No to Plagiarism!

ANYD's NOTE:

It would be very disappointing if I would learn that my works were plagiarized. The truth is I have seen my work in this certain website without even acknowledging ME as the author. Well, I guess it's okay if you would copy some of my works here, and let me know it. I included my e-mail address (ellasdm@yahoo.com) in my profile, so I'm pretty much sure that it won't hurt. Please, just please, don't own my works as if they were yours. Thanks a bunch.

Sunday, April 22, 2012

Alumni: High School Memories (27)

Paunawa: Hindi ko lubos na kilala ang mga mukhang inyong nakikita. Nakuha ko lang iyan sa isang social networking site. Kung may nakakakilala man sa kanila, pakihayag na lang ang lubusan kong paghingi ng paumanhin dahil sa pagkuha ng mga litrato nila...... Para sa kalokohan kong istorya...




***
Kabanata 27

       Natapos ang lahat ng pagsusulit. Kumpleto na ang lahat ng grades sa card namin. Wala na rin kaming problema pag dating sa clearance. Hindi na rin mabigat ang co-curricular activities. Halos wala na ngang co-curricular activities dahil malapit nang magtapos ang taon. Ang tangi na lang naming aasikasuhin ay ang graduation. Nag-ensayo na kami ng martsa para rito. Pinagawa na rin ako ng Bb. Aragon ng Valedictory Address.

       “Valedictorian ka?!” gulat na gulat si Kuya Richie nang sabihin ko sa kanilang ako nga ang Valedictorian ng paaralan namin.
       “Ano namang kagulat-gulat doon?” tanong ni Ate Diana sa kanya. “Hindi ka na nasanay riyan. Alam mo namang matalino ‘yang kapatid natin.”
       “A e kung ganoon congrats, Denise,” pagbati sa akin ni Kuya Richie. Kinamayan niya ako. Binati rin naman ako ni Ate Diana.
       “So kailan ang graduation mo?” tanong ni ate.
       “Second week of March,” sagot ko naman.
       “Parang ang bilis naman yata,” sabi ni ate. “Kung ganoon, mapapaaga rin pala ang paglipat natin.”

       Nalungkot ako bigla nang sabihin ni Ate Diana ang tungkol sa paglipat namin. Nawala na kasi sa isip ko ang tungkol doon.

       “Oo nga,” naging tugon ko na lamang.

       Pumanhik ako sa kuwarto pagkatapos. Masyadong tahimik. Dumeretso ako sa kama at humiga. Tila blangko ang isip ko. Gusto kong isipin si Marvin, ang masasayang alaala naming magkasama. Gusto kong isipin ang barkada, ang mga pinagsaluhan naming halakhak. Gusto ko silang isipin dahil alam ko, pagkatapos ng graduation, maraming magiging pagbabago.

       Nang magpasukang muli, sinalubong ko ang barkada ng may masayang mukha. Sa totoo lang, nalulungkot ako sa pagtatapos namin at sa paglipat namin ng bahay. Ipinakita ko na lang sa kanilang wala akong inaalala.

       “Denise, nakapasa ka ba roon sa University na pinag-exam-an mo?” tanong ni Marvin sa akin.
       “A roon ba? A oo,” sagot ko.
       “Doon ka na ba papasok?” tanong niyang muli.
       “Hindi ko alam e,” sabi ko.
       “Hindi mo pa alam kung saan ka mag-aaral?”

       Umiling ako. “Hindi e! Pero pasado ako sa limang University at Colleges na pinag-exam-an ko, kaso hindi pa ako desidido kung saan nga ba talaga ako mag-aaral.”

       “Sabagay, mahirap nga naman talagang pumili pag ganoon,” sabi ni Marvin. “Hirap talaga ng matalino no?”

       Pinalo ko siya ng bahagya sa braso. “Sira!” Sabi ko rin, “Hindi ko nga rin alam kung ipu-push through ko yung course na nilagay ko roon.”

       “Ano bang nilagay mo?”
       “Housekeeping!” pagbibiro ko. “Pangarap ko kasi talagang maging isang mabuting maybahay e!”
       “Maybahay ko?” tanong niya sa akin.
       “Puwede rin,” natatawa kong sagot.
       “Naku! Ikaw talaga o!” Kinurot niya ang kanang pisngi ko.

       Dumating na ang araw ng pagtatapos. Masaya akong makita ang sarili ko sa harap ng salamin suot ang toga ko. Masaya ako dahil sa espesyal na araw na ito, ang inakala kong pamilyang walang paki sa akin ay kumpleto pang dadalo sa graduation ko. Ang sabi nila ay proud nila sa akin. Si Ate Diana pa nga ang nag-ayos at naglagay ng make-up sa akin.

       “Dapat naman maging maganda ka ngayong araw ng graduation mo,” sabi niya. “Huwag kang iiyak ha, baka masira iyang nilagay kong make-up.”

       Nginitian ko siya. “Thanks, ate. Opo, hindi ako iiyak,” sabi ko.

       Ilang sandali pa’y umalis na kami at nagpunta na sa campus. Marami kaming mga nakasabay na estudyante, mga magsisipagtapos din. Alam kong masaya sila dahil matapos ang apat na taon sa high school ay masusuklian na nang buong-buo ang naging bunga ng pag-aaral namin.

       “Denise!” ang narinig kong pagtawag sa akin. Si Angel pala. Kabuntot niya si Gelo.
       “Uy!” nasabi ko.
       “Family mo?” tanong ni Angel.
       “Oo,” sagot ko. Tinuro ko si papa, “Papa ko.” Tapos ay si Kuya Richie, “Kuya Richie ko.” Sunod si ate, “Si Ate Diana.” At si Jobert, “Tapos yung bunso namin, si Jobert.” Sinabi ko rin ang, “Huwag na ninyong hanapin si mama kasi hindi siya makakapunta.”

       Matapos ang ilang minuto ay tinawag na kami para pumila. Kasama ko si papa sa pila samantalang sina Kuya Richie ay naghanap ng puwestong mauupuan nila. Inasar pa nga ako ng mga kaklase kong lalaki.

       “Future dad ni Marvin o!” sabi nila. Napakamot nga ng ulo si Marvin at hiyang-hiya sa pang-aasar nila. Nginitian naman ni papa ang mga kaklase ko.

       Lumakad na ang lahat at nag-martsa. Ginanap na ang seremonya ng pagtatapos. Kumanta ang lahat ng mga estudyante. Tinawag ako para sa Valedictory Address. Nagtawag na ng mga pangalan at iniabot ang diploma. Sinabitan ng medalya ang lahat ng may parangal. May ilang umiyak habang ginagawa ang seremonya, pero angat sa lahat ang kasiyahang nararamdaman ng bawat isa dahil nagkamit kami ng diploma. Naging masaya at makasaysayan ang aming pagtatapos. Nang matapos ang seremonya ay unti-unti nang nawala ang mga tao at nagsiuwi.

       Humingi ako ng kaunting sandali kina papa dahil tinawag ako ng barkada para magkuhaan ng litrato. Nakita ko rin si Carl na naroon. Sabi ko na nga ba’t makakapagtapos din siya. Nakaupo siya sa isang tabi at malayo ang tingin.

       “Tara na, dali! Picture-picture na!” masayang sabi ni Gelo.

       Pumuwesto na ang lahat maliban kay Carl. “Uy Carl!” tawag ni Gelo.

       “Ano???” tanong ni Carl.
       “Sumama ka na sa picture-picture!” sabi ni Gelo.
       “Sige na, kayo na lang!” tila naiinis pa siya.
       “Carl, dito ka na,” tawag sa kanya ni Arlene.
       “Carl!” si Angel naman.

       Hindi natinag si Carl.

       “KJ mo naman, pare!” Mukhang nainis na si Gelo. Nilapitan niya si Carl at hinila ito. Sumunod na rin naman ang loko. Gusto pa palang hinihila siya.

       Lumapit si Kuya Richie sa amin at nagprisintang siya na lang ang kukuha ng litrato. Umayos na ang lahat. Inakbayan ako ni Marvin. Ngumiti ang lahat nang sabihin ni Kuya Richie ang,

       “Say cheese!”

       At nag-flash na ang camera. Ibinalik na rin namin ang mga togang ginamit. Iyon na ang huling araw na nakasama ko ang barkada. Sa huling araw na iyon, hindi pa rin kami nagpasinan ni Carl. Nang matapos ang taon, hindi man lang kami nagkabati.

       Kinaumagahang nagising ako, nakita ko na lang na nag-iimpake na ng gamit sina Ate Diana. Ikinagulat ko iyon.

       “Aalis na tayo?” tanong ko kay ate.
       “Kung nagulat ka, lalo naman kami,” sabi niya.
       “Denise, mag-impake ka na,” utos sa akin ni papa.
       “Papa, bakit biglaan naman? Hindi ninyo man lang sinabi na ngayon na tayo aalis,” nagtatampo kong sinabi kay papa.
       “Wala nang maraming tanong, Denise, ok? Ayusin mo na yung mga gamit mo,” sabi niya sa akin.

       Hindi pa nga ako nakakapaghilamos, ganito na yung maabutan ko? Bumalik ako sa kuwarto at inihanda ko ang mga gamit ko. Nang maayos na namin ang lahat, inilagay na namin ang mga gamit namin sa truck na nakaparada sa labas. Wala kaming nagawa nina Ate Diana. Labag man sa kalooban namin ang ginagawa naming ito ay sinunod na lang namin si papa.

       Nakita ng mga kapit-bahay na naglilipat kami pero dahil hindi naman kami naging malapit sa kanila, hindi na rin nila nagawang mag-usisa. Nang umandar na ang truck ay nilingon ko ang bahay namin. Sobra talaga akong nalungkot.

       “Ngiti naman diyan,” sabi ni Ate Diana sa akin.
       “Sorry,” paumanhin ko.

       Habang umaandar ang truck ay bigla akong kinalabit ni Ate Diana.

       “Hindi ba yun yung kaklase mong nagpupunta sa bahay?” sabi niya.
       “Nasaan?” tanong ko.

       Tinuro ni Ate Diana ang taong nakita niya. Tumingin ako sa labas at nakita ko si Marvin. Mukhang papunta siya sa bahay namin. Inalis ko na ang mga mata ko sa labas at tiningnan ko si Ate Diana.

       “Paano na iyan?” tanong niya.
       “Ewan ko,” sagot ko. Hindi ko na tinawag si Marvin.

***

No comments:

Post a Comment

Flying Dark Blue Butterfly
Got My Cursor @ 123Cursors.com
Cute Blue Flying Butterfly