No to Plagiarism!

ANYD's NOTE:

It would be very disappointing if I would learn that my works were plagiarized. The truth is I have seen my work in this certain website without even acknowledging ME as the author. Well, I guess it's okay if you would copy some of my works here, and let me know it. I included my e-mail address (ellasdm@yahoo.com) in my profile, so I'm pretty much sure that it won't hurt. Please, just please, don't own my works as if they were yours. Thanks a bunch.

Sunday, April 15, 2012

Rhythm of Heartbeat (11)



***
Chapter 11
Alias Soulm8

     “Anong drama ‘to?” tanong ni Reed nang makitang umiiyak si Ellie, tatawa-tawa pa nga. Binigyan siya ni Neri ng masamang tingin. Natakot siya kaya’t itinikom niya na lang ang kanyang bibig at sumipol na lamang.
     “Anong ginagawa ninyo rito?” tanong naman ni Neri kina Iris at Ellie.

     Si Iris ang sumagot, abala pa kasi si Ellie sa pag-iyak, “Uhmm. Pinuntahan kasi namin ni Ellie yung kaibigan ko e. Pauwi na nga kami.”

     “E anong nangyari kay little sister? Bakit siya umiiyak?”

     Pinahid ni Ellie ang mga luha niya, “Wala ito. Wala! Namiss ko lang kasi bigla si Benjo.” Hinila niya si Iris at sumakay na sila sa kotse.

     Nagkatinginan sina Neri at Reed. Pumasok na rin sila pagkatapos. Pinaandar na ni Neri ang kotse at binaybay na nila ang daan. Inihatid muna nila pauwi si Iris. Pagkababa ni Iris, bumaba rin si Reed at kinausap ito sandali. Nang pumasok na si Reed, pinaandar na ni Neri ang kotse at si Reed naman ang inihatid. Panghuli, ang magkapatid na Neri at Ellie na ang bumaba ng kotse. Ipinarada na ni Neri ang kotse samantalang dumeretso naman si Ellie sa silid niya.

     Binuksan niya ang ilaw, umupo siya sa kanyang kama at nagtanong, “Bakit kamukha mo si Benjo?” Hawak niya ang recent photo ni Hans. Kinuha niya pala mula sa photo album. “Bakit?” isa iyong palaisipan sa kanya. Itinago niya na ang litrato sa drawer ng kanyang study table at sinigurado niyang walang ibang makakakita ng litratong iyon.

     Kinaumagahan, sa mansyon ng mga Evans. Nagdidilig ng mga bulaklak si Kyle nang may biglang umakbay sa kanya.

     “Ay, anak ng kabayo!” bigla niyang naisigaw.

     Tumawa si Hans, “Haha! What the heck did you just said? Hey! Calm down. It’s only me.”

     Nainis si Kyle. Umagang-umaga bubwisitin na siya ng kapatid niya. Kagagaling pa naman niya sa simbahan. “At bakit ka nakaakbay sa akin? Kadiri ka! Naligo ka na ba?” pagtataray ni Kyle.

     “It’s none of your business, brother-slash-sister!” Halatang kagigising lang ni Hans, dahilan upang 'di siya makasama sa simbahan.

     Tinanggal ni Kyle ang kamay ni Hans na nakapatong sa balikat niya. Pinagpag niya ang kanyang mga kamay pagkatapos.

     “I bought a new phone and a SIM card yesterday,” biglang sinabi ni Hans.

     Tinaasan siya ng kilay ni Kyle, “So what?”

     “Hmm. May I borrow your cell phone?” nahihiyang tanong ni Hans.
     “Anong gagawin mo roon?”
     “I need… Uhmm. Textmate!”

     Natawa si Kyle, “Haha! Ang cheap mo ha!” Pinayagan niya rin naman ang kapatid, “Nandoon sa kuwarto ko, kunin mo.” At pinaalis, “Sige na, umalis ka na! Busy ako. Sabihin mo na lang sa akin kung sino ang engot na nag-reply sa iyo.” Ipinagpatuloy niya na ang pagdidilig.

     Natuwa si Hans. “Thanks,” pagpapasalamat niya. Nagpunta na siya sa kuwarto ni Kyle.

     Nasa ayos ang lahat ng gamit ni Kyle. Nakalagay pa rin ang cell phone nito sa dating kinalalagyan: sa tabi ng lampshade, malapit sa isang picture frame. Kinuha ni Hans ang cell phone, kinalikot at nagulat dahil may nakita siyang pangalan na pangalan din ng ex girlfriend niya: Hannah. Pinili niya ang pangalang kasunod ng Hannah.

Hi Iris!

     Ang nabasa ni Iris nang may dumating na text message.

     “Huh? Sino ‘to?” pagtataka niya. Number lang kasi ang lumabas. Ibig sabihin, hindi ito naka-register sa phone book niya. Kasalukuyan siyang nanonood ng paborito niyang soap opera at ayaw niyang maabala. “Hu u?” mabilis niyang nireply.
     “Hmm. Juz call me soulm8 ‘coz I’m ur soulm8! Hehe!” sagot nito.

     Tinitigan ni Iris ng ilang sandali ang text message at napailing, “Soulmate huh? E kundi ba naman sira ulo ito, naniniwala pa sa soulmate!”

     Pero matapos noon, kahit sinabihan niya pang sira ulo ang taong nag-text sa kanya, iniwanan niya ang paborito niyang palabas para makipag usap kay soulm8.

     Sumapit ang gabi. Nagpaalam na si Iris kay soulm8 dahil biglang sumugod si Neri sa bahay nila at niyaya siya, may pupuntahan daw sila. Hindi niya na nasabi kay soulm8 kung saan siya pupunta nang tanungin siya nito dahil hindi rin niya alam at mukhang madaling-madali na si Neri.

     Kasabay nito ay nagkita-kita ang mga miyembro ng bandang Rascals. Tutugtog sila ngayong gabi sa isang malapit na bar. Ganito na ang naging sideline nila. Kumikita sila ng pera sa pamamagitan nito. Pambayad na rin sa mga gastusin.

     Sa tuwing sila ay tumutugtog, ibinabagay nila ang kanilang suot sa tipo ng musikang kanilang hilig —Rock. Sinisiguro din nilang napananatili nila ang “kagalang-galang” na imahe nila.

     Apat silang tutugtog ngayong gabi. Apat na lang… Si Reed na kanilang vocalist at lead guitarist, si Chad sa bass, si Duncan sa rhythm at si Ivan sa drums. Kung nandito lang sana si Benjo, mas magiging masaya ang pagtugtog nila —ang bawat pagtugtog nila. Nasanay na rin naman sila. Makalipas ang mahigit isang taon na halos magdadalawang taon na, nasanay na silang wala si Benjo sa bandang minahal at iningatan nila, ang Rascals.

     Hindi pinalampas ni Neri ang pagkakataong ito. Pumunta siya sa bar kasama si Iris at ilang barkadang pawang kasamahan niya sa trabaho. Na-OP nga si Iris kaya humiwalay na lang siya ng upuan. Kung alam lang niyang dito sila pupunta at magkikita pala si Neri at ang mga barkada nito sa bar na ito, dapat pala hindi na lang siya sumama. Sana pala nakipag-text na lang siya kay soulm8, mas enjoy pa. ‘Di naman sa ‘di niya gustong makitang tumugtog ang Rascals, ang sa kanya lang, sana may naisama rin siya. Pero nandito na siya. Kakausapin na lang siguro niya kung sino man ang makakatabi niya.

     Makalipas ang ilang minutong paghahanda, tumungtong na ang apat na miyembro ng Rascals sa entablado. Madilim sa entablado at nang lumiwanag ang paligid, hiyawan ng tao ang narinig at sa pagbuka ng bibig ng gwapong bokalistang si Reed, halos mabingi na si Neri dahil sa tili ng mga babaeng humahanga sa kanyang kasintahan.

     Sa mansyon ng mga Evans. Nakabihis nang maayos si Hans. Sa kanyang hitsura, mukhang aalis siya ng bahay. ‘Di niya nalimutang suotin ang paborito niyang shades. Nang makasakay na siya sa kotse at handa nang paandarin ito palabas ng kanilang bahay, biglang nag-ring ang kanyang cell phone.

     “Where are you going?” si Millie ang nasa linya.
     “It’s obvious. I’m going out,” sagot ni Hans. Hinanap niya kung nasaan ang mommy niya at nakita niyang nakatayo ito sa main door ng bahay nila.
     “It’s already late,” paalala ni Millie.
     “I know, I know! I’ll be back before the clock strikes twelve and before this car is transformed into a pumpkin. Bye, mom!” ibinaba niya na ang cell phone at pinaandar ang kotse.

     Iyon ang pinaka ayaw ni Hans sa lahat. Lagi kasing nakabantay si Millie sa mga kilos niya at kahit na bente uno anyos na siya, ginagawa pa rin siya nitong baby.

     Naisipan niyang magpalipas ng oras sa labas at uminom ngayong gabi matapos ang pakikipag-usap niya kay Iris. Hindi niya nilantad ang tunay niyang pagkatao. Hindi niya sinabing siya ang kapatid ni Kyle na nakatext niya noong nakaraan. Nagtago lang siya sa alyas na “soulm8”. Kahit hindi niya pa nakikita si Iris, nararamdaman niyang espesyal ang babaeng iyon.

     Napili niyang magpunta sa isang bar na nadaanan niya. Nakita niya kasing maraming tao ang pumapasok. Ipinarada niya ang kotse at bumaba. Nabasa rin niya ang nakapaskil sa labas,

     “Tonight’s Live Band: Rascals. Hmm. Sounds interesting.”

     Pumasok na siya sa bar. Ang daming tao at halos wala nang maupuan. Kaya naman pala napakaraming tao ang pumapasok, magaling ang bandang tumutugtog at marahil dahil na rin sa hitsura ng bokalista. Mapapansin kasing mga kababaihan karamihan ang nasa loob ng bar. Umupo siya sa isang bakanteng upuang kanyang nakita at um-order ng beer.

     Tiningnan niya isa-isa ang miyembro ng Rascals. Bakas sa mukha ng mga ito ang ngiti at kagalakan. Pinakinggan niyang mabuti ang Rascals at masasabi niyang nag-eenjoy siya sa performance nito. Dalawang kanta ang kanyang natapos at dalawang bote na rin ng beer ang kanyang naubos. Maya-maya’y nagsalita ang babaeng kanyang katabi,

     “Ang galing nila no?” anito. Umiinom ito ng iced tea.
     “Uh right,” sagot niya.
     “Alam mo, lima sila sa grupo pero nagkaroon ng aksidente. Namatay yung drummer nila kaya yung dating lead guitarist nila ang pumalit na drummer at yung vocalist nila, humahawak na ng gitara.” Dumilim bigla ang mukha nito, “Hindi ko makakalimutan yun. Hindi ko mapapatawad yung taong pumatay sa drummer nila.”
     “What happened?” tanong ni Hans.
     “Hindi siya masamang tao. Wala siyang ginawang masama pero… pero… binaril siya.”

     Malungkot na kuwento. Kahit na nakasuot pa ng shades si Hans, nakikita niya nang malinaw ang naghahalong kalungkutan at galit sa mga mata ng babaeng kausap niya.

     “That’s sad,” ang tangi na lang niyang nasabi. “By the way, are you related to them?”
     “Kuya ko yung drummer nila ngayon.”
     “Oh really? You sure are lucky having a brother like him. I think the band looks so terrific even without the previous drummer and that’s because of your brother.”

     Tumayo na si Hans at lumabas ng bar. Lagpas na siya sa nakatakdang oras. Sumakay na siya sa kotse. Wala siyang kaide-ideya na ang babaeng nakatabi niya sa bar ay si Iris mismo. Nandoon pa rin si Iris hanggang ngayon, naghihintay ng makakatabi at naghihintay na yayain na siya ni Neri pauwi.

     Nang makarating sa bahay, inayos ni Hans ang sarili at handa na siyang matulog ngayon. Inaantok na siya at nakainom pa. Humiga na siya at nang matapatan ng liwanag ng lampshade ang kanyang mukha, hindi maikakaila na kamukha niya talaga ang bestfriend ni Ellie, ang dating drummer ng bandang Rascals, ang lalaking lihim na iniibig ni Iris… Kamukhang-kamukha ni Hans si Benjamin Rico IƱigo Salas.

***

No comments:

Post a Comment

Flying Dark Blue Butterfly
Got My Cursor @ 123Cursors.com
Cute Blue Flying Butterfly