No to Plagiarism!

ANYD's NOTE:

It would be very disappointing if I would learn that my works were plagiarized. The truth is I have seen my work in this certain website without even acknowledging ME as the author. Well, I guess it's okay if you would copy some of my works here, and let me know it. I included my e-mail address (ellasdm@yahoo.com) in my profile, so I'm pretty much sure that it won't hurt. Please, just please, don't own my works as if they were yours. Thanks a bunch.

Saturday, March 27, 2010

Music of Love (16)


Chapter 1: Big and Little Sister
Chapter 2: To Love and To Lose Hope
Chapter 3: A Lesson of Love
Chapter 4: Lost and Found
Chapter 5: Acceptance
Chapter 6: Coincidence
Chapter 7: An Unforgettable Melody
Chapter 8: Sense of Danger
Chapter 9: Confusion and Questions
Chapter 10: Confession
Chapter 11: Burst of Emotions
Chapter 12: Unsung
Chapter 13: The Truth Behind
Chapter 14: The Concert
Chapter 15: First Kiss, First Heartbreak

***
Chapter 16
Heaven is Being with You


     Mabilis na lumipas ang mga araw at ang First Semester ay natapos na. Para bang nabunutan ng tinik si Ellie; masyado kasi siyang pressured sa pag-aaral. Maganda naman ang naging bunga ng kanyang mga paghihirap sapagkat siya ang nanguna sa mga First Year na kumukuha ng kursong Education.

     Ilang linggo na nga ang nagdaan mula nang masaksihan ni Benjo ang pangyayaring dumurog ng kanyang puso pero sariwa pa rin sa kanyang alaala ang mga naganap.

     Ang mga hawak ni Ivan.

     Ang mga tingin nito kay Ellie.

     Ang paglapit nito at paghawak sa baba ni Ellie.

     Ang pagpikit ni Ellie.

     Ang pagdampi ng kanilang mga labi.

     At ang pagpapalitan nila ng matatamis na halik.

     Lahat ng pangyayari ay detalyado pa rin sa isip niya. Madalas tuloy siyang nakatulala dahilan upang mawala ang kanyang diwa sa kanilang pinag-aaralan na nakapagpababa ng kanyang mga marka.

     Kuhaan ng card. Naglalakad siya nang ma-spot-an niya si Ellie na may inaayos at kinukuhang ilang gamit sa locker. Nilapitan niya ito.

     “Kumusta ang grades mo?” tanong nito sa kanya.

     Hindi siya sumagot. Nakatitig lang siya sa babaeng itong unang nagpatibok ng kanyang puso. Hindi lang iyon, nakatuon ang kanyang paningin sa mapupulang labi ng dalaga.

     “Sana ay mahalikan ko rin ang iyong mga labi,” tanging hiling niya.
     “Benjo?” nagtatakang tawag ni Ellie nang makitang nakatulala ang kaibigan. “Ayos ka lang?”

     Bumalik si Benjo sa reyalidad, “A oo, ayos lang ako.” Bigla na lamang siyang umalis at iniwan si Ellie na takang-taka.

     Nang muli niya itong makita na kasama sina Ivan, Reed at Neri noong araw ding iyon na kumakain sa cafeteria ay naramdaman niya na naman iyon —ang pakiramdam na para bang ang puso niya ay tinutusok ng libu-libong karayom. Ang sakit-sakit.

     Humiga siya sa kama nang makarating sa bahay na itinuring niya nang pangalawang tahanan. Simula nang mamatay ang kanyang mga magulang sa isang car accident kasama ang ama ni Reed na kanyang tito, si Ricardo Salas, Sr., limang taon na ang nakalilipas, ang tahanang ito ang nagbigay ng bagong pag-asa sa kanya.

     Tilaok ng manok ang gumising sa buong kabahayan kinabukasan.

     “Saan ka pupunta, Benjo?” tanong ni Reed nang makitang nakabihis ng puti ang pinsan.
     “Diyan lang. Huwag kayong mag-alala, babalik din ako,” sagot niya at siya na nga'y humayo.

     Ang nakapagtataka'y may almusal na sa mesa. Si Benjo ang nagluto, ‘di naman niya gawain iyon.

     Nagtungo si Benjo sa sementeryo upang dalawin ang puntod ng kanyang mga magulang. Nag-alay siya ng bulaklak at kinausap ang puntod.

     “Pansin ko lang ha, magkasama na nga kayong naaksidente pati ba naman dito sa lapida, magkasama pa ang mga pangalan ninyo? Ayaw ninyo talagang maghiwalay ha?”

     Payapa ang sementeryo. Ang mga tumutubong damo ay berdeng-berde ang kulay. May mga maliliit na bulaklak na umuusbong. Parang ngang paraiso ang lugar na ito.

     Isang kaluskos ang narinig ni Benjo na nanggagaling sa kabilang puntod. Pag tingin niya, may nag-aalay rin pala ng bulaklak. Pero sandali! Si... Si...

     “Ellie, ikaw ba iyan?” walang kasiguraduhan si Benjo hanggang sa humarap ito sa kanya.
     “Benjo! Bestfriend, ikaw pala!”

     Nakita ni Ellie ang mga pangalang nakaukit sa lapida: Rico Salas at Bernadette Salas. Nakaramdam siya ng kalungkutan at pagkaawa.

     “Mga magulang mo?” tanong niya kay Benjo nang sila ay magpunta sa pinakamalapit na restaurant upang kumain.
     “Oo. Namatay sila five years ago dahil sa car accident.” Kanyang ipinakita ang litrato ng kanyang mga magulang na nakalagay sa kanyang pitaka. Madalas niyang tingnan ang litratong iyon.
     “Sorry,” paumanhin ni Ellie. Hinawakan niya ang kamay ni Benjo upang ipahayag ang lubusang pagdamay.
     “Ano ka ba? Matagal na yun, ano! Hindi na ako nalulungkot pa.” Isang ngiti ang nakita sa mukha ni Benjo; nakahawak kasi si Ellie sa kamay niya. “E ikaw? Sino yung binigyan mo ng bulaklak kanina? Kamag-anak mo?” tanong niya.
     “Naku, hindi. Alam mo kasi, sa tuwing bumibisita kami sa puntod ng lolo at lola ko ay madalas naming nadadaanan iyon. Matagal ko nang napapansin na walang nagsisindi ng kandila o nag-aalay ng bulaklak kaya binigyan ko.”

     At ngayon, paano kalilimutan ni Benjo ang babaeng ito? Na napakatamis kung ngumiti? Na ang bawat pagtawa ay nakapagpapagaan ng kalooban niya? Na sobrang maalalahanin? Maganda ang panlabas na anyo pati ang kalooban? Matalino! Pati ang simpleng pagtawag ng “Benjo” ay nagpapalambot ng kanyang puso. Ang kanyang mga hawak... Ang kanyang mga tingin... Paano?

     Aanhin niya ang pagtili ng mga babae tuwing siya'y tumutugtog ng drums? Ang paghingi nila ng autograph o ‘di kaya'y pagkurot sa pisngi niya? Ang pagsigaw nila ng “Go, Benjo!” at “We love you, Benjo!” sa tuwing ang Rascals na ang sasalang sa stage para mag-perform sa Battle of the Bands? Baliwala ang lahat ng iyon kung ‘di rin naman niya mapaiibig si Ellie at nang sila'y lumabas sa restaurant, hindi niya na napigilan ang kanyang sarili at niyakap niya ito.

     “Ellie, sana naman bigyan mo ako ng chance. Gusto kong ipadama sa iyo kung gaano kita kamahal.” Lalo pang humigpit ang pagyakap niya. “Mahal na mahal kita. Mahal na mahal kita...”

     Ngayong nasa bisig niya na ang babaeng minamahal, pakiramdam niya ay higit pa sa isang paraiso ang kinaroroonan niya. Pakiramdam niya, ito ang langit.

***

No comments:

Post a Comment

Flying Dark Blue Butterfly
Got My Cursor @ 123Cursors.com
Cute Blue Flying Butterfly