita kasabay kumain at umuwi."

"Asa ka naman, pre! Ano ko, bading?" Tumawa kami pareho. Naging tahimik bigla. "Ano nang mangyayari niyan after Valentine's?" tanong ni Gerald.

Maging ok pa rin ba kami ni Jilliane? Hindi ko rin alam.

"Alam ko namang panandalian lang ito. Anuman ang desisyon niya, irerespeto ko naman," sagot ko kay Gerald.

Napailing na lang siya, "Ang hilig mo talagang magparaya. Sure ako, after Valentine's wala na iyan."

Natahimik na lang ako. Kasunod noon ay ang pagtunog ng cell phone ko. Tumatawag si Jilliane.

3 comments:

  1. sayang naman... pero ok lang... nasiyahan naman ako sa pagbabasa.... danda nito ate ^^ thanks thanks :D

    ReplyDelete

Flying Dark Blue Butterfly
Got My Cursor @ 123Cursors.com
Cute Blue Flying Butterfly