No to Plagiarism!

ANYD's NOTE:

It would be very disappointing if I would learn that my works were plagiarized. The truth is I have seen my work in this certain website without even acknowledging ME as the author. Well, I guess it's okay if you would copy some of my works here, and let me know it. I included my e-mail address (ellasdm@yahoo.com) in my profile, so I'm pretty much sure that it won't hurt. Please, just please, don't own my works as if they were yours. Thanks a bunch.

Saturday, March 27, 2010

Music of Love (19)


Chapter 1: Big and Little Sister
Chapter 2: To Love and To Lose Hope
Chapter 3: A Lesson of Love
Chapter 4: Lost and Found
Chapter 5: Acceptance
Chapter 6: Coincidence
Chapter 7: An Unforgettable Melody
Chapter 8: Sense of Danger
Chapter 9: Confusion and Questions
Chapter 10: Confession
Chapter 11: Burst of Emotions
Chapter 12: Unsung
Chapter 13: The Truth Behind
Chapter 14: The Concert
Chapter 15: First Kiss, First Heartbreak
Chapter 16: Heaven is Being With You
Chapter 17: The Dream
Chapter 18: Farewell and Hello

***
Chapter 19
Just a Substitute

     Bumitiw si Trish mula sa pagkakayakap kay Ivan.

     “How are you, baby?” tanong niya. “Mukhang tumaba ka yata ha!” Nakatitig lang si Ivan sa kanya. “O bakit ganyan ang tingin mo sa akin? It's as if you have seen a ghost...”

     Si Trish nga talaga ang nasa harapan ni Ivan at ito ang bagay na ayaw niyang paniwalaan.

     “Ikaw ba talaga iyan, Trish?”
     “Of course it's me —Trish Montes! And now I'm back. Aren't you happy to see me?”

     Umiling si Ivan. “Masayang-masaya ako,” sagot niya at kanyang naalala ang hawak na bulaklak na kanina ay nalaglag. Pinulot niya ito at pinagpagan.

     “For me?” tanong ni Trish. Hindi na nakapagpaliwanag si Ivan dahil hinablot bigla ni Trish ang bulaklak sabay sabi ng, “Thank you, baby. I love you so much.”

     Siya namang dating nina Neri at Reed. Nabigla sila sa nakita.

     “Trish?” gulat na gulat si Neri. Kitang-kita naman ang kasabikan kay Trish nang yakapin niya nang mahigpit ang kaibigan.

     Lumapit si Reed kay Ivan at nagtanong; nagulat rin at nagtataka, “Pre, bakit nandito iyan? Akala ko ba palilipatin na siya ng mga magulang niya ng eskwelahan? At ang tagal niyang nawala. Saan galing iyan?”

     “Hindi ko alam,” sagot ni Ivan. Ang totoo'y ikinalungkot niya pa ang pagdating ng kasintahan.

     Lunch time. Pumunta silang apat sa cafeteria kasama sina Chad at Duncan. Ang dalawa ay nagulat din sa biglang pagsulpot ni Trish. ‘Di rin naman mawawala ang mga usisero.

     “When mom and dad learned about Ivan and I's relationship, they were so furious. They locked me up in the house for about six months starting from April to October. They banned everything! No cell phone, telephone, laptop, credit cards, TV appearances —everything! But after that, they realized that what they did was all wrong and they set me free.”

     Ang pahayag na iyon ni Trish ang nagpalinaw kung bakit napakatagal niyang nawala at hindi man lang nagparamdam. Ayon sa kanya, hindi na tutol ang kanyang mga magulang kay Ivan at binigyan na siya ng kalayaang mahalin kung sino man ang gusto niyang mahalin.

     Pumasok sa isang tainga at lumabas sa kabilang tainga ni Reed ang lahat ng mga sinabi ni Trish. “Puro English, hindi ko maunawaan,” bulong niya kay Neri pero naintindihan niya talaga ang lahat. Hindi siya naniniwala na hindi pinalalabas si Trish dahil nakita niya ito sa mall at sino yung kasama nitong lalaki?

     Nagpunta ang anim (sina Trish, Neri, Ivan, Reed, Chad at Duncan) sa tambayan pagkatapos. Halatang miss na miss ni Trish si Ivan dahil panay ang kapit niya rito. Nang magpunta rin sina Benjo at Ellie doon ay nagulat sila.

     “Trish?” nagkasabay pa silang dalawa.

     Unang napansin ni Trish si Ellie, “If it isn't little Ellie! Hi there! Long time no see! Dito ka rin pala nag-aaral, what's your course?”

     “Uhmm. BSED,” sagot nito. Maluha-luha nga si Ellie nang makita si Trish na kapit-tuko kay Ivan at may hawak pang bulaklak.

     Si Benjo naman ang napagbalingan ni Trish, “How about you, Benjo?”

     “A ano, classmates kami ni Ellie.”
     “Classmates kayo?” pagtataka ni Trish. “‘Di ba nursing ka? And supposed to be, third year ka na.”
     “Nag-shift ako. Educ na ako ngayon.”
     “Oh! Freshman ka na naman. Pero ok lang, mukha ka namang first year kasi baby face ka at saka ‘di ka katangkaran unlike Ivan,” sabi niya, may halo bang panlalait at may bagay siyang napansin. “Uhmm Benjo, alam mo bagay kayo ni Ellie.”

     Ano raw? Bagay sina Benjo at Ellie? Aba, mukhang si Trish pa lang ang nakapagsabi ng ganun ha!

     Nagpaumanhin si Ellie sa kanila, “A sige, alis na ako. Pupunta pa ako sa library.”

     Ang sama sama ng loob niya. Paano ba naman kasi ay pasabi-sabi pa si Ivan na bibigyan niya siya ng bulaklak pero wala naman at si Trish pa ang kinakitaan niya ng bulaklak. Ang masama pa ay nandiyan na nga si Trish, ang girlfriend ni Ivan.

     “Ano ang gagawin mo, pre?” ang naitanong ni Reed kay Ivan bago sila umuwi. Nasa tambayan sila nun.
     “Hindi ko alam, pre. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin kay Trish yung tungkol sa amin ni Ellie.”

     Dumating sina Trish at Neri.

     “Hi baby,” bati ni Trish kay Ivan. Umupo siya sa tabi nito. “Baby, puwede mo ba akong kantahan? You know what, I missed you kasi e! Oh wait!” Si Reed ang napagbalingan, “Reed, ikaw na lang kaya ang kumanta tapos si baby ang tutugtog.”

     Hindi makapaniwala si Reed, “Haha! Mag request daw ba?” Siniko siya ni Neri.

     Nilabas ni Ivan ang kanyang gitara at pansin ni Trish na hindi ito ang gitarang ginagamit niya.

     “Baby, where's your guitar?” tanong niya.
     “A, nasira na yun.”
     “Ganun ba? Ang ganda ng guitar mo. Magkano bili mo?”
     “Hindi ako ang bumili nito.” Tumingin siya kay Reed. “Binigay ito sa akin ng kaibigan ko.” Napailing tuloy si Reed.
     “Oh really? Okay... Sinong friend naman?”

     Dumaan sina Benjo at Ellie, mukhang pauwi na, nang mabaling sa kanila ang pansin ni Trish. Tinawag niya ang mga ito; lumapit naman ang dalawa.

     “Uuwi na kayo?” tanong niya sa kanila.
     “Oo. Marami pa kasi kaming assignment na dapat tapusin,” sagot ni Ellie sabay siko kay Benjo, “‘Di ba, Benjo?”
     “Oo! Ang daming assignment!” sang-ayon ni Benjo.

     Tumayo si Trish, “Uhmm Ellie, I believe you have met my boyfriend Ivan.”

     Tumingin si Ellie kay Ivan at nakita niyang hawak nito ang gitara. “Kasama ko siya sa choir. Siya yung guitarist,” sabi niya.

     “And how about you? Kumakanta ka?”

     Sumagot si Ivan, “Si Ellie yung pianist.”

     “Oh, is that so? May pumalit na pala sa akin. Well you know what, Ellie? I was surprised kasi when I saw Ivan's guitar. He said that it was given by a friend. Kilala mo ba kung sino ang nagbigay?”
     “Friend?” tanong ni Ellie, nakatingin kay Ivan. “Pasensya na. Hindi ko kasi kilala e!”

     Pansin ni Benjo na iba na ang timpla ni Ellie kaya't pinutol niya na ang usapan, “A sige, Trish, uuwi na kami. Gumagabi na kasi saka ang dami naming assignment e!”

     Nagpaalam na rin si Reed, “Uuwi na rin ako.” Pati na rin si Neri, “Trish, tomorrow na lang. Sasabay na ako kay little sister.”

     Umiyak si Ellie pagdating sa bahay. Nandiyan na si Trish, paano na kaya sila ni Ivan? Ang masakit pa roon ay ang pagsabi ni Ivan ng “friend”.

     Hindi siya kumain ng hapunan at nagkulong lang sa kuwarto. Lungkot na lungkot si Neri. ‘Di man sabihin ni Ellie sa kanya ay nararamdaman niyang nahulog na ang loob ng kanyang kapatid kay Ivan. Si Ivan na boyfriend ng bestfriend niya...

     Natigil ang pag-iyak ni Ellie nang may tumawag sa kanyang cell phone. Si Ivan iyon at nandoon siya sa labas ng bahay nila.

     “Anong ginagawa mo rito?” tanong ni Ellie sa kanya. Naitago ng kanyang salamin ang namamaga niyang mata.

     Binigyan siya ni Ivan ng tatlong pulang rosas. “I love you,” sambit nito.

     “I love you? Ivan, ano ba talaga ako sa iyo?” tanong ni Ellie.
     “Ellie please, hindi ko naman kasi sukat akalain na babalik pa siya.”
     “Yeah, right! Tanong ko lang ha? Break na ba kayo?”

     Umiling si Ivan. “Hindi kami nagkaroon ng formal break-up, pero bigyan mo ako ng panahon para sabihin kay Trish yung tungkol sa atin,” pakiusap niya.

     Nanginginig ang tinig ni Ellie, “Tungkol sa atin? Ano nga bang meron sa atin?”

     “Ellie, mahal kita!”
     “At si Trish? Mahal mo rin naman siya, ‘di ba? Kaibigan mo lang naman ako, ‘di ba?”
     “Nagkakamali ka...”
     “Oo. Mali nga talaga ako. Mali ang ginawa kong mahalin ka! Nakalimutan kong may girlfriend ka pa pala.”
     “Please Ellie, bigyan mo ako ng panahon para—” naputol ang sinasabi ni Ivan.
     “Huwag na, Ivan. Wala kang sasabihin kay Trish. Siya na lang ang mahalin mo. Iyang mga bulaklak, ibigay mo na lang kay Trish —sa girlfriend mo! At saka, substitute lang naman niya ako, ‘di ba?”

     Pumasok na si Ellie sa loob. Sobrang sakit ng kanyang nararamdaman. Ngayon lang siya umiyak ng ganito sa buong buhay niya.

***

No comments:

Post a Comment

Flying Dark Blue Butterfly
Got My Cursor @ 123Cursors.com
Cute Blue Flying Butterfly