No to Plagiarism!

ANYD's NOTE:

It would be very disappointing if I would learn that my works were plagiarized. The truth is I have seen my work in this certain website without even acknowledging ME as the author. Well, I guess it's okay if you would copy some of my works here, and let me know it. I included my e-mail address (ellasdm@yahoo.com) in my profile, so I'm pretty much sure that it won't hurt. Please, just please, don't own my works as if they were yours. Thanks a bunch.

Saturday, March 27, 2010

Music of Love (4)


Chapter 1: Big and Little Sister
Chapter 2: To Love and To Lose Hope

***
Chapter 4
Lost and Found


     Pag labas ni Ellie sa library ay sinalubong siya ni Benjo. Ganoon na naman ang reaksyon niya, nairita na naman nang makita ang binata.

     “Ikaw na naman? Bakit ba parang lagi mo akong sinusundan?” tanong niya.
     “Hindi lang parang. Sinusundan talaga kita. Ito nga pala o,” ibinigay ni Benjo ang pagkaing binili niya para kay Ellie. Hindi na nakapag sungit pa si Ellie.
     “Bakit nag-abala ka pa?” tanong nito.

     Kinuha ni Benjo ang mga libro ni Ellie at hinila niya ang dalaga. Bumaba sila upang kumain. Sa tambayan ng barkada ni Benjo sila kumain. Tanaw ang tambayan mula sa silid-aralan nila.

     “Ito nga pala yung lugar na madalas naming tambayan ng barkada ko.”

     Nang makaupo na sila, tinanong ni Ellie si Benjo, “Benjo, bakit mo ginagawa ito?”

     “Ginagawa ang alin?” tanong ni Benjo at kinagat niya ang biniling sandwich.
     “Ito. Ang ibig kong sabihin— kasi Benjo... ang bait mo sa akin.”
     “A!” Tumawa si Benjo, “Haha! Alam mo kasi, Ellie, gusto kitang maging kaibigan. Bihira lang kasi akong magkaroon ng kaibigang babae.”

     Sa kasarapan ng kanilang pag-uusap, dalawang babae ang biglang lumapit sa kanila.

     “Uhmm. Excuse me,” paumanhin ng unang babae sa tonong may pagka maarte. “Hindi ba ikaw si Benjo? Puwedeng humingi ng autograph?”
     “Para saan ang autograph?” tanong ni Ellie sa babae.
     “Miss, hindi mo ba kilala kung sino ang kasama mo?” tanong naman ng ikalawang babae.
     “Kilala ko! Si Benjo, classmate ko,” sagot ni Ellie. Tama naman siya sa sinabi niya.
     “Haha! Oo, siya nga si Benjo, drummer ng bandang Rascals, ang pinakasikat na banda rito sa University!” pagmamalaki ng unang babae.  Ibinigay na ni Benjo ang autograph. “Thank you, Benjo,” pagpapasalamat ng babae sabay kurot sa pisngi ni Benjo.

     Umalis ang dalawang babae at naghagikgikan habang sila ay naglalakad. Hindi makapaniwala si Ellie na ang kasama niyang lalaki ngayon ay sikat pala sa Unibersidad. Nagtanong siya,

     “Drummer ka ng banda?”
     “Oo. Pinsan ko ang vocalist,” sagot ni Benjo. Ito na rin ang pagkakataon upang magtanong siya kay Ellie. “Mahilig ka ba sa boy bands?”
     “Hindi. Wala akong interes sa mga ganyan.”

     Para bang nadurog ang puso ni Benjo sa sinabi ni Ellie.

     “A ganun ba? Pero puwede ba kitang yayaing manood ng concert?”
     “Ayoko. Delikado pag nagkaroon ng stampede,” tanggi nito. “Benjo, yung mga libro nga pala.” Kinuha ni Ellie ang mga libro at tumayo. “Salamat sa sandwich, drinks at sa pagbubuhat ng mga libro,” pagpapasalamat niya. Iniwan niya si Benjo. Namumula pa nga ang mukha niya.

     Nang matapos ang pag-uusap nila ay nagkita-kita naman ang grupo sa tambayan. Nilabas ni Benjo ang isang checklist at nagsimulang magtawag.

     “Chad? Check. Duncan? Check. Reed?”
     “Check!” sagot ni Reed. “Wala pa si Ivan.”
     “Late na naman siya!” angal ni Benjo.
     “Pabayaan mo na muna, may problema yung tao.”
     “Proble-problema! Si Trish na naman ang iniisip niya!”

     Naglalakad si Ivan sa corridor nang tumunog ang kanyang cell phone. Sinagot niya ito, “Hello?” Si Benjo ang nasa kabilang linya.

     “Ten minutes ka nang late, tsong. May penalty ka na!”
     “Ay oo! Pre, sorry! Nakalimutan kong may meeting pala tayo!”

     Ibinaba na ni Ivan ang tawag at kumaripas ng takbo. Sa kasamaang palad, may nabangga siya.

     “Ouch!” sigaw ni Ellie. Tumilapon ang mga librong hawak niya.
     “Sorry miss, sorry!” paumanhin ni Ivan at pinulot niya ang mga libro.
     “Mag-iingat ka kasi! Alam mo ba kung magkano ang babayaran ko pag na-damage ang mga librong iyan? Buti sana kung ikaw ang magbabayad. E hindi! Ako! Kasi ako ang nanghiram,” galit na pagkakasabi ni Ellie.
     “Hindi ko naman sinasadya,” paliwanag ni Ivan.
     “Puro excuses! Hindi naman kasi baseball or football field ito para tumakbo-takbo ka riyan. Corridor ito, CORRIDOR! Naiintindihan mo?”

     Nakapagtaas ng boses si Ivan, “Huwag mo akong sigawan! Naririnig kita. Hindi ako bingi!”

     Galit na kinuha ni Ellie ang mga libro at siya ay umalis.

     “Sungit naman nun,” bulong ni Ivan. Pag tingin niya sa ibaba, may nakita siyang I.D. Pinulot niya iyon. Binasa niya ang nakasulat, “Red Cross. Eliza San Luis.” Ibinulsa niya na ang I.D.

     Hindi pumasok sa sunod na klase si Benjo. Nag-check na ang professor nila ng attendance.

     “Salas?”
     “Absent.”
     “San Luis?”

     Nagtaas ng kamay si Ellie, “Present!” Nang matapos ang klase, nakita niya si Benjo doon sa tambayan. “Cutting class,” bulong niya.

     Samantala ay nagtungo si Ivan sa Lost and Found Section ng Unibersidad. Pumirma siya sa log book at lumabas ng Lost and Found. Hinihintay siya ni Reed sa labas.

     “Uuwi na tayo?” tanong ni Reed.
     “Oo. Si Benjo? Hindi sasabay?”
     “May aabangan pa raw siya. May nililigawan yata yung kumag na yun.”

     Uwian na noong mga oras na iyon at palabas na si Ellie sa tarangkahan ng Unibersidad. Nakita pa nga siya ni Benjo.

     “Uy! Si Ellie yun ha!” sabi nito.
     “Sino?” tanong nina Chad at Duncan.
     “Wala! Una na ako, mga tsong! Bye!” paalam ni Benjo. Tumakbo siya upang maabutan ang dalaga. “Ellie! Ellie!” pagtawag niya rito.

     Pero malas, naharangan siya ng mga estudyante. Hinawi niya ang mga nakaharang na estudyante, “Ano ba? Tumabi nga kayo!” at muling tinawag si Ellie, “Ellie!” Subalit nawala na si Ellie sa paningin niya.

     “Nasaan na siya?” tanong niya sa sarili. Lumabas siya ng gate. Isang puting kotse ang nakita niya at palapit sa kotseng iyon si Ellie. “Ellie!” tawag ni Benjo.

     Lumingon si Ellie at nakitang hingal na hingal si Benjo. “Bakit?” tanong niya.

     “Uuwi ka na ba?” istupidong tanong ni Benjo.
     “Oo, hindi ba halata? Pasakay na nga ako sa kotse.”
     “Gusto ko lang sanang sabihing… ingat Ellie! Ingat!”

     Ngumiti si Ellie, “Ikaw rin,” at sumakay na siya.

     Tuwang-tuwa si Benjo, “Woohoo! Sinabihan niya akong mag-ingat! Ang saya naman!” Kinuha niya ang kanyang cell phone at tinext si Ellie. Sana ay naisip niyang i-text na lang si Ellie kaysa habulin pa.

     Si Neri ang nakatanggap ng text message sa kadahilanang ang numero ng kanyang cell phone ang ibinigay ni Ellie kay Benjo.

Ellie, ngatz s pg uwi,
saby uli tyo qmain buks ha!

     Napangiti si Neri, “Hmm. Sino kaya itong text nang text kay little sister? Gusto ko siyang makilala…” Ngunit matutuwa pa kaya siya pag nalaman niya kung sino ang lalaking nangungulit sa kapatid niya?

***

No comments:

Post a Comment

Flying Dark Blue Butterfly
Got My Cursor @ 123Cursors.com
Cute Blue Flying Butterfly