Paunawa: Hindi ko lubos na kilala ang mga mukhang inyong nakikita. Nakuha ko lang iyan sa isang social networking site. Kung may nakakakilala man sa kanila, pakihayag na lang ang lubusan kong paghingi ng paumanhin dahil sa pagkuha ng mga litrato nila...... Para sa kalokohan kong istorya...
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
***
Kabanata 10 Tatlong linggo mula nang magpasukan, araw ng Biyernes, nang lumiban ako sa klase. Nagkasakit kasi si Jobert, yung nakababatang kapatid ko. Wala namang ibang magbabantay sa kanya kaya ako na lang ang nag-asikaso. Si papa, mula nang magsimula ang klase e hindi pa umuuwi ng bahay. May mahalaga kasing trabaho. Nakadestino siya sa ibang lugar. Ganoon naman lagi, nasanay na rin kami. Si Kuya Richie naman, nakahanap na ng trabaho kaya abala na rin siya. Si Ate Diana, wala namang kaamor-amor sa bata yun. Madalas niya nga akong sinisigawan.
Nag-init ako ng tubig at binasa ang isang malinis na bimpo. Ang taas ng lagnat ni Jobert! Hindi ko nga alam kung bakit siya nagkasakit. Gawa siguro ng pabago-bagong panahon.
“Ate Denise,” mahinang pagtawag sa akin ni Jobert. Bakas sa mukha niyang nahihirapan siya gawa ng sakit niya.
“Huwag kang mag-alala, Jobert, pahinga lang iyan,” sabi ko sa kanya. Ngumiti ako at hinimas ang buhok ng aking kapatid. “At lagi mong tandaan na tawa lang ang solusyon sa problema at sa kahit na anong karamdaman.”
“Tatawa lang ako, gagaling na ako?”
“Oo naman,” tugon ko para naman gumaan-gaan ang pakiramdam niya.
Nagsimula nang ngumiti si Jobert. Lumiwanag din ang mukha ko nang makita kong ganoon siya. Ngunit kung may isang taong nakasimangot at malungkot sa mga oras na ito, si Carl na siguro iyon. Naghihintay siya sa tambayan naming magkakaibigan.
“Ano ba yung babaeng iyon? Bakit ang tagal dumating?” tanong niya sa hangin. Wala naman kasi siyang kausap. Minsan talaga nahuhuli kong nagsasalita o ngumingiti si Carl mag-isa.
“May sinasabi ka, kuya?” tanong ni Carlo nang marinig niyang magsalita ang kapatid niya.
“May narinig ka ba?” balik na tanong ni Carl.
“Meron,” sagot ni Carlo.
“E meron naman pala ba’t nagtatanong ka pa?”
Hay naku! Ang sungit talaga ni Carl. Hindi na siguro siya mapakali kaya mainit na naman ang ulo. Nasanay na kasi kaming naghihintayan sa tambayan bago pumasok sa classroom. Kanina pa siguro sila naghihintay. Hindi naman kasi ako nakapagsabi na liliban ako sa klase kasi biglaan.
“Wala pa siya?” tanong ni Angel sa kanila.
“Wala pa. Magbe-bell na o!” sagot ni Carl.
Tahimik lang naman si Arlene.
“Baka naman late lang,” pagpapagaang-loob ni Gelo.
“Sana nga late lang,” panalangin ni Carl.
Tumunog na ang bell at sabay-sabay silang pumunta sa silid-aralan namin kahit na wala ako. Nagsimula ang isa na namang panibagong aralin.
Tiningnan ni Carl ang katabi niyang upuan. “Masaya sanang mag-aral kung nandito siya,” isip niya.
Wala siyang kamalay-malay na tinitingnan pala siya ni Arlene. “Bakit parang malungkot siya? Dahil ba wala si Denise? Masyado yata siyang nag-aalala.”
Nang sumapit ang recess, napagpasyahan ni Carl na bumili ng inumin sa canteen kasama si Carlo.
“Anong gusto mo, bro? Libre kita,” sabi ni Carl sa kapatid.
Hinawakan ni Carlo ang noo ni Carl.
“O bakit?” tanong ni Carl sa kakambal.
“May sakit ka ba, Kuya Carl?”
“Anong sakit? Wala no!” Tinanggal niya ang kamay ni Carlo.
“E bakit ka nanlilibre?”
“Paki mo ba? Ayaw mo edi ‘wag!” pagsusungit na naman ni Carl. Bumili na siya ng inumin niya. Si Carlo naman ay bumili rin ng inumin.
Nagpunta na sila sa tambayan. Wala sina Angel, Gelo at Arlene. Marahil ay bumibili pa rin ng makakain. Umupo na sila at marahang ininom ni Carl ang soft drink-in-can na binili niya.
“Kuya Carl,” tawag ni Carlo sa kuya niya.
Tiningnan ni Carl ang kapatid, “O?”
“May itatanong sana ako sa iyo,” sabi ni Carlo.
“Ano iyon?” tanong ni Carl, tapos ay uminom.
“May… may…” nahihiya pa yatang magtanong si Carlo.
Nagtaka si Carl, “Anong may? May lamok? May ipis? Ano?”
At nasabi na rin ni Carlo kung ano ang gusto niyang itanong, “May gusto ka ba kay Denise?” Hindi sinasadyang naibuga ni Carl ang iniinom niya nang marinig ang sinabi ng kapatid niya. Natawa si Carlo, “Kuya Carl, ano iyan?! Mag-ingat ka nga! Buti hindi mo ako nabugahan!”
Pinunasan ni Carl ang bibig niya, “Ano ka ba? Nakakainis ka!”
“Sinasabi ko na nga ba! May gusto ka talaga sa kanya, ano?”
Patuloy lang na uminom si Carl.
“Uy, Kuya Carl! Ano?” pangungulit ni Carlo. Gusto niyang malaman ang kasagutan.
“Alam mo bro, wala akong gusto kay Denise, ok? Gusto ko lang naman siya kasi… kasi… kahawig siya ni Dara at nakikita ko si Dara sa kanya.” Nakitaan na naman ng kalungkutan si Carl.
“Hindi mo pa rin siya makalimutan, ano?” tanong ni Carlo.
“Hindi. Ewan ko ba kung bakit hindi siya mawala-wala rito,” itinuro ni Carl ang puso niya.
“Edi wala ka talagang gusto kay Denise?” paglilinaw ni Carlo.
“Wala, wala talaga,” sabi ni Carl. Pero nang sabihin niya iyon, pakiramdam niya’y gusto niyang bawiin ang sinabi niya.
Samantala, sa bahay namin. Narito kami ni Jobert sa kuwarto niya. Kanina pa nga siya nakahiga. Mabuti na rin iyon para makapagpahinga siya nang gumaling siya kaagad. Sinukat ko ang temperatura ng katawan niya gamit ang isang thermometer.
“Ok, tingnan nga natin,” sabi ko at tiningnan ko na ang thermometer. “Bumaba na ang lagnat mo.”
“Ate Denise,” tawag sa akin ni Jobert.
“Bakit?” tanong ko.
“Sorry ha! Dahil sa akin hindi ka nakapasok ngayon,” paumanhin niya.
“Sus, wala yun!” tugon ko. “Alangan namang iwan kita rito mag-isa. Bayaan mo na kahit hindi ako nakapasok. Gagawa na lang ako ng excuse letter. Ipapakita ko sa mga teacher namin sa Lunes.”
“Ate, gusto mo bang maging doktor paglaki mo?” tanong sa akin ni Jobert.
Natawa ako. “Doktor? Hindi ko pinangarap na maging doktor,” sagot ko.
“E anong gusto mo?”
Nag-isip ako. Ano nga bang gusto ko? “Hmm. Housewife?!” Natawa na lang ako sa sagot ko. “Hindi ko alam Jobert e!”
Ilang sandali pa’y nagpaalam na ako kay Jobert. “Bababa muna ako ha. Ipagluluto kita ng pagkain.” Sumang-ayon si Jobert at bumaba na ako.
Sa paaralan naman namin, matiwasay na nagtapos ang klase. Nilapitan ni Carl si G. San Jose at may kinuha siyang papel. Pagkatapos ay hinatak niya si Carlo. Lumabas sila ng campus na nagmamadali. Hindi nga alam ni Carlo kung ano ang nangyayari basta sumama na lang siya sa kapatid niya. Hindi na nakasunod sina Angel, Gelo at Arlene sa kanila kasi mabilis silang nawala.
Nang matapos na ang pagluluto ko ng pagkain para kay Jobert, bumuhos ang malakas na ulan. Ito na nga ba ang sinasabi ko. Kaya nagkasakit si Jobert kasi pabago-bago ang panahon! Iniwanan ko muna yung pagkain para isara ang mga bintana at pinto.
Isa-isa kong isinara ang mga bintana at nang isasara ko na ang pinto, may kamay na tumulak dito. Nagtaka ako. Sino ang tumulak sa pinto? Binuksan kong muli iyon at pagtingin ko, naroon ang kambal kong kaklase. Basang-basa sila ng ulan.
***
No comments:
Post a Comment