No to Plagiarism!

ANYD's NOTE:

It would be very disappointing if I would learn that my works were plagiarized. The truth is I have seen my work in this certain website without even acknowledging ME as the author. Well, I guess it's okay if you would copy some of my works here, and let me know it. I included my e-mail address (ellasdm@yahoo.com) in my profile, so I'm pretty much sure that it won't hurt. Please, just please, don't own my works as if they were yours. Thanks a bunch.

Monday, April 16, 2012

Rhythm of Heartbeat (19)



***
Chapter 19
Raindrops

     Kasalukuyang nasa kainan ang Rascals kasama si Lex. Hindi pa rin makapaniwala si Lex sa nakikita. Nakaupo siya ngayon, napapagitnaan nina Reed na nakaupo sa kaliwa at ni Ivan na nasa kanan. Katapat nila sina Chad na nasa kanan, si Duncan sa kaliwa at si Hans sa gitna. Ang malas nga naman ni Lex, natapat pa siya kay Hans na sa pag-aakala niya ay si Benjo. Hindi niya na maatim na tingnan ang mukha ng binata dahil natatakot siya kaya yumuko na lang siya.

     “M-may third eye yata ako. May third eye rin ba kayo?” ang tanong ni Lex ay para kina Reed, Ivan, Chad at Duncan. Tumawa ang apat.
     “Hoy, Lex! Hindi siya multo, ok?” sabi ni Reed. “Siguro iniisip mong siya si Benjo pero hindi siya si Benjo, ok?”
     “Hindi nga siguro siya si Benjo kasi, ‘di ba, naroon tayo nung namatay si Benjo saka nung inilibing siya?” nakayuko pa rin si Lex. Tumingin na siya kay Reed, “E sino ba talaga siya?”

     Inalok ni Hans ang kamay niya. “Hans Evans,” pagpapakilala niya. Napatingin si Lex sa kanya.

     Dinutdot muna ni Lex ang kamay ni Hans at nang may maramdamang laman saka siya nakipagkamay, “Hindi ako tumagos! Hindi siya multo!”

     “E hindi naman talaga!” sagot ni Reed.
     “So, bakit siya kamukha ni Benjo?” tanong ni Lex. Walang sumagot sa tanong niya dahil walang nakaaalam. Ikinuwento ni Reed kung paano nila nakilala si Hans at maliwanag na kay Lex na si Hans ay hindi si Benjo. Nang sumapit ang tanghali, nagpasya si Lex na humiwalay na sa Rascals.

     Samantala, sa isang restaurant. Lumilibot at tumingin-tingin si Arthur sa paligid para hanapin ang babaeng katagpo niya ngayon. Hindi na kasi siya sigurado kung ganoon pa rin ba ang hitsura ng babaeng katagpo niya dahil matagal na silang hindi nagkikita. Sa isang sulok ng restaurant niya nakita ang babae. Nag-iisa ito gaya ng inaasahan at umiinom ng red wine. Masasabi ni Arthur na napanatili pa rin ng babae ang kagandahan niya pero ‘di hamak na mas maganda ito noong kabataan pa nila. Nilapitan na ni Arthur ang babae.

     “Sorry to keep you waiting, Mildred,” paumanhin ni Arthur.

     Tumingin si Millie kay Arthur. Kung may ipinagbago man kay Arthur, siguro ay ang istilo ng buhok lamang. Lahat ay katulad pa rin ng dati. “It’s ok,” sagot ni Millie. Kapansin-pansin ang kalungkutan sa kanyang mga mata.

     “Roces pa rin ba?” tanong ni Arthur.

     Umiling si Millie, “Matagal nang hindi. I am now Mildred Evans. Hindi na ako yung dating Mildred Roces na kilala mo. Call me Millie,” sagot ni Millie. “Have a seat, please,” alok niya.

     Umupo na si Arthur. “It’s been a long time,” sabi niya. Sinubukan niyang bilangin kung ilang taon na ang nagdaan mula nung huli silang magkita ni Millie.

     “It doesn’t matter,” sabi ni Millie. “Mag-aaksaya ka lang ng oras kung bibilangin mo pa.”
      “A oo, maybe tama ka. Alam mo bang na-surprise ako kasi ‘di ko inaasahang tatawagan mo ako? Saan mo nakuha ang number ko?”
     “It doesn’t matter,” mapait na sagot ni Millie.
     “Masungit pa rin pala siya,” isip ni Arthur. Ito siguro ang katangian ni Millie na hindi nabago sa kanya kahit lumipas pa ang panahon. “So, ano ang pag-uusapan natin?”

     Nilapitan na sila ng waiter at walang nagawa ang dalawa kundi ang um-order ng pagkain. Nang umalis na ang waiter, tinuloy na nila ang usapan nila.

     “This morning nagpunta ako sa cemetery,” pagbabahagi ni Millie.

     Ikinagulat iyon ni Arthur, “First time mong dumalaw?”

     “Yes, it’s my first time. And I’ve found out that their son…” mahirap para kay Millie na sabihin ang sunod na linya, “…patay na rin pala.”
     “He was shot,” mabilis na sagot ni Arthur. Ikinagulat ni Millie iyon. “He died about a year and many months ago. I admire the boy. He saved my daughter and his other friends. Sinakripisyo niya ang buhay niya para sa kanila.”
     “Your daughter? Hmm. Could it be Eliza?” pagbabaka-sakali ni Millie.
     “Paano mo nalaman?” pagtataka ni Arthur. Sigurado naman siyang hindi kilala ni Millie kung sino ang mga anak niya.
     “She’s in the cemetery, too. So she’s your daughter. She’s lovely,” papuri ni Millie.
     “She resembles her mom and si Nerissa, yung panganay ko, siya ang kamukha ko.”

     Dumating na ang waiter dala ang order nila. Inilatag iyon sa lamesa. Sumubo na ng pagkain ang dalawa. Binuksan muli ni Millie ang usapan.

     “So Eliza is… —Anong pangalan ng anak ni Rico? Benjo? —Is she his friend?”

     Sumang-ayon si Arthur, “Benjo nga. Oo, bestfriend ni Ellie si Benjo and si Neri, boyfriend niya naman yung anak ni Rich, si Reed.”

     “Hindi lang pala ikaw kundi pati mga anak mo e connected sa mga Salas.”
     “Ganun na nga,” tugon ni Arthur. “Pero hindi naman nila alam na kaibigan ko sina Rich at Rico.”

     Ngumisi si Millie, “Hindi nila alam na best of friends kayo nina Kuya Rich at Rico? Why?”

     Uminit ang mga sumunod na pangyayari dahil sa sagot ni Arthur.

     “Baka magulat lang sila at mag-usisa, baka ungkatin pa ang tungkol sa buhay ng mga Salas. Puwedeng magtanong sila tungkol sa pagkamatay nila, tungkol sa aksidente. Syempre, lilitaw ang pangalan mo. Ang masama pa, nagkita na pala kayo ni Ellie at baka makarating din kay Neri. Siguradong ‘di nila magugustuhan pag nalaman nila ang tungkol sa iyo.”

     Hindi makapaniwala si Millie, “Sinisisi mo pa rin ako sa pagkamatay nila? Hindi ko kasalanan yun! Kung merong dapat sisihin, si Bernadette yun dahil siya ang nagmamaneho ng kotse!”

     “Well, let’s not just talk about it anymore. Matagal na rin yun, seven years I believe,” pag-iwas ni Arthur sa usapan.
     “‘Yan na nga bang sinasabi ko! Hindi ninyo ako mapatawad dahil sa tingin ninyo ako ang may gawa ng pagkamatay nila! Pero pag sinasabi kong si Bernadette ang may gawa, nagkikibit-balikat lang kayo! You know what, Arthur? Bernadette deserves her death!”
     “How about Rich and Rico? Deserve din ba nila ang death nila? Kahit saang anggulo mo tingnan, dahil pa rin sa iyo yun. Hinabol ka nila. Ikaw ang may kagagawan,” ibinubuntong pa rin ni Arthur ang sisi kay Millie. Tumayo na siya at nagpaumanhin. Hindi niya na nga inubos ang pagkain niya, “Sorry Mildred, but I can’t stay for long. Some business people are waiting for me. Let’s meet some other time.” Pinayagan na siya ni Millie na umalis.

     Sumapit na ang gabi. Ito ang oras na laging kinatatakutan ni Millie. Nandito siya sa terrace, mag-isang umiinom ng red wine.

     “Hindi na naman ako makakatulog nito,” sabi niya sa sarili. “Bakit ba lagi ko na lang silang napapanaginipan? Si Kuya Rich… Si Bernadette… Si Rico… Ang aksidente… Hindi ko naman talaga kasalanan yun e! Bakit ba ako ang sinisisi ng lahat?”

     Matapos makaubos ng isang baso ng red wine, beer naman ang napagbalingan niyang inumin. Nagpunta siya sa kusina at kumuha sa ref ng tatlong bote. Lumabas siya ng bahay at umupo malapit sa main door. Doon siya uminom para na rin abangan ang pagdating ni Hans na alas nuebe na ay hindi pa rin umuuwi ng bahay.

     Lumipas pa ang isang oras. Pakiramdam ni Millie ay napakatagal na ng paghihintay niya. Hanggang sa bumuhos na ang malakas na ulan ay wala pa rin si Hans; nag-aalala na siya. Naisipang magpunta ni Millie sa gate ng bahay nila para doon na lang mag-abang sa pagdating ng anak. Tumayo siya pero natumba siya bigla. Lasing na pala siya. Hindi naman kasi siya sanay uminom ng beer at ang dami pa ng nainom niya. Sinubukan niyang bumangon at pasuray-suray siyang naglakad.

     Matagal bago niya naramdaman ang pagdampi ng patak ng ulan sa kanyang makinis na balat. Malamig ang bawat patak. Napahinto siya at tumayo na lamang. Bumalik bigla sa alaala niya ang nangyari sa nakaraan. Naalala niya ang araw na ipinakilala ni Rico si Bernadette sa kanya. Umulan noon at noong naganap ang aksidente, umuulan din. Ganito ang lamig na naramdaman niya. Ganito ang pakiramdam ng taong walang karamay.

     Maya-maya’y may naaninag siyang nakasisilaw na liwanag. Nanggagaling pala ang liwanag sa head light ng kotse; dumating na pala si Hans. Nakita ni Hans na nagpapakabasa sa ulan si Millie; nakatayo pa ito at nakaharang sa daan. Binusinahan niya si Millie pero hindi ito natinag sa kinatatayuan.

     Naasar si Hans, “Oh great!” Bumaba siya sa kotse at nilapitan si Millie. “Mom, what are you doing out here? You’re soaking wet!” Basang-basa na ang manipis na suot ni Millie at bakas na ang damit-panloob niya.

     “R-Rico?” tanong ni Millie nang makita ang mukha ni Hans. Mukhang wala na siya sa katinuan.
     “Huh? Who the hell is Rico?” pagtataka ni Hans.
     “R-Rico!” nakitaan ng ngiti si Millie.
     “Mom, are you… Are you drunk?”

     Biglang niyakap ni Millie si Hans. “Rico, ikaw nga!”

     “Hey mom! Cut it out!” Nagpumiglas si Hans. “I am not Rico, I am Hans,” sabi niya habang sinusubukang tanggalin si Millie sa pagkakayakap sa kanya. Pero mahirap palang kalabanin ang lasing.

     Kumalas din naman si Millie sa pagkakayakap matapos ay hinawakan niya ang magkabilang pisngi ni Hans. Ang kanang kamay niya ay nakahawak sa kaliwang pisngi ni Hans at ang kaliwang kamay ay nasa kanang pisngi. Hinayaan na lang ni Hans si Millie tutal e lasing naman ito at pareho na rin silang nabasa ng ulan.

     “I love you, Rico,” sabi ni Millie kay Hans.
     “The hell I care!” iritang sagot ni Hans. Nagulat na lang siya nang bigla siyang hinalikan ni Millie at diniin pa nito ang mga labi niya. “Hey, mom! What are you doing?” Nandidiri si Hans. Sinubukan niyang alisin si Millie pero malakas ito. Nanlaban pa rin siya at hindi nagpatalo, at nang magkaroon ng pagkakataon, itinulak niya si Millie. Napaupo ang kanyang ina. Siya naman ay nagmadaling pumasok sa loob ng bahay.

     Dali-dali siyang nagtungo sa banyo. Nakasalubong pa nga niya si Kyle. Nagtaka si Kyle nang makitang basang-basa ang kapatid at mukhang galit pa.

     “Ba’t ka basa? Butas payong mo?” natatawang tanong ni Kyle sa galit na kapatid.
     “It’s disgusting! Mom kissed me!” naghahalo ang galit at pandidiri sa damdamin ni Hans. Itinuro niya ang parteng hinalikan ni Millie, sa labi.

     Nagulat si Kyle, “Ha? Hinalikan ka riyan?”

     “She's drunk!”
     “Teka, nasaan siya?” nag-aalala si Kyle.
     “In hell!” sigaw ni Hans. Iniwanan niya si Kyle at nagpunta sa banyo para hugasan ang bibig niya.

     Agad na lumabas si Kyle dala ang isang payong at nakita si Millie na nakaupo, nakayuko at basang-basa ng ulan. Nilapitan ni Kyle si Millie, bahagyang umupo, at sumukob sila sa payong. Umiiyak si Millie. Awa ang naramdaman ni Kyle para sa ina nang sandaling iyon. Isinandal niya ito sa kanyang dibdib at dinamayan niya ang kanyang ina. Napanatag si Millie nang maramdaman ang init ng yakap ni Kyle, ang init ng yakap ng kanyang anak… ang yakap ng isang tunay na anak. Sa buong buhay niya, ito ang unang beses na pakiramdam niya ay may dumamay sa kanya.

***

No comments:

Post a Comment

Flying Dark Blue Butterfly
Got My Cursor @ 123Cursors.com
Cute Blue Flying Butterfly