No to Plagiarism!

ANYD's NOTE:

It would be very disappointing if I would learn that my works were plagiarized. The truth is I have seen my work in this certain website without even acknowledging ME as the author. Well, I guess it's okay if you would copy some of my works here, and let me know it. I included my e-mail address (ellasdm@yahoo.com) in my profile, so I'm pretty much sure that it won't hurt. Please, just please, don't own my works as if they were yours. Thanks a bunch.

Saturday, March 27, 2010

Music of Love (29)


Chapter 1: Big and Little Sister
Chapter 2: To Love and To Lose Hope
Chapter 3: A Lesson of Love
Chapter 4: Lost and Found
Chapter 5: Acceptance
Chapter 6: Coincidence
Chapter 7: An Unforgettable Melody
Chapter 8: Sense of Danger
Chapter 9: Confusion and Questions
Chapter 10: Confession
Chapter 11: Burst of Emotions
Chapter 12: Unsung
Chapter 13: The Truth Behind
Chapter 14: The Concert
Chapter 15: First Kiss, First Heartbreak
Chapter 16: Heaven is Being With You
Chapter 17: The Dream
Chapter 18: Farewell and Hello
Chapter 19: Just a Substitute
Chapter 20: Taking Back What’s Mine
Chapter 21: The Friendship Ring
Chapter 22: Discovery
Chapter 23: Sentiments
Chapter 24: A Proposal
Chapter 25: The Christmas Gift
Chapter 26: Letting Go
Chapter 27: No Escape
Chapter 28: Valley of Tears

***
Chapter 29
Battle of the Bands


     Battle of the Bands. Ito na siguro ang araw na pinakahihintay ng lahat. Hapon na iyon, mga alas kwatro. Kasalukuyang nagtitipon sa Unibersidad ang mga bandang nakapasok at handang-handa na sa pagtatanghal para sa Battle of the Bands.

     Nandito na ang magpinsang Reed at Benjo, huli ng ilang minuto. Kanina pa nga sila hinihintay nina Chad, Duncan at Ivan.

     “Pasensya na kayo,” paumanhin ni Reed. “Ito kasing si Benjo ang bagal kumilos tapos umangal pa, may nakalimutan daw siya sa bahay.”
     “E Kuya Reed, ibibigay ko nga yun kay Ellie!” pagtatampo ni Benjo.
     “Bukas mo na lang ibigay, magkikita pa naman kayo. O kung ayaw mo bukas edi sa susunod na bukas.”

     Nagbunutan na para malaman kung sino ang unang sasalang sa stage.

     “Pang ilan tayo, Reed?” tanong ni Ivan.
     “Pang 13. Malas pa naman yung numerong yun,” sagot ni Reed, mukhang dismayado.

     Nilapitan sila ng kaaway na grupong Backstabbers at tinanong sila ni Cliff, ang bokalista nito.

     “Pang-ilan kayo?”
     “Pang 13,” sagot ni Reed.
     “Pang 13 kayo? Pang 12 kami. Well, good luck.” Umalis sila. Mahangin pa rin talaga ang dating ng grupong iyon.

     Mula sa malayo ay tinawag ni Neri si Reed, “Reed pogi!!!” Nagtinginan ang mga tao kay Reed; napakamot tuloy siya ng ulo. Patakbong lumapit si Neri samantalang si Ellie ay naglakad nang marahan.

     “Wala bang good luck man lang diyan ha, mahal ko?” tanong ni Reed kay Neri.
     “Huwag good luck, may katapat kasing bad luck iyon. God bless, mahal ko! Galingan ninyo,” hinalikan nito si Reed sa pisngi.

     Isang sulat naman ang ibinigay ni Ellie kay Benjo, “Bestfriend, ito na yung reply ko dun sa letter mo.”

     “Uyyy... Love letter...” nagkasabay pa sina Chad, Duncan at Reed sa pang-aasar samantalang si Ivan ay nakatingin lang at nakangiti, para bang naiinggit.
     “Hindi love letter iyan, no!” pagtanggi ni Ellie.
     “Si ‘van ba walang ganyan?” tanong ni Reed. “Parang naiinggit yata e!”
     “May kiss naman siya mamaya,” pagbibiro ni Ellie at nagtawanan sila.

     Kumilos na ang grupo. Pinapupunta na kasi sila sa likod ng stage.

     “Benjo, basahin mo yung letter ko ha?” pakiusap ni Ellie.
     “Oo, bestfriend,” sagot nito at humiwalay na ang grupo sa magkapatid.

     Nagpunta ang labinlimang kalahok na banda sa likod ng stage at nagkani-kaniyang gawain. May ibang kabado, may ilang nagdadasal samantalang ang bandang Rascals at Backstabbers ay kampante lamang. Ito na siguro ang huling pagtugtog ng Rascals. Ang bokalistang si Reed kasi ay magtatapos na sa taong ito kaya naman ibibigay na nila ang lahat ng kanilang makakaya.

     Nag-umpisa na ang labanan. Tatlong kanta ang kanilang aawitin at magdadagdag ng isa pang awitin para sa sariling komposisyong kanta, mas malaki raw ang puntos nun ayon sa mga hurado.

     Habang tumutugtog ang mga naunang banda ay binasa ni Benjo ang sulat ni Ellie. May kahabaan ito, tamang-tama habang naghihintay sila ay may binabasa siya upang hindi siya mainip. Nang matapos niyang basahin ang sulat ay nakita niyang nag-uumpukan sina Reed, Chad at Duncan sa kanyang likuran.

     Nagulat siya, “Nabasa ninyo?”

     “Hmm. Parang ganoon na nga,” sabi ni Reed. “Mula doon sa ‘Dear bestfriend’ hanggang sa ‘Love Ellie’ ay nabasa namin.”
     “Aaargh! Ba’t ninyo binasa? Nakakainis talaga kayo!” pag-aalburuto ni Benjo.
     “Gutom na ba kayo?” biglang singit ni Ivan. “Bibili ako ng makakain. Malayo pa naman tayo e!” Sinamahan siya ni Benjo.

     Kakaunti pa lang ang mga taong nanonood ngunit dumami rin ito pagsapit ng gabi at nang kumagat ang dilim ay napuno ang venue nang ang Rascals na ang tinawag sa stage.

     Sigawan at palakpakan ang maririnig mula sa mga estudyante at outsiders, ang pinakasikat na banda sa Unibersidad ay magpapakitang-gilas na! Maraming palakpak din naman ang nakuha ng Backstabbers ngunit triple nun ang palakpak na nakuha ng Rascals. Partida, hindi pa tumutugtog yun ha!

     Maririnig ang sigawan ng fans ni Benjo na sadya namang ikinataba ng puso niya. “Ang gwapo mo, Reed!” naman ang sigaw ng taga-hanga ni Reed. Ang kay Ivan ay “Go, Ivan! Go, Ivan! Go, go, go, Ivan!” Sina Chad at Duncan ay nagkasya na lamang sa kakaunting sigawan ng kanilang fans.

     Si Reed ang lead vocalist, si Ivan ang lead guitarist, si Chad sa bass, si Duncan sa rhythm. Sina Ivan at Chad ay may papel din bilang backing vocals at si Benjo sa drums.

     Ang unang kinanta nila ay Welcome to the Black Parade (My Chemical Romance) na sinundan ng Boulevard of Broken Dreams (Green Day) at It’s My Life (Bon Jovi). Ang pinakahuli nilang inawit ay ang sarili nilang komposisyong kantang si Benjo ang nagsulat, si Reed ang nag-ayos at si Ivan ang nagtono.

     Nagbigay ng paunang salita si Reed, “We dedicate this song to our friend Eliza San Luis. Nandiyan ba siya?”

     Sigawan ang maririnig, kilala kasi ng karamihan si Ellie. Matalim naman ang tingin ni Trish na nakapuwesto ‘di kalayuan sa kinatatayuan nina Neri at Ellie.

     Nagpatuloy si Reed, “Ok, alam naming nandiyan siya. Ellie, ginawa ito nina Benjo at Ivan para sa iyo,” at tumugtog na nga sila.

     Ang kanta ay malumanay sa umpisa na para bang nagpapakita ng labis na kalungkutan.

Nag-iisa, Naglalakad
Walang pagod na tinatahak
Ang daan
Patungo sa musika ng buhay

Nag-aabang, naghihintay
Ng isang pagkakataon
Na sana ay
Mayakap ka’t mahalikan

Isang pagkakataon...

     Nang nasa chorus na ang kanta ay nagtilian ang fans ng Rascals. Bigla kasing nagkaroon ng buhay at sumigla ang kanta. Ito naman ang pagkakataong lumapit si Trish at hinila ang buhok ni Ellie.

     “You’re coming with me, little Ellie!” gigil na gigil siya.

     Tinatawag ni Ellie ang kanyang kapatid na nakatayo ‘di kalayuan sa kanya ngunit hindi siya nito naririnig dahil sa sobrang ingay ng mga tao. Kinaladkad ni Trish ang kawawang si Ellie palabas ng Unibersidad. Nakita naman sila ni Lex at tahimik itong sumunod.

     “Ano ba, Trish! Bitiwan mo ang buhok ko!” halatang nasasaktan na si Ellie. Binitiwan naman ni Trish ang kanyang buhok. “Ano ba ang problema mo?” tanong niya.

     Dinuro-duro siya ni Trish, “My problem is you! Kundi dahil sa iyo ay kami pa rin siguro ni Ivan hanggang ngayon!”

     “Ako ang sinisisi mo? E sino kaya riyan yung nakikipagpalitan ng laway sa isang Harold Lim at nahuli nina Benjo at Reed?”
     “Benjo at Reed? Sila ang may kagagawan nito?”
     “Kundi dahil sa kalokohan mo, Trish, edi sana hindi nagalit si Ivan sa iyo. Hindi mo kasi siya pinapahalagahan!”
     “Look who’s talking! Kala mo kung makapagsalita ka e malinis pero hindi, mang-aagaw ka ng boyfriend!” pag-iiskandalo ni Trish.

     Sasabunutan niya na si Ellie ngunit may dalawang lalaking humawak sa kanyang mga braso.

     “Hey! Let go of me! Who are you people?” tanong niya habang sinisipat ang pagmumukha ng dalawang lalaki. Hindi pamilyar ang mga lalaki at sa hitsura ng mga ito ay mukhang gagawa ng hindi maganda.

     Sila ay mga lalaking naka-black suit, apat silang lahat. Ang dalawang lalaki ay hinawakan naman si Ellie.

     “Bitiwan ninyo ako!” pagpupumiglas ni Ellie. Kumakawala rin si Trish ngunit sadyang malalakas ang mga lalaki. “Bitiwan ninyo kami!” sigaw pa ni Ellie.
     “Help! Somebody help us!” ang paghingi ng tulong ni Trish ngunit walang nakaririnig sa kanila. Lahat kasi ay abala sa panonood at napakaingay sa loob ng Unibersidad. Pinasok sila ng mga lalaki sa loob ng kotse at kumaripas ito ng andar.

     Nakita ni Lex ang buong pangyayari. “Sila yung bumugbog sa akin!” bulalas niya. “Ang mga tuta ni Harold! Kailangan kong masabihan sina Reed at ang iba pa!” Tumakbo siya upang sabihan ang grupo.

O ipangako mo
Na ako lang ang iibigin mo...

     Iyan ang huling linya sa kanta ng Rascals. Tuwang-tuwa si Neri. Biro mo ay nagawa pang alayan ng Rascals ng kanta ang kanyang kapatid. Nang tumingin siya sa paligid ay hindi niya nakita si Ellie. Napansin din ng Backstabbers na wala si Lex sa kanilang tabi at nang makita nila ito, ay mabilis itong tumatakbo patungo sa gilid ng stage kung saan bumababa ang Rascals. Ang akala nila ay may balak pa itong manghingi ng autograph.

     Nang bumaba ang Rascals sa stage ay tilian pa rin ang maririnig. May ilang nagpapa-autograph at nagpapapicture lalo na sa magpinsang Reed at Benjo. Samantala ay humahangos si Lex na lumapit sa kanila.

     “Reed,” hinihingal siya nang banggitin ang pangalan ni Reed.
     “Bakit Lex? Magpapa-autograph ka?” pagbibiro ni Reed. Umiling si Lex.

     Nakikipagtulakan naman si Neri sa nagsisiksikang fans ng Rascals. “Reed!” tawag niya.

     “Bakit mahal, magpapa-autograph ka rin?” tanong ni Reed habang pumipirma.
     “Si Ellie, hindi ko makita e! Kanina malapit lang siya sa akin pero hindi ko na siya mahanap ngayon. Tinatawagan ko ang cell phone, walang sumasagot.”
     “Tungkol doon ang sasabihin ko,” singit ni Lex, kumukuha siya ng hangin upang makahinga.

     Nagsialisan na ang mga nagpapa-autograph at binigyan sila ng espasyo para makapag-usap.

     “Bakit, ano ang tungkol kay Ellie?” tanong ni Reed. Takang-taka naman sina Ivan at Benjo.
     “Nakita ko si Miss Beautiful kasama si Trish, dinukot sila!” ang hindi magandang balitang dala nito.

     Hinablot nina Ivan at Benjo ang damit ni Lex. “Hindi magandang biro iyan!” sabay nilang sinabi.

     Tinanggal ni Lex ang kamay ng dalawa mula sa pagkakakapit sa kanya at nagwika, “Ano ba kayo? Hindi ako nagbibiro! Yung mga taong bumugbog sa akin noon, yung mga tuta ni Harold Lim, sila ang dumukot sa dalawa!” Nagulat ang lahat sa narinig. Napayakap naman si Neri kay Reed.

     “Si Harold Lim...” bulong ni Ivan. Maya-maya ay nag-ring ang kanyang cell phone. Nagkatinginan ang lahat. Sino ang nasa kabilang linya? Si Harold Lim kaya ito? Ano ang balak niya kina Trish at Ellie? Ano ang gagawin ng grupo?

     Nanalangin naman si Neri, “Mahabaging Diyos, huwag ninyo po sanang pababayaan ang kapatid ko.”

***

No comments:

Post a Comment

Flying Dark Blue Butterfly
Got My Cursor @ 123Cursors.com
Cute Blue Flying Butterfly