***
Chapter 20
Who Am I?
Matapos ang nangyari kagabi, hindi na muna ninais ni Hans na kausapin si Millie. Kahit na nandito pa sila pareho sa living room at nanonood ng TV, hindi nagpapansinan ang mag-ina. Gamit ang remote control, pinalilipat-lipat ni Hans ang channel ng TV. Napakabagal ng oras sa loob ng bahay at kapag kasama mo nga naman ang taong ayaw mo, siguradong maiinis ka lang lalo. Yun na nga ang nararamdaman ni Hans ngayon. Nang mapagod na sa kalilipat, pinatay niya na ang TV at tumayo.
“Where are you going?” tanong ni Millie nang makitang tumayo si Hans.
Hindi sumagot si Hans. Tinitigan niya sandali ang kanyang ina tapos ay naglakad na siya. Sinundan siya ni Millie. Sinadya niyang bilisan ang lakad niya nang mapansing sinusundan siya ng kanyang ina. Hindi na umimik ang mga kasambahay nang mapansing parang naghahabulan ang dalawa. Nang makarating na sa main door, natigilan si Hans nang mahawakan siya ni Millie sa kamay, banda sa pulso. Napalingon siya.
“I’m sorry,” sabi ni Millie sa kanya. “Kyle told me what happened last night. I didn’t mean to do that to you, Hans.”
“Let go!” madiing sabi ni Hans. Hindi sumunod si Millie. Nagalit si Hans. “Let go!” ulit niyang pasigaw. Bumitiw na si Millie. Lumabas na si Hans ng bahay at tuluyang umalis sakay ng kotse.
Nagbuntong-hininga si Millie nang nawala na sa paningin niya ang kotseng sinasakyan ni Hans. Pagkatapos, nagtungo siya sa terrace at nagpalipas ng oras sa kaiinom ng red wine.
Naging abala naman sa pagmamaneho si Hans. Hindi niya alam kung saan siya pupunta o kung sino ba ang pupuntahan niya. Natatawa siya sa sarili dahil lumabas siya ng walang direksyon upang takasan lang si Millie. Naaasar lang siya lalo kapag naaalala ang nangyari kagabi. Sabagay, lagi naman siyang naiinis kay Millie.
Wala siyang ibang lugar na mapupuntahan kaya tinungo na lang niya ang Unibersidad. Ipinarada niya ang kotse sa ‘di kalayuan nang marating ang lugar. Bumaba na siya at naglakad sa mahabang daanang papasok sa Unibersidad. Bawal dumaan ang kotse sa daanang ito.
Kasalukuyan na niyang nilalakaran ang patag na sementong daanan. Ang magkabilang panig ng malawak na lupaing ito ay natatamnan ng punong pagkarami-rami at mapapansin din ang mga poste ng ilaw na nagpapaningning sa daanan tuwing gabi. Mabilis siyang naglakad hanggang sa marating niya na ang tarangkahan ng Unibersidad. Sumandal siya at kinuha ang cell phone sa kanyang bulsa. Tinawagan niya si Iris.
Kasalukuyang nagkaklase nang marinig ni Iris na tumutunog ang cell phone niya na nakalagay sa bag niya. Binuksan niya ang bag niya at kinuha ang cell phone.
“Huh? Si Hans?” pagtataka niya.
Itinaas niya ang kamay niya at humingi sa propesor ng pahintulot para makalabas ng silid-aralan. Sinabi niyang may tumatawag kaya pinalabas siya sandali ng silid-aralan upang sagutin ang tawag.
Sinagot niya na ito, “Hello?”
“Hey, Iris! It’s me, Hans,” sagot ni Hans.
“Alam ko,” sabi ni Iris. “Bakit napatawag ka? May klase ako.”
“Oh, I’m sorry,” paumanhin ni Hans. “Hmm. I need company but since you have your class, I guess I’ll be waiting for you at the University’s gate. Bye-bye, Iris!” Ibinaba na ni Hans ang tawag.
“Sa gate,” tinandaan ni Iris. Bumalik na siya sa silid-aralan.
Nang matapos ang klase, nilapitan ni Kyle si Iris na kasalukuyang nag-aayos ng mga gamit.
“Sino yung tumawag sa iyo, sis?” tanong ni Kyle.
“Si Hans,” sagot ni Iris. “He needs company daw e!” Matapos maayos ang gamit, tumayo na siya at lumabas na sila ni Kyle sa silid-aralan. “Hindi muna ako papasok,” sabi niya kay Kyle habang naglalakad sila.
“So sasamahan mo si Hans at iiwan mo ako, ganun ba?” tila nagtatampo si Kyle.
Napahinto si Iris, “Galit ka ba?” tanong niya sa kaibigan.
Dire-diretso lang si Kyle sa paglalakad, “Hindi, nagtatampo lang.” Sinundan siya ni Iris.
“Uy, Kyle! ‘Wag ka namang ganyan!” pakiusap ng dalaga.
“‘Wag mo na akong sundan. Sige na, ‘wag ka nang pumasok. Samahan mo na lang si Hans.”
“Teka, bakit ka ba nagkakaganyan?” pigil ni Iris sa kaibigan.
Tumigil si Kyle sa paglalakad. “Dahil nagseselos ako,” seryoso niyang sagot.
“What do you mean nagseselos ka? Teka, don’t tell me may gusto ka sa akin?”
Umikot ang mata ni Kyle, “Asa ka naman, sis! ‘Di tayo talo no! Naiinis lang kasi ako, alam mo yun, nakukuha agad ni Hans ang atensyon na gusto niya. Tingnan mo, napalapit siya kaaagad sa’yo saka sa iba pang kaibigan mo. Pati si mommy siya ang gusto! Nagseselos ako kasi isang tawag niya lang sa iyo nandiyan ka na.”
“Bakit, hindi ba ako ganoon sa iyo? Nandito lang din naman ako palagi ha! ‘Di ba nga mag-sis tayo?”
“Pero iba pa rin si Hans.” Nagbuntong-hininga si Kyle, “Hay! Sabagay, may crush ka nga pala dun.”
Natawa si Iris, “Sira ka ba? Ako may gusto kay Hans?”
“Oo, meron!”
“Hello? Wala akong gusto sa kanya no! Aaminin ko, kaya ko gustong mapalapit sa kanya kasi kamukha niya si Benjo at si Benjo ang gusto ko. Saka iniisip kong textmates kami. Yun lang.”
“Hindi mo talaga siya crush?” tanong ni Kyle, naninigurado.
Umiling si Iris, “Hindi no! Talaga ‘to o! Kaya ‘wag ka nang magselos, ok?” Nagpaalam na siya. “O sige ha, hinihintay na ako ni Hans. Ok lang ba na iwan kita?”
“O sige na nga,” pagpayag ni Kyle. “Ingat, sis!”
“Babye!” paalam ni Iris. Tuluyan na siyang umalis.
Pinuntahan na nga ni Iris si Hans. Nakita niyang nakatayo at nakasandal ito sa gate ng Unibersidad. Mukhang kanina pa ito naghihintay sa kanya. Kinalabit niya ang binata nang malapitan niya na ito at nang makita siya ni Hans, napangiti ito.
“Hi! Sorry kung matagal ako,” paumanhin ni Iris.
“It’s ok,” sagot ni Hans. “Shall we go now?” tanong ng binata. Tumango si Iris at naglakad na ang dalawa papunta sa kotse.
Pinagbuksan ni Hans ng pinto si Iris at sumakay na rin siya. Sunod, pinaandar na ni Hans ang kotse. Naisipan niyang dalhin si Iris sa parke kung saan sila unang nagkita.
Narito na sila ngayon sa parehong puwesto, sa lilim ng punong mangga. Tahimik ang paligid at kahit pa tahimik rin sa bahay nina Hans, ang katahimikang ito ay malayung-malayo kumpara roon. Ang katahimikang ito ay nangangahulugan ng kapayapaan samantalang sa bahay nila ay kalungkutan. Nakaupo sina Hans at Iris. Magkatabi ang dalawa, si Hans sa kanan at si Iris sa kaliwa. Nakasandal sila sa punong mangga. Tahimik lang din ang dalawa at parehong nakikinig sa huni ng mga ibon. Ang ibang ibon ay tumatalon-talon sa lupa samantalang ang iba ay palipat-lipat sa sanga ng puno. Kinakabahan nga si Iris sapagkat ngayon lang niya nakatabi nang sobrang lapit si Hans.
“Iris, may I hold your hand?” ang narinig ni Iris kay Hans.
“Huh? My hand?” kinabahan lalo si Iris.
“May I?”
Ibinigay ni Iris ang kanang kamay at hinawakan ito ng kaliwang kamay ni Hans. Kinilabutan si Iris. Si Hans pa lang kasi ang nakahawak nang ganito sa kamay niya. Iba pala ang pakiramdam ng ganoon.
“Your hands are cold. Are you nervous?” tanong ng binata. Tumango si Iris. “Don’t be,” sabi ni Hans sa kanya. Hinigpitan pa nito lalo ang paghawak at sinabi, “I want to hold your hand forever…”
Nagulat si Iris, “Anong ibig mong sabihin?”
“I like you, Iris,” walang pag-aalinlangang sinabi ni Hans.
Tila ba kumirot ang puso ni Iris dahil sa sinabi ni Hans at dahil na rin sa sinabi niya kanina kay Kyle na,
“Aaminin ko, kaya ko gustong mapalapit sa kanya kasi kamukha niya si Benjo at si Benjo ang gusto ko.”
Nalito na tuloy si Iris sa nararamdaman niya. Lalo pa siyang nalito nang may inamin si Hans sa kanya.
“I like you ever since we first texted each other and I like you even more when I met you. I’m happy because even though we are not seeing each other so often, you never failed to text me and I never failed to think of you. I like you so much, Iris,” pagtatapat ni Hans. Nagpasalamat din siya, “Thanks for being here… by my side.” Humiga siya sa kanang balikat ni Iris.
Hindi na nakapalag si Iris. Pumikit na lang siya at hinayaan si Hans na humiga sa balikat niya pero kakabit nito ay isang hiling,
“Sana si Benjo ka na lang…”
Sa mansyon ng mga Evans. Alas nuebe ng gabi umuwi si Hans sa bahay nila. Gaya ng inaasahan, nakaabang na naman si Millie sa kanya. Malayo pa lang, tanaw niya na ang kanyang ina. Nang dumaan na siya sa main door, nagtanong na naman ito sa kanya.
“Where have you been?” Maayos ang kondisyon ni Millie. ‘Di siya tulad ng kagabi na lasing at wala sa sarili.
“Why are you always asking me?” irita na naman si Hans.
“Just answer it!” matigas na sabi ni Millie.
Nagtuloy-tuloy lang si Hans pero nang sinabi ni Millie ang, “Kyle told me that you are with Iris,” natigilan siya. Humarap siya kay Millie. “Yeah, I’m with her, what about?”
“Is she your girlfriend?” tanong ni Millie habang papalapit kay Hans.
“Soon to be,” sagot ni Hans.
“So she’s the reason why you’re always outside, why you’re not staying home,” pagtatanto ni Millie.
“Probably, but the main reason why I don’t like to stay here is YOU! I don’t like you!” sabi ni Hans sa ina. “And the way you treat me like a baby? I’m sick and tired of it!”
Hindi na napigilan ni Millie ang sarili at sa sobrang galit niya dahil sa sinabi ni Hans, nasampal niya ito. “Don’t talk to me that way!” nanginginig siya.
Hinimas ni Hans ang pisnging sinampal ni Millie. “You slap me.” Nagbigay siya ng nakakalokong ngiti, “You have the guts to slap me even though you’re not my real mother. You’re very brave.”
Nagulat si Millie, “What are you talking about?”
“Tell me, mom. Who am I really?” tanong ni Hans.
Sinubukang pakalmahin ni Millie ang sarili niya pero habang ginagawa iyon, pilit lang bumabalik sa isip niya ang mga nangyari. Hindi mawala-wala sa isip niya ang masayang mukha ni Bernadette nang ipakita nito ang mga supling niya sa kanya. Naririto pa rin ang imahe nina Rico at Bernadette na tuwang-tuwa habang karga nila ang mga anak nila. At ang kasiyahan ng mag-asawa ay naging panandalian lamang nang dahil na rin sa kanya.
“You are…” tila nag-iipon ng lakas si Millie para makapagsalita.
Bumalik na naman sa alaala niya ang araw ng aksidente. Hindi niya makalimutan ang gulat na mukha ng mag-asawa nang magkita-kita sila. Halos mabaliw siya nang malamang namatay sina Rich, Rico at Bernadette nang dahil sa paghabol sa kanya.
“You are…” ang unang sinabi ni Millie kay Hans. Hinihintay ni Hans ang sunod na sasabihin ni Millie. “…Robert and I’s son. You are Hans Evans. You are our son.”
Nang marinig iyon, hindi na sinubukan pang makipagtalo ni Hans. Umakyat na lang siya at nagkulong sa kuwarto. Ramdam niyang hindi talaga si Millie ang tunay niyang ina at hindi siya nito anak. Alam niya iyon dahil sa ipinakita sa kanya ni Iris. Nagpunta kasi sila sa libingan ni Benjo at nag-alay si Iris ng bulaklak.
“So, this is Benjo’s grave,” sabi niya kay Iris.
“Yes. This is Benjo’s, his father’s and his mother’s grave,” sagot ni Iris.
At nakita niya ang mga pangalang nakaukit sa lapida: Rico Salas, Bernadette Salas at Benjamin Rico Salas. Nagulat siya nang makita ang pangalang Rico. Kung ‘di siya nagkakamali, iyon ang pangalang binanggit ni Millie nang malasing ito.
“I love you, Rico…”
Nakalagay sa lapida ang petsa ng kapanganakan at kamatayan ng tatlo. Ang petsa ng kamatayan ng mag-asawa ay ang petsa ng kaarawan ni Hans, May 21 at isang araw matapos ang petsang ito ay ang kaarawan naman ni Benjo. Ipinanganak si Benjo sa parehong taon kung kailan ipinanganak si Hans.
***
No comments:
Post a Comment