Paunawa: Hindi ko lubos na kilala ang mga mukhang inyong nakikita. Nakuha ko lang iyan sa isang social networking site. Kung may nakakakilala man sa kanila, pakihayag na lang ang lubusan kong paghingi ng paumanhin dahil sa pagkuha ng mga litrato nila...... Para sa kalokohan kong istorya...
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
***
Kabanata 5
“Wala pa rin ba yung kuya mo?” tanong ni Carlo sa akin. Mukhang naiinip na rin.
“Wa-wala pa e! Ang tagal naman niya. Sabi ko sa kanya sunduin niya ako e!” sagot kong kunwari ay naaasar. Wala pa si kuya kasi wala naman siya talaga!
“Gusto mo ihatid na lang kita?” tanong uli niya.
Nagulat ako, “Ano?” Hindi ako pumayag. “Naku, naku, huwag na! Nakakahiya naman sa iyo. Huwag na, huwag na!”
“O sige, hintayin na lang natin nang kaunti pa yung kuya mo. Baka dumating na rin yun.”
Nanatili kami nang ilang sandali. Dumaan pa ang maraming jeep at lumipas na ang kalahating oras ng aming paghihintay.
Tinanong ko siya, “Hindi ka pa ba uuwi? Baka nag-aalala na yung kuya mo…”
Sinagot niya ako, “Hay, bayaan mo siyang mag-alala kung gusto niya. Isa pa, wala naman talagang paki iyon kung nasaan ako. Haha!”
Walang pakialam? Sabagay, halata naman. Pero paano niya nasasabi ang mga ganoong bagay nang walang inaalalang masasaktang tao? ‘Di ko nga alam kung nagbibiro lang ba siya nang sabihin niya yun. Ibinaling ko na lang ang atensyon ko sa ibang bagay at tinanong siya ng, “Bakit ka na-late kanina?”
Sinagot naman niya ang tanong ko, “A… kasi ano… kasi… naligaw ako! Hehehe. ‘Di ko mahanap yung classroom e.”
“Naligaw ka? E 'di ba matagal ka nang nag-aaral dito?” Ganoon na lang ang pagtataka ko.
“Hindi a! Lumipat ako ng school kasi nainggit ako kina ate at kuya. Sa isang school lang kasi sila pumapasok.”
“Ibig sabihin new student ka rin?”
“Oo.”
“'Di lang pala ako ang new student, pati pala ikaw. Magkaiba pala kayo ng school ng Kuya Carl mo. Saan ka nag-aaral dati?”
Nang sabihin ko ang pangalan ng kuya niya, binigyan niya ako ng kakaibang tingin at ang sabi niya, “Ikaw ha, alam mo na kaagad ang pangalan ng kuya ko! Type mo siya?”
Nairita ako sa sinabi niya at ang tugon ko naman, “Ang kapal ha!” Ano ba yun? Type ko raw si Carl e ang yabang nun!
“Uy, hindi, biro lang!” Humingi siya ng paumanhin, “Sorry, niloloko lang naman kita, nagalit ka na kaagad.”
“Sino namang nagsabing galit ako?” tanong ko sa kanya. Tumahimik na lamang siya at ako naman ang nagtanong, “Uy, Carlo. Galit ka ba?”
Nginitian niya ako, “Sira ka talaga. Hindi ako galit no.” In fairness, ang cute ng smile niya ha. Hay…
Lumipas pa ang ilang minuto. Tumingin siya sa relo niya, “Lagpas na ala-una. Wala pa rin ba yung kuya mo?”
Tumingin-tingin ako sa paligid, “Siguro hindi na siya dadating.” Kaya sinabi ko kay Carlo, “Uuwi na lang akong mag-isa.”
“E kung isabay mo kaya ako?” mungkahi niya.
Ay oo nga pala! Sinamahan niya nga pala akong maghintay. “Huwag kang magpapalibre ng pamasahe ha!” biro ko.
Nginitian niya na naman ako, “Oi! Hindi ako ganoon no! Gusto mo ikaw pa ilibre ko riyan e.” Pinara niya yung jeep na sasakyan namin. Walang ibang nakasakay. Driver lang ang laman.
“Yes! Kaming dalawa lang,” isip ko at masaya talaga ako.
“Ok na ito. Sobrang luwag o,” sabi niya sa akin.
Isinampa ko na ang mga paa ko at sumakay na. Siya ay ganoon din, pero bago pa siya tuluyang makasakay, may tumawag sa kanya.
“Carlo!”
Tumingin ako sa labas ng bintana para malaman kung sino iyon. Huh? Si Mr. Walang Galang?! Hala! Malas! Bakit nandito siya? E kanina pa umuwi yun ha!
Hingal na hingal si Carl at niyaya siya ni Carlo na sumakay. “O kuya, sakay na!” panghihikayat niya rito.
“Ano ka, si Ate Shawi? Superferry ba ‘to ?” pamimilosopo naman ni Carl.
“Nakakairita ‘tong lalaking ito. Palagi na lang nang-aasar,” isip ko.
Tatlo lang kami sa loob ng jeep at yung driver syempre. Ang nakapagtataka pa e ang luwag-luwag ng jeep tapos tumabi pa sa akin si Mr. Walang Galang. Nakakailang pag ganoon, syempre 'di mo pa naman siya gaanong kilala tapos bigla ka na lang tatabihan.
Bumulong siya sa akin, “Libre mo naman ako ng pamasahe.”
“Ano?” tanong ko.
“E hindi, sabi ko Carlo ilibre mo ako ng pamasahe,” pagpapalusot niya.
Dumukot si Carlo ng pera sa bulsa ng pantalon niya at binigyan ang kapatid niya. “O, ayan!”
“Thanks, bro!” pagpapasalamat nito. “Manong, bayad po.”
Ako ang nag-abot ng bayad nila at isinabay ko na rin ang sa akin. Habang nagmamaneho yung driver ay pinatutugtog sa radyo yung kantang ginamit doon sa libing ni mama. ‘Remember Me This Way’ ang title. Napakabilis niyang magmaneho kaya lahat tuloy ng hangin ay humahampas sa mukha ko. Biglang napuwing ang mata ko at halos maluha-luha na ako. Pinatutugtog pa rin yung kanta at kinusot ko ang mata ko. Napansin ako ni Carl.
“Bakit umiiyak ka? Naiiyak ka sa kanta? Mukha ka namang tanga!”
“Hindi! Napuwing lang yung mata ko.”
Naku! Bababa na pala ako. At daldal pa rin nang daldal si Carl.
“Palusot ka pa! Naaalala mo siguro yung boyfriend mo kaya ka nagkakaganyan.”
“Nang-iinsulto ka ba? Wala pa ako nun!” sigaw ko at nagpara na ako. Bababa na lang ako may nang-iinis pa.
Umandar na muli ang jeep. Tumingin si Carl kay Carlo at sinabi niya, “Talaga ha? Wala pa siya nun? Edi may pag-asa pala ako.”
Ngumiti lang si Carlo at tumingin na lang sa labas ng bintana. “Puro ka kalokohan, Kuya Carl. Huwag mo na ngang pagtripan yung tao.”
Tinawanan ni Carl ang kapatid niya, “Tao ba iyon?”
“Ikaw talaga. Ang sama mo!” sabi ni Carlo sa kanya.
Ang sinasakyan nila ay nagpatuloy sa pagtakbo at ganoon rin naman ako sa paglalakad ko. Nang makarating na ako sa bahay, agad akong nagsulat sa diary ko.
“… Ang klase, masaya ang araw na ito. Ito ang unang araw…”
***
Nakakabitin naman po... :)
ReplyDelete