No to Plagiarism!

ANYD's NOTE:

It would be very disappointing if I would learn that my works were plagiarized. The truth is I have seen my work in this certain website without even acknowledging ME as the author. Well, I guess it's okay if you would copy some of my works here, and let me know it. I included my e-mail address (ellasdm@yahoo.com) in my profile, so I'm pretty much sure that it won't hurt. Please, just please, don't own my works as if they were yours. Thanks a bunch.

Wednesday, March 31, 2010

Ikakasal Na Ako... ^_^

Ikakasal na ako sa June 20. Happy nga ako e! ^_^

Noon pa man pangarap ko na talagang maging June bride kaya nga excited na ako. Naiayos na namin ang lahat. Nasurpresa nga ako kasi inako ni papa ang lahat ng gastos. Nakakahiya naman sa groom ko, di ba? Si papa pa ang sumagot sa mga gastos. Alam mo bang sobrang na-touched ako kasi nag-ipon na pala siya para rito. Napaiyak nga ako. Mababaw pa naman ang luha ko.

Naireserve na namin ang San Sebastian Church. Pinili namin ang Baste kasi maganda ang ambiance, though malayo rito sa amin sa Cavite. Naisip ko kasing may mga bisita akong manggagaling sa Bulacan, Caloocan, Quezon City, Valenzuela, San Juan at Makati, para na rin sa easy access. (Medyo traffic nga lang papuntang Manila.) 10 a.m. ang wedding ko. Share ko lang na itong San Sebastian Church ang natatanging simbahan na yari sa bakal. Ganda di ba? Yung buong simbahan gawa sa bakal. I think na this whole wedding will be very memorable talaga.

Sa The Aristocrat Restaurant naman ang reception, near Roxas Boulevard. Favorite restaurant na rin kasi ng family yun. Madali namang mahanap yun kaya siguradong hindi maliligaw ang mga bisita, if ever hindi na makapunta sa wedding yung iba, especially yung mga ex boyfriend ko. Yes, invited sila. Hindi naman kasi ako nakalilimot sa pinagsamahan. Baka kasi maging bitter sila, alam mo na, ayaw na nilang makita yung wedding ko kaya kahit man lang humabol na lang sila sa reception.

Blue and white ang color motif ng wedding. Blue kasi ang favorite color ko, malamig kasi sa mata, saka gusto kong maging simple lang ang lahat.

Alam mo ba ang nararamdaman ko ngayon? Sobrang happy talaga saka everything is settled mula flowers, entourage, (hindi ko na ie-enumerate ang lahat) and even the cake! Red Ribbon ang napili kong gumawa ng cake, may pagka-class kasi ang dating. It's like marinig lang nila yung "Red Ribbon" mapapa-WOW na sila kasi masarap, madali nga lang matunaw.

Kung sakaling nababasa mo ito at feel mong pumunta sa wedding, text mo ako sa number ko, 09293857657, para naman masama ko pa ang name mo sa listahan ng mga pupuntang bisita. Kahit naman hindi ka magdala ng regalo, basta magdala ka lang ng magiging groom ko, para nga naman makumpleto na ang happiness ko. Extended naman ang wedding hangga't wala pang groom. Wala naman kasing exact year, basta June 20!

O paano? Kita-kits ha?

No comments:

Post a Comment

Flying Dark Blue Butterfly
Got My Cursor @ 123Cursors.com
Cute Blue Flying Butterfly