Paunawa: Hindi ko lubos na kilala ang mga mukhang inyong nakikita. Nakuha ko lang iyan sa isang social networking site. Kung may nakakakilala man sa kanila, pakihayag na lang ang lubusan kong paghingi ng paumanhin dahil sa pagkuha ng mga litrato nila...... Para sa kalokohan kong istorya...
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
***
Kabanata 9 Nagsimula na ang pormal na klase. Mula nang sabihin ni Carl ang pangalan ni Dara, 'di na maalis sa isip ko kung sino nga ba talaga siya. Sabi ni Carl tinatawag din siyang Mr. Walang Galang ni Dara. Akala ko ako lang ang may bansag sa kanya ng ganoon. May mas nauna pa pala sa akin. Sino kaya si Dara buhay ni Carl o ng barkada? Nakakahiya namang magtanong kay Mr. Walang Galang kasi baka sungitan ako o pilosopohin na naman nun.
English period na at gaya nga ng sabi ng guro namin sa Filipino na si G. San Jose, si Bb. Aragon ay magiging guro pa rin namin. Nakita ko ang ngiti sa mga labi ni Carl nang pumasok si Bb. Aragon sa klase at nang magsimula na ang aralin namin. 'Di ko alam kung bakit siya masaya. Ano kayang nakain niya?
“Bakit tuwang-tuwa ka riyan?” tanong ko kay Carl.
“A, English kasi ang favorite subject ko. Excited talaga ako kapag English time na,” sagot niya. Kaya naman pala masaya siya. “E ikaw, anong fave subject mo?” tanong niya sa akin. Ano nga ba ang favorite subject ko?
“Ako? Wala naman akong favorite subject e! Basta, pinagbubutihan ko palagi ang pag-aaral ko. Sinabi ko rin sa sarili ko noon pa na sisikapin kong mapataas ang grades ko,” ang makabuluhang sinabi ko.
“Talaga? Gagawin mo iyon?” Mukhang ayaw pa yata ni Carl maniwala sa akin ha!
“Oo naman. Lahat naman siguro ng tao ganoon ang ginagawa. Yun bang pinagsisikapan nilang mag-aral nang mabuti,” tugon ko.
“Baka naman ikaw lang ang gumagawa nun. Alam mo, nag-aaral ako pero yung tamang aral lang. Wala rin naman kasing natutuwa pag nakakakuha ako ng mataas na grades e!” ang sabi sa akin ni Carl.
“Wala?” pagtataka ko. “Mama mo ba o papa mo hindi natutuwa pag nakakakuha ka ng mataas na grades?”
“Kailangan ko pa bang ulitin? Sinabi ko na sa iyong walang natutuwa pag nakakakuha ako ng mataas na grades. Ba’t ba ang kulit mo?” pagsusungit ni Carl. Bakit nga kaya? At bigla na lang niyang sinabi sa akin, “Talunin mo si Arlene ha.”
Si Arlene tatalunin ko? E ang balita ko siya lagi ang nangunguna sa klase! Wala pa ngang nakatatalo sa kanya.
“Ayaw ko. Hindi ko kaya,” pagtanggi ko.
Nainis na naman sa akin si Carl, “Mahina ka pala e! Tatalunin mo siya o hahalikan kita?”
Nabigla ako sa sinabi niya. “Ano?” naitanong ko. Napalakas yata ang boses ko kasi napansin kami ni Bb. Aragon na nag-uusap at tama bang tawagin ako? Paano ba naman kasi, lagi na lang akong dinadaldal ni Carl e!
“Ms. Cruz, kanina pa kayo nag-uusap diyan ni Carl. O sige, what is the answer to my question?”
Napatingin ako kay Carl at sinabihan niya ako, “Tumayo ka na.” Ako naman heto, parang robot na sumunod sa sinabi ni Carl.
“Ano ba yung tanong?” pabulong kong itinanong sa kanya nang tumayo ako.
“Adverb,” sagot niya habang nakatingin kay Bb. Aragon. Akala mo naman nakikinig siya sa aralin.
“Adverb yung tanong?” pag-uulit ko.
“Tanga! Adverb yung sagot!” Ano ba iyan! Nasabihan pa akong tanga!
“Ay ma’am, adverb po yung answer!” pagmamalaki ko pang sinabi.
Tinanggap ni Bb. Aragon ang sagot ko, “Right! Ok, take your seat.”
At umupo na nga ako. Napahiya ako roon, grabe ha! Hindi ko naman kasi alam yung tanong at dahil hindi ko nga alam yung tanong, ewan ko kung ano ang isasagot.
“Hindi ka kasi nakikinig e!” nagawa pa akong sabihan ni Carl ng ganoon.
“E paano kasi dinadaldal mo ako,” dinahilan ko naman sa kanya.
At ang loko e nagmayabang pa, “Pasalamat ka alam ko yung sagot. Nakikinig kasi ako.”
Si Bb. Aragon naman, 'di pa talaga nakuntento at ewan ko ba kung intensyon niyang purihin ako o ipahiya ako nang sabihin niya ang, “O, class. Ayan, gayahin ninyo si Ms. Cruz. Kahit nakikipag-daldalan sa katabi, alam pa rin niya ang sagot.” Nagtawanan ang aming mga kaklase. Pinagsabihan din kami ni Bb. Aragon, “Sa susunod makikinig na kayo sa akin ha, Carl and Denise.”
Lalo tuloy kaming tinukso ng mga kaklase namin, “Uyyyyyy... Carl and Denise!” at nakita ko ring nakangiti si Carlo.
Naging mas malapit kami ni Carl sa isa’t isa nang mga sumunod na araw. Wala naman siyang bukambibig kundi ang, “Talunin mo si Arlene. Talunin mo si Arlene.”
Isang araw na nasa library kami, ayan na naman siya, paulit-ulit sa sinasabi niya. Nangangamba rin ako roon sa sinabi niya sa akin noong huling beses, “Tatalunin mo siya o hahalikan kita?” Paano pala kung hindi ko matalo si Arlene edi hahalikan niya ako? Inay ko po! Kapag naiisip ko yun, napapalunok na lang ako. Kadiri! Pag nagkataon, isang bangungot ang first kiss ko.
Lumabas na kami sa library. Habang naglalakad kami, kinulit na naman ako ni Carl.
“Basta, Denise. Talunin mo siya ha!”
Napa-oo na lang ako para matapos na yung pangungulit niya. Tuwang-tuwa naman siya.
“Tapos anong mangyayari pag natalo ko si Arlene?” tanong ko sa kanya. Tama raw bang umasa ng kapalit? Ok na siguro sa akin kahit sabihin niyang ililibre niya ako ng pamasahe sa loob ng isang buwan.
“Edi may reward ka sa akin,” isinagot ng loko.
Natawa ako. Seryoso ba talaga siya sa sinasabi niya? “Ano naman ang reward ko?” tanong kong muli.
“Edi kiss! Hahahaha!” sagot niya habang tumatawa. Sira ulo talaga! Kaya nga ako pumayag sa gusto niyang mangyari kasi ayaw kong makatanggap ng kiss tapos sasabihin niyang ang reward niya ay kiss? Pero hindi pa pala siya tapos magsalita. “Joke lang! Yung reward? Bakit ko naman sasabihin sa iyo? Secret iyon.”
“Sabihin mo na!” pamimilit ko. “Malay mo hindi ko pa magustuhan ‘yang reward mo.”
“Magugustuhan mo iyon no!” kampante niyang sinabi. “Once in a lifetime ka lang makakakuha nun. Sobrang maa-appreciate mo iyon pag natanggap mo.”
Ano nga kaya yung reward na yun? Talagang once in a lifetime ko lang ba makukuha yun o bunga na naman ng kayabangan niya kaya nasabi niya yun?
Naglalakad pa rin kami nang biglang huminto si Carl. Nilingon ko siya at nakita kong may kinakalikot siya sa bag niya.
“Sige, mauna ka na. May kukunin lang ako. Sandali lang ‘to,” sabi niya sa akin. Edi mauna! Kaunting hakbang pa lang ang nagawa ko nang tawagin niya ako, “Denise!” At nang lingunin ko muli siya, nakakita ako ng flash ng camera.
“Ano yun?” itinanong ko sa sarili ko.
Lumapit sa akin si Carl at ipinaypay sa hangin ang isang litrato. Polaroid camera pala ang hawak niya. Nang lumabas na nang malinaw ang imahe ko, tiningnan niya iyon.
“Ang ganda mo pala, Denise! Pag naka-side view nga lang! Hahaha!” pang-aasar niya.
Stolen shot. Natauhan ako. Stolen shot! Hay! Ang sama talaga ni Carl!
“Ang sama mo, Carl!” sabi ko sa kanya.
“Tagal na no!” tugon niya.
“Bakit mo ako pinicture-an?” ang isang malaking katanungang pumasok sa isip ko.
“Bakit, masama ba? Pasalamat ka nga pinipicture-an ka pa. Yung iba nga nagbabayad pa para ma-picture-an sila. Ang arte mo talaga!”
“Patingin naman,” pakiusap ko sa kanya. Ibinigay niya ang litrato.
“Ang ganda mo talaga, Denise!” sabi niya. Alam ko namang nang-aasar lang siya.
“Pag naka-side view nga lang,” dagdag ko at nagtawanan kami.
Nagpatuloy na kami sa walang sawang paglalakad namin. Inangkin niya na yung litrato ko. Ibibigay lang daw niya yun pag binayaran ko na. Naku! 'Di ako mag-aaksaya ng pera para dun no, edi sa kanya na lang yun, bahala siya.
Malapit na kami sa classroom nang may itinanong ako sa kanya. Ilang araw na rin kasi akong binabagabag at siguradong hindi ako matatahimik pag hindi niya pa sinagot ang tanong ko.
“Carl, sino ba si Dara?”
Kapansin-pansin ang pagbabago sa timpla niya nang itanong ko iyon. Ang masaya niyang mukha kanina ay napalitan ng kalungkutan.
“Si Dara…” sabi niyang tila nahihirapan. “Si Dara ay isa na lamang alaala.”
Pagkasabi niya nun, lalo akong hindi napakali. “Alaala?” tanong ko. Biglang nagdatingan ang iba pa naming kaklase. Sumulpot si Gelo, inakbayan niya si Carl at pumasok sila sa classroom. Naiwan akong punung-puno pa rin ng katanungan. Noon, ang itinatanong ko lang sa sarili ko e “Sino ba si Dara?” Pero ngayon, nadagdagan pa, “Bakit alaala na lang si Dara?”
***
No comments:
Post a Comment